Bakit ba ako umiiyak? Di ba ako ang nagpaalis sa kanya? Nagagalit ako sa sarili ko. Sa damdaming dapat hindi ko maramdaman. Pero bakit ang sakit malaman na ikakasal na siya sa iba. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pilit kong sinasaway ang mga luha ko pero patuloy lang ang mga ito sa pag-agos. Ang sakit! Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang di ako makahinga. Bakit ba ganito ang epekto nya sa akin? Siya ang dahilan ng mga sakit na naramdaman ko. Ang paghihirap na naranasan ko. Siya! Siya ang dahilan ng lahat ng yun!. Pero bakit hindi ko siya magawang alisin sa isip ko. Pati sa puso ko pilit siyang sumisiksik. Patuloy sa pag who's ang mga luha ko. Ang sakit! Ang sakit sakit! Ito ang huling beses na iiyak ako. Ito ang huling beses na iisipin ko siya. Pipilitin kong maging matatag pa

