Chapter 5

1602 Words
Kahit madilim ang buong paligid, kitang kita ko ang mukha ng lalaking nakatayo sa aking harapan. Ito ang mukha na kailanman ay di ko makakalimutan. Dahil ang mukhang ito ang naging dahilan ng lahat ng pasakit na naranasan ko. Walang tigil sa pag-agos ang aking luha. Para akong nakakita ng nakakatakot na bagay. Nanginginig ang aking buong katawan. Gusto kong tumakbo pero di ako makatayo. Naninikip ang aking dibdib sa mga oras na ito. Nang mapansin ko nalalapit ito sa akin. Parang nagkaroon ng sariling isip ang aking kamay. Naghanap ito ng kahit na anong bagay na mahahawakan. "hwaag!!" may diin na pagsigaw ko."wag kang lalapit!" sigaw kong muli. May nakapa akong isang bagay na matigas at mabigat. Hinarang ko ito sa aking harapan. At itinutok ko ito sa kanya. "wa-wag kang lalapit, kung ayaw mong masaktan!" pagbabanta ko dito. Ngunit hindi ko makitaan ng takot ang mukha nito, kahit mabakasan ng emosyon ang mukha nito ay wala. Tumigil man ito ng saglit pagkatapos kong sumigaw. Pero di ito nagpatinag muli itong humakbang palapit sa akin. " wa-wag kang lalapit!" nauutal kong sigaw. Ngunit parang wala itong naririnig. Ilang hakbang nalang ang layo niya sa akin. Nang nanginginig kong hinagis ang bagay na nasa aking kamay. Ngunit mabilis itong nakaiwas. Tunog mula sa nabasag na bagay na hinagis ko ang umalingawngaw sa kabuoan ng silid. Ilang segundo lang ay muli itong nagbalak na lumapit sa akin. Humakbang muli ito palapit na naging dahilan ng sobrang pagsikip ng aking dibdib. Nahihirapan na akong huminga. Nanlalabo na din ang aking paningin. Siguro dahil sa kanina pa ako umiiyak. Kasabay ng mga masasakit na emosyon na nararamdaman ko ay ang biglang pagsakit ng aking ulo. Para na akong nababaliw sa mga oras na ito. "sa-sabing wa-wag kang lumapit!!!!!!" sigaw kong muli. Ngunit huli na. Nakalapit na ito sa akin. Hinawakan siya nito sa balikat. Unti-unti na syang nanghihina, siguro dahil sa pagod. At bumigigat na din ang talukap ng kanyang mata. Ang huli nya nalang naalala ay ang takot na makikita sa mukha ng lalaking nasa harapan nya, na mismong ito din ang dahilan. *** "nanay" sigaw ni Hyohan ang nagpalingon sa kanya. "baby? Hyohan?" hindi sya makapaniwa na nakikita nya si Hyohan na malakas at wala na sa bingit ng kamatayan. Pero panong nangyari yun? Wala pa kong pera pang paopera kay Hyohan? Panong magaling na ito? Ngunit kung totoo nga itong nangyayari ngayon, nagpapasalamat ako ng malaki. At kung panaginip lang ito sana di na ako magising. Naglalaro si Hyohan ng robot na laruan sa isang garden "nanay! Halika po, laro po tayo!" yaya nito sa kanya. Patakbo nyang tinungo ang kinaroroonan nito. Ngunit bakit parang kahit anong lapit nya dito hindi nya ito maabot. Naluluha na sya. "baby! Wag kang lu-lumayo! ." pasigaw kong pakiusap dito. Ngunit kahit anong gawin nyang pagsigaw parang di siya naririnig ni Hyohan. "baby, wag mong takutin si nanay!" pakiusap ko dito sabay ng pagtulo ng aking luha. Nakahinga ako ng malalim ng tumayo ito at ngumiti sa gawi ko. Kaya binalik ko dito ang isang napaka tamis na nginti. Ngunit Unti-unting nabura ang ngiti ko sa labi ng tumalikod sa akin si Hyohan. Tumakbo ito kaya hinabol ko ito. "baby! Antayin