Chapter Twenty

1184 Words

HINDI mapigilan ni Gella ang pagpatak ng kanyang mga luha. Bukod sa mga mata niya, wala nang ibang parte ng katawan niya ang gumagana. Pakiramdam niya, huminto sa pagtibok ang kanyang puso. Ayaw na ring iproseso ng utak niya ang ibang bagay maliban sa isa na naging dahilan ng pagkamatay ng kalooban niya. Wala na ang bata sa sinapupunan niya. Hinawakan niya ang kanyang tiyan. Muli siyang napahagulgol nang wala na siyang maramdamang buhay sa loob niyon. "My baby..." Narinig niya ang paghikbi ng kanyang ina at ang mommy ni Kelvin na kasama niya sa kuwarto sa ospital na iyon. Ang mama niya ang nagdala sa kanya sa ospital, pagkatapos ay tinawagan nito si Mommy Marcela para ipaalam ang nangyari sa kanya. Parang kailan lang nang unang sumipa ang anak niya sa loob ng kanyang tiyan. Pero ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD