Chapter 2

2300 Words
Madilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Naninigaw. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit pano? Masyado syang 'malakas. Hindi ko sya kaya. Nasasaktan ako. Nahihilo. Halos di ako makahinga. Ilang beses nya akong sinaktan. Gusto ko mang ipagpatuloy ang panlalaban ngunit unti-unting nauubos ang lakas ko. Hanggang sa wala na akong nagawa, hinayaan ko nalang sya. Nakatulala nalang ako habang ang halimaw na ito ay dinudungisan ang aking pagkatao. Dinudungisan ang aking katawan. Ano nang mangyari sa akin? Sira na ang buhay ko. Tanging luha nalang ang aking nagawa. Hanggang sa unti-unting ginugupo ng kadiliman ang aking paningin. "huwag!" napabalikwas ng bangon si Mira. Para syang nang galing sa isang mahabang pagtakbo. Nag-aalalang mukha ng kanyang anak ang kanyang nabungaran. "nanay, bakit po kayo umiiyak habang natutulog?" nag-aalang tanong nito sa kanya. Napayakap sya dito. Gusto nyang itago ang luha na hindi nya namalayang tumulo sa kanyang mata. "wala to baby, napuwing lang si nanay." depensa nya dito. "pe-pero po, kanina, para po kayong natatakot. Ginigising ko nga po kayo. Pero ayaw nyo po gumising. Tapos umiyak na po kayo." nag-aalala pa rin nitong sabi. "wala talaga baby, may napanaginipan lang si nanay na monster." pagsisinungaling nya dito. Kumalas siya sa pagkakayakap dito, at hinawakan nya ang mukha nito gamit ang dalawa nyang kamay. "Kumain kana ba? Si nanang mo, gising na ba? " pag-iiba nya sa usapan. Ayaw na nya kasing pag-usapan ang bagay na yun. Mas magandang kalimutan nalang. "hindi pa po, inaantay ko po kasi kayo gumising. Gusto ko po kasi sabay tayong kumain." malambing nitong pahayag. Tumayo na sya mula sa higaan. At hinawakan ang kamay ni Hyohan para tumayo na din ito. "anong gustong almusal ng baby ni nanay?" malambing na tanong nya dito. "kahit ano po nanay, okay lang." malambing na sagot nito sa kanya. "sige, dito ka lang ha! bibili lang si nanay kina aling Vivi ng almusal, okay lang ba sayo ang sopas?" tanong nya dito. "sige po. Sopas na lang." Kinuha ko na ang pitaka ko sa loob ng kwarto namin ni Hyohan. Pagkakuha ko lumabas na ako ng bahay para makabili ng almusal kina aling Vivi. Bumili ako ng isang order ng sopas, palabok at spaghetti. Bumili na din ako ng bente pesos na pandesal. Habang naglalakad narinig narinig ko ang morning radio na bunganga ng mga mahaderang kapitbahay. "ayy, oo nabalitaan ko nga. Idede-Demolish na daw yung mga bahay doon sa malapit sa palengke. May nakabili daw na mayang negosyante. Papatayuan daw kasi yun ng mall!" sabi nung payatot na nakakulay dilaw na damit. Sino kaya nakabili nun? Siguro mayaman nga talaga yung nakabili, ang lawak kaya ng lupa na yun. Bulong ko sa sarili ko. Kaso, pano na kaming mga vendors? Doon kasi ako pumupwesto sa pagtitinda. Pagdinimolish na yun paniguradong wala na akong mapupwestuhang iba. Mahirap pa namang maghanap ng lugar na mapag lalatagan ng paninda. Nakabalik na ako ng bahay habang nag-iisip tungkol sa narinig ko sa labas. "oh! Bat parang ikaw naman ang mukhang byernes santo ngayon?"napatingin ako sa nagsalita. Gising na pala si Kim, di ko namalayan na nasa harap ko na pala ito. " aga nating nagising ahh? " tanong ko dito. Para maiba ang usapan. " maaga kasi akong nakauwi, 3am palang kasi pinauwi na ako ni mami Ester." tugon nito. "ehh, ikaw? Bat parang ang aga-aga nakabusangot na yang mukha mo?" pagbabalik nito ng tanong. Naglakad ito papuntang lababo at kumuha ng tubig sa dram tyaka naghilamos at nag mumog. Habang ako, naglakad na din patungo sa lamesa. Nilapag ko ang mga nabili kong almusalan. "kasi, narinig ko Ide-demolish na daw yung labas ng palengke. Pagnangyari yun wala na akong mapaglalatagan ng mga paninda." pagpapaliwanag ko dito. "nakaka imbyerna nga yan." tugon nito sa akin. Nang matapos ko nang ihanda ang almusal. Tinawag ko na si Hyohan para makapag agahan na. "Hyohan! Halika na handa na ang almusal." Tumatakbo itong lumabas mula sa loob ng kwarto namin. Umupo na ito sa katabing silya ko. Payapang natapos ang almusal namin. Niligpit ko na ang mga pinagkainan at hinugasan na din nya ito. pagkatapos nyang hugasan ang mga pinagkainan. Pumasok na ako ng kwarto namin ni Hyohan para maghanap ng damit na pamalit. Kilangan ko na kasing umalis. May ihahatid pa kasi akong mga orders. Maliban kasi sa pagbebenta sa bangketa rumaraket din ako sa pagpapaorder ng Avon, Natasha at kung ano-ano pa. Nang matapos na akong maligo inayos ko na ang mga dadalhing orders at paninda. Medyo madami ang order ngayon kaya mag ta-tricycle nalang ako. Bago ako umalis binilinan ko muna si Hyohan. "baby, wag kang pasaway kay nangnang ha!, sige ka pag nagsumbong sa akin si nangnang na nakipag away ka nanaman wla kang pasalubong." pagbabanta ko dito. "opo, nanay! Big boy na po ako, di na po ako magpapasaway." tugon naman nito sa akin. "totoo ba?, dika na magpapasaway? Baka dalawa na black eye mo mamaya." singit ni Kim sa usapan namin ni Hyohan. "wala kasi akong gana kahapon nangnang. Siguro kung ginanahan ako baka napatulog ko yung butchok na yun ehh. Di lang din ako nakaiwas kaya natamaan ako sa mata ng suntok." dipensa nito kay Kim. "talaga ba?" pang-aasar ni Kim dito. "opo, talagang talaga." mayabang naman na sagot ni Hyohan. "Hyohan! Anong sabi ni nanay? Bawal ang makipag away, masama yun." pangangaral ko dito. "pe-pero nanay-" "walang pero pero. Apat na taon ka palang gusto mo nang maging buksengero." pagputol nya sa pangangatwiran nito. "Kim, ikaw na bahala sa bulinggit na yan ha. Alis na ako." Mabuti nalang nandyan si Kim. Siguro kung wala ito di ki na alam kung anong mangyayari sa aming mag-ina. Ito lang ang nag-iisang taong tumanggap sa akin noong panahong tinatakwil ako ng mundo. Noong panahong walang gustong tumanggap sa akin. Kaya kahit ano pang sabihin ng iba, mataas ang tingin at respeto ko kay Kim. Kung baga ito ang night in shining armor naming mag-ina. "oo, sige na. umalis kana. Mamaya malate kapa sa pagdeliver ng paninda mo. Wag mong alalahanin ang junakis mo, akong bahala dyan " tugon nito. Hinalikan ko na si Hyohan at nagpaalam na sa dalawa. "alis na ko." pag-papaalam ko. "ingat ka!" Tugon ni Kim. "love you nanay, ingat ka po!" sabi naman ni Hyohan. Sumakay na ako ng tricycle. Na Inarkila ko. madami dami kasi ang dadaanan ko hindi ko naman kayang bitbitin lahat ng paninda at order sa akin. Maaga siyang natapos sa pagdideliver. Diretso na ako sa pwesto sa labas ng palengke para maglatag naman ng panindang damit. "lapit mga suki, presyong devisoria. Sa murang halaga madami na kayong mapipili." paghihikayat ko sa mga tao sa pakantang paraan. Madami sigurong natuwa sa pagkanta ki, iba talaga pag may golden voice. Hehehehehe! dumami kasi bigla ang tao na namimili sa paninda ko. "ate magkano?" tanong nang isang customer. "para sayo sandaan nalang yan." tugon ko dito. "sige, bilhin ko na." diklara nito. Nakakapagod, pero sulit naman madami kasing mamimili ngayon pay day kasi. Kaya mukhang madami dami na naman ang benta. "ate Mars, pabantay naman saglit, bili lang ako ng pagkain gutom na kasi ako" paki-usap nya sa katabi nyang tindera na si ate Mars. "sige, bilisan mo lang." tugon naman nito sa akin. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad papunta sa karinderya ni ate Mirna. "isa nga pong order ng kanin at adobo, pabalot nalang po. Isa din po palang boteng tubig." sa pwesto nalang ako kakain. Mahirap na baka kasi may parak na dumating makumpiska pa yung paninda ko. Inabot na nya ang bayad sa tindera ng matapos nitong ibalot ang order ko. " salamat po!" sabi ko. Malapit na siya sa pwesto ng makarinig siya ng mga nagsisigawan. "May parak!, may parak! sigaw nung isa habang tumatakbo." Napabilis ang lakad ko hanggang sa tumatakbo na pala ako papuntang pwesto. Niligpit ko agad ang mga paninda at mabilis na tumakbo. Bitbit ang isang malaking bag napuno ng mga panindang damit. Takbo lakad ang ginawa ko makatakas lang sa mga parak na nanghuhuli ng illegal vendors. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta takbo lang ako ng takbo. Hanggang sa na punta akosa parking lot ng isang mall. Napaupo ako sa lapag. Hingal na hingal ako na para galing sa isang marathon. "grabe kapagod, kala ko mahuhuli na ko." sabi nya sa kanyang sarili. Bitbit ko pa din ang binili kong pagkain mula sa kainan ni aling Mirna. Ininom ko ang tubig. Halos isang lagukan lang ang ginawa ko dahil sobrang nauhaw ako sa pagtakbo. Biglang kumalam ang sikmura ko. nakalimutan kong di pa pala ako kumakain. May nakita akong upuan sa gilit. "pwede na yan! Wala namang makakakita sa akin, dahil nasa parking ako ng isang mall at wala namang tao. Tinungo ko ang upuan para kumain. Nilapag ko ang plastic bag na puno ng mga paninda kongdamit. " hay! Salamat makakakain na din." binuksan ko na ang lagayan ng pagkain na binili ko kanina. Isusubo ko sana ang pagkain ng biglang may pumito. Nang tignan ki kung sino yun. May papalapit na guard sa gawi ko. Pumito ulit ito. "bawal kumain dito!" sigaw nito habang naglalakad patungo sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at umalis na lamang. Baka mamaya hulihin pa ako nito. Nakatakas nga ako sa parak pero baka sa guardia ako madali. Bitbit ang plastic bag na paninda, nagsimula na akong maglakad paalis sa parking lot. Sinisipa sipa ko ang bato sa harapan nya habang naglalakad. Nag-iisip siya kung anong pwede nyan gawin ngayong, parang nagkakahigpitan na sa mga illegal vendors. "Malas naman talaga" sabi ko sabay buntong hininga. May nakita akong isang lalaki na naglalakad nakasuot ito ng tuxedo na kulay asul, naka fitted jeans din ito na kakulay ng pang-itaas nito. Medyo malayo ako sa lalaki. Pero kitang kita ko ng may nalaglag mula sa bulsa ng pantalon nito. Ngunit parang hindi nito napansin ang nalaglag mula sa bulsa nito. Nasatapat na ito ng sasakyan, na siguro ay sasakyan nito. Pero hindi pa rin nito napapansin ang nalalag mula dito. "kuya may nalalag po kayo!" sigaw nya dito habang nilalapitan nya ang bagay na nalaglag mula dito. Nalapitan na nya ang bagay na nalaglag mula dito. Pero parang hindi siya nito naririnig. Wallet pala ang nalaglag mula dito. At mukhang makapalkapal siguro madaming laman." sana all" bulong ko sa kanyang sarili. "kuya! Wallet mo nalaglag!" sigaw ko ulit pero parang may deperensya sa pandinig ang lalaki. Dahil kahit anong sigaw ko hindi ako nito naririnig. Wala akong nagawa ng makita kong sumakay na ito sa sasakyan nito. Patakbo ko itong tinungo. Pasalamat talaga tong si kuya, dakilang honest ako. Kung hindi panigurado iyak to. Paandar na ang sasakyan ng makalapit ako dito. Kinatok ko ang salamin ng kotse. Ilang segundo lang ay bumukas ang salamin ng sasakyan. Ngunit para akong sinakluban ng langit at lupa. Nakatitig lang ako dito. Para akong nakakita ng multo. Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ang kamay ko, maging ang tuhod ko ay parang mawawalan ng lakas. "miss?" natauhan ako ng marinig ko ang boses nito. Napakalalim parang hinihigop nito ang lahat ng lakas sa katawan ko. "what is it, miss?" tanong muli nito, na ngayon ay nakatingin na sa mata ko. "yu-yung wa-wallet nyo po. Na-nalaglag nyo po." sabi ko dito sa tono na nauutal, inabot ko dito ang wallet nito pero hindi ko maitago ang panginginig kamay ko. "miss! Are you okay?" tanong nito. "nanginginig yung kamay mo." tukoy nito sa kamay kong nag-aabot ng wallet nito. Kinuha na nito ang wallet. Pagkakuha nito sa wallet binawi ko agad ang kamay ko. Gusto kong itago ang nararamdaman ko ngayon. "o-okay lang ho ako" sagot ko sa tanong nito kanina. "are you sure?" tanong nito ulit. "opo, a-ayos lang po ako!" sagot ko ulit. "what's your name?" tanong nito sa sa pangalan ko. "Mi-Miracle Asuncion po, pero Mira nalang po." pagpapakilala ko dito. "ohh! Mira. Thanks for this" sabay taas nito sa wallet na hawak nito. "we-welcome po" tugon ko dito. Nakita kong kumuha ito ng pera sa loob ng wallet. Inabot nito sa akin ang perang kinuha sa wallet. "ano po ito?" tanong ko dito na may naguguluhang tono. "it is for you, because you gave back my wallet." tugon nito pero walang emosyon ang mukha. "na-naku! Wag na po. Masaya na po akong nabalik ko yang wallet nyo. Sapat na po sa akin ang thank you" pagtanggi ko sa binibigay nitong pera. Pinilit pa din nito sa akin ang pera, pero hindi ko ito tinanggap. "okay, miss! If you don't want to accept this cash-" sabi nito sabay buklat ulit sa wallet, may kinuha itong maliit na papel mula doon. Inabot nito sa akin ang papel. "this is my calling card, tawagan mo ko, kung kilangan mo ang tulong ko" pagpapatuloy pa nito. Tinanggap ko ang inabot nitong papel. "si-sige po." sagot ko dito. Tumingin ito sa suot na relo sa kamay. "sorry!, but i need to go. I have an urgent meeting, call me if you need my help. That is my calling card" sabi nito sabay turo sa papel na hawak ko ngayon. "okay, lang sir. Sige po alis na po kayo." tugon ko dito. Nakaalis na ang sasakyan nito pero nakatulala pa din ako sa pwesto ng sasakyan nito. Ba-bakit, parang kinabahan ako? Bakit parang hindi ako mapakali. Imposible, siguro magkahawig lang sila. Madami namang tao sa mundo na magkakahawig. Baka nagkataon lang... Tinignan ko ang inabot sa akin nitong calling card," Boston" basa nya sa pangalan nito. Hindi nga siya hindi naman Boston ang pangalan nun. Ngunit ng mabasa nya ng apelyido nito, kumabog ng malakas ang dibdib ko "Madrigal. CEO of Madrigal Corp." Pinakalma ko ang aking sarili, bago ay huminga ng malalim. Siguro nagkataon lang, madami namang may apelyidong Madrigal. Pambawi ko sa aking sarili......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD