Chapter 17

1700 Words
"Yes! My beautiful wife. Did you miss me?" Nakangising ani nito. "A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal at gulat kong tanong. "I'm here to fetch you." Walang gatol nitong sagot. "Bakit?" Kunot noong tanong ko. "Because your my wife." Patuloy pa nito sa kalmanteng tono. "Sinong nag sabi?" Balik tanong ko dito sa patay malisyang tono. "Nakalimutan mo? You said yes last night and you shown it by your act. Did you really forgot? Ohh, common Mira! Wag ka nang magkunwari. Gusto mo ipaalala ko sayo kung anong mga nangyari kagabi?" Hindi makakalampas sa mga mata ko ang pagngisi at pagkislap ng mga mata nito. Bago pa ako makaprotesta nakalapit na pala Ito sa tabi ko. Di ko namalayan ang pagbaba nito sa sasakyan, napakabilis kumilos. "Ano ba? Bitawan mo nga ko!" Irita kong bulyaw, sabay taas ng kilay. Ipinulupot kasi nito ang braso sa bewang ko. Pilit kong tinatanggal ang braso nito sa pagkakapulupot sa bewang ko kaso ang hirap nitong tanggalin dahil mahigpit itong nakakapit sa damit ko sa bandang tiyan. "Ayoko ko nga! Sumakay ka muna." Maawtoridad nitong utos. Naiilang ako sa pwesto naming dalwa. May mga tao din na napapatingin sa gawi namin. Para tuloy akong kire na gustong itago ang mukha. "Wala ka namang masasakyan, just like what you've texted to me earlier. Lalong di ako papayag na di ka nanaman papasok. Kaya nga ako nandito para sunduin ka. Ayaw ko namang sabihin ng anak natin na pinababayaan ko ang nanay niya." Mahabang paliwanag nito. "Hoy! Mister Matteo Madrigal. Pumayag akong maging tatay ka ng anak ko kapag nakikita ka lang niya. Pero hindi kita pinahintulutang maging asawa ko sa harap ng ibang tao. Katulad ngayon." Ngunit sa kabila ng malateleserye kong lintanya parang wala itong narinig bagkus mas lalo ako nitong hinigit palapit sa katawan nito. Nahihiya na ako sa pinaggagagawa nitong lalaking ito. Madaming mata ang nakatingin sa amin ngayon, may mga kinikilig meron din namang mga umiirap. Pano ba naman para kaming nag sho-shooting ng pelikula sa gilid ng kalsada. Mas lumapit ito at idinikit ang labi malapit sa tenga ko. Ramdam ko ang malamig na hininga nito na tumatama sa aking leeg at sa aking tenga. Nag bibigay Ito ng kakaibang sensasyon sa akin." Nothing can change hon. Nagpapanggap nalang din naman tayo bat di pa natin lubos-lubosin. Right my wife?!" Nagbigay ng kilabot at nag pataas ng balahibo ko sa buong katawan ang paraan nito ng pagsasalita Dahil sa ginawa nitong pagbulong at sa braso nito na nakapulupot sa bewang ko, Lalo na sa kamay nitong nadadampi sa aking tiyan. Para akong kinikiliti at di ako mapakali, heto nanaman ang bultaheng umiikot sa aking kalamnan na tagos hanggang sa aking buto. Kumawala na ako agad dahil, Hindi na maganda ang pakiramdam ko, mainit pero para akong nilagay sa ref dahil sa tensyon na namumuo sa aking katawan. Lumapit ako sa backseat ng sasakyang dala nito. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto agad ako nitong pinigilan. "What are you doing?" Tanong nito habang ang makakapal na kilay ay halos magdugtong. "Sasakay, sabi mo ihahatid mo ko!" Ani ko sa tonong sarkastiko. "Bakit? nag bago na isip mo? Okay lang!" Taas kilay kong pahayag. Hindi agad ito sumagot bagkus lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako patapat sa pinto katabi ng driver seat. Binuksan niya ito bago muling nagsalita. "I know, ihahatid kita. Pero hindi mo ako driver. I'm your husband. Kaya sa harap ka sasakay katabi ko." Nakangisi nitong pahayag. "So, please my beautiful wife, do the honor. sumakay kana mag-isa bago pa ako mawalan ng timpi at ako pa mismong bumuhat sayo papasok sa sasakyan." Agad akong sumakay dahil walang halong biro ang paraan ng pagsasalita nito. Mamaya totohanin pa nito ang banta. Habang nasa byahe, Hindi ko maiwasang tumingin sa gawi nito. Naiilang pa rin ako sa set up naming dalawa. Kabisado ko ang sarili ko. At ni minsan hindi ko pa nagawang makaramdam ng ganitong sobrang pagkailang kapag ibang lalaki ang kasama ko. Pero pag si Matteo ang nasa paligid para akong nagiging iba. Parang hindi ko nakikilala ang sarili ko Lalo na kapag nag dadaumpalad ang aming mga balat. "Baba mo nalang ako sa may 7-11 malapit sa building." Putol ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Why" maikli nitong tanong. Habang ang paningin ay sa kalsada nakatuon. "Wala lang. Basta doon mo nalang ako ibaba." Pagkumbinsi ko dito. Ang totoo kasi ayaw kong sabay kaming papasok. Umiiwas lang ako sa chismis. Ayaw kong mas gumulo pa ang lahat. Inaantay ko ang magiging sagot nito ngunit malapit na kami sa building ay nakatuon pa din Ang paningin nito sa daan, parang wala itong balak itigil ang sasakyan. Nadaanan na namin ang 7-11 pero hindi ito huminto. "What are you doing?" Salubong na kilay nitong tanong. Naka tago kasi ako sa ilalim ng upuan ng sasakyan dahil baka may mga makakita na nakasakay ako sa sasakyan ni Matteo. Naalala ko kasi yung mga chismosang empliyado dati yung mga nanglalait sa akin. Baka pag nakita ako ng mga Ito ay maging headline nanaman ako. "Tumayo ka nga diyan!" Maawtoridad na utos nito. "Ayoko! Natatakot ako." Sagot ko dito. Sabay papungay ng mata, upang magpaawa. "If you don't want to come out, then fine! Bahala ka diyan." Sabay harap nito sa pinto ng sasakyan. "Te-teka lang!" Nauutal kong pigil dito ng akma na itong bababa ng sasakyan. Nasa tapat na kami ng MM toys company. "What again?." Ani nito sa naiinis na tono. "Sige na, kahit sa parking lot mo nalang ako ibaba." Pag-mamakaawa ko dito. Pero imbis na maawa ito dirediretso itong lumabas. Sinilip ko ito sa bintana ng sasakyan. Umaasa akong babalik Ito at maawa sa akin. Kaso mukhang wala itong balak na balikan ako. nakatayo lang Ito sa labas malapit sa entrance ng building. Parang inaantay ako nitong bumaba dahil palipat-lipat ang mata nito sa orasan sa pulsouhan at dito sa sasakyan. "Tok! Tok!" Katok mula sa salamin ang narinig ko. "Ma'am baba na daw po kayo sabi ni sir Matt. Ipaparada ko na po yung sasakyan." Tinignan ko ulit si Matteo sa kinatatayuan nito. Nan doon pa din ito at nag-aabang. Nakaagaw na din ako ng pansin dahil ang mga empliyado na napapadaan ay hindi maiwasang maki usisa. Inayos ko ang pagkakaupo at sinimulang ayusin ang sarili. Huminga muna ako ng malalim bago mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. Muntik na tuloy matamaan si kuya ng pinto ng sasakyan. "Sorry kuya." Nagmamadaling hinging tawad ko. Sabay lakad palayo. Hindi na pala lakad ang ginagawa ko, kundi takbo. Oo patakbo kong tinutungo ang entrance ng building. Nginingitian ko ang bawat empleyadong madadaanan ko. Pero imbis na ngiti ang isukli ng mga ito tingin na may panghusga ang nakuha ko. Nang matapat ako sa harap ni Matteo na nakatayo pa din sa entrance ng building di ko ito pinansin. Tuloy tuloy akong pumasok sa loob diretso sa tapat ng elevator. Madami ding empliyadong nag-aantay sa elevator. Humalukipkip ako at di ko namalayang nakasimangot na pala ang mukha ko. "Bat ka nagmamadali?" Tinignan ko lang Ito at hindi sinagot. Hindi maitatago sa mata ko ang panaka-nakang tingin ng mga empliyado na kasama naming nag-aantay sa elevator. "Hoy! Bat di ka nagsasalita?" Pangungulit nito. "Ano ba Matteo! Di ka ba nahihiya? Ang daming nakatingin. " Ani ko dito sabay tingin sa likod nito kung saan nagkukumpulan ang mga empliyadong kanina pa kami niluluto sa tingin. Pagharap ni Matteo, patay malisya ang mga ito. Biglang naging busy sa cellphone at Kung ano-ano. Nang tignan ko si Matteo. Nakatayo na Ito ng tuwid at Hindi na ako muling kinulit. Marunong din palang mahiya. Bumukas ang elevator at nauna akong pumasok hindi na ako nag abalang yayain si Matteo na sumakay, miski ang tignan ito ay di ko ginawa. Tanging sa sahig ng elevator nakatuon ang aking paningin. Naramdaman ko nalang ang pag-angat ng elevator, hudyat na umaandar na ito. Ngunit bakit parang di naman ako nasisikipan bakit parang wala akong kasama? Nilibot ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa. Dalawang pares ng itim na itim na mata ang bumungad sa akin. Hindi Ito mababakasan ng kahit na ano mang emosyon. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa ginagawa nitong pagtitig. Ang walang emosyong mata nito ay parang sinusuri ang bawat sulok ng aking mukha. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Matteo ngayon. Kaya ng bumukas ang elevator laking pasasalamat ko. Pakiramdam ko nakatakas ako sa isang mapanuring tingin ng mundo. Pagkailang ang nararamdaman ko ngayon. Agad akong lumabas ng elevator at naglakad palayo. Para akong hinahabol na kriminal sa mga oras na Ito. Lumingon ako sa likod pero di ko nakita si Matteo kaya panatag akong nakapaglakad. Binagalan ko na din ang paglalakad. Nang biglang "ayy! Butiking tatalon-talon!” Bigla kasing sumulpot sa harapan ko Matteo. Wala pa din emosyon ang mga mata nito. "Why are you avoiding me?" Ani nito sa malamig na boses. Parang binundol sa kaba ang dibdib ko. Unti-unting humakbang si Matteo palapit sa akin. Habang ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa aking mukha. "A-anong gagawin mo?" Halos magkandabuhol-buhol ang dila ko sa pagsasalita. Pero para itong bingi, patuloy lang Ito sa paghakbang palapit sa akin hanggang sa dingding nalang ang maaatrasan ko. "Ma-matteo, anong gagawin mo? Sisigaw ako." Banta ko dito. As in naman may makakarinig. Exclusive itong floor para kay Matteo. Tanging office lang nito ang nasa floor pati na din ang mini office ni John. Tama maririnig ako ni John pagsumigaw ako. Pero nan dito nakaya ang baklang yun? "Edi sumigaw ka. Satingin mo may makakarinig?" Banta nito. Tinulak ko ito palayo dahil ramdam ko na ang tigas ng katawan nito sa aking katawan. Kahit itinulak ko ito parang balewala lang, ni hindi ito napaatras. Bigla akong napapikit ng bumaba ang mukha nito patapat sa aking mukha. Nag-aantay ako kung anong gagawin nito, ngunit ilang segundo na akong nakapikit wala pa din akong nararamdamang kakaiba. Pagdilat ko halos maduling ako sa lapit ng mukha nito sa akin. Bumaba pang lalo ang mukha nito patapat sa aking leeg. "Try to avoid me again, itatali na kita sa katawan ko. Naiintindihan mo ba? ..... .........Asawa ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD