HINDI mapakali si Kelvin habang pinapanood si Gella na isinisilang ang kanilang anak sa delivery room. Hinayaan siya ng mga doktor na manatili roon habang nanganganak ito. Hawak niya nang mahigpit ang kamay ni Gella habang patuloy ito sa pag-iri. Sa bawat sigaw nito, pakiramdam niya ay humihinto sa pagtibok ang kanyang puso. Kung puwede lang niyang akuin ang sakit, ginawa na niya para hindi na ito mahirapan pa. He hated seeing her in pain. Please. Let my wife and my child be safe. Isang taon na ang nakararaan mula nang magsama uli sila ni Gella bilang mag-asawa. Pagkatapos ng lahat ng masakit na pinagdaanan nila ay natagpuan pa rin ng mga puso nila ang daan pabalik sa isa't isa. Pagkalipas ng ilang buwan, isang malaking biyaya ang muling pagbubuntis ni Gella. Noong una ay natakot ito na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


