Knowing Me, Knowing You (Part 1)

2210 Words
"S-SALAMAT." May nginig pa sa boses niya na disimuladong binitiwan ang kamay ng lalake. Naikipit ang dalawang binti nang maramdaman ang tila pagpanakbuhan ng mainit na dugo pasentro sa pagitan ng kanyang hita. Damn it, what's happening to her? "Oh...para saan iyon?" Tila inaantok ang boses nito na inayos ang pagkakaupo. "Sa pagliligtas mo doon sa lalake'ng iyon. He's giving me the lewd act but he stupidly choke, instead." Doon na siya natawa nang marahan. "Yeah. I've seen that one." Ngumiti ito nang bahagya. "So, talagang wala kang kasama rito?" Umiling siya bago pa niya naisip na mali yatang agad-agad ay nagbigay siya ng signal patungkol sa kawalan niya ng kasama. What if masamang-loob pala ito? Pero may masamang loob ba na nakuha pang iligtas ang bastos na lalake kanina? Okey, maybe she needed to loosen a beat and take a gamble. "Yup. I just needed to get away for awhile. Recharge. Refresh. Regroup. Just—whatever." Nagkibit-balikat siya, trying so hard na huwag madala sa pagkakatitig sa kanya ng lalake. "I see. Mula ka sa siyudad siguro," komento nito. "Pero tama ka. Minsan, sa bilis ng takbo ng buhay sa siyudad, kung hindi ka makasabay, talagang maiiwan ka lang sa isang tabi. But at the same time, kahit nakakasabay ka naman, kailangan mo ring huminto muna paminsan-minsan at namnamin ang tsansa'ng makalayo din muna sa pakikipagkarerahan." Napahinga siya roon. "Wow. Ang lalim nu'n, ah. But really, may punto ka rin doon. At any rate, ito ang unang pagkakataon ko na magpunta rito." Tumango-tango ang lalake. "Saan ka ba sa siyudad, specifically?" Hindi kaagad niya nasagot ang tanong nito nang magpasintabi ang waitress at ilagay sa harap niya ang ipinasunod niyang kape. Pati ang lalake ay mayroon din. Humigop siya muna sandali ng kape. "Maynila," maiksing sagot niya mayamaya. Gusto niya sanang mag-elaborate pero sa pagkakataong iyon, pinigilan niya ang sarili. While the man may seemed to invite confidence, he is still a stranger at best. "You've been here for long?" Itinukod nito ang pinagtabing braso sa mesa at tinignan siya nang diretso sa mga mata. Eratikong kumabog ang puso niya sa ginawi nito. Kumurap siya at saka nagpukos sa kanyang kape. Inilapat ang hintuturo sa labi ng mug at sinundan ang pabilog na bunganga nu'n. "Two days ago. Ikaw?" tanong niya na bahagyang sinulyapan bago ulit itinutok ang tingin sa mug. "Parehas lang tayo." "Oh... Pero ngayon lang kita nakita." Nagkibit-balikat siya ulit. "Sabagay, hindi naman ako basta-basta lumalabas ng kuwarto. Nagkukulong lang ako this past few days. I just go out when I felt the need to soak under the sun for a good dose of vitamin D." Almost. Dahil alangan namang aaminin niya na nagpi-pity party siya kaya hindi basta lumalabas. "Likewise. Tinatamad gumala though I have to admit na maganda naman dito." "Ano'ng kuwento naman mayroon ang pagmumukmok mo? That is, if you don't mind my asking. Napansin ko lang na halos lahat ng nandito, kung wala sila sa ilalim ng araw at nag-e-enjoy sa iba't ibang water activities dito, nasa bar sila, nag-iinuman habang panay ang banat ng kanta sa videoke." "Ikaw?" instead ay balik-tanong nito saka natawa. "Nauna ako'ng nagtanong kaya." Lumabi pa siya. Sa labi niya napatingin ang lalake pero mayamaya itinaas ng lalake ang dalawang kamaay nito na parang sumusuko. "Yeah. Sorry. Well...it's kinda lonely out here kung wala ka naman kasamang magsaya." Napatango siya. Ramdam din niya iyon. "Taga-saan ka ba?" "Laoag, the sunshine city." "You belong to the sunshine city pero hindi ka maitim. 