Chapter 15

2058 Words
Tulala ako ngayon. Hindi ko mahagilap ang dila ko. Totoo ba Ang pagkakarinig ko? Totoo bang tinawag ni Hyohan si Matteo na tatay? Nakatingin lang ako sa dalawa, Hindi ko makitaan ng pagtataka si Matteo. Di ba wala siyang maalala pero bakit okay lang na tawagin siyang tatay ni Hyohan? "Hyohan? Baby? Halika kay nanay. Dapat di mo tinatawag na tatay ang di mo kilala." Nakita ko ang pagtingin ng dalawa sa akin. Bakit parang may mali? Sa paraan ng pagtingin ng dalawa para akong may nasabing di Tama, mag-ama nga talaga. Agad akong lumapit at inagaw ko si Hyohan Kay Matteo na ngayon ay karga karga na nito. May mangilan ngilang napapahinto at mga matang nakatingin sa gawi namin. marami sa mga Ito ay puros kababaihan. Siguro dahil sa malakas na pag-iyak ni Hyohan o baka naman dahil sa lalaking nakatayo sa harapan namin. Kahit sino naman kasi mapapatingin at mapapahinto Kung ganitong mukha ang makikita mo. "Nay, tatay po . Gusto ko po kay tatay." Parang binundol ng maraming beses ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Hyohan. Alam kong sabik si Hyohan sa isang ama. Ngunit Hindi ko inaasahang ganito Ito kasabik. Pano nalaman ni Hyohan na si Matteo Ang tatay niya? Sinabi ba ni Matteo? Pero diba wala siyang maalala? Nang tignan ko naman si Matteo parang wala itong pakialam na tinawag siyang tatay ni Hyohan. Ngayon ko lang nakitang ganito si Hyohan. Nagpapapalag Ito sa pagkakahawak ko. Nakalupagi din Ito sa lapag. Nagpantay ang mga mata nila ni Matteo ng yumuko Ito upang maabot si Hyohan na ngayon ay walang tigil sa pagwawala. "Stop crying big boy. Tatay's here." Napatingin ako kay Matteo dahil sa pagkagulat sa sinabi nito. "Tama ba ang pag kakarinig ko? Tinawag nyang tatay ang sarili niya." Nakatayo na ang dalawa ngunit ako ay naiwang tulala. "Nanay, Tara na po nagugutom na po ako." Tyaka lang siya bumalik sa huwisyo ng marinig niya ang pasigaw na tawag ni Hyohan. Agad siyang tumayo upang makalapit sa mga Ito. .... Pwede na pala ako maging mutant, may super power ata ako ehh. Para kasi akong Tanga, magkakasama kaming tatlo sa iisang lamesa pero parang Isa akong invisible woman. Habang itong dalawang to feeling mga artista tuwang tawa pa atang ninanakawan ng picture ng mga babaeng parang ngayon lang nakakita ng lalake. Ang ingay ng paligid pero rinig na rinig ko ang mga kinikilig na tinggil. Mga teh, first time nyo lang makakita ng tao? Ano ba mga nakakasama nyo mga unggoy? Char...Pero syempre sa sarili ko lang yun sinabi. Tuwang tuwa si Hyohan sa kinakaing sunday, kalat kalat pa nga ang ice cream sa gilid ng bibig nito. Habang si Matteo tuwang tuwang sinusubuan ng ice cream si Hyohan. Nandito kami ngayon sa Jollibe yung pinang galingan namin ni Hyohan kanina. Sayang Kaya yung order ko kanina. 400 pesos din yun no. Naisip ko bigla, siguro kung matagal ko nang ipinakilala Kay Hyohan ang tatay nito, siguro matagal ko nakita ang matatamis nitong ngiti. Yung katulad ngayon ngiting parang wala ng bukas. "Hi, po." Isang babae ang lumapit kina Matteo. "Yes, miss?" Malamig na boses na tanong ni Matteo. Siguro kung ako ang kausap nito baka matakot na ako sa boses palang nito. Pero imbis na matakot si ate gurl parang mas lalong nagpacute. May paipit pa ng buhok sa tenga, ehh kung pilipitin ko kaya ulo nito. "Pwede pe be magpapekture seyo, keseme pe yeng kepeted nyo? Ang cute nyo poh kese" Pabebeng tanong nito. Hala, teh. May singaw ka? Piso lang tawas bili ka. Mangali-ngaling sabihin ko dito. Kita ko sa gilid ang mga kaibigan ata ng haliparot na to. Todo kung maka cheer kala mo may laban ng basketball. "Sige push nyo yan te." Bulong ko. Inabala ko nalang ang sarili ko sa checken joy na nasa harapan ko. Ano bang pake ko kung malaspag muka niya kakapicture ng mga pabebeng babae, duh! Wala akong pake ang sarap kaya ng checken joy, pero bakit parang ang hirap lumunok? Feeling ko may bumarang buto ng manok sa lalamunan ko. "You need to ask a permission from that woman, my wife. If it is okay to her then that will be okay to me. And miss to correct you, this little boy is not my brother he's my son. " Napatingin ako kay Matteo na nakatingin din pala sa akin. Ako ba tinutuloy niya?. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin at kinunutan ko ng noo. Tama ba narinig ko? Tinawag niya akong wife? As in wife na asawa?Kapal ng muka, sinong nagsabing asawa niya ko? Lakas ng loob. At anong son? Sino? Si Hyohan?Son son niya muka niya. Maka arte ka gurl, ehh sarap na sarap ka nga ng kinakain ka niyan sa baba. Bigla akong kinilabutan sa pinaalala ng isip ko. Kita ko ang gulat sa mukha ni ate gurl nang tignan ko ito. Di makapaniwa teh? Tumingin Ito sa akin sabay irap. Padabog itong umalis sa mesa namin at bumalik sa mga kaibigan nito na kanina ang lalakas ng loob mag cheer. "Ano kayo ngayon?" Bulong ko Naghahanap lang ako ng pagkakataon para makausap ng sarilinan si Matteo. Gusto kong linawin niya ang mga pinagsasabi niya. At pano niya napapaamo si Hyohan ng ganto. Close agad sila? Siguro kamag anak nito si Naruto, may ginawa itong pinagbabawal ng technique kaya parang ayaw nang kumalas ni Hyohan dito. Kung makadikit kasi itong anak ko kala mo aagawan. Baka daw kasi agawan mo. Itong mga kuliglig sa utak ko sarap tirisin. "Tay, subuan niyo po si nanay." Napadako ang tingin ko kay Hyohan dahil sa gusto nitong mangyari. "Binigyan ko si Matteo ng tingin na parang nagsasabing, subukan mo, ikaw isusubo ko. Char, este subukan mo Lalamugin kita ng halik." Ano ba tong naiisip ko puro kalaswaan. Tigang ka gurl? Ewan ko ba naguguluhan ako. Yung galit na inipon ko ng matagal na panahon, parang unti-unting natutunaw sa mga oras nato. Kita ko ang saya sa mukha ni Hyohan. At wala akong ibang hangad kundi ang makitang masaya ito. "Hindi na baby, si nanay nalang. Ikaw nalang susubuan ni sir Matteo." Pagtanggi ko dito. Tumingin si Hyohan kay Matteo at nagtanong. "Di ba tatay, tatay kita?" Inosente nitong tanong. Tango lang ang sagot ni Matteo. Sabay lipat ng tingin sa akin." Di ba ikaw ang nanay ko, nanay?" Tanong naman nito sa akin. "Syempre! Sakin ka kaya nanggaling" sagot ko dito. "Edi kung ikaw ang tatay ko." Tukoy nya kay Matteo. "At ikaw nanay, Ang nanay ko." Turo nya sa akin. "Ibig sabihin mag-asawa kayo." "Ha! Sinong nagsabi?" Gulat kong tanong. "Kasi po si butchok, Ang nanay niya si aling Petchay. Tas ang tatay niya si mang Kanor. Tapos si Aling Petchay asawa niya si Mang Kanor. Tapos po naging anak nila si Butchok." Walang kagatol gatol na paliwanag ni Hyohan. "Di ba po kayo din ni tatay mag-asawa? Tapos ako po yung anak nyo." Pagpapatuloy pa nito. Nakanganga lang ako habang nagsasalita si Hyohan. San ba nakuha ng batang to ang utak nito. Natigil ako sa paglalayag ng isip ng bigla akong nabilaukan. Pano ba naman sinubuan ako ni Matteo ng ice cream, di kaya ako ready. 'anebe, kainis!. Nang mahimasmasan. Tinignan ko ng Masama si Matteo. Pero painosente itong tumingin kay Hyohan. Parang wala itong ginawang mali. "Alam mo nanay at tatay. Sabi ni butchok sweet daw sina Aling Petchay at Mang Kanor." Napabaling naman ang tingin ko kay Hyohan. Dahil sa masigla nitong pagsasalita. "Pano mo nasabi?" Takang tanong ko. Sabay abot sa baso ng tubig para uminon. "Kasi po palagi daw nakikita ni Butchok na kinikiss ni Mang Kanor si Aling Petchay." Bigla kong naibuga ang tubig na nasa bibig ko. Saktong sa muka ni Matteo sumirit ang tubig dahil Ito ang katapat ko. Si Hyohan ay nakaupo sa gilid sa may salaming dingding. Habang kami ay magkatapat sa daanan ng mga tao. Takot akong tumingin kay Matteo dahil siguradong umuusok na ito sa galit. Ngunit ng sulyapan ko ito Hindi galit ang nakita ko. Kundi ngisi, ngising nakakaloko. "Anong nginingisi mo dyan?" Inis kong tanong. Wag nyang sabihing dahil sa sinabi ni Hyohan Kaya siya nangingiti. "Nothing" maiksi nitong sagot. Pero ngingiti pa din. Sobrang naiinis na ako ha!. Parang kanina ko pa napapansin na pinagkakaisahan ako ng dalawang ito. Agad akong tumayo at naglakad patungo sa dalawang magkatabi. Walang Sabi sabing hinatak ko ang kamay ni Hyohan para umalis. Nasa tapat na ako ng exit ng maramdaman ko ang pagpisil ni Hyohan sa aking kamay. Bakit parang lumaki ang kamay ni Hyohan? At bakit parang gumaspang ng konte? Nang lingunin ko si Hyohan. Nanlaki ang mata ko. habang ang taong hawak ko ang kamay ang laki ng pagkangisi. Bigla kong tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kamay nito. "Anong ginagawa mo dito? Nasan si Hyohan" inis kong tanong. Binalik ko ang tingin sa kinauupuan namin kanina. Ngunit wala na doon si Hyohan. Mula sa likod ni Matteo sumungaw ang ulo ni Hyohan. "Hi! Nanay. San tayo?" Ani ni Hyohan sabay kaway ng kamay at ngiti. "Urg, KAINIS!!!!!!" .... Sa buong maghapon na pamamasyal namin ni Hyohan at syempre kasama si Matteo. Naging masaya Ito, minsan ngalang di ko maiwasang mainis pinagtutulungan kasi ako ng dalawa na asarin. Nakatulog si Hyohan habang nasa sasakyan ni Matteo, tumanggi ako sa alok nito pero mapilit Ito at nakadagdag pa si Hyohan. Di daw siya uuwi pag hindi si Matteo ang maghahatid. Nakarating kami sa bahay ng mabilis dahil walang traffic. Nang maihiga na ni Matteo si Hyohan sa papag naming higaan. Inalok ko muna ito ng maiinom. Nakakahiya naman Kong palayasin ko nalang Ito agad. Good samaritan pa naman ako kahit papano. At meron pa itong dapat ipaliwanag. Maliit lang ang bahay namin pero kahit papano may dalawa kaming upuan na kawayan. "Upo ka." Ani ko sabay turo sa kawayan na upuan. Nang maupo Ito tyaka ako nagtungo ng kusina para magtimpla ng juice mabuti nalang may tira pang kalahating sachet ng tang orange na binili ko kahapon. "Ito ohh, inom ka muna." Alok ko sabay abot ng baso dito. "Thanks." Maiksi nitong sagot. "Te-teka!" Natigil Ito sa pag-inom ng bigla akong magsalita. Umupo ako sa Isa pang kawayang upuan kaharap nito. "Yes?" Sagot nito, sabay tuloy nito sa balak na pag-inom. Mukhang napagod talaga ito, isang lagok lang ata ang ginawa nito sa isang basong juice. Nang mailapag na nito ang baso sa sahig dahil wala kaming lamesa. Tyaka ko lang ipinagpatuloy Ang pagsasalita. Kanina ko pa gustong itanong Ang humugulo sa isip ko. Para na Kasi akong mababaliw kakaisip ng sagot "Bakit napag kamalan ka ni Hyohan na tatay? Ano bang sinabi mo?" Tanong ko dito. Dumikwatro Ito at sumandal sa upuang kawayan. "I don't know." Walang emosyon nitong sagot. "Di mo alam? Pwede ba yun?" Takang tanong ko. "Maybe yes? Or maybe no." Nakakagago na to ha e Kung batukan ko Kaya to para sumagot ng matino. " Ehh, ano yung mga nangyari kanina? Bakit ka pumayag na tawaging tatay ni Hyohan. Nang batang ngayon mo lang nakita?" Nag antay ako ng sagot nito. Nakatingin lang ako sa mata nito. "Ano na! Bakit ka nga pumayag?" Pag-uulit ko. "Because he wanted a father." Napanganga ako sa sagot nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil Mali ang akala ko. Pero bakit parang nasaktan ako sa sagot niya. "Yun lang? Dahil lang sa gusto ni Hyohan ng tatay?" Tanong kong ulit. "Yes" maiiksi ulit nitong sagot. Nababanas na ako ha bakit ba puro yes or no lang ang sinasagot nito. "Dapat di mo na yun ginawa, anong sasabihin ko kay Hyohan? Pano ko ipapaliwanag na hindi ikaw ang tatay niya?" Paliwanag ko dito. Ngunit parang balewala lang sa kanya ang mga sinabi ko. Binaling ko sa lapag ang paningin ko, bigla kasi akong nailang. Malamig na tinig ng kaharap ko ang nagpaangat sa aking paningin. "You know Mira, there is only one solution." nagtatanong na mata ang pinukol ko dito. Nag aantay ako ng isasagot nito. At kita ko ang pagtaas ng gilid ng labi nito bago muling pinagpatuloy ang pagsasalita. "we need to pretend as husband and wife. You, as his mother and me, as his father" "Ano?!!!" "Ma-magpanggap na, i-ikaw a-ako, ano?" Pabalik balik ang daliri ko. tuturo kay Matteo sabay turo naman sa sarili. "Yes! You and me, as husband and wife."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD