"It's up to you. I will not pressure you." Di nya daw ako pini-presure. Pero parang nagbabanta ang tono ng boses nito. Hindi ba siya natatakot na kapag tinanggap ko ang alok niya maaring may malaking problemang idudulot ito sa kanya? ?
"Ba't kasi nagkunwari kang tatay ni Hyohan. Paniwalang-paniwala tuloy sayo yung bata." Inis kong bulyaw. Hindi naman malamig pero nanlalamig ang mga palad ko, tagaktak na din ang pawis mula doon. Sino ba namang hindi lalamigin sa kaba dahil sa mga pinagsasabi nito?.
"I'm waiting Mira. You need time to think? I will give you. Just tell me." Ani nito, parang wala lang sa kanya ang lahat. naka dekwatro ito habang nakaupo. Ani mo haring nakaupo sa trono.
"ba't ka ba nahihirapan? Oo o Hindi lang naman ang isasagot mo. Walang mawawala sayo. Biruin mo in just 1 blink magkaka tatay ang anak, natin!." Napatingin ako dito ng may diin niyang bigkasin ang huling salita.
"Anong natin? Ko! anak ko!" Taas kilay kong sagot.
"Whoa!Teka lang! Wag mo naman kong tignan ng ganyan, gusto ko lang namang sanayin ang sarili ko na may anak na ako." Sagot nito pabalik pero iba ang pinapahiwatig ng mga tingin nito.
"Hindi pa ko pumapayag, kaya anong sinasanay?!" Napatuwid Ito ng upo pagkatapos kong sabihin ang mga Ito.
"Ano bang mapapala mo kung tanggapin ko ang alok mo? Wala akong pambayad sayo. Ako panga ang may utang sayo." Tanong ko sa malumanay na tono. Sabay titig sa mga mata nito. Nag-aantay ako ng isasagot nito sa akin.
"Because it was exciting-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil bigla akong tumayo na ikinabigla nito.
Tumayo din Ito at mas lumapit sa akin. Nakatingala na ako ngayon dahil sa tangkad ng kausap ko. Lumayo ako ng kaunti para mas komportable para sa akin. Nakakangalay kasi pag naka tingala.
"Anong exciting? Anong akala mo sa anak ko, sa aming dalawa, laruan?" Nang gagalaiting sagot ko. Halos lumabas na ang litid ko sa pagpipigil na wag sumigaw dahil baka magising si Hyohan. Nasaktan ako sa sinabi niya kung pampalipas oras lang para sa kanya ang lahat. Maghanap nalang siya ng ibang lalaruin.
"That's not what I mean" madiin nitong paliwanag.
" Hindi mo kasi ako pinapatapos. Let me finish first, okay?" Biglang dipensa nito.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita."Because it was exciting to becomes Hyohan's dad. I know he deserve father who can take care of him. At magaan ang loob ko sa kanya." Mukha namang tagos sa puso ang sinabi nito dahil titig na titig ito sa mata ko habang sinasabi ang mga bagay na yon. Kinukumbinsi ako ng bawat katagang binibitawan nito.
Habang nakikipag tagisan ako ng tingin kita ko ang pag sagi ng kirot sa mata ni Matteo. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko. Pero nagdulot sa akin ng kakaibang damdamin ang bagay na iyon. Parang gusto ko siyang yakapin. Para siyang nahihirapan, parang may bagay siyang gustong sabihin pero pinipilit niyang itinatago.
Kung totoo nga ang mga nakikita ko mula sa mata nito. bakit naman siya magkakaron ng mga ganoong damdamin? Kung ni isang alaala wala siyang natatandaan. Bakit parang habang tumatagal, nakikita ko mula dito ang frustration at pag-mamakaawa na sana pumayag ako. Na umaasang papayag ako.
Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi ko kasi gusto ang mga nababasa ko sa mga mata nito. Lalo akong naguguluhan.
Ilang minutong walang nagsalita sa amin. Nakakabinging katahimikan ang tanging namamayani.
Ako ang unang bumasag sa katahimikan. "Sige." Pikit mata at mahinang boses kong sagot.
"Anong sige?" Ani nito sa naguguluhang tono.
"Sige, pumapayag na ako. Pumapayag na ako na magpanggap kang tatay ni Hyohan." Pag-uulit ko sa mas malakas na boses at hinaluan ko ng kunwaring pagkainis.
"Pe-pero." Pigil ko ng akmang magsasalita Ito.
"Wala kang karapatang isisi sa amin ng anak ko kapag kumalat ang tungkol dito. Kapag nasira ka ng dahil sa amin. Dahil una pa lang-" natigil ako sa pagsasalita ng maiwan ang mahinang ungol sa bibig ko dahil pinigilan ako ng malambot na labi ni Matteo.
Hindi ko magawang pumiglas at itulak siya. May damdamin sa akin na nagugustuhan ang halik na pinagsasalihan namin.
Ewan ko pero parang nanabik ako bigla sa labi niya. Tridor na mata. Kusang pumikit ang mga Ito, habang ang mga kamay ko ay kusang pumulupot sa leeg nito dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko. Para akong galing sa isang mahabang pagtakbo at sabik madampian ng tubig ang nanuyong mga labi. Ako ang unang gumalaw ako ang nagbigay ng pahintulot. Nag-umpisa nang gumalaw ang labi nito, Marahan, masuyo at napakaingat ng pag hagod ng labi nito.
Para akong nawala sa katinuan dulot ng matamis nitong labi. Ramdam ko ang malakas na bultaheng gumuhit sa aking kalamnan na nagdulot ng kakaibang sensasyon. May kakaibang bagay na namumuo sa aking puson na nagpainit sa aking buong katawan. "Uhm!" Senswal na ungol ang kumawala sa akin sa pagitan ng pag-iisa ng aming mga labi. Hindi ko alam kung ilang minuto nang magkahinang ang aming mga labi ngunit parang wala ni isa man sa amin ang gustong bumitiw. Hanggang sa parehas kaming kapusin sa paghinga. Nangangapal ang aking labi matapos ang matamis nahalikang aming pinagsaluhan.
Gulat akong napatingin sa mata ni Matteo. Anong nangyari? Totoo bang nagpaubaya nanaman ako? Bigla akong pinamulahan ng mukha. Para akong nakakain ng sili habang si Matteo preskong nakatayo lang, habang nakangisi?
"Ba-bat mo ko hinalikan!" Ani ko sa pinatatag na boses.
"Ang balak ko ay kiss lang, saglit lang, para patigilin ka sa pagsasalita. Hindi ko naman inakalang masisiyahan ka." Sagot nito habang malapad ang pagkakangiti.
Lumapit ako dito at hinila ko Ito. "Teka, San mo ko dadalhin?" Tanong nito.
"Tsk! umalis ka na nga. Masyado ng gabi inaantok na ako gusto ko ng matulog." Pagtataboy ko dito dahil di kona keri ang mga sinasabi niya guilty kasi ako. Nang nasa pinto na kami tinulak ko siya palabas.
"Hep! Wait lang."Sabi nito sabay harang ng kamay sa pinto ng tangka ko na itong isasara. Pinasok pa nito ang kalahati ng katawan sa siwang ng pinto.
May kinuha ito sa bulsa ng suot na pantalon, sabay abot sa akin.
"Ano yan?" Takang tanong ko.
"Cellphone." Maikli nitong sagot.
"Alam kong cellphone yan anong gagawin ko diyan?" Nakakunot noong tanong ko.
"Accept it, this is for you." Ani nito sabay hawak sa kamay ko at lagay doon ng cellphone na hawak nito.
"Ayoko! Di ko yan mababayaran." Tanggi ko sa alok nito.
"Di mo kilangang bayaran yan. It is my gift to you. No buts, dahil pag di mo yan tinanggap di ako aalis at tabi tayong matutulog. You want that?" Nakangisi Ito habang sinasabi ang mga iyon.
"Sige na, Sige na. Umalis ka na." Tinanggap ko nalang para matapos na.
Tinulak ko ulit Ito para tuluyang lumabas ngunit bigla nanaman itong nag salita.
"Wait lang!" Pigil ulit nito sa pinto upang di magsara.
"Ano nanaman yun? " Inis kong Tanong.
"Nothing." Nakangisi nitong sagot.
"Wala naman pala ehh! Edi umalis kana. Baka mamaya magising pa si Hyohan." Ani ko sa pataboy na tono.
"Nothing, but-" Hindi nito tinuloy ang sasabihin bigla nanaman niya akong hinalikan smock lang yun pero naiwan sa labi ko ang init na dulot ng labi nito.
"Ano yun? Nakakadalawa ka na ha!"ani ko sa nagbabantang tono.
"That was my goodbye kiss, 'my beautiful wife!. See you again tomorrow, 'my Queen!" Ani nito na may pagdidiin sa dalawang salita. Sabay kindat bago Ito tuluyang nawala sa paningin ko.
Nang makaalis ito agad kong sinara ang pinto. Hawak-hawak ko ang dibdib ko, napasandal ako sa pinto dahil para akong mawawalan ng lakas. Ano ba tong nangyayari sa akin? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko at parang may mga kulisap sa loob ng tiyan ko na kumikiliti doon.
Hindi ma process ng isip ko ang mga nangyari. Panaginip lang ba lahat ng to? Kinurot ko ang pisngi ko "aray!!" Sigaw ko dahil nasaktan ako sa ginawa ko. Ibig sabihin totoo nga nasaktan ako ehh.
........
Kinaumagahan, maaga akong nagising. O mas magandang sabihing di ako nakatulog. Magdamag kong inisip ang mga nangyari kagabi.
Nandito ako ngayon sa kusina. Nagtitimpla na ako ng kape para sa akin, at gatas para kay Hyohan. May pasok ako ngayon pero parang ayaw ko ulit pumasok. Di ko alam kung anong sasabihin ko kay Matteo kapag nagkita na kami ulit, nilulukob ako ng hiya matapos ng mga nangyari kagabi.
Pagkatapos kong magtimpla ginising ko na si Hyohan para sabay kaming mag-almusal.
"Nay, si tatay po?" Si Hyohan na ngayon ay kasalo ko sa hapagkainan.
"Umuwi na baby. Bakit?" Nakita kong biglang lumungkot ang mukha nito. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit dito. Yumukod ako upang magpantay kaming dalawa.
"Baby, may tatanong si nanay. Gusto ko magsabi ka ng totoo ha." Ani ko sa malumanay na boses. Tango lang ang isinagot nito.
"Pano mo nalamang si Matteo ang tatay mo?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.
Kita ko ang pag-aalinlangan sa mata nito. Ngunit sa huli ay sinagot din ako nito."May nakita po kasi akong kahon sa ilalim ng papag. Akala ko po laruan ang laman, kaya po kinuha ko. Pagbukas ko po nakita ko po sa loob ang picture ni tatay." Bumaba Ito sa upuan at tumakbo papasok ng kwarto naming dalwa.
Sinundan ko Ito doon. May kinuha ito mula sa damitan nito na gawa sa karton. Nang mahanap na nito ang nais hanapin tumakbo Ito pabalik sa akin. Inabot nito ang bagay na kinuha nito. Nanlaki ang mata ko ng mapagmasdan ang larawang punit na hawak-hawak ko.
Ito yung picture ni Matteo na tinabi ko noon. Agad akong nagtungo sa papag naming higaan dahil parang nanghihina ang mga binti ko. Kalahati na lamang ng mukha ni Matteo ang makikita dahil pinunit ko ito dati at hindi ko na alam kung saan ko nilagay ang kalahati ng larawan. Inilagay ko ito sa isang kahon kasama lahat ng magpapaalala sa akin ng bagay sa nakaraan. Binalak ko itong sunugin hanggang sa dumaan nalang ang mga araw nakalimutan ko na ang balak ko sa mga ito.
"Yan po yung nakita ko. Di ba po si tatay Yan?" Inosenteng tanong nito. Tumabi Ito sa akin sa papag at yumakap.
Ako pala ang dahilan. Ako pala ang may pagkukulang kaya nalaman ni Hyohan ang totoo. Kung tinapon ko na Ito dati, baka hindi naging kumplikado ang lahat. Hindi ako mapipilitang pumayag sa alok ni Matteo. Pero kahit anong hagilap ko na pagsisisi para sa desisyong pagpayag ko sa alok ni Matt, wala akong matagpuan.
Humarap ako kay Hyohan at hinawakan ito sa magkabilang balikat"Baby, gusto mo ba talaga si Matteo? Gusto mo talaga siyang maging tatay?" Nais kong makasigurado kung gusto ba talaga ni Hyohan si Matteo. Kung si Matteo ang makakapagbigay kaligayahan sa anak ko wala akong dahilan para ipagkait ito sa kanya.
"Opo, gusssssssstong gusto!" Maligaya nitong pahayag.
....
Pumasok ako kahit parang ayaw ng katawan ko. Mabuti nalang nasa bahay na si Kim. Madaling araw Ito nakauwi galing sa pinuntahan ng mga kasama nito sa club. Iniwan ko nalang si Hyohan at binilinan na wag lalabas hanggang hindi pa gising ang nangnang nito. May niluto na din akong pagkain para sa tanghalian nila bago ako umalis.
......
Bakit parang ang dalang naman ata ng jeep ngayon? May strike ba? Kanina pa kasi ako nakatayo dito sa luwasan, dito kasi ako nag-aantay ng jeep na sasakyan patungong trabaho. Mabuti nalang at hindi pa masyadong tirik ang araw kaya di ako matutusta, Sayang kojisan na tig sisingkwenta. Oo, nag kokojisan na ako, pake ba nila e feel ko magpaputi malay mo mahiyang ako.
Nakita ko na may parating na jeep Nakita kong anim na daliri lang ang sinenyas ng kondokdor na nakaupu sa sa unahan katabi ng driver. ibig sabihin anim nalang ang kulang na pasahero, ehh!, halos sampu kaming nag-aantay.
Agad kong tinaas ang mangas ng suot kong blouse. Ready na ako makipag unahan sa mga kasabayan ko mabuti nalang palagi akong naka flat.
Lumipat pa ako sa medyo unahan para ako ang mauunang makasakay, kaso gago yung driver dumiretso ng andar. Nganga nanaman ako, pano na to halos kalahating oras na akong nag-aantay ng masasakyan kaso puros puno. Kung Hindi puno madaming pasaherong runner.
Ehh, kung di nalang kaya ako ulit pumasok? Sabihin ko walang masakyan. Oo, nga no? Bakit di ko kaya yun naisip? Kinuha ko ang cellphone sa loob ng shoulder bag ko. Nang makuha ko Ito. Hindi ako mapakali agad akong nagtungo sa waiting shed para doon mag text, natakot kasi ako ilabas yung cellphone sa bag ko mukha kasing mamahalin talaga. Baka madekwat to ng maaga tagbayad pa ako.
Nag type ako ng text para kay Matteo. Text nalang ayaw ko kasi siyang tawagan, parang di ko pa kaya.
Me: baka di ulit ako makapasok walang masakyan may rally ata mga jeepney driver ngayon, kung ok lang.
Send
Agad kong binalik sa bag ang cellphone. Aba te madaming sniper na nagkalat ngayon, baka matodas tayo.
Mukhang di naman ako kilangan ni Matteo sa opisina. Araw-araw namang di nya ko kilangan doon. Tungannga lang naman ako palagi sa office dahil wala siyang inuutos.
Gusto ko munang umupo, nakaramdam kasi ng pagkangalay ang mga binti ko dahil sa kalahating oras na pagtayo. Nilibot ko ang kabuoan ng shed para mag hanap ng pwedeng maupuan. Nakita ko sa isang sulok ang upuanng bakal na medyo kinakalawang na. Tinungo ko Ito at hinila sa kabilang sulok kung saan hindi madadaanan masyado ng mga tao. kumuha muna ako ng pwedeng isapin sa loob ng bag ko at sinapin ko sa upuan para Hindi mamantyahan ang suot kong damit.
Nang makaupo ako inunat ko ang mga binti ko dahil parang medyo namamanhid. Aantayin ko muna ang reply ni Matteo kung papayag Ito na di ako papasok. Baka kasi sabihin nun nagdadahilan lang ako dahil gusto kong umiwas.
Napahawak ako bigla sa aking labi ng biglang sumigid sa aking isip ang mga nangyari kagabi. Napatulala ako sa kawalan
Ilang minuto palang akong nakaupo ng isang pamilyar na sasakyan ang humarang sa harapan ko. Bumusina ito at bumaba ang salamin nito sa unahan, sumungaw mula doon ang nakangiting mukha ng lalaking kagabi pang gumugulo sa aking isipan.
Napatayo ako bigla "Matteo?" Gulat kong bigkas sa pangalan nito.
"Yes! My beautiful wife. Did you miss me?"