'Yang pangingitim mo ngayon, dala yan ng pagbababad mo rin siguro sa arawan." Hindi iyon tanong. Manapa'y konklusyon na lang iyon sa kanya. Hindi kasi pantay. "Huwag masyado. Summer na halos. While it is fun under the sun, there are risks involved from staying out there too long." Ngumiti na naman ang lalake. "Salamat sa concern mo. Doktor ka?" "Oo. Doktor na taga-check ng balance sheets at mga finance data ng samu't-saring tao," pabirong sagot niya. Ewan ba naman niya at habang nagpapalitan sila ng mga impormasyon at kuro-kuro, lumalapit ang loob niya rito in so short a time. Napapalagay na siya tuloy. But still, the awareness of that electricity that seemed to pervade the air between them was still there. She tried to ignore it but the more she fought, the more it plague her consciousness. Ito ba ang paraan ng katawan niya to cope with the stress of her ex-boyfriend and her stepmother's betrayal? A primal instinct which make her more aware and keen about things as electricity that passes between them? Or just her overdrive pheromones that was aware of having a man in front of her with a blatant s*x appeal and a body to match? Nakuha naman ng lalake ang ibig niyang sabihin. "Oh, bull. Galit na galit sa akin ang mga numero. Talagang pinahirapan ako niyan lalo noong college. Kaya hangga't kaya ko rin lang iwasan, ginagawa ko talaga. Pero kapag hindi na nakaiwas, napipilitan na lang na unawain para kahit paano, makapasa at maranasang magsuot ng toga." "So, ano'ng natapos mo kung ganoon?" "Criminology lang naman," sagot nito na kunwari nahihiya. He find him cute with his antic. Natampal niya ito sa braso. "Uy, hindi iyan simple. Nakatapak ang isang paa mo sa hukay sa bawat pagkakataon. Lalo pa kung nasa mission kayo." "Sapalaran na lang at kailangang tanggapin. Para lang mabuhay nang tahimik ang bawat mamamayan." She gave him a thumbs up. "Tama." Saka nagrebulosyon ang bituka niya. "Nasaan na kaya ang agahan natin?" naitanong niya na inabot ulit ang kape. Ngumuso ang lalake. Paglingon niya, magkasunod ang dalawang waitress na may dala-dalang tig-isang tray na may mga pagkain. French tip salad, sunny side up at tapang bangus ang order niya. She ditched the rice. Tanghali at dinner lang siya kumakain ng kanin. Pero ang lalake, power meal ang order. Nagsimula na silang kumain. Mayamaya umangat ang isang kamay ng lalake. May iniaabot sa kanya. "Tikman mo. Hindi ko alam kung ano'ng ingredients ang isinama rito pero masarap kaysa sa dati nang natitikman ko." Nailayo niya ang mukha na tinignan ang nasa kamay nito. "Danggit?" Tumango ang lalake. "Com'on. Try it." She did. Subalit nahigit ng lalake ang paghinga nang walang babalang masagi ng bibig niya ang dulo ng dalawang daliri nito na nag-abot sa isinubo nitong ulam sa kanya. Para tuloy natitigan ni Medusa na hindi kaagad nabitiwan iyon. And when he did, his Adam's apple moved up and down and back again. Lalo pa nang tumingin mismo sa mga labi niya nang ilang sandali bago patay-malisyang hinarap ang pagkain. Sa bandang huli tuloy, tahimik na natapos ang agahan nila dahil hindi rin niya malaman kung ano ang sasabihin. "COME." "Huh!" Nagulat pa siya ang marinig niya ang boses nito. Nang tignan niya, nakatayo na pala ang lalake sa tabi niya. Nakaumang ang kanang palad nito. Doon siya napatingin nang ilang sandali. Napalunok siya. Disimuladong napahugot siya ng hininga bago niya inabot ang palad nito. Nang bandang huli ay sakupin ng mainit na palad nito ang palad niya, inihanda kaagad ang sarili sa pagdaloy ng mga kuryenteng nagsisalakay sa iba't ibang parte ng katawan niya. Pakiramdam tuloy niya'y nasa alapaap na siya. Natisod siya tuloy sa paa ng mesa bago pa siya tuluyang nakahakbang pasunod dito. "Ooppss..." Agad siyang nayakap ng lalake. The instant she came into contact with his torso, parang may nagsagitsitang kung ano sa pandinig niya. His male scent create a wild havoc inside her. Tumakas ang mahinang ungol sa labi niya nang maramdaman ang tila pagdaklot sa kanyang kaibuturan. Napapikit siya sandali. At nang muli siyang dumilat, may intensidad ang tingin ng lalake na sumalubong sa kanya habang yakap pa rin siya nito. Nagkatitigan sila. Sumasal ang kabog ng dibdib niya. At pumupusta siyang ramdam nito iyon. Sukat sa naisip, napaayos siya ng tayo na patay-malisya na namang kumalas sa lalake. "S-salamat." Pinilit niyang ngumiti na inayos ang pagtabingi ng damit. Agad namang nakabawi ang lalake. "Walang problema. Halika, maglibot-libot muna tayo. Tamang pampababa ng kinain natin." Nang tangkain nitong hawakan siyang muli, maagap na nagpatiuna na lang siya sa pagbaba ng kubo resto. His touch rattled her. Those foreign feelings was so new it gave her goosebumps. Mamaya, atake na sa puso ang mapala niya. Kahit naman broken heart siya, wala siyang intensiyon na matigok kaagad. Hindi naman siya suicidal kahit na masakit ang nangyaring iyon. Gusto niyang tumanda at mamatay sa katandaan. They walked in companionable silence. May pathway doon na nayuyungyungan ng pergola. May humilig na mga puno ng bougainvillea roon na hitik na sa bulaklak na iba-iba ang kulay. Sa tuwing hahangin ng mabini ay may nagsisipaglaglagang talulot nu'n. Feeling niya tuloy, parang naglalakad sila sa ilalim ng mga cherry blossoms. Bukod sa bougainvillea, natatamnan din ang magkabilang gilid ng iba't ibang halaman na samu't sari rin ang kulay at bulaklak. Na-landscape nang natural ang buong river resort. At extensive ang mga ikinalat na mga giant ferns. Parang palms ang mga iyon. The whole place looked peaceful under the morning sun. "Ano'ng iniisip mo?" mayamaya ay pukaw ng lalake sa kanya. Bumuntong-hininga siya na tinapunan ito ng sulyap. "Random thoughts. For a start, ang ganda rito. Pakiramdam ko nga, parang puwede na ako'ng dumito na lang. Malayo sa gulo. Malayo sa pulosyon. And yeah, it's peaceful." "Buti naman at iyan ang impresyon mo. Hindi naman ako psychologist pero nakikita ko nga'ng para kang may mabigat na dala. Hayaan mo'ng yakapin ka ng aliwalas at ganda ng kalikasan. Maganda ang epekto nu'n sa kalusugan. Wala pa'ng bayad." Kung sasabihin niya kaya'ng ang presensiya nito ang isa sa mga bumabagabag sa kanya? But it was not actually cumbersome. It excite her, instead. Her heart thudded erratically again sending some delicious roaring in her blood. Her awareness of him was too much. Sinikap niyang palisin sa utak ang tinutungo ng kanyang isipan. Entanglement with someone though how exciting it could be might not be her cup of tea right at this moment. At hindi pa niya kilala