Chapter 6

2366 Words
Para syang galing sa isang matinding takbuhan ng makarating sya sa information desk. "miss, si Hyohan Asuncion po? Nasaan po? Wala na siya sa ICU." hinihingal at mangiyak ngiyak na tanong nya sa nurse na nasa information desk. Bago ito nagsalita ay tinignan muna sya nito, mula ulo hanggang paa. dahil sa pagkailang sa ginagawang pagtitig ng nurse sa kanya, sinuri nya ang kanyang sarili. Napakadumi na ng puting kamiseta na suot nya madumi na din ang paa nya na walang sapin. Pero wala syang pakialam ngayon sa hitsura nya. Ang gusto nya lang mangyari ay makita si Hyohan. "ma'am kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong sa kanya ng nurse. "a-anak ko sya. Ako ang nanay nya." sagot ko sa tanong nito. "sige po check ko lang po sa record." magalang na sagot nito sa kanya. Tumalikod na sa kanya ang nurse at humarap sa monitor ng computer. Napalingon siya sa likuran ng may humawak sa balikat nya. " Mi-Mira? " si Kim pala at halatang halata ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi nya napigilan ang sarili. Agad nyang kinabig ang kaibigan upang yakapin ito at kumuha ng lakas dito , dahil para na syang matutumba. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat at diretsong tumingin sa kanyang mata. "Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil agad ko itong pinutol sa pagtatanong tungkol kay Hyohan. Gusto nyang makita ang anak nya. Gusto nyang malaman ang kalagayan nito ngayon. "si-si Hyohan? Kim! Ang anak ko? Nasaan ang anak ko?" umiiyak na tanong niya dito at halos magwala siya sa harapan nito. "wag kang mag-alala sa anak mo. Maayos na sya ngayon." sabi nito sa masayang boses. "pa-pano?" naguguluhan nyang tanong dito. "bago ka magtanong ng kung ano-ano, halika na puntahan mo muna ang junakis mo." pagputol nito sa tanong nya. Nasa tapat kami ngayon ng room 805. Binuksan ni Kim ang pinto ng room. Wala siyang sinayang na sandali agad siyang pumasok sa loob ng kwarto. Ginala nya ang kanyang paningin sa kabuoan ng kwarto, hinahanap nya ang kanyang anak. Nakita nya ito. Nasa pinaka dulo ng kwarto nakahiga. Ngunit wala pa din itong malay, pero kakaunti nalang ang mga aparatong nakakabit sa katawan nito ngayon. Patakbo nya itong nilapitan, lumuhod siya sa lapag sa may gilid ng kama nito. Pinakawalan nya ang mga luha na gustong mag-unahan sa pag-agos. Akala nya di na nya makikita si Hyohan. Akala nya mahihiwalay na ito sa kanya. "ano bang nangyari sayo?" si Kim na nakalapit na sa kanya. Mababakasan pa din ito ng pag-aalala. "mahabang kwento Kim." sagot nya dito habang ang paningin ay nasa anak na walang malay. Napatingin lang sya dito ng maalala nya ang gumugulo sa kanyang isip. Kanina pa nya iniisip kung anong nangyari. Panong nalipat ng kwarto si Hyohan. At hindi lang yun, napaka laki ng kwartong ito. Halos priple ng laki nito ang inuupahan nilang bahay. "kim, anong nangyari? Bakit pagpunta ko kanina sa ICU wala na kayo doon? Nag-alala ako ng sobra kala ko may nangyari ng masama kay Hyohan." pag bibigay salita nya sa mga katanungan sa kanyang isip. Tumayo ka nga muna dyan! Sabi nito na mababakasan pa din ng pag-aalala ang mukha. Hinila ako nito patayo at giniya ako papunta sa isang sofa sa gilid ng kama ni Hyohan. Nang umupo ito doon ay tyaka ako tumabi dito. "alam mo ba nag-alala ako sayo? Kagabi pa ako di makatulog, di ko alam kung kanino ako mas mag-aalala. Sayo ba o sa anak mo." pagpapaliwanag nito na talagang bakas ang sinabi sa mukha. "sinubukan kong tawagan ka, pero di mo sinasagot yung tawag ko. Di ko na nga alam kung anong gagawin ko kagabi. Alam mo ba? Kinausap ako ng doktor ni Hyohan at sabi nya sa akin bayad na daw lahat ng kilangan para maumpisahan ang operasy-" tuloy tuloy pa nitong paliwanag. Ngunit pinutol ko ito sa pagsasalita dahil sa naguguluhan ako. *te-teka! sinong nagbayad ng opesyon??" nagtaatakang tanong ko dito Napatingin naman sa akin si Kim na may naguguluhang mata. "wala ka bang alam? Akala ko galing yun duon sa herodes na naglabas sayo sa bar!" nagtataka nitong sabi. Imposible na galing sa kanya ang pera na yun, di naman nya kilala si Hyohan at higit sa lahat hindi naman nya alam na may anak sya sa akin. Pero, posible kayang nakilala na nya si Hyohan? Pwede ding pinaimbestigahan nya ako at nalaman nitong may anak siya sa akin. Bulong nang naguguluhan nyang isip. Napalis ang malalim na pag-iisip ko ng muling magsalita si Kim na nasa tabi ko. "ikaw ata ang merong dapat sabihin , anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo?" pagtatanong nito na muling sinuri ang kabuoan ko. Gumapang nanaman ang pangamba sa kanyang dibdib ng maalala ang mga nangyari kagabi. *** "a-ano? Saglit lang ha! Ano nga ang sinabi mo ulit?" di makapaniwala nitong tanong nito. Sinabi ko kasi sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Ayaw ko kasing maglihim sa kanya. Alam naman ni Kim ang lahat ng tungkol sa akin. At kilala din nito ang tunay na ama ni Hyohan. Para saan pa kung maglilihim pa ako dito. "anong ginawa mo? Ay teka may ginawa ba siya na masama sayo?" mababakasan ng galit at pag-aalala ang mukha nito. "ewan! Di ko alam! Hinimatay ako kagabi ng makita kong sya ang customer na sinamahan ko." nag-aalinlangan kong paliwanag dito. Totoo naman di ko alam kung may ginawa ito sa akin dahil wala akong malay buong magdamag. "pasalamat yung herodes na yun at hindi nya ko siya nakita, kung hindi baka na katikim na sa akin yun ng doble flying kick." nag ngingit-ngit na lintanya nito. Natawa ako sa mukha ni Kim, parang may kaaway talaga itong kaharap dahil sumisipa sipa talaga ito sa kawalan. "hoy! Babaita wag mo kong tinatawan dyan walang nakakatawa. Totoong malilintikan sa akin yung herodes na yun sa oras na magkaharap kami." may pagkainis na lintanya nito. Pasalamat talaga siya at palaging nasa tabi niya si Kim. Siguro kung wala ito baka mabaliwbaliw na siya. *** Mabilis na lumipas ang mga araw, halos dalawang linggo simula ng maoperahan si Hyohan pero hanggang ngayon hindi pa din ito 'nagigising. Pero sabi naman ng doktor ayos na daw ito. Wala na daw ito sa bingit ng panganib. Siguro ay nagpapahilom nalang ito ng mga sugat dulot ng mapanganib na operasyon. Pagpapakalma nya sa kanyang sarili. "hoy! Mira. Aba magpahinga ka naman. Parang di ka na ata natutulog tignan mo yang feslak mo mukha ng pinaglumaan ng panahon." si Kim pala ang nagsalita. Kakagaling lang nito sa labas may bitbit itong plastic na pagkain ata ang laman. "umidlip naman ako kanina, okay na yun." sagot niya dito. Gusto nya kasi pagnagising si Hyohan siya ang una nitong makikita. "ewan ko sayo!" may pagsukong sabi nito. "kung ayaw mong magpahinga kumain ka nalang ako na munang bahala dito." pagpapatuloy nito na ngayon ay nasa tabi na pala niya. "wag kanang umangal pa, sasabihin mo nanaman busog ka. Nakakabusog na pala ang pag-iisip?" kilala talaga sya ni Kim. Wala na syang nagawa tumayo na sya para tumungo sa lamesa kung saan nilagay ni Kim ang pinamiling pagkain. Kilangan naman talaga niyang magpalakas. Kilangan nyang ayusin ang sarili nya, para pag nagising na si Hyohan maayos siya nitong mamumulatan. Kinuha nya ang laman ng plastik, sinangag pala ang binili nito may binili din itong printong itlog at langonisa. May nakita din siyang paper plate at disposable na kutsara. Sinalin na nya ang pagkain sa plato ng makita nyang ayos na ang kakainin nya umupo na siya sa upuan sa tapat ng lamesa. "Mi-mira!" napatigil siya sa pagsubo ng pagkain ng marinig niyang tinawag ni Kim ang kanyang pangalan. Dahil sa pag-aalala napatayo siya at agad na lumapit sa kinaroroonan nito. Nang makalapit ako dito nakatulala lang ito. Parang di makapaniwa nakatitig lang sa kamay ni Hyohan. "Kim! Bakit? Anong nangyari?" hindi nya maiwasan na mag-alala. "hoy, ano ba!" mukhang natauhan ito ng marinig muli akong magsalita. "yu-yung kamay ni-ni Hyohan, nakita ko gumalaw." sabi nito sa di makapaniwalang tono. Agad kong hinawakan ang kamay ni Hyohan para ako mismo ang magkumpirma sa sinasabi nito. "hyohan? Baby? Naririnig mo ba si nanay? Kung naririnig mo ko galaw mo ulit yung kamay mo." sabi nya kay Hyohan habang hawak hawak ang kamay nito. Ilang segundo pero hindi gumalaw ang kamay nito. Kaya tinignan ko si Kim na may pagtatanong sa mukha nakatayo na ito sa tabi ko. " totoo! Nakita kong gumalaw talaga ang kamay nya. " pagpapaliwanag nito. Napayuko ako, dahil sa muling pagkabigo. Pagkabigo na makitang gumising na si Hyohan. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong gumalaw ang kamay na hawak ko. Agad akong napatingin kay Hyohan. Nabuhayan siya dahil sa nakita nyang muling gumalaw ang kamay nito. "baby, galaw mo ulit, sige na." maluha-luha nyang pakiusap dito. Hindi sya nabigo sa pangalawang pagkakataon. Nakita nyang gumalaw ang talukap ng mata nito. At ilang segundo lang ay unti-unti nyang nakikita na nagmumulat ito ng mata. "Hyohan! Salamat, salamat nagising kana!"hindi na nya napigilan ang tuluyang maluha dahil sa sobrang kasiyahan. Agad nyang sinugod ng yakap si Hyohan. *** Ilang linggo na ang nakalipas matapos ng magising si Hyohan. Nakalabas na din kami. Nagpapasalamat ako at wala kaming binayaran hanggang sa makalabas ito. Pero hanggang ngayon nagtataka siya kung sino ang nagbayad ng bayarin sa hospital. Minsan nga naiisip nya na baka ang lalaking iyon ang nagbayad sa hospital. Pero kung ito nga bakit hanggang ngayon hindi ito nagpapakita, o wala itong ginagawang aksyon kung alam na nito na anak nya si Hyohan. Natigil siya sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan. "sandali, sino yan?" tanong nya habang naglalakad papuntang pinto. Nang nasa harap na siya ng pinto binuksan na nya ito. Isang matandang lalaki ang nabungaran nya. Nakasuot ito ng amerikana na kulay blue at pantalon na kulay asul din. Mukhang kagalang galang ito ayun sa tindig nito. "sino po sila?" tanong ko dito. "hi! I'm attorney Mendez." pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay. Agad nyang tinanggap ang pakikipag kamay nito. "you are miss Mira Asuncion, right?" pagpapatuloy nito. Bakit nya ko kilala? Sino ba talaga ito? Nagtataka nyang tanong sa sarili. "o-opo, ako nga po si Mira Asuncion" pagsang-ayon niya dito. "Tuloy po kayo" Niluwagan nya ang bukas ng pinto para makapasok ito. Agad naman itong pumasok sa loob. "upo po kayo." paanyaya nya dito ng makapasok na sila sa loob ng bahay. "tubig po? Or juice?" alok ko dito. "no need miss Asuncion." pag tanggi nito sa alok ko. Umupo ako sa tapat na upuan nito " i have important matter to tell you miss Asuncion." sabi nito ng makitang nakaupo na siya. Bigla siyang kinabahan. Ano naman ang kilangan ng isang attorney sa akin? May kasalanan ba ko? Tanong nya sa sarili. "a-ano po yun? May kaso po ba ako? Wala po akong pinatay! Wala po akong inagrabyado. Mabuti po kong nilalang." pagpapaliwanag niya dito na halata ang kaba sa tinig. "hindi ako nan dito miss Asuncion para sabihing may kaso ka. I'm here to tell you about your debt to my boss." pagpapaliwanag nito. "ano po?" gulat na gulat nyang sabi. "debt po?" hindi pa din sya makapaniwala "yes, miss Asuncion about your debt." pag-uulit nito. "pero teka po, ano po yung debt?" tanong ko dito. Malay ko ba kung ano yung debt. Tinignan siya nito ng di makapaniwala. Nang makita siguro nito na di sya magbibiro agad nitong pinaliwag kung ano ang debt. "ano po? Ako po? Ako po ba talaga yan? Baka kapangalan ko lang yan. Wala naman po akong alam na inutangan." pagapapaliwag nya dito sa di makapaniwalang tono. "actually, hindi ikaw ang nakapirma sa kontrata, kung hindi si miss Kimberly Corpuz." pagpapaliwanag nito. "pero, ang utang na yun ay ginamit para sa operasyon ng anak mo na si Hyohan Asuncion. Kaya sayo ako lumapit at hindi kay miss Corpuz." pagpapatuloy pa nito. Nagtataka siya, kanino naman nakautang ng malaki si Kim? Hindi biro ang halaga na kinailangan para maoperhan si Hyohan. May inilabas si attorney Mendez mula sa dala nitong bag." here. " inabot nito sa kanya ang puting folder mula sa bag nito. "that is the contact, you can see that miss Corpuz sign that contract." binuksan nya ito. Totoo nga ang sinasabi nito nakapirma nga si Kim sa kontrata. "nakalagay dyan na kilangan nyang bayaran ang utang niya sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa boss ko." pagpapaliwanag nito sa mga nakasulat sa kontrata. *** Ilang oras ng naka alis si attorney Mendez pero hindi pa din sya makapaniwala. Hindi nya pwedeng pabayaan na si Kim ang maghirap sa pagbabayad ng utang na hindi naman nito ginustong mangyari. Tinanong nya si attorney Mendez kung sino ang boss nito pero di nya ako sinagot. Binigyan nya lang ako ng calling card na wlang pangalan. Paghanda na daw ako na umpisahan ang pagbabayad sa utang tawagan ko lang daw ang number na ibinigay nito sa akin. Hindi sya mapakali, gusto na nyang malaman kung sino ang sinasabi ng attorney na boss nito. Agad nyang kinuha ang binigay ni Kim na de keypad na cellphone. Binigyan ulit siya nito ng cellphone pagkatapos nilang makalabas ng hospital, ayaw nya sanang tanggapin dahil na hihiya na siya. Pero sabi nito mas kilangan ko daw ng cellphone para matawagan nya daw ako. Dina-dial ko ang number na nasa calling card. Ilang segundo lang ng may sumagot mula kabilang linya. "hello? Hello po?" magalang nyang tanong sa nasa kabilang linya. Pero hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya. Nakaramdam siya ng pagkainis dito. May attitude pala ang boss ni attorney Mendez. "hello po? Ako po si Mira, Mira Asuncion po. Nanggaling po diyo si attorney Mendez. Sabi nya po tawagan ko po kayo kapag handa na po akong magsimula sa trabaho." magalang pero may inis nyang paliwanag dito. "are you sure?" Bigla syang nakaramdam ng kaba ng marinig nya ang malalim at malamig na boses mula sa kabilang linya. Boses pa lang nito nakakapangilabot na. "o-opo handa na po ako." pagsang-ayon ko sa tanong nito. Ngunit mas lalo syang nakaramdam ng kaba ng muli itong nagsalita"if you're sure, ready yourself."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD