"if you're sure, ready you're self"
Ito ang paulit-ulit na naririnig ko simula pa kagabi hanggang sa magising ako. Parang may ibang pahiwatig ang mga katagang iyon.
Hindi sya gaanong nakatulog dahil sa pag-iisip. Pag-iisip kung anong dapat nyang gawin pagnagkaharap na sya at ang pinagkakautangan niya.
"bahala na nga!!" wala sa sariling lintanya niya.
Bumangon na sya mula sa pagkakahiga. Kilangan na nya kasing mag-ayos para maaga siyang makarating sa address na ibinigay ng huli sa kanya.
"kim, ikaw muna bahala kay Hyohan. May kilangan lang kasi akong puntahan" nakabihis na ako pero kakalabas pa lang ni Kim mula sa kwarto nito.
"saan ka naman pupunta?" pupungaspungas nitong tanong.
Hindi nya nga pala sinabi dito kung ano ang mga napag-usapan nila ni attorney Mendez. Ayaw nya kasing mamroblema pa ito sa utang kuno nito, na talagang dapat ay sa akin. Malaki na ang utang nya kay Kim at ayaw na nyang madagdagan pa iyon.
"basta, may importante lang akong pupuntahan" hindi ko na inantay ang sagot nito. Panigurado kasing hindi ako nito tatantanan hanggang di ko sabihin kung saan ako pupunta.
Balak ko sanang mag jeep para makatipid kaso, first-time ko pa lang pupunta sa lugar na binigay sa akin ng kausap ko kagabi. Kaya nag taxi nalang ako para diretso na ako sa address na binigay sa akin.
Huminto ang sinasakyan ko sa harap ng isang malaking gusali. Napanganga siya ng mapagmasdan ang kabuuan ng gusaling nasa harapan niya.
"yes, miss?" tanong ng nasa reception area.
"uhm, pinapunta po ako dito ni....." Ano nga ba pangalan nun? Nakalimutan kong itanong. Anong sasabibin ko. Hala!
"pinapunta po ako ni boss!!" ayy kagagahan ko talagang tinataglay, ang dami kayang boss sa mundo.
Pero ng tignan ko ang mukha ng kaharap ko parang na gets nito ang sinabi ko.
"okay, ma'am! Wait for a while" ayy galing naman. Boss lang pala talaga panganlan nun.
Nakita kong may tinawagan ang receptionist. Ilang minuto lang ay may lumapit na lalaki sa akin. "ma'am , dito po tayo." napatingin ako sa receptionist, dahil hindi ko alam kung sasama ba ako sa lalaki. Mamaya masamang loob pala ito.
"Sasamahan nya po kayo kay boss."Tukoy nito sa lalaking kakalapit lang, sabay nginitian sya nito.
Nakasakay kami ngayon sa loob ng elevator, kinakabahan ako, di ko alam pero parang bigla nalang akong nakaramdam ng labis na pagkabalisa.
"kalma self, kalma lang!" bulong ko sa sarili.
Nang bumukas ang pinto ng elevator mas lalo akong namangha sa lawak ng palapag. Dalawang pinto lang ang meron sa palapag na ito. Isa siguro dito ang pupuntahan namin. Naunang naglakad ang lalaking kasama ko. Pumunta kami sa may dulong pinto ng palapag. Kumatok ng tatlong beses ang lalaki bago ito binuksan.
Pumasok siya sa loob kasunod ang lalaking naghatid sa kanya. "ma'am sabi po ni lord paantay nalang daw po dito. May meeting lang po kasi itong pinuntahan." sabi ng naghatid sa kanya.
"ayy! Sige po kuya." sagot nya dito.
Naupo sya sa isang sofa sa may gilid ng pinto matapos makalabas ni kuya na naghatid sa kanya. Nilibot nya ang kanyang paningin sa kabuoan ng opisina. Napakalawak ng opisinang ito. Pwede na itong gawing bahay sa sobrang laki.
Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa din dumadating si boss. Dahil sa sobrang pagkainip, tumayo siya at naglakad lakad sa loob ng opisina. At dahil sa dakilang usisera sya nakialam na din siya sa ilang gamit na nakikita nya. Napadako ang kanyang paningin isang babasaging plaka na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nakatalikod ito sa kanya kaya di nya agad ito napansin. Kinuha nya ito at binasa ang nakaukit dito. Lumikha ng malakas na tunog ang kanina ay hawak-hawak nyang babasaging plaka. Nabitiwan nya ito ng mabasa nya ang nakaukit na pangalan mula dito. Tulala sya habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni " Mateo Madrigal"
Nilukob sya ng kaba, namutla ang kanyang mukha.
"Siya? Panong siya? " bulong niyang usal.
Nang makabawi sya sa pagkagulat, agad siyang gumalaw para makaalis sa lugar na ito. Ngunit huli na. Isang matangkad, matipuno at ubod ng kisig na lalaki ang niluwa ng pinto. Napatitig siya dito, gulat na gulat sa taong nasa harapan niya. Sa taong akala nya ay di na nya muling makikita. Ngunit mapagbirong talaga ang tadha. Dahil ang taong ayaw na nyang muling makita ay nakatayo ngsyon sa kanyang harapan.
Gusto nya itong lapitan. Gusto nya itong saktan. Gusto nyang iparamdam dito ang sakit na naranasan nya nang dahil dito.
Ngunit mas pinili nyang pakalmahin ang sarili. Ayaw nyang maulit ang nangyari noong huli silang magkita. Ayaw nyang ipakita muli dito na natatakot siya. Gusto nyang ipakita dito ang isang Mira na matapang at walang inuurungan.
"anong ginagawa mo?" tanong ko dito ng nakalapit na pala ito sa kanya ng di nya namamalayan.
Bigla siya nitong pinangko at binuhat in bridal style. Nagpapapalag siya pero di ito huminto sa ginagawa.
Nilapag ako nito sa sofa kung saan ako nakaupo kanina.
"don't move!" malamig at walang emosyon nitong utos.
Umalis ito saglit ngunit pagbalik nito ay may dala itong bag. Nang makalapit ito sa akin tyaka ko lang nakita na first aid kit pala ang dala nito. Napatingin siya sa paa nya na ngayon ay hawak hawak na nito. Madilim itong nakatitig doon. Tyaka nya lang napansin ang fugo mula sa sugat sa kanyang paa. Siguro dulot ito ng bubog na tumama sa kanyang paa dahil sa nabasag na plaka.
"wa-wag na, kaya ko na! Ako nalang ang gagamot dyan." pagtanggi nya ng makita nyang lalagyan na nito ng betadine ang sugat nya sa paa.
Mali ang nararamdaman nya ngayon. Dapat namumuhi at nagagalit siya dito. Dahil ito ang dahilan ng lahat ng masamang nangyari sa buhay niya. Pero ang nakikita nya mula dito ay kabaliktaran ng lalaking nasaharapan nya limang taon na ang nakakalipas.
Pilit kong binabawi ang paa ko na hawak nito, ngunit napakalakas nito. At parang wala itong balak na bitawan ang paa nya. Nang matapos nitong gamutin ang sugat nya tyaka lang nito ito binitawan.
Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng pants. Ilang sandali lang ayy may pumasok na matandang babae na satingin ko ay tagalinis. Nilinis nito ang bubog na nagkalat sa sahig.
Nang makalabas na ang tagapaglinis. Tatayo na sana siya ngunit pinigilan sya ni Mateo. "don't move, just sit down." wala pa ding emosyong utos nito.
Kaya napabalik ako sa pagkakaupo. "so-sorry" sabi nito sa nauutal na tono, halatang hindi ito marunong humingi ng sorry dahil sa uri ng paghingi nito ng tawad.
"pa-para saan?" kunwaring walang malay nyang tanong. Siguro humihinge ito ng tawad sa ginawa nito limang taon na ang nakakalipas. Pero huli na ang lahat hindi na nito mababalik ang nakaraan.
"about, what happened last time we met" napanganga siya sa turan nito. Ano? Humihingi siya ng sorry tungkol sa nangyari noong huling beses silang nagkita? Pero sa ginawa nito sa akin limang taon na ang nakakalipas ay hindi nito ihihinge ng tawad?
"i was carried away that night, and i can't control my self." pagpapaliwanag nito.
"i think, i scared you." pagpapaliwanag nitong muli.
Dahil sa sobrang pagtataka kung bakit, parang wala itong maalala sa nakaraan. Sa mga ginawa nito sa akin. Kusang lumabas ang mga katanungan ko para dito.
"wala ka bang naaalala?" tanong ko dito.
"about what?" clueless na sagot nito.
Nagtataka sya sa sagot nito. Wala nga ba talaga itong naaalala? O baka nagkukunwari lang ito.
"bakit mo ko tinulungan? Bakit mo binayaran ang hospital bill ng anak ko. Kung hindi mo naman ako lubusang kilala?" nagtataka nya paring tanong.
Totoo naman, bakit nya ako tutulungan kung hindi naman pala nito alam na anak nito sa Hyohan. At pano nito nalaman na may anak sya na kilangan ma operahan.
" because, i feel guilty" sabi nito na diretsong nakatingin sa mata nya.
"dapat lang" bulong nya.
"what is it?" tanong nito.
"wala sabi ko salamat. Kasi tinulungan mo ko." labas sa ilong na sabi nya.
Kung tutuusin kulang pa ang ginawa nito para sa anak ko. Kulang pa ang yaman nito sa ginawa nito sa akin. Bulong ng isip nya.
"sorry for asking this question. But where's your husband? Or the father of your child?"tanong nito sa tonong nakiki simpatya.
" Tanga ka ba? Gago ka pala ehh, pagkatapos mo kong mabuntis tatanong tanungin mo ko nyan! Gago ka nga talaga." bulong ng nagngingitngit kong isip.
" wala, siguro kasama na ni hudas sa impyerno? O di kaya binenta na ang kaluluwa kay satanas." sabi ko dito sa galit na tono.
" sorry, to hear that. I think masama ang nagawa sayo ng tatay ng anak mo. " sagot nito sa tono na nagagalit.
"ayy, oo talaga! Parang gusto ko na nga syang ibaon ng buhay ngayon ehh. Pwede ba?" sarkastikong sagot ko dito habang matalim na nakatitig sa mga mata nito.
"tungkol pala sa utang ko pwede bang hulog-hulugan ko nalang? Pagnagka pera ako?" sabi ko dito upang maiba ang usapan. Ayaw ko din kasing araw-araw na makita ito. Ayaw kong magtrabaho dito. Dahil baka araw-araw lang din siyang magalit pagnagkataon.
"no!" agad nitong sagot. "you have to work for me!" may diin nitong pagtutol.
"pe-pero, promise magbabayad ako buwan buwan-" naputol ako sa pagsasalita ng muli itong tumanggi.
"i said, no! You need to work for me!" ma awtoridad na tutol nito.
Wala siyang nagawa, kilangan nyang magbayad ng utang. Kaya tinanggap nalang nya ang alok nito.
"you will be my personal assistant" tukoy nito sa magiging trabaho ko.
"ano? Personal assistant?" makita nga ito ng ilang minuto ayy hindi na siya makatiis. Pano pa kaya kung makita ito araw-araw.
"wala akong alam sa pagiging personal assistant, kung may inutusan kang tauhan baka nakalimutan sabihin sayo na second year high school lang ang natapos ko!" sabi ko dito, sa pag-asang babawiin nito ang sinabi kanina.
Ngunit nabigo siya, imbes na bawiin nito ang sinabi. Mas pinagdiinan nito ang sinabi kanina.
" so what? " walang gana nitong tanong.
" pe-pero" naputol ako sa pagsasalita ng biglang magsalita ito.
"no buts! You will be my personal assistant. And you will start tomorrow. So get ready your self." pinal na desisyon nito.
Nasa bahay na ako pero iniisip ko pa din hanggang ngayon ang mga napag-usapan namin ni Mateo. Paroon parito ang ginagawa nya sa loob ng bahay.
" ano ba Mira? Nakakahilo ka na! Bakit ba parang di ka mapakali? Para kang sinilihan sa pwet!" iritang sita sa kanya ni Kim.
Tyaka lang siya naupo sa tabi nito. "wala, may iniisip lang ako." sabi ko dito.
"ano ba kasi yun? Kanina ka pa ganyan simula ng umuwi ka." sita muli nito.
"wala talaga!" pagpupumilit ko. Kahit ang totoo hindi ko na alam kung anong gagawin. Sino ba namang hindi mapapakali kung makakasama mo ang taong kinamumuhian mo? At hindi lang yun. Araw-araw ko siyang makikita at makakasama.