good morning nanay!" Pagmulat palang ng kanyang mata, mukha agad ni Hyohan ang bumungad sa kanya. Masaya siya nitong pinaghahalikan sa mukha.
"Good morning wife." Gulat siyang napabalikwas ng bangon ng marinig niya ang boses ni Matteo. Nang madako ang paningin niya sa pintuan. Naroon ito nakatayo habang nakasandal sa dingding. Nakasuot ito ng polo shirt na black at cargo short naman na brown ang pangbaba. Napakalaki ng ngiti nito habang nakatingin sa akin.
Agad siyang nag talukbong ng unan. Nang maalala niyang bagong gising pala siya. Baka may panis na laway pa at muta ang kanyang mukha.
Nang di na niya narinig si Matteo dahan-dahan niyang binaba ang unan na nasa tapat ng kanyang mukha. "What are you doing?" Nagulat siya ng biglang sumulpot ang mukha nito mula sa gilid niya.
Iaangat niya ulit sana ang unan ng mabilis siyang pigilan ni Matteo.
"Matt, ano ba!" Inis niyang sita dito habang inaagaw dito ang unan.
"What?" Patay malisyang tanong nito.
"Don't be shy, my wife" Nangingiti nitong tanong.
"Hindi ahh!" Defensive kong sagot.
"Why are blushing!" Pang-aasar pa nito.
"Ano ba Matt! Wala ka bang magawa? Ano bang ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Bakit nandito ka? Sinong nagpapasok sayo?" Inis kong tanong.
"Ako po nanay!" Napalingon siya sa nakangiting si Hyohan.
Sa pagkakaalam niya biyernes palang. Ibig sabihin may pasok sa trabaho. Bakit kaya nandito to. Bulong niya sa sarili.
"Di ba may pasok ngayon? Bakit Nan dito ka?" Inis ko pa ding tanong dito.
Maaga pa naman. Pero kahit na, sa hitsura nito parang wala itong balak pumasok.
"Do you forget? I'm the owner of the company. I can do whatever I want." May pagmamalaki nitong sagot.
Ahh, ganun porket sya ang may-ari pwede na niyang gawin kung anong gusto niyang gawin. Bulong niya sa sarili.
"What?" Patay malisya nitong tanong. Dahil nakatingin siya ng masama dito.
Siguro kung wala si Hyohan dito baka kanina niya pa binatukan ito. Wala kasing ginawa kundi ang mang-asar.
"Bahala ka diyan!" Sabay bitaw ko ng unan at padabog na tumayo.
"Wait, where are you going?" Tanong nito habang nakasunod sa akin.
Hinarap ko ito bago nagsalita."Sa banyo! Bakit sasama ka?" Irita kong sagot sabay irap.
"Can I?" Tanong nito sabay ngisi ng nakakaloko.
"Bastos." Pagkasabi ko noon ay dumiretso na ako sa banyo at padabog na sinara ang pinto.
Mabilis akong napasandal sa kahoy na pinto ng banyo. Napahawak siya sa dibdib dahil sa napakabilis na pagtibok nito. Mas lalong namula ang kanyang mukha ng makapa niyang wala pala siyang suot na bra.
Ibig sabihin bakat ang dibdib niya kanina pa, at hindi niya ito napansin. Kaya pala kung makatitig si Matteo kanina wagas kung wagas.
Nagtungo siya sa dram at nagsandok ng tubig mula doon at agad na naghilamos. Para kahit papaano ay maitago niya ang pamumula ng pisngi.
Nang nasa tapat na siya ng pinto, huminga muna siya ng malalim. Sumilip siya sa singaw ng pinto at pinakiramdaman niya kung anong ginagawa ng mag-ama sa labas.
"Ano kayang ginagawa nung dalawang yun?" Tanong niya sa sarili
Dahil wala siyang marinig na ingay mula sa labas ng banyo. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
"Hi nanay!" Napatigil siya sa paghakbang ng bumungad sa harap Niya si Hyohan at Matteo.
"Hi, wife!" Si Matteo naman ang sumunod.
"Ano bang ginagawa niyong dalawa?"Ang laki ng ngiti ng dalawa animo nakatama sa loto.
"Ano ba talagang trip nyong mag-ama?" Inis niyang tanong. Kahapon pa kasi siya nagugulat sa mga pinaggagawa ni Matteo, at dinamay pa nito ang anak sa mga kalokohan.
Nakapasan si Hyohan sa balikat ni Matteo. At parang wala lang kay Matteo ang bigat nito.
Nga pala, bakit ang aga-aga ehh Nan dito tong lalaking to?
"Hyohan, baba ka na. Baka madumihan si si-sir Matteo." Naiilang kong sita dito dahil parang wala itong balak bumaba sa pagkakapasan kay Matteo. Ganun din ang huli, parang walang balak ibaba si Hyohan.
Agad namang sumunod si Hyohan. Pagkababa nito ay tumakbo ito patungo sa akin.
"Drop the formality Mira. Just call me Matt, Matteo. Or whatever you want. Pwede ding hubby or husband if you want." Ani ni Matteo habang nakangisi.
"Asa ka!" Sagot niya dito sabay irap. Pero may parte sa puso niya ang kinikig.
"Uyy! Kinikilig si nanay." Napatingin siya kay Hyohan dahil sa panunukso nito.
"Hindi ahh! Ikaw na bata ka talaga kung ano-ano ang pinagsasabi mo." Saway niya sa anak. Tumingin siya kay Matteo na ngayon ay nakangiti.
"Nanay, nagugutom na po ako."
Tyaka niya lang naalala na di papala sila nag-aagahan. Masyado kasing nabaling sa prisensya ni Matteo ang pansin niya.
Aalis na Sana siya ng pigilan siya ni Matteo. "Where are you going?" Tanong nito nakakunot ang noo.
"San pa ba? Edi bibili ng pagkain! Narinig mo naman ata gutom na si Hyoh-."
"I'll cook!"natigilan siya sa sinabi nito.
"Ano?" Tanong ko dito.
"I said, I'll cook! Ako magluluto." Disidido nitong pahayag.
End of the world na ba? Ang isang Matteo Madrigal, magluluto nang agahan? Ano kaya hitsura nito habang nagluluto? Paniguradong di Ito marunong. Napatawa siya sa isiping iyon. Ngunit bigla ding napalis ang kanyang ngiti ng makita niya si Matteo. Bigla kasing nagdilim ang mukha nito.
"Ohh! Bat ganyan mukha mo? Para kang mangangain ng tao." Pakunwaring tawa ang hinalo nya upang mapalis ang kaba. Huli na ng mapagtanto nito ang nasabi.
"Ohh,!common Mira! Have you forgotten that I am expert on that?" pinantaasan siya ng balahibo sa mapang-akit nitong boses.
"Or gusto mong subukan natin ngayon! What do you think my wife?" Pagpapatuloy nito habang may pataas taas ng kilay. Bigla akong pinanawan ng kulay dahil sa sinabi nito. Halos di ko maibuka ang labi ko para magsalita.
"Ohh! What Happened to you? Are you scared?" Bigla siyang natauhan ng marinig niya muli itong magsalita.
"Hi-hindi, ahh!" Nauutal nyang tugon.
"That's not what i see to your face.." pang-aasar nito, nahalata ang pagkislap ng mata at pagngisi.
"Nay! Tay! Gutom na po ako!." sabat naman ni Hyohan. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa nabaling ang pansin ni Matteo kay Hyohan.
Akala niya talaga lalamunin na siya ng lupa, dahil sa mga pinagsasabi ni Matteo.
"Okay big boy! Tatay will cook for you and for nanay." Sabi nito kay Hyohan sabay gulo sa buhok ng anak.
Tumakbo si Hyohan patungong kwarto. Paniguradong kukunin nito ang mga laruang pinamili ni Matteo kahapon. Mas nakahinga siya ng maluwag ng magsimula ng maglakad si Matteo patungong kusina.
