Kinabukasan, ginising siya ng sikat ng araw na naglalagos sa siwang ng makapal na kurtina ng bintanang salamin. Napaungol siyang bumaligtad ng higa. Noon naman nagrebulosyon ang tiyan niya. Napangiwi siya. Napipilitan siyang bumangon nang maramdaman ding naiihi siya. Tila tuloy siya zombie na naglakad pahantong sa pinto at walang pagdadalawang isip na binuksan. Nag-iinat pa siya para lang magulat nang makita niyang napamulagat sa kanya ang isang may katabaang lalake na dumaan sa tapat ng cottage niya.
Naka-panty at racerback sando lang pala siya!
Napapahiya tuloy na agad niyang tinakpan ang harapan at nagkukumahog na bumalik ng kanyang kuwarto. Halos pabalibag na naisara niya ang pinto. Napanguso siya. Nawala sa isip niya na nasa probinsiya nga pala siya.
Nagtapis na lang siya bago lumabas ulit. Nang makapag-toilet, naligo na rin. Paglabas niya ulit, sexy short na mataas ang baywang at ladies long sleeves na itinali sa baywang at inirolyo sa siko ang suot niya. Hinayaan na lang muna niyang nakalugay ang alon-along buhok na umaabot nang kunti sa kanyang baywang. Tinernuhan niya iyon ng beige tong sandals. Isinuot ang mala-bubuyog ang epekto sa laki na sunglasses niya saka na nagtuloy sa restaurant. Agad siyang dumiretso sa counter at nag-order ng almusal. Pinili niyang umupo malapit sa gilid na nakaharap nang kunti sa ilog ng tila giant kubo na restaurant. Di pa siya natatagalang nakaupo nang maramdaman ang pagtaasan ng mga pinong buhok sa batok niya, signaling her that someone was looking at her.
Itinaas niya ang kanyang sunglasses at pasimpleng iginala ang paningin. Hayon ang tinamaan ng magaling na lalake na mukhang lasing yata. He looked at her so boldly. Tinaasan na niya ito ng kilay at binigyan ng masamang tingin pero ayaw siyang tantanan ng tingin. In fact, may order na okra na sagana sa kamatis kasama na ng agahan nito na ewan lang niya kung ano. Iyon ang nilalantakan nito nang mga sandaling iyon matapos isawsaw sa bagoong. Ngumisi pa muna sa kanya bago kinain nang labas-dila na tila siya iniinggit.
Normally, hindi niya papatulan ang mga ganoong klase ng tao na mukhang gustong-gusto ng gulo. Ang kaso nga lang, wala siya sa mood magpasensiya. Kung kailan dinedebate na niya sa sarili kung ano'ng klaseng pagsasabi ang gagawin dito, bigla na lang na nahawakan nito ang leeg. Namula muna bago tila namutla na rin at habol-habol na ang paghinga.
The i***t was choking.
Bago pa siya nakapag-react, bigla na lang na may umeksenang lalaki mula sa kung saan. Hinawakan ang lalake para ma-steady bago nito isinailalim sa Heimlich maneuver.
Napahinga siya ng mahaba nang bandang huli, nailabas ng lalake ang kinain nito'ng sumabit sa lalamunan. Kung di ba naman kasi engot.
Gusto niyang matawa sa reaksiyon nito nang tapunan siya ng tingin. Pahiyang-pahiya. Pinilit niyang magpakakaswal na parang walang nakita.
Saka humantong ang tingin niya sa lalakeng rescuer. Na nang tumayo, sa paang nakasuot ng puting Havaianas naunang lumanding ang mga mata niya at dumako iyon sa sky blue na boardshorts nito. And gasped when she saw that fine hair on his six packs na dumami sa malapad at malaman nitong dibdib, sa leeg, sa labing mapula na pinapaligiran ng five oclock shadow na balbas hanggang sa ilong nitong may katangusan. And finally, his arresting eyes na may makapal na kilay. He wore his own hair style of Mohawk na semi-kalbo ang magkabilang gilid pero sa gitna ay may mahahabang itim na buhok na sine-secure ng rubber band.
Nang minsan pang magtama ang kanilang mga mata, may tila kabang gumuhit sa dibdib niya sukat na mapakurap siya.
Hindi pa man siya nakakahuma, naglalakad na ang lalake palapit sa kanya. Gusto niyang mataranta. Lalo na nang ngumiti ito sukat para bumalandra sa harap niya ang ngipin nitong di man pantay ay mapuputi naman.
Alanganing sinuklian niya ang ngiti nito.
"Hindi mo na siguro pagsasabihan ang loko'ng lalake na iyon. He already got what he deserved, I think," sabi nito sa malagom na boses. "Can I join you? That is kung wala kang kasama at hindi ka pa nag-aagahan. Para naman may kasama ako."
"Ah, eh. Sure." Inihimatong niya ang bakanteng upuan sa harap niya. "Maupo ka."
"Caine, here," abot nito sa kanang palad.
"Ysa," sagot niya naman na inabot ang palad ng lalake.
Pero mukhang mali yata ang ginawa niyang pag-abot. Dahil nang hawakan nito ang palad niya, hindi nito kaagad binitiwan. Sa halip ay pumisil muna ang kamay nito sukat para imbulontaryong mapasinghap siya nang maramdaman ang boltahe ng kuryenteng gumapang sa kamay niyang hawak nito. Those same electricity sent some delicious shock waves on her spine before it skittered between her thighs.
She knew it right there and then that destiny would keep an eye on her and let her feel the warning of what was coming.