nang maayos ang lalake'ng kasama. For all she knew, we was already taken, married or otherwise. Tumango siya. "That sounds so idealistic. And well, a little poetic, I might add. Pero tama ka naman. Hindi ko tuloy malubos maisip kung bakit kailangang sirain ng tao ang kalikasan. Nabasa ko minsan na ang kalikasan ay baga ng mundo. Habang humihinga, sinusuporatahan din nito ang buong sistema. Ngayon, sa tindi ng pagkaganid ng tao, nagka-climate change na. Hanggang ngayon, hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa Kabisayaan nang tumama ang Typhoon Yolanda. Puwedeng tumama iyon sa kahit saang bahagi ng mundo. Pero isang palantandaan na rin iyon na eratiko na ang paghinga ng mundo. Nakakatakot ang puwede pa'ng ibunga nu'n sa pagdaan ng mga araw." "Nature's wrath. What you sow, you reap." "Ang masama riyan, mga darating pang salinlahi ang magbabayad sa kamalian ng mga nauna sa kanila. Nakakaawa. Kung kaya ko rin lang na makagawa ng kahit kunting pagbabago ngayon, gagawin ko. Pero kung ako lang, magugunaw na ang mundo, wala pa ring pag-iiba." "Try mo, wala namang mawawala. Baka ikaw ang Al Gore sa panig na ito ng mundo." Natawa siya. "I wish I could be that influential. Tanim-tanim na lang muna ako ng puno sa bakuran namin. Pagbalik ko sa Maynila, try ko'ng magpaka-active sa corporate social responsibility ng pinagtatrabahuhan ko'ng accountancy firm. Ikaw, ano naman ang balak mo para sa kalikasan?" "Try ko ring gayahin ang binabalak mo." "Try to be original." Napakamot ito sa batok. Napanguso na tila nag-iisip pagkatapos. Kung di pa nasagkaan ni Ysa ang sarili, nayakap na niya ito sa pagkaaliw. Iba rin ang lalake'ng ito. He can be charming and cute without trying. He was a big man. Five feet, six inches na siya pero kailangan pa niya itong tingalain. Malamang ay six footer. "I'll try recycling, then." "Puwede na." Nakarating sila sa dulo ng pathway na kung saan tanaw na roon ang ilog. Napatingin siya sa lugar kung saan may nangyaring "himala" kagabi. Parang dibdib ng babae pala ang porma ng dalawang bato sa gitna. Istilong naliligo pero liyad ang dibdib sa ibabaw ng tubig. Kita niya sa peripheral vision niya na doon din ang hinayon ng mata ng lalake'ng katabi. Isinuot niya ang sunglasses at muli itong tinignan. Doon pa rin nakapukos ang tingin nito na parang may nakikita maliban sa dalawang batong pinaliligiran ng tubig. Mayamaya pa, napalunok ito. Gumalaw ang mga bagang. Parang biglang natensiyon. Bumuntong-hininga ito mayamaya saka siya binalingan. "Gusto mo'ng ihatid na kita sa cottage mo?" Huh, 'anyare roon? Nagtataka man ay tumango na siya. "Sige. Kung hindi naman nakakaabala sa'yo. Mainit na nga rin ang sikat ng araw." They walked the short distance to her cottage in companionable silence. Panaka-nakang tinatapunan niya ito ng tingin. Pero kung inaakala niyang lilingunin siya ay agad-agad din siyang nagbabaling ng tingin. "I'll see you around later, then?" sabi nito mayamaya nang nasa tapat na sila ng cottage niya. "Sige. Salamat. I enjoyed talking with you." Ngumiti sa kanya ng tipid. "Good to know. Same here. Sige, alis na ako." Tumango siya. Inihatid niya ito ng tanaw hanggang sa tuluyang mawala ito sa hanay ng ibang cottage sa di-kalayuan. Really, ano kayang nangyari roon? Napalingon siya ulit sa ilog. Namimisteryuhan siya sa lalake'ng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD