Chapter 3

2198 Words
Pano na? Gusto ko sanang bumalik sa pwesto ko sa bangketa. Kaso ang balita bantay sarado na daw yun ng mga pulis, dahil malapit na daw simulan ang itatayong mall doon. Malas naman talaga! Kung kelan malapit na ang birthday ni Hyohan. Bigla naman nagkaganto. Apat na buwan nalang kasi birthday na nito. At balak ko sana handaan ito ng maayos- ayos. Last year kasi wala akong pera kaya cake at spaghetti lang ang naihanda ko para dito. Kaya gusto ko sanang bumawi ngayon. "Kay!,baka naman may raket tayo dyan, sama mo naman ako. May pinaghahandaan kasi ako." nasa bahay ako ngayon ni kikay "kay" for short, hinatid ko kasi ang order nitong sapatos na world balance. Pangregalo daw nito sa jowa. "ayy, bakla! Tamang tama kelangan ko ngayon ng assistant. May pupuntahan kasi si May-May kaya di sya makakasama." tukoy nito sa assistant nito sa mga event. "ohh! Ano? Gora ka ba bakla?" tanong nito. "aba, oo naman!" sagot ko dito. Naglalakad na ako pauwi ng bahay. 3pm palang pero tengga na ako. Wala na kasi akong ibang raket ngayon. Di katulad dati, pagkatapos kong mag deliver diretso naman ako sa bangketa para maglatag. Di gaya ngayon, wala nganga! Naglakad nalang ako pauwi, malapit lang naman ang bahay ko mula sa bahay ni kikay. Malapit na ako sa bahay ng makita ko ang kumpulan ng mga tao. "Parang sa bahay sila nakatingin lahat!" sabi ko sa aking sarili. Kinakabahan ako habang naglalakad papuntang bahay. Hindi ko alam, pero parang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. kinakapos ako ng hininga habang palapit sa bahay. Ilang pulgada nalang ang layo ko mula sa nagkukumpulang mga tao. Rinig na rinig ko ang bulung-bulungan ng mga ito. Nang matapat na ako sa harap ng mga tao. May mga kumakausap sa akin, pero wala akong naririnig. Nakatuon ang paningin ko sa babaeng umiiyak. Ang lakas ng iyak 'nito. Ang bawat hagul-gol nito ay parang tumatarak sa puso ko. Hindi ko namalayan patakbo na pala ang ginagawa kong paglapit dito. Nang nasa harapan na ako ng babaeng umiiyak. Bigla itong tumayo at yumakap sa akin. "Mi-Mira, si-si Hyohan nasa ospital." pagkarinig ko palang sa pangalan ng anak ko para na akong hihimatayin. Mas lalong nakapag patigil sa pag-inog ng aking mundo ang sumunod nitong sinabi. *** Hospital* Nasa ospital na kami ngayon, nang malaman ko ang nang-yari kay Hyohan halos di ko kayanin. Para akong mababaliw. At mas lalong nakakabaliw ang nadatnan kong kalagayan nito sa ospital. Iba't-ibang aparato ang nakakabit sa katawan nito. Parang gusto kong makipag palit sa pwesto nito. Simula palang sa bahay iyak na ako ng iyak hanggang sa mailipat si Hyohan sa ICU. Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling ang mga luha ko dahil parang hindi ito nauubos. Flashback* " "di ko kasi alam kung pano ka macocontact wala ka namang cellphone. Kaya hindi kita matawagan." pagpapatuloy nito. Hinigit ko na agad ito para pumunta ng ospital kung nasaan si Hyohan. End of Flashback* Lumabas ang doktor na nag-opera kay Hyohan, mula sa ICU room na pinag dalhan dito pagkatapos ng operasyon. " Mrs. Asuncion, tatapatin ko na po kayo. Malala po ang nangyaring impact sa ulo ng inyong anak." sabi ng doktor habang mababakasan ng pag-aalala sa tinig. "may mamuong dugo sa utak ng inyong anak. At malaking halaga ang kilangan para maisagawa ang operasyon sa pagtanggal ng dugo mula sa ulo nito." pagpapatuloy pa ng doktor. "sa ngayon okay pa ang inyong anak, pero hindi ko po masasabi kung hanggang kelan nya kakayanin." sabi pa ulit nito. Sabay tingin sa dala nitong log book. Tumingin ulit ito sa kanya. " we need to perform immediate operation. To remove the blood clot in his brain. " pagpapatuloy pa nito. Ngunit parang nabibingi na ako. Ang malala at delikadong lagay ni Hyohan, ay nag-papatigil sa aking paghinga. Lalo pa ang marinig na kilangan ko ng malaking pera para sa operasyon ni Hyohan.. " do-dok! Magkano naman po ang kilangang pera para maoperahan si Hyohan?" tanong ni Kim na nasa tabi ko. Nahalata siguro nito na hindi ko kayang magsalita kaya ito nalang ang nagtanong sa doktor ng mga kilangan nilang malaman. "400 thousand pesos. Yan ang estimated ko na magagastos sa gagawing operasyon kay Hyohan." pagpapaliwanag nito. Wala na akong alam sa iba pang pinag-usapan ni Kim at ng doktor. Dahil nakatuon nalang ang buo kong pansin sa anak kong nakahiga sa loob ng kwarto. Habang walang malay. Pumasok ako sa loob ng kwarto at nilapitan ang walang malay na anak. Hinawakan ko ang kamay nito na may nakaturok na dextrose. Hindi ko napigilan ang muling maluha. Nasasaktan ako sa mga oras na ito. Kung sana kaya kong bigyan ng magandang lugar at bahay ang anak ko at hindi yung sa eskwater area kami nakatira, baka hindi ito nangyari. Hindi ko magawang hindi sisihin ang sarili. "Mira!" tawag ni Kim sa pangalan ko. Tapos na pala nitong kausapin ang doktor. Humarap ako dito. At bigla ko itong niyakap. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Pero kilangan kong magpakatatag para sa anak ko. Para kay Hyohan. Niyakap ako ni Kim pabalik. "tahan na, magiging okay din ang lahat." sabi nito habang hinahaplos ang aking likod. Upang pakalmahin. Kumalas ako sa pagkakayakap dito. At binalik ang tingin sa walang malay na si Hyohan. "Kim, anong gagawin ko? Saan ako kukuha ng 400 thousand?" tanong ko dito. "wala akong magandang trabaho, nabawasan ang raket ko. Hindi naman ako matanggap tanggap sa mga ina applyan kong trabaho. Dahil wala akong natapos." pahayag ko dito. Totoo naman. Sumubok na akong mag apply dati pero hindi ako natatanggap, dahil wala akong natapos. Nakapag high school ako pero hanggang second year lang. Di ko na kasi kayang pag-aralin ang sarili ko. " wag kang mag-alala, tutulong ako." sabi ni Kim. Humarap akong muli dito. "ki-kim, baka may alam kang trabaho. Yung kikita ako ng malaki." may pagka desperadang tanong ko dito. Nagulat ito sa tinanong ko. Dahil ni minsan hindi pa ako humingi ng raket dito. Alam ko kasi na wala naman itong ibang trabaho maliban sa pagiging entertainer sa club. " talaga bang, okay lang sayo kahit anong trabaho?" paninigurado nito sa sakin. Tango lang ang naging sagot ko dito. Kahit ano handa nyang pasukin. Magdamag akong nagbantay kay Hyohan. Hindi ko ito iniwan. Miski ang kumain hindi ko na nagawa. Kinabukasan nagising ako ng makaramdam ako ng tapik sa aking balikat, Si Kim pala. "Mira, aba magpahinga ka naman! , baka mamaya ikaw naman ang ma ospital!" sabi sa akin ni Kim. Di ko namalayang nakaidlip pala ako. "a-ayos lang ako, kaya ko pa naman." tugon ko dito. "anong kaya? Tignan mo nga yang sarili mo mukha kanang zombie. " ako na munang bahala dito umuwi ka na muna at maligo. Magpahinga ka na din kahit papano. " sabi naman nito sa akin. Mabuti nalang at may kaibigan akong katulad ni Kim. Siguro kung wala ito sa tabi ko hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. "sya nga pala, may raket na ako para sayo."sabi nito na nakapag palingon sa akin dito. " talaga! Anong raket? Kelan? " sunod-sunod kong tanong dito. " sure ka ba talaga na okay lang sayo kahit anong trabaho? " pagtitiyak nitong muli. " oo naman kahit ano! " walang pag aatubiling sagot ko. *** Kinakabahan ako, hindi ko maisip na kaya kong gawin ito. Parang gusto kong umatras. Pero may parte sa akin na pinipigilan ako. Kilangan ko ng pera. Yun lang ang nagpapalakas sa loob ko. "Kim, ano? Handa na ba yang bata mo? Ilang segundo nalang magsisimula na ang palabas." rinig na rinig ko ang sigaw ng manager ni Kim na si mami Ester kung tawagin. "konting kembot nalang mami. Gora show na." sigaw naman ni kim pabalik. . Panloob lang ang tanging suot ko. Ang tawag daw nila dito ay romper. Kulay puti ito, at naka kulay puti din akong mask na may balahibo ng manok sa gilid. Hindi ko alam kung ano ang mga tawag sa suot ko. Basta ito daw ang kilangan kong isuot para madali daw akong makaakit ng customer. Ito ang sinabi sa akin ni Kim na raket, ang maging isang dancer ng club. May malaking event daw kasi na gaganapin sa club na pinagtatrabahuhan nito. At nag back-out daw ang star of the night. Kaya ako agad ang naisip nitong pwedeng ipalit. Napabuga ako ng malalim na buntong hininga. "kinakabahan ako Kim!" Hinawakan ako nito sa kamay " kaya mo yan! Basta pag nahihiya ka o di kaya kapag parang gusto mo nang umatras. Ipikit mo lang ang mata mo wag mong isipin na may nanonood." paalala nito upang palakasin ang kanyang loob. Tango lang ang naisagot ko dito. "okay, ready! Mga performer pwesto na!" sigaw ulit ni mami Ester. Hudyat na magsisimula na ang palabas. Kanya kanyang pwesto ang mga performer. Tumayo na din ako at pumunta sa pwesto ko. Bumukas ang malaking entablado. Isa-isang lumabas mula doon ang mga naggagandahang mga mananayaw. Para silang mga bituwin sa gabi. Kumikinang sa mga suot na makukulay at maninipis na saplot. Tumugtog ang kanta ng pussycat doll na "Buttons" [Verse 1: Snoop Dogg] What it do, baby boo? Yeah, lil' mama, you lookin' good I see you wanna play wit a player from the hood Come holla at me, you got it like that Big Snoop Dogg with the lead Pussycat I show you how it go down, yeah, I wanna throw down Me and you one-on-one, treat it like a showdown You look at me and I look at you I'm reachin' for your shirt, whatchu want me to do? Kasabay ng tugtog ang pag giling ng mga balakang ng mga kababaihan. Nang tumugtog ang chorus ng kanta. Hudyat ito na oras na para sa akin. Ngunit parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Para akong natulos sa kinatatayuan. Lumapit sa akin si Kim. Hinawakan nito ang kamay ko. " Mira, kaya mo yan!" pagbibigay lakas loob nito. Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko, hanggang sa makatapak na ako sa intablado. Kinakabahan ako. Napakadaming na nonood lahat ay mga lalaki. Mga nakapormal ang mga ito. Ang iba ay naka business suit. Habang ang iba ay mga naka polo na parang mga model. Nilakasan ko ang aking loob. Pumikit ako at dahan dahang iginiling ang aking balakang. Isinabay ko ang paggiling sa tugtugin. Chorus: The Pussycat Dolls] I'm telling you to loosen up my buttons, babe (Uh-huh!) But you keep fronting, uh Sayin' what you gon' do to me (Uh-huh!) But I ain't seen nothing I'm telling you to loosen up my buttons, babe (Uh-huh!) But you keep fronting, uh Sayin' what you gon' do to me (Uh-huh!) But I ain't seen nothing Kasabay ng giling ng katawan ang malamyos na galaw ng aking kamay. Pinadausdos ko ang isa long kamay kamay mula sa ilong, dibdib, tiyan hanggang sa makarating sa harap ng aking puson. Pinaikot ko doon ang aking kamay. Unti-unti kong minulat ang aking mata. "Bahala na" ito ang tinatak ko sa aking isip. Ninamnam ko ang malanding tugtugin. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Basta giniling ko lang ang aking katawan katulad ng mga nakikitang dancer sa club sa mga palabas sa tv. Hiyawan mula sa mga kalalakihang nanonood ang kanyang naririnig. May ibang naglabas ng wallet at kumuha ng pera. May mga naghahagis ng pera sa entablado. May nakita pa akong isang lalaki na kalbo na kausap si Mami Ester. Sa gawi ko nakaturo ang hintuturo ng lalaking kalbo. Ang iba ay parang mga naglalaway na ulul na aso. Nakikiya ko sa mata ng mga ito na parang gusto akong hubadan ng mga ito. Pero hindi ko iyon pinansin. Pinagpatuloy ko ang pag-indayog hanggang sa matapos ang tugtugin. Matapos ang ginawa kong performance, nanakbo ako patungo sa dressing room ng mga performer. Binuhos ko ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Iniyak ko ang lahat. Nanliliit ako sa aking sarili. Hindi ko inisip kelan man na kaya kong gawin ang bagay na to. Ngayon alam na nya ang pakiramdam ng mga babaeng nagbibigay ng aliw sa mga hayok sa laman, para lang sa kakarampot na pera. Tinig ni Mami Ester ang nagpatigil sa akin sa pag-iyak. Nagtititili itong lumapit sa akin. "Mira! Mira!, halika dali, dalian mo." tawag nito sa akin. "Hay naku, magugulat ka. May mayamang gustong ilabas ka. Nakausap ko siya kanina. Sabi nya kahit magkano daw. Name your price daw.!" Maligayang sabi nito sa akin. Nagulat ako sa ipinahayag ng huli. Natatakot ako, pero, baka ito na. Baka ito na ang inaantay ko. Mapapa operahan ko na si Hyohan. Wala akong alam sa mga ganitong bagay. Unang beses ko palang sa larangang ito. Hindi agad ako nakapag salita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "hoy! Mira ano na? Inaantay ng customer ang sagot mo." napapitlag ako ng biglang magsalita si mami Ester. "kung ako sayo grab the opportunity." dugtong pa nito. Para kay hyohan kaya kong gawin ang lahat. Kung mawawala sa akin ang anak ko. Para na din akong nawala. Kaya kong ibenta ang sarili kapalit ng pera para sa nag-iisa kong buhay....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD