Gabi na pero di pa din ako makatulog. Hindi ko alam kung dahil ba to sa pinagtapat ni Matteo kanina? O dahil sa pag-aalala ko kay Kim. "Nay? Gising ka pa po?" Napalingon ako sa katabi kong si Hyohan. Kinusot nito ang mata at pupungas-pungas na bumangon mula sa papag. "sorry baby! Nagising ka ba ni nanay?" May pangamba kong tanong . "Hindi naman po. Bakit di pa po kayo natutulog." Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding malapit sa pinto. Mag aalas onse na pala ng gabi. Pero Hindi pa din ako dinadalaw ng antok. "Di kasi makatulog si nanay. Sige na tulog kana ulit." Malambing kong utos dito. Pinahiga ko ulit si Hyohan at kinumutan. Nangmakita kong pumukit na ulit ito, dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa dingding kung saan nakasabit ang bag ko. Kinuha ko sa loob ang cellpho

