Lulan kami ngayon ng tricycle pauwi. pagabi na kaya medyo madilim na ang langit. Malamig din ang ihip ng hangin siguro uulan mamaya. Mabuti na lang at pinayagan na akong makauwi dahil sobrang nag-aalala na ako kay Hyohan. Maayos naman na daw ako, basta wag lang daw akong masyadong magpapagod at inumin ko yung niriseta sa aking mga vitamins. Hanggang ngayon di ako makapaniwala sa nalaman ko. Hinimas ko ang impis pang tiyan ko. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng aking luha sa aking kandungan. Hindi ko mawari kong dahil ba sa tuwa o dahil sa lungkot ang mga luhang Ito. "Ayos ka lang ba Mira?" Agad kong pinahid ang aking luha bago nakangiting lumingon kay aling Vivi. "A-ayos lang ho!" Sagot ko habang nakangiti. "Diretso na po tayo sa bahay niyo. Para masundo ko na po si Hyohan." Pag-iba k

