ohh! Bat nandito ka, wala ka bang pasok?" Si Kim Ito kakalabas lang galing kwarto halatang bagong gising dahil pupungas-pungas pa ito.
Alas 8 na kasi ng umaga pero nakaupo lang ako sa upuang kawayan dito sa salas.
"Baka hindi. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." Tugon ko dito nang hindi umaalis sa upuan. Naglakad ito patungong lababo at nagsandok ng tubig sa dram.
Totoo namang masama ang pakiramdam ko. Medyo nahihilo din ako, pinilit ko lang tumayo para makapag hain ng agahan namin.
"Ano bang nangyari sayo? Nilalagnat ka ba?" Hindi ko namalayan ang paglapit ni Kim sa akin. Yumukod ito upang sipatin ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat." Sabi nito matapos sipatin ang noo ko.
"Baka naman may nakain kang panis o di kaya pinapagod ka sa trabaho niyo." Pagpapatuloy nito sa pagtatanong.
Napaisip ako bigla. Wala naman akong nakain na panis. Siguro nga napagod lang ako nitong mga nakakaraang araw. Pero pano ako mapapagod kung halos wala naman akong gawin sa opisina.
"Pahinga ka muna. Baka kulang ka lang sa tulog." Utos ni Kim habang naglalakad na patungong lamesa.
Sabagay tapos naman na akong magluto at maghain, baka kilangan ko lang talagang magpahinga.
"Tulog pa ba si Hyohan?" Tanong nito. Habang nag sasalin ng sinangag sa plato.
"Tulog pa." Sagot ko dito habang hinihilot ko ang aking ulo, Bigla kasi itong sumakit.
"Okay ka lang ba talaga?" Sabi nito sabay tayo. May pag-aalala itong lumapit sa akin.
"Baka kilangan mo nang dalhin sa hospital." Nag-aalala nitong sabi ng makalapit sa akin.
"Ba-baka, pagod lang to. Medyo nahihilo lang ako. Pero okay pa naman. Kaya ko pa." Pagpapalubag ko ng loob kay Kim, upang hindi na ito masyadong mag-alala.
"Sige na, magpahinga ka na muna. Ako ng bahala sa anak mo pagnagising. Tignan mo ohh! Namumutla ka na." Nag-aalala pa din nitong sabi.
Tumayo na ako para makapag lakad na papasok ng kwarto. Nang bigla akong mahilo at muntikan ng matumba.
"Ano ba Mira! Parang kailangan mo ng magpa ospital. Para ka nang walang dugo. Napaka putla na ng labi mo." Sabi nito habang inaalalayan akong muling makaupo.
"Kaya ko pa Kim. Pwede ba tulungan mo nalang akong makapasok ng kwarto? Baka kilangan ko lang magpahinga." Agad namang kumilos si Kim upang alalayan akong tumayo.
Akay-akay niya ako habang naglalakad papasok ng kwarto. Nang makapasok kami. Agad ako nitong tinulungang makahiga sa papag. Tulog pa si Hyohan sa papag kaya dahan-dahan lang akong nahiga.
"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalala pa ding tanong ni Kim.
"Oo, okay lang ako. Paggising ko paniguradong maayos na pakiramdam ko." Tugon ko dito.
"Sige na. Kaya ko na." Pampalubag ko kay Kim, dahil parang wala itong balak umalis.
"Sige na nga!. Basta, pagmay kailangan ka tawagin mo lang ako." Bilin nito sa akin.
"Opo, nanay." Tatawa-tawa kong sagot dito.
"Sige na po magpapahinga na po ako." Pagpapatuloy ko pa. Dahil parang may sasabihin pa si Kim.
Nang makalabas na ng kwarto si Kim. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag na nasa tabi ko lang.
Kilangan kong magpa-alam kay Matteo na di ako makakapasok, dahil baka kung ano nanaman ang isipin nun.
Me: baka di ako makapasok, masama pakiramdam ko.
Send.
Hindi ko na pinahaba ang text dahil sobrang sakit na ng ulo ko. siguro dahil sa pagkahilo.
....
"Tay, gusto ko po yun. Pwede po ba yun?"
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Hyohan.
"Sige, na tay. Kahit konti lang po. tikim lang po." Pagpapatuloy nito. Sa tonong nakikiusap.
Napabangon ako sa pagkakahiga. Dahil maayos na naman ang pakiramdam ko. Hindi na ako nahihilo.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng kwarto. "Sino kaya ang kausap ni Hyohan?" Tanong ko sa sarili.
Paglabas ko ng kwarto. Bumungad sa akin ang napakadaming laruan sa lapag. Mukhang mga bago at mamahalin ang mga iyon.
Mula sa kinatatayuan ko kita ko si Hyohan at ang lalaki na nakatalikod, may hawak itong isang balot ng chocolate.
Likod pa lang nito ay alam ko na kung kanino. Nakasuot ito ng usual na sinusuot nito sa trabaho. Nakasabit ang black coat nito sa upuang kawayan namin sa salas. Habang ang mahabang manggas ng suot nitong polong puti ay nakatiklop hanggang sa may siko.
Nakalupagi ito sa lapag habang nakikipaglaro kay Hyohan. Kung titignan mo ito ngayon ay parang hindi nagmamay-ari ng isa sa pinaka malaking kumpanya sa pilipinas. Para lang itong isang modelong ama na masayang nakikipag laro sa anak.
Hindi ko namalayang habang nakatingin ako sa mag-ama ay napapangiti na pala ako.
Napalis ang ngiti ko ng makitang napadako ang tingin nito sa akin.
Agad itong tumayo at lumapit sa kinatatayuan ko. Napaka gulo ng buhok nito ngunit hindi ito nakabawas sa taglay na karisma. Kundi mas lalo pa itong naging kaakit-akit.
"You're awake. Nagising ka ba namin?" Hindi maalis sa mukha nito ang ngiti habang nagsasalita.
Parang bumilis ang t***k ng puso ko ng makalapit siya. Ang takas na buhik ko na nakatakip sa mikha ko ay inipit niya sa tenga ko. Para akong mapupugtuan ng hangin sa katawan.
"Anong ginagawa mo dito?" Hinaluan ko ng konting gulat ang pagsasalita.
Pano kaya siya nakapasok dito? Na saan ba si Kim? Malabong hindi siya nakita ni Kim. At siguradong pagnakita niyo si Matt ay hindi iyon papayag na makapasok ito sa loob ng bahay.
"Nag-alala ako sa text mo. Akala ko may nangyari na sayong di maganda." Sagot nito na halata ang pag-aalala sa tinig.
"I brought some toys and groceries." Pagkasabi nito ay iniwan ako nito at pumunta sa mga plastic bag na nasa lapag. Base sa nakasulat sa plastic bag galing iyon sa isang sikat na groceries store.
Lumapit ako kay Hyohan na ngayon ay abala sa paglalaro ng mga laruang binili ni Matteo. "Nasan si nang-nang mo?" Tanong ko dito.
Humarap Ito sa akin habang hawak ang laruan nitong kotse. " Lumabas po, Sabi niya po may bibilhin lang po siya saglit." Magalang nitong tugon.
"Kanina pa ba?" Tanong kong muli. Habang sinisimulan kong igilid ang mga laruan dahil nakaharang sa daanan.
"Kani-kani lang po." Sagot nito. Habang nilalaro na ulit ang laruang kotse.
"Sino nag papasok kay Matt...... k-kay t-tatay mo?" Tanong ko dito. Nahihirapan pa din akong tawaging ama ni Hyohan si Matteo.
"Ako po!" Masigla nitong sagot.
"Nanay, tignan niyo po ang ganda ng kotse ko. Bigay po sa akin ni tatay." Masigla nitong ipinakita sa akin ang hawak-hawak nitong laruan.
"Sorry, di na kita ginising. Pagdating ko kasi tulog ka pa. Walang kasama si Hyohan kaya pumasok na ako." Sabi ni Matteo habang tumulutong sa pagliligpit ng mga laruang nakakalat.
Hindi ko magawang magalit kay Matteo sa pagpasok nito sa bahay ng walang paalam. Bagkus parang masaya pa ako na nandito ito.
"Kain ka muna. Pinakialaman ko na yung kusina niyo. Nagluto ako ng lugaw para sayo." Matapos sabihin iyon ay naglakad Ito patungong kusina. Nakialam na din Ito doon, nagsandok ito sa kaldero ng lugaw na niluto nito.
"Halika, Kain ka muna." Yaya nito matapos maihanda ang pagkain sa lamesa.
Lumapit ako dito. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya ng puso ko ngayon. Pakirdam ko isa akong reyna na pinagsisilbihan ng kanyang hari.
Umupo ako sa upuan sa tapat ng lamesa. "Kain na." Yaya nito sa akin.
Akala ko hindi marunong magluto ang mga katulad ni Matteo. Pero base sa nakahain sa harapan ko para namang masarap ito.
Hinawakan ko na ang kutsara at nag-umpisang sumandok. Ngunit natigil ako ng makita ko si Matteo na nakanganga habang nakapangalumbaba sa lamesa.
"Gusto mo?" Bigla nalang itong tumayo ng tuwid at umiling
"Masarap?" Tanong nito matapos kong isubo ang lugaw na nasa kutsara.
Infairness masarap. Tango lang ang isinagot ko dito. Mukha namang masaya na ito sa naging sagot ko dahil para itong nakatama sa loto kung makangiti.
Isang katok ang umagaw sa pansin ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at iluwa si Kim.
Napatayo agad ako ng maalala ko si Matteo. Nan dito si Matteo at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Kim dito. Alam kong sukdulan ang galit ni Kim kay Matteo, daig pa ako.
Kim, nandito ka na pala. Agad akong yumapos sa braso nito ng makalapit ako.
Ngunit hindi niya ako sinagot. Nang tignan ko ito nakatuon ang mga mata nito kay Matteo. Halos gusto na nitong patayin sa tingin ang huli
"K-kim, magpapaliwanag ako." Pag-uumpisa ko dahil sa namamagitang tensyon sa pagitan ni Matteo at Kim.
"Madami ka talagang dapat ipaliwanag." Madilim ang tingin nito na papalit palit n sa akin at kay Matt.
Kumalas ito sa pagkakasapos ko sa braso at naglakad patungong lamesa sa may kusina.
"Mukha di na pala kilangan tong binili ko. Sarap na sarap ka na kasi sa kinakain mo." Tyaka ko lang mapansin ang dala ni Kim na plastic.
Mula Ito sa kilalang lugawan dito sa bagong bayan, ang lugaw King. Agad akong lumapit at inagaw ang dala nitong plastic.
"Wow! Salamat Kim. Alam mo talaga ang gusto ko kapag may sakit." Sabi ko dito na pinasigla ang tinig. Kailangan kong pumagitna, dahil baka magkasabong ng wala sa oras. Ayos lang kung wala si Hyohan. Kaso nandito yung bata, at walang kalam-alam sa nangyayari.
Binuksan ko agad ang plastic ng lugaw na dala ni Kim. at ang lugaw na luto ni Matteo, ay itinabi ko.
"Wait, how about my lugaw? You said you like it." Kita ko ang pagtatagis nito habang nakikipag tagisan ng tingin kay Kim. Ganun din ang huli parang handang sumabak sa gyera kung makatingin kay Matt.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung kaninong lugaw ba ang uunahin kong kainin. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa.
"Sya, sya! Nang matigil na kayo pareho ko nalang kakainin..."
Mukhang mapapasabak ang tiyan ko. Parang kailangan ko ng maghanda ng sampung diatabs. Dahil siguradong magtatae ako mamaya.
Nang magsimula na akong kumain. Natigil din ang dalawa. Si Kim ay pumunta kay Hyohan. Habang si Matteo ay nakamasid lang sa akin habang kumakain. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang. Dahil tuwing isusubo ko ang luto nito, ngumanganga din ito "gutom ka din ba? Gusto mo ba?" Yaya ko dito ng di na ako makapagpigil.
"No, I cooked it only for you." Sabi nito.
"Ehh, bat para kang tanga diyan. Kung gutom ka kumuha ka ng sayo. Di ko naman mauubis lahat ng to." Naiirita kong sabi.
"I just wanna see your reaction everytime you eat my cook." Ngingiti-ngiti nitong sagot. Parang may ibang pinapakahulugan.
"Bahala ka dyan! Pero pwede ba wag mo kong titigan? Nakakailang ka." Pahayag ko dito.
Napatingin ako sa gawi nila Hyohan at Kim dahil parang may nakatingin sa gawi namin. At hayun si Kim nakatingin kay Matt, at parang gusto na nitong tunawin ang huli.
"Tapos na ko!" Sabi ko sa kawalan sabay tayo.
"Wait! Hindi mo pa tapos ang lugaw na luto ko." kunot noong pahayag nito.
Napatingin ako dito ng nakataas ang kilay. " Anong gusto mo? Ubusin ko yan at magtae?" Sumbat ko dito.
Umalis na agad ako at tumungo kina Kim at Hyohan.
Busy si Kim sa cellphone habang naglalaro naman si Hyohan. Umupo ako sa upuang kawayan sa tapat ni Kim.
"Kim, galit ka?" Tanong ko pero Hindi ito sumagot. Nasa cellphone lang ang paningin nito.
"Sorry na. Pangako magpapaliwanag ako mamaya." Tyaka lang ito tumingin sa akin. Alam ko namang di ako matitiis nito. Kami na nga lang ang magkasama. Magkakasira pa dahil sa bagay na to. Iyon ang di ko hahayaang mangyari.
....
"Tatay,. Uuwi ka na po? Pwede po bang dito ka nalang po matulog? Tabi po tayo nila nanay." Pakiusap ni Hyohan Kay Matteo na ngayon ay nakatayo na sa tapat ng pinto.
Tumingin Ito sa akin sabay nagsalita."tanong mo muna kay nanay kung pwede si tatay dito." Base sa mga mata nito ay nakikiusap ito. Kita ko ang lungkot sa mata nito. Parang gusto kong pabalikin Ito sa loob at hindi na paalisin. Ngunit pinilit kong wag magpadala sa nararamdaman.
Yumukod ako para magpantay kami ni Hyohan."Hyohan? kailangan ni mat.....tatay na umuwi. Kasi may trabaho pa siya bukas. Wag nang makulit ha, baby." Sabi ko dito sabay himas sa buhok.
"Sige na Matt! Di ba may trabaho ka bukas? Di ba Matt?" Pinanlakihan ko Ito ng mata upang sumang-ayon Ito sa sinabi ko.
"A-ahh! Oo pala may trabaho ako bukas. But don't worry big boy. Babalik si tatay bukas." Sabi nito sabay gulo sa buhok ng anak.
Matapos nitong kausapin si Hyohan tumingin Ito sa aking mata. Tama ba ang nababasa kong lungkot sa mata nito? Parang gusto ko tuloy itong hilahin at wag pauwiin.
Yumukod Ito at hinalikan sa noo si Hyohan.
"Tay, si nanay din po!" Masiglang utos ni Hyohan sa ama.
"Baby aalis na si ta-" ngunit hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lumapat na ang labi ni Matteo sa aking labi. Tulala lang ako habang nagpapaalam Ito.
"Sige, bukas ulit." Paalam nito sabay talikod. Bagsak ang balikat nito habang naglalakad patungo sa sasakyan nito na nakaparada sa labas ng bahay.
"ano yun? Ayos na pala kayo? Di ako na inform!" Napaharap ako kay Kim ng magsalita Ito mula sa likuran ko.
Naglakad ito patungo sa upuan sa salas at umupo ito doon.
"Kim, galit ka pa din ba?" Tanong ko dito.
"Satingin mo Mira?" Maiksi nitong sagot.
"Sorry na, di ko naman sinasadyang maglihim sayo. Wala lang akong magawa." Paliwanag ko dito.
Naagaw naman ng sinabi ko ang pansin nito. " Sige, bakit di mo sinabi sa akin? Bakit naglihim ka? Akala ko ba kinamumuhian mo siya?" Tanong nito habang nakatingin sa aking mata.
Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Kung pano ko ipapaliwanag ang lahat.
Ikinuwento ko kay Kim ang lahat. Walang labis walang kulang. Simula noong naospital si Hyohan hanggang sa ngayon.
"Walang hiya pala yang Matteo na yan." Galit na galit na lintanya ni Kim.
Lumapit ito sa akin at yumukod upang makapantay ako.
"Sorry Mira, di ko alam. Ako pala ang naglagay sayo sa ganyang sitwasyon." Nagsisisi nitong sabi.
"Ayos lang Kim. Wala kang kasalanan. Nagpapasalamat pa nga ako dahil lagi kang Nan dyan para sa aming mag-ina. Kayo nalang ni Hyohan ang meron ako. At hindi ako papayag na may mangyari sa inyong dalawa."
Hindi ko na napigilan ang paglandas ng aking luha ng yakapin ako ni Kim.
"Promise, di na ako maglilihim sayo. Ikaw kaya ang Bff ko." Sabi ko sabay yakap din pabalik dito.
Nandito ako ngayon sa kwarto nagtutupi ng mga damit. Nang maalala ko ang mga nangyari kani-kani lang. Ang sarap sa pakiramdam na wala ng tinatago sa taong mahalaga sayo. Ngayon ay hindi na ako natatakot dahil alam kong wala na akong tinatago kay Kim. May masasabihan na ako ng mga nangyayari sa buhay ko. Lalo na sa mga nararanasan ko sa pagitan namin ni Matteo.