TAPOS na ang kaso. Malakas ang ebidensiya laban sa mga salarin at dahil na rin sa patung-patong na krimen kinasangkutan ng grupo ay napatunayang nagkasala sina David lupon ng mga kasama nito ay oinanigan sila ng korte. Masaya si Shane dahil nagkaroon na rin ng katarungan ang pagkamatay ng kaibigan niya at nang iba pang nabiktima ng chikinini gang. Wala na rin siyang dahilan pa para manatili sa poder ng binata. Kailangan na niyang umalis sa condo nito at bumalik na sa boarding house kung saan siya nararapat. Hindi na niya kailangan hintayin iyon mula sa binata dahil tiyak na masasaktan lamang siya. Pigil niya ang mga luhang gustong magmalabis sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata habang iniimpaki ang sariling mga gamit. Naging napakalaki na ng parte ng buhay niya ang tirahan ng binat