Sinundan niya ito patungong kusina.
Ngayon niya lang napansin ang mga plastic bag sa ibabaw ng lamesa. Mukhang pinaghandaan nito ang gagawin ngayon.
"Tulungan na kita." Prisenta ko nang magsimula na nitong ilabas ang mga lulutuin mula sa plastic bag.
"Just sit down and watch on me wife" may pagmamalaki nitong pagtanggi sa alok niyang tulong.
umupo siya sa upuan katapat ng lamesa. Sagilid niya ang kusina. Kaya kitang-kita nya ang bawat galaw ni Matteo.
Naghugas Ito ng kamay sa lababo bago muling humarap sa lulutuin.
"You want, egg?"tanong nito sa kanya.
"Kahit ano." Tugon niya.
"Okay, what do you preferred to my egg?scrambled or sunny side-up?" Nakangisi Ito habang nagtatanong. Parang may iba itong pakahulugan sa tanong.
"Ano ba Matt! Nakakadiri ka!" Irita kong saway dito.
"What? Did I say something wrong?" Ngingisi-ngisi nitong tanong.
"Ohh! Common Mira. Im just asking what do you want to the egg. I can't imagine that you have a malicious mind." Panunukso nito.
"Tsk! Manahimik ka nga!" Inis kong Sabi sabay irap.
"Marunong ka ba talagang magluto?" Pag-iba niya sa topic dahil mukhang sa batihan na ng itlog mapupunta ang usapan.
"Tulungan na kita." Pagpupumilit ko. Pero hindi siya nito sinagot.
Binuksan na nito ang gasul naming lutuan at pinainit ang kawali. Habang pinapanood ko itong nagluluto, Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya. Hindi man niya alam kung para saan. Pero Di niya mapigilan ang tuwang nararamdaman. Parang sa buong panahon na nagkasama sila ni Matteo. Wala itong ginawang bagay na makakasakit sa kanya. Hindi Ito ang Matteo na inaasahan niya. Dahil ang tumatak sa isip niya ay ang Matteo na walang awang nanakit at sumira sa buhay niya.
"Is there any problem?" Napakurap siya ng marinig niya ang nag-aalalang boses ni Matteo. Agad itong lumapit sa kanya. Inangat nito ang mukha ko gamit ang kanan nitong kamay. Pinunasan nito ang hindi niya napansin na luha sa kanyang pisngi.
Agad niyang iniwas ang mukha at tumalikod para punasan ang kanyang luha.
"Napuwing lang." Paliwanag nya ng humarap siya kay Matteo.
Ngunit nakatingin lang sa kanya si Matteo. Halata sa mata nito ang pag-aalala.
Bakit ba kasi napaka emosyonal nya ngayon? Konting bagay lang naiiyak na siya.
"You really okay?" Bakas pa din sa boses nito ang pag-aalala.
"Napuwing nga lang!"hinaluan niya ng pagkainis ang boses.
"Yung niluluto mo baka masunog." Pag-iiba ko sa usapan.
Mabuti nalang at naibaling na sa niluluto nito ang pansin ni Matteo.
Nang matapos itong magluto tinawag na niya si Hyohan. Papasok sana siya sa kwarto ni Kim para ayain itong kumain ngunit pinigilan na siya ni Hyohan.
"Wala po si nang-nang, nanay. Di pa po umuuwi." Sabi ni Hyohan.
Nasan kaya yun? Bat Kaya di pa nauwi? Siguro may importanteng pinuntahan. Mamaya na nga lang itetext ko nalang.
Kaso pano si Hyohan? Walang magbabantay? Wala si Kim. Tanong nya sa sarili.
"Let's eat." Napabaling siya Kay Matteo nang ayain siya nitong kumain.
Dumulog ako sa lamesa. Nakaupu na si Matteo habang sa tabi nito nakaupo si Hyohan. Umupo ako sa upuan katapat ni Matteo.
Nagsandok si Matteo ng sinangag at nilagay sa plato ni Hyohan, pagkatapos ay sinalinan din ako nito sa plato ko ng sinangag, itlog at ham.
"Kain na." Yaya ulit nito.
Mukha namang masarap ang luto nito. Gutom na din siya kaya nag-umpisa na siyang sumubo ng sinangag.
Naging tahimik naman ang buong panahon ng pagakain namin. Maliban nalang sa pangungulit ni Hyohan sa ama.
"Matt!" Tawag niya dito pagkatapos nitong maghugas ng pinagkainan.
Oo siya ang naghugas ng mga pinagkainan. Nagpumilit itong ito na Ang maghugas.
"Yes?" Sagot nito habang nagpupunas ng kamay sa towel na nakasabit sa lababo.
"A-ano kasi......"nag-aalinlangan siyang sabihin dito na baka hindi siya makapasok.
"What is it?" Tanong nito habang nakatingin sa kanyang mata. Nag-aantay Ito ng susunod niyang sasabihin.
"Ano kasi, baka di ako makapasok. Wala kasi si Kim. Walang magbabantay kay Hyohan." Paliwanag niya dito.
Akala niya magagalit ito ngunit wala siyang narinig na sagot dito. Naglakad ito patungo sa akin.
"Okay." Maiksi nitong tugon, pagkaupo sa katapat kong upuan.
"Anong okay?" Takang tanong ko.
"I said okay. Okay na di ka papasok." Sagot nito.
" And from now on, di ka na papasok as my personal assistant. Because I firing you!" Pagpapatuloy pa nito.
"Pano yung utang ko? Yung kontrata ko sayo?" Tanong ko dito
Hindi ko alam kung bakit parang kumirot ang puso ko sa sinabi nitong tanggal na siya sa trabaho. Dapat nga masaya pa siya, dahil di na niya Ito makikita araw-araw. Hindi na siya mabubwiset.
Mas mabuti na siguro ito. Para kahit papano mababantayan na niya si Hyohan. Di na nya kilangan gumising ng maaga para maghanda sa trabaho. Pampalubag nya sa loob. Ngunit kahit anong pampalubag ang gawin niya parang di effective.
"Forget your debt to me. Wala ka ng utang sa akin." Mas lalo siyang nagulat sa sinabi nito.
"Sure ka ba?" Di makapaniwalang tanong ko. Ngunit may halong pait. Ano bang nangyayari sa akin? Dapat masaya ako.
"Yes. And stop asking again. Basta di ka na papasok sa kumpanya. Sa bahay ka nalang. Take care of Hyohan." Maawtoridad nitong pasya.
"And one thing." Napaangat ang ulo niya mula sa pagtitig sa lapag.
"From now on. Your job is to take care of Hyohan. And to be his loving mother..." Natigil ito sa pag sasalita at matamtamang tumingin sa aking mata. Napapitlag siya ng maramdaman niya ang kamay ni Matteo na humawak sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng lamesa. Marahan itong pumipisil sa aking kamay.
Feeling niya hihimatayin na siya sa mga oras na ito. Dahil sa bilis ng t***k ng puso niya. Napakalambot ng kamay nito. Parang ang sarap hawakan buong araw.
Seryosong boses nito ang nagpabalik sa kanya sa katinuan. Tumingin siya diretso sa mata ni Matteo ganun din ang huli, wala akong mabasa sa mga mata nito. Seryoso itong nakatingin sa aking mata.
"I will court you starting today!.." madiin nitong pahayag. At mas lalong humigpit ang hawak nito sa aking kamay. Para bang ayaw ako nitong pakawalan.
Akala niya wala ng kadugtong ang nakakagulat nitong pahayag. Ngunit mas tumaas ang balahibo niya sa sumunod nitong sinabi.
"You need to be ready my wife. Dahil sa bawat araw na makakasama mo ako mababaliw ka. Mababaliw ka sa kakaisip sa akin. And I will make sure! you have no choice........ but to love me back!"