mo si nanay, wag mo kong iwan!" sigaw ko habang tumatakbo. Napahinto siya sa pagtakbo ng makita nyang huminto na si Hyohan. Ngunit labis na bumulusok ang matinding takot sa kanyang dibdib ng iangat nya ang kanyang paningin. Nakatayo si Hyohan sa tabi ng lalaking matagal na nyang gustong kalimutan. Humawak si Hyohan sa kamay ng lalaking iyon. "baby! Wag mong takutin si nanay, please anak wag!" pagmamakaawa niya. Ngunit parang di siya nito naririnig. Labis na siyang natatakot sa mga oras na ito. Sabay na tumalikod ang dalawa at naglakad palayo sa kanya. "waaaag!!!" napabalikwas ako ng bangon. Panaginip lang pala. Napahawak sya sa kanyang ulo ng bigla itong nilusob ng matinding sakit. "a-aray" sigaw nya dahil sa sakit. Nang unti-unting mawala ang kirot. Tyaka nya lang napag masdan ang palibot ng lugar kung saan sya naroroon. "na-nasan ako?" wala sa sariling tanong ko. Dahil ngayon nya lang nakita ang lugar na ito. Maaliwalas tignan ang buong lugar. Asul ang dingding nito, pati na rin ang kurtina. Malawak nga ito ngunit kakaunti naman ang gamit. Mesa upuan at itong kama na hinihigan ko. Ang tanging laman ng kwarto. "Nasan ako? " muli kong tanong. Na palis ang aking pag-iisip ng biglang bumukas ng pinto. Niluwa nito ang isang matandang lalaki. Nakasuot ito ng kulay puting long sleeve at may ribbon na itim sa leeg ng damit. "senorita, mabuti po at nagising na po kayo." sabi nito na parang nakahinga ng malalim. "na-nasaan po ko? Anong lugar po ito?" tanong ko dito. "kagabi pa po kayong walang malay. Dinala po kayo dito ni Lord" pagpapaliwanag nito. Nagbalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari kahapon. Nanlaki ang kanyang mata at natutop nya ang kanyang bibig. dahil sa ala-alang nagbalik. Agad-agad siyang napaalis sa kama. Hinagilap nya ang sandals na suot nya kagabi. Ngunit hindi na nya ito makita. Doon nya lang napansin na iba na pala ang suot nyang damit. Nilusob siyang muli ng takot at kaba. Anong ginawa nya sa akin? Pinagsamantalahan nya ba ako habang wala akong malay? Tanong nya sa kanyang sarili. Pinakiramdaman nya ang kanyang sarili, kung may kakaiba ba. Nakahinga siya ng malim ng wala naman siyang maramdamang kakaiba maliban sa nabago ang suot nyang damit. "senorita, wag po muna kayong magalaw, baka mabinat po kayo." nag-aalalang sita sa kanya ng matandang lalaki. Ngunit parang wala siyang naririnig, patuloy lang siya sa ginagawa nya. Wla siyang gustong mangyari ngayon kundi ang makaalis, Makatakas sa lugar na to. " bahala na! " wala sa sariling lintanya nya. Dahil wala siyang makitang masusoot sa paa. Patakbo nyang tinungo ang pinto. At walang lingon lingon na lumabas ng kwarto. Nasa second floor siya ngayon. Nang makita nya ang hagdan pababa dali- dali nya itong tinungo. Hindi nya alam kung saan siya lalabas dahil ang daming pinto ng bahay, di nya alam kung saan ang labasan. Patakbo nyang tinungo ang pinaka malaking pinto. Nagbabakasakali na ito ang pintuan palabas ng bahay. Hindi nga siya nagkamali paglabas nya dirediretso siya sa malawak na gate. Walang tao, walang nagbabantay sa labas. Kaya mabilis siyang nakaalis. Para siyang baliw na nakatakas sa mental. Pinagtitinginan na siya ng mga tao. Dahil nakasuot siya ng puting kamiseta at napaka dumi na ng paa nya dahil sa pagtakbo ng walang sapin sa paa. Naalala niyang bigla ang cellphone na binigay sa kanya ni Kim kagabi. Hihingi sya ng tulong dito, tama magpapasaklolo siya kay Kim. Kinapa nya ang kanyang suot, ngunit bigla nyang na alala na di nya pala ito nadala. di nya alam kung saan 'nya ito nailagay pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Tama! Makikitawag nalang siya. Kabisado nman nya ang cellphone number ni Kim. Dahil kapag may nahihiraman siya ng cell phone ay tinatawagn nya ito para makamusta si Hyohan habang nasa mga raket siya. "a-ate, pwede pong makitawag?" pakiusap ko sa babaeng nag cecellphone sa may tindahan. Tinignan muna siya nito mula ulo hanggang paa. Bago inabot sa kanya ang cellphone na hawak nito. Dina-dial na nya ang number ni Kim ng biglang may magsalita mula sa kanyang likuran." ma'am. Nandito lng po pala kayo." paglingong ko si Brusko ang nabungaran ko. Walang kaimoimosyon ang mukha nito. Nakatitiglangbito sa akin. "a-anong ginagawa mo di-dito?" kinakabahan kong tanong dito. "ma'am, utos po ni Lord na kilangan ihatid kayo ng ligtas." pagpapatuloy pa nito. "a-ayoko!, kaya kong umuwi mag-isa." pagtutol ko sa sinabi nito. Ayokong magpahatid dito dahil baka ibalik lang ako nito sa lugar na yun. Nagring ang cellphone nito sa bulsa. Kinausap nito ang tao sa kabilang linya. Tumatango tango ito ngunit blangko ang mukha. Matapos ang tawag ay binaba na nito ang cellphone at muling Tumingin sa akin. "ma'am ang sabi po ni lord pag di po kayo sumama ng maayos. Siya daw po ang mismong susundo sa inyo." ang Lord pala nito ang kausap nito kanina. Bigla akong nawala sa sarili ng marinig ko mula dito ang salitang "Lord" "ma'am, magpapahatid po ba kayo sa akin o tatawagan ko po si Lord." pagbabanta nito. Wala akong nagawa, naglakad na ako papunta sa itim na kotse na nakaparada sa gilid nito. Kinakabahan man ako, pero mas gusto kong si Brusko ang maghatid sa akin. Kesa ang Lord nito. Di ko din naman alam kung pano aalis sa lugar na to wala akong pera at hindi ko alam kung nasaan ako. Nang umandar na ang sinasakyan kong kotse, pinakiramdaman ko ang paligid mahirap na baka kung saan ako dalhin ng nagmamaneho. Isang tawag lang ng lord nito paniguradong di ako makakabalik sa anak ko. Ngunit sa buong panahon ng byahe wala namang kakaibang nangyari. Tahimik lang na nagmamaneho si Brusko. Hanggang sa makarating kami sa hospital kung saan naroroon si Hyohan. Pagbaba na pagbaba ko agad akong tumakbo papasok sa loob ng hospital. Na alala nya ang panaginip nya kanina. Natatakot siya sa pwedeng mangyari. Nagtungo siya ng ICU, ginala nya ang buong paningin sa kabuoan ng kwarto. Ngunit kahit anino ni Hyohan ay di nya nakita. Naiiyak na siya sa sobrang kaba. Nananakbo siyang tumungo sa information desk ng hospital. Hindi na nya pinapansin ang mga taong panaka nakang tumitingin sa kanya. Ang nasa isip nya ay si Hyohan. Sana di totoo ang naiisip nya ngayon. Sana walang kinalaman ang lalaking iyon sa pagkawala ni Hyohan. Dahil hindi na nya ito mapapatawad at habang buhay nya itong kamumuhian sa oras na ilayo nito sa kanya si Hyohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD