Chapter 18

2666 Words
"Try to avoid me again, itatali na kita sa katawan ko. Naiintindihan mo ba? Asawa ko!" Napakapit ako sa magkabilang balikat ni Matteo matapos nyang sabihin ang mga katagan iyon. Sa tono ng pananalita nito ay hinahamon niya akong suwayin ko ang gusto niya tiyak na walang dalawang salitang, gagawin niya nga ang banta nito. "Hoy, bakla!" Bigla napabalik sa kasalukuyan ang naglalakbay kong isip ng marinig ko ang matinis na boses ni John. "Ba't ka ba nakatulala? Kanina pa ako dada ng dada dito di ka naman pala nakikinig!" Naiirita nitong pahayag sabay irap. "Sorry na, may naalala lang ako bigla. Ano nga bang sinasabi mo?" Nandito ako ngayon sa desk ni John. Wala kasi si Matteo may pinuntahang emergency meeting kasama ang finance department. Kaya nagka-oras akong makipag chikahan kay John. " Yun na nga bakla! Kanina pagpasok ko headline ka sa labas. Biruin mo, Matteo Madrigal CEO of MM toys company, parang tutang humahabol kay ate gurl na mahaba ang hair. And that is you! My gulay ka bakla! magkwento ka naman." Kita ko sa mata ni John ang excitement sa sasabihin ko. Nakanganga pa ito habang nag-aantay. "Ano bang gusto mong malaman?" Iritableng tanong ko. Hindi kasi ako komportable sa tinatanong nito ngayon. Feeling ko nasa hot seat ako. "Everything bakla. Walang labis! walang kulang!" Para itong maiihi sa sobrang excitement. Ano bang sasabihin ko dito sa baklang to, napaka kulit. Hindi ko pwedeng sabihin ang lahat, nahihiya ako. At sa akin nalang dapat yun. "Nag kataon lang na nakita ako ni sir Matteo sa luwasan. Wala kasi akong masakyan kaya nag offer siyang isakay ako. Kaya yun pati pagpasok magkasabay kami, na missunderstand lang kami." Kalmante kong pahayag. Ngunit si John kunot ang noong nakatingin sa akin parang hindi Ito ang inaasahan nitong sasabihin ko. "Anong hitsura yan?" Taas kilay kong tanong. "Hoy, bakla! Alam mo kung yung iba maloloko mo ako hindi. Baklang to! gagawa nalang ng kweto di ba kapanipaniwala." Uungot-ungot nitong sabi "Bat, ano bang gusto mong marinig?" Tanong ko dito. Dahil mukhang magbubuhol na ang mga kilay nito. "Tskk! Wag mo kong kausapin. Marunong ka nang maglihim ngayon. Kala ko pa naman bff na tayo. yun pala hindi pa." Nakanguso itong nagtatampo. Umiwas Ito ng akmang aabutin ko. "Ayy! Pabebe si bakla. Wala naman talaga akong lihim. Mali lang talaga pagkakaintindi ng mga malilinis na isip dito sa building." Habang sinasabi ko yun ay humahakbang ako palapit dito dahil mukhang masama nga ang loob nito. gusto kong kumbinsihin Ito na wala talagang kahulugan ang mga narinig nito mula sa iba. Nang makalapit ako agad kong hinuli ang tagiliran nito upang kilitiin. Alam ko kasing may kiliti tong baklang to sa tagiliran kaya iyon ang pinuntirya ko. " Mir- hahahhaha! Tigilan mo nga ko!" Tawa inis nitong sabi "Hindi kana galit, bff? Pag di ka sumagot di kita titigilan." Patuloy pa din ako sa pagkiliti dito. Habang Ito ay walang tigil sa pagtawa. Natigil lang ako sa pagkiliti dito ng kahit anong gawin ko sa tagiliran nito ay hindi na ito tumatawa. Nang tignan ko ang mukha nito ay halatang nagpipigil ito ng tawa pero ang lumalaking mata nito ay nakatingin sa likod ko. "Hoy! John. Anong nangyari sayo?" Tanong ko dito. Dahil ayaw nitong magsalita. "May nakita kang multo no? " Patuloy ko pa. Ngunit imbis na sumagot ito nginuso nito ang bandang likuran ko. "Ano bang nakita mo?" Curious kong tanong. Upang tignan ang nginunguso nito ay tumalikod ako. Pares ng madilim na mata at salubong na kilay ni Matteo ang aking na bungaran. Dahan-dahan kong inikot ang aking paningin sa gawi ni John na ngayon ay busy na sa mga papeles sa ibabaw ng mesa nito. "John! Hoy!" Tawag ko dito sa pabulong na paraan. Ngunit parang wala itong balak na tumingin sa akin. Biglang nilukob ng kaba ang buong katawan ko. Pati ang puso ko parang gustong umalis sa kinalalagyan. Nang muli akong tumingin kay Matteo. Kita ko ang pagguhit ng galit mula sa mga mata nito. "Ma-matteo, na-nandito ka na pala." Nauutal kong bigkas sa pangalan nito, at pilit na pinasasaya ang tinig. "Why are you here?" Malamig at madiin nitong tanong. Nagulat ako sa pagsasalita nito kaya napapikit ako. Naalala ko bigla ang sinabi nito kanina. Baka totoohanin nga nito ang banta. "A-ano kasi.... Ano, w-wala ka kasi tapos wala akong magawa kaya naisipan kong kausapin si John naboboring kasi ako sa loob." Halos habulin ko ang paghinga ko sa pagsasalita. "In my office now!" Napapitlag ako ng marinig ko ang maawtoridad na utos nito. Humarap ako kay John na may pagmamakaawang mata. Ngunit parang walang balak itong tulungan ako. Busy bwisitan Ito sa ginagawa kahit wala naman talgang kwenta. "Mira, I said in my office now!" Agad akong napatakbo papasok ng office dahil parang pag hindi ko pa ito sinunod ay handa na ako nitong kaladkarin papasok. Nang makapasok ako sa loob agad kong hinawakan ang dibdib ko dahil sa sobrang kabog. Umupo ako sa upuan ko at agad na hinawakan ang ano mang mahawakan ko na pwedeng ipang takip sa mukha ko. Nahawakan ko ang folder na puti at inangat ko Ito sa tapat ng mukha ko upang maitago ko ang takot na mababakas dito. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang nagiging sunod-sunuran ako kay Matteo? Bakit natatakot ako? Ano bang kinatatakutan ko? Hindi dapat ako natatakot. Si Matteo lang yun. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at paghakbang nito. Agad kong pinakalma ang sarili ko. Hindi ko hahayaang maging sunod-sunuran ako kay Matteo. Wala siyang karapatang hawakan ako sa leeg o kahit ang panghimasukan ang mga bagay na gusto kong gawin. Kilangan kong ipamukha dito na sumusobra na Ito. Hindi kami totooong mag-asawa nagpapanggap lang kami. Huminga ako ng malalim ng maramdaman kong nakatayo na ito sa harapan ko. Isang hugot ng malalim na paghinga sabay mabilis kong binaba ang folder na hawak ko. Nang akmang tatayo na ako, sabay naman ng paglapit ng mukha nito. Ang bango ng hininga nito na tumatama sa aking ilong. Ang mga mata nito ay di mababakasan ng kahit anong emosyon, ngunit para akong hinihipnotismo ng mga ito. Ang kaninang lakas ng loob na meron ako para kumportahin ito ay unti-unting naglalaho. Hindi ko naiwasang mapapikit upang malayang damhin ang mainit nitong hininga na tumatama sa aking mukha. "Yes, my wife? What do you want?" Napadilat ako ng marinig ko Ang baritonong boses nito.Dahil sa pagkabigla napatayo ako ng tuwid huli na ng mapagtanto ko na nasa harapan ko pala ang mukha ni Matteo. "Aray?" Sigaw ko sabay himas sa ulo. Lumapit ito sa akin sabay tanggal nito sa kamay ko na humihimas sa aking ulo. Naramdaman ko nalamang doon ang nakakakiliti nitong hininga. Iniihipan nito ang banda ng ulo ko kung saan masakit. "You okey? Saan ang masakit?" Nag-aalala nitong tanong. Ngunit hindi ko ito sinagot. Bagkus ay iniwas ko ang ulo ko sa labi nito na umiihip, nang bigla kong maalala na tumama ako sa mukha nito. Hindi ba siya nasaktan? At ako agad ang nilapitan niya? Nang magawa kong umiwas, agad akong humarap dito at sinuri ang kabuoan ng mukha nito. Kita ko ang putok at dugo mula sa labi nito. Agad akong lumapit at hinawakan ang mukha nito upang masuri ng maayos ang sugat nito sa labi. "Wa-wait, what are you doing? Kinakabahan nitong tanong. Hindi makakatakas sa aking paningin ang pag-alon ng adams apple nito. Ngunit wala doon ang aking attention kundi sa labi nito na dumudugo. Hinila ko ito paupo sa sofa malapit sa pinto. "Umupo ka." Utos ko dito. Agad naman itong sumunod. Nang makaupo na ito ay agad akong nagtungo sa banyo sapagkat Nandoon ang first aid kit. Paglabas ko ng banyo nakaupo pa din si Matteo sa sofa. Nakabuka ang dalawa nitong hita ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa kaliwang binti, habang ang kanang kamay ay humihimas sa labi na may sugat. Nang Makita ako nito bigla itong napaupo ng tuwid. Habang ang mga mata nito ay hinahatid ako ng tingin palapit mismo sa kanya. Nang makarating ako sa tapat nito, agad akong umupo sa kaliwang bahagi ng sofa. Hinawakan ko ang mukha nito upang mapaharap sa akin. Nilapag ko ang first aid kit sa sofa sa tabi ko. Binuksan ko ito at kumuha ng bulak at betadine. Nag lagay ako ng konting betadine sa bulak bago muling humarap dito. "I can do it." Aagawain Sana nito ang bulak mula sa akin ng pigilan ko Ito. "Anong gagawin mo diyan?" Tanong nito ng ilalapat ko na ang betadine sa sugat nito. "Ano sa tingin mo? Alangan namang kainin ko to! Malamang ilalagay dyan sa sugat mo." Pilosopong sagot ko. "Wait!" Pigil nito ng ilalapat ko na ang bulak sa labi nito na may sugat. "Ano?" Iritang tanong ko. "Di na yan kilangan, I can handle my self. Yung ulo mo baka nagka fracture, dalhin na kita sa hospita-" Hindi ko na Ito pinatapos agad kong dinampi sa sugat nito ang bulak. "Aww! Dahan-dahan." Sita nito dahil napapadiin na ang pag dampi ko sa bulak. "Mira, masakit. Dahan-dahan lang." Sita ulit nito. Nang di ko sundin ang pakiusap nito hinawakan nito ang kamay ko at ito na ang kumuntrol sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa aking kamay. Napakalambot nito parang bulak. Gumapang ang mata ko mula doon pataas sa mukha nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa labi nitong mapula na kahit may sugat ay parang ang sarap halikan. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatingin doon nakailang lunok na din ako ng laway dahil parang bigla akong nauhaw. Para na akong madidihydrate. "Yes, wife you like to taste it?" Napapadla ako ng marinig ko ang boses ni Matteo sa punong tenga ko. Dahil sa ginawa nito para akong kiniliti sa buong katawan nabuhay ang mga natutulog kong kalamnan. "H-ha?" Parang tanga kong tanong. "I said, you wanna taste this?" Sabay labas ng dila nito at binasa ang palibot ng labi nito. Pagkatapos kagat sa ibabang labi. "Yes!" Huli na ng mapagtanto ko ang kagagahan na naging sahot ko. Napatayo ako upang lumayo dito. Iba na kasi ang pakiramdam ko sa mga oras na Ito. Para na akong nawawala sa sarili, Kaya kung ano-ano nalang ang nasasabi ko. "A-ano pala. Hindi! Anong pinagsasasabi mo diyang, 'You wanna taste this?' Tastein mo muka mo." Galit galitan kong bulyaw, upang makabawi sa pagkapahiya. Akala ko nakatakas na ako sa tukso ni Matteo, ngunit hindi papala. Dahil tumayo si Matteo at dinalawang hakbang lang ang pagitan naming dalawa. Hinapit ako nito sa bewang at idinikit sa matigas nitong katawan. Gumapang sa aking kalamnan ang kakaibang sensasyon dahil sa ginagawa nito ngayon. Ang daliri nito ay nakalapat sa aking mukha at ipinaikot Ito doon. Napapikit ako dahil sa ginagawa nito. Ramdam ko ang bumubukol sa gitnang bahagi nito, dahil sa halos magkayakap na kaming dalwa. Napadilat ako ng magsalita ito. "Are you sure, you don't wanna taste this baby?" Mapang-akit nitong tanong Kahit iba ang gusto ng katawan ko, pilit kong nilalabanan ito. Hindi ako pwedeng sumuko agad. Hindi ako papayag na ganun-ganon nalang. Di ako pwedeng maging marupok. Humigop ako ng maraming hangin bago ko nilagay ang dalawang kamay sa dibdib nito. At buong lakas ko itong tinulak. Napausod ito ngunit matikas pa din ang tindig. My ghad! Naloloka na ako sa lalaking to, kagabi pa siya ganito sa akin. Parang hindi na siya yung dating Matt na isang salita kung magsalita. Ngayon kung ano-ano na ang mga sinasabi niya, at nakakapangilabot ang mga iyon. "Ano ba Matt! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ka ba pinantataasan ng balahibo?" Sabi ko dito sa inis na tono. Hindi naman ako nagagalit sa kanya. Talaga lang na natatakot ako kapag malapit siya lalo na ang madikit ang katawan niya sa katawan ko dahil iba agad ang nagiging reaksyon ng katawan ko. At ayokong masanay sa ganong bagay. Dahil panandalian lang ito. May katapusan, nagpapanggap lang kami. "Yeah, I heard what I said. Anong problema? May nasabi ba akong di maganda?" Sabi nito at akma nanaman akong hahawakan. Ngunit mabilis akong nakaiwas. "Oo, wala kang nasabing masama pero iba ang nagiging kahulugan ko s-sa mga sinasab mo sa akin." Mahinahon pero may diin kong sagot. Totoong naguguluhan na ako. Di ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko. Alam kong hindi pwedeng mangyari ang iniisip ko. Hindi pwedeng mahulog ako sa kanya. Dahil sa oras na mangyari yun, ako lang din ang talo. Ako lang din ang masasakyan, at ayokong mangyari yun. Kita ko sa mga mata ni Matteo ngayong ang pagtatanong at kaguluhan. Kung naguguluhan siya. Mas naguguluhan ako. "What do you mean by that?" Matigas nitong tanong. Napabuntong hininga ako bago muling nagsalita. "Sa tingin ko di ko na kaya ang pagpapanggap na to. Baka may ibang paraan para di na natin to ituloy." Malumanay kong paliwanag. Hindi ko alam kung bakit na tatakot ako na salubungin ang mga mata ni Matteo. Natatakot ako sa pwede kong makita. Natatakot ako dahil baka ako lang din ang masakta. "So what do you mean?" Hindi ko naiwasang mapatingin sa mga mata nito ng marinig ko ang boses nitong nakakapangilabot. Biglang nag-iba ang emosyon ng mukha nito. Ang kaninang walang tigil sa pagngiti ay nababakasan na ng galit at pait. Kita ko din ang pagsagi ng kirot mula sa mga mata nito. Parang gusto ko ng bawiin ang mga sinabi ko. Pero hindi! Nasabi ko na ito at di na ako aatras. Kilangan kong panindigan ang mga sinabi ko. Para din sa ikabubuti ko Ito, namin ng anak ko. Nakaramdam ako ng takot ng magsimulang humakbang si Matteo palapit sa akin. Ganitong ganito ang hitsura niya ng gabing pinagsamantalahan niya ako. Ang mga mata nito na nagpapakita ng panganib sa kanino mang titingin dito. Titig palang nito ay nakakapangilabot na. Sa bawat paghakbang nito, ay siya namang pag-atras ko. Imbis na ipakitang natatakot ako, mas ipinakita kong matapang ako nakaya kong panghawakan ang mga sinabi ko. Sa muling paghakbang ng aking paa. Lamesa na pala ang nasa likuran ko. Napahinto ako dahil wala na akong maatrasan. Ngunit si Matteo ay patuloy pa rin sa paglapit. Hanggang sa maipit ako sa pagitan ng lamesa at ng matigas nitong katawan. "Ano ba Matt, naiipit ako!" Bulyaw ko dito sabay tulak. Ngunit hindi Ito nagpatinag. Mas lalo nitong dinikit ang katawan sa akin. Pilit kong iniiwas ang katawan ko ngunit di ako makagalaw dahil sa naiipit ako sa mesa at sa katawan nito. "Ulitin mo nga ang sinabi mo kanina!." Sabi nito sa tapat ng aking mukha. Ang bawat paghinga nito ay ramdam ko na dahil sa magkadikit ang aming mga katawan. "Sa-sabi ko, itigil na natin to. Itigil na natin ang pagpapan-" ngunit naiwan sa bibig ko ang salitang gusto kong sabihin at ungol na lamang ang aking nagawa, nang bigla nitong sugudin ng halik ang aking labi. Iniiwas ko ang aking mukha ngunit sadyang malakas siya. Nakahawak sa likod ng aking ulo ang isa niyang kamay habang ang Isa ay nakasuporta palibot sa aking bewang. Ilang minutong mapusok na halik ang ginawa nito sa aking labi. Habang ako ay unti-unting nanlalambot. Ang dalawa kong kamay ay itinukod ko sa lamesa upang hindi tuluyang bumagasak ang aking katawan dahil sa labis na panghihina. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong tumutugon sa ginagawa nitong paghalik. Habang ang kaninang mapusok na paghalik ni Matteo ay napalitan ng magaan at masuyong paghalik. Parang sumasabay ang aming mga labi sa bilis ng t***k ng aming mga puso. Nang maghiwalay ang aming mga labi nakita ko ang mapanuksong ngisi mula sa labi nito at ang kislap mula sa mata nito na kanina ay mababakasan ng galit. Nakatingin ako diretso sa mata nito Hindi ako makapaniwala sa ginawa kong pagtugon. Kinintalan niya ako muli ng isang halik sa labi bago nag-umpisang magsalita. "Try to say that again! Hindi ka lang sa halik ko mababaliw. I will make sure that..... You can't never scape from me....... My beautiful wife." _jobelsmax
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD