HINDI mapakali si Gella mula nang sabihin ni Chloe na sa kanya nito iniwan ang sulat para kay Kelvin. Wala siyang matandaang may iniwan itong sulat sa kanya. Pero may ipinapasauli siya sa 'kin noon. Napasinghap siya. Dali-dali niyang kinuha mula sa ilalim ng kama ang "treasure chest" niya. Dinala niya iyon sa bahay nila ni Kelvin nang lumipat sila roon dahil naroon ang mga alaala ng mga magulang niya noong bata pa siya. Doon din niya itinago ang kahita ng singsing na ginamit ni Kelvin nang alukin nito ng kasal si Chloe noon. Ipinatong niya ang may-kalakihang kahon sa kama at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang maliit na teddy bear, sapatos, at bag na regalo sa kanya noon ng kanyang ina, at kung ano-ano pang mga bagay. Hinalughog niya ang laman niyon hanggang sa nakita niya ang kanyang

