Chapter Four | Ang Balita

1409 Words
Chapter Four | Ang Balita _ DALAWANG ARAW matapos ang insidente saka pa lamang narinig ni Zavira ang pinakahihintay na balita. "Isang labi ng babae ang natagpuan sa isang construction site dito sa Serrano, Dela Paz. Ayun sa mga napagtanungan naming malapit na residente sa lugar, ay wala naman daw silang narinig na anumang kakaiba nitong dalawang araw na nakalipas. Nakitaan ng ilang identification cards ang biktima at mukhang kagagaling lamang nito sa malapit na disco bar dito, base na rin sa huling suot nito. Ang nakakabahala lamang dito ano... ay tila puno ng galit ang may gawa nito dahil sa dami ng pasa at saksak sa katawan ng biktima." Napangisi si Zavira sa narinig. Pakiramdam niya'y sa wakas ay may obra-maestra siyang karapat-dapat lamang na madiskubre ng buong mundo. ( 'Sino ka? Why are you doing this to me?' Nakatali ang parehong kamay at paa ng isang dalaga nang maalimpungatan ito mula sa kalasingan.' ) "So, Doc, maaari niyo po bang sabihin ang naging dahilan ng pagkamatay ng biktima?" Tanong ng reporter sa naroong Medical Examiner. “Yes, yes. So ah... ang ikinamatay ng biktima besides multiple stab wounds ay blood loss. Mukhang tinorture habang nakabusal ang bibig.— ( Kinuha ni Zavira ang panyo sa dala nitong sling bag matapos ay lumapit dito. Napangisi pa ang dalaga nang pumiksi ito paatras, saka niya pinuwersang ipasok sa bibig nito ang panyo. ) —Maraming pasa, sugat mula sa matalas na bagay, putol na daliri at dila... ( 'As of now, you are the first to taste my wrath,' nakangisi niyang simula. 'You see, I admire Sam a lot. Mayroon siyang kakaibang amoy na talagang nakakapagpukaw ng p********e ko. Gusto kong sa akin lang siya at ikaw..." tinanggal niya ang panyo sa bibig nito. Nang akmang sisigaw ito ay kaagad niyang hinampas ito sa ulo. Bumagsak ang ulo nito paharap at nawalan ito ng malay. Ibinuka niya ang bibig nito at inilabas ang dila, kinuha ang kutsilyo sa baywang, sa huli'y ginamit iyon upang malayang putulin ang dila. Pinagmasdan ni Zavira ang dila at ipinasok sa sling bag nito. Ibinalik ang panyo sa bibig nito't bumulong sa tainga, '...masyado kang malapit sa kaniya and I hate your fcking face! I hate btches like you so here we are!' Nakangising dugtong ni Zavira sa walang malay na biktima. ) —This is just brutal at sana'y nakakatulog ng maayos ang may gawa nito.” Nakangiwi ang reporter nang iharap dito ang camera. "I agree with you on that, Doc. May nakita na po ba kayong lead sa kung sino ang gumawa nito?" ( Nang magising ang dalaga ay kaagad itong humagulhol at nagpapapalag. Sinampal niya ito sabay hila ng buhok pababa na naging dahilan ng pagtingala nito. 'You think, she deserves you more?' Mas lalo niya pang hinila pababa ang buhok nito hanggang sa kusang kumalas ang bawat piraso sa anit. Magkasabay na umaagos ang luha at dugo nito sa bibig subalit kinuha niya ang kutsilyo at dahan-dahang itinarak sa tagiliran nito. Sinigurado niyang mararamdaman nito ang pagbaon ng metal sa katawan. 'I deserve her! She's mine! Do you understand? She's mine alone! I will kill anybody who try to get close to her!' Lalo itong humagulhol. Iiling-iling habang nagpupumiglas. Napahalakhak si Zavira sabay suntok sa sikmura nito. 'Why? Are you going to stop me, b***h?! No, you can't! I'll never let you get out of here alive!' Nanlilisik ang mata niya't napupuno ng kung anong kakaibang ligaya ang kaniyang puso habang paulit-ulit itong sinasampal, sinisipa at pinatatamaan ng suntok sa katawan. Nang mapagod at magsawa ay tumabi siya sa lupaypay na dalaga. Tiningnan ang daliri nito, ngunit muli lamang nagalit nang pumasok sa imahinasyon na pumapasok sa kaselanan ng pinakamamahal nito iyon. Kinuha niya ang kutsilyo at walang pag-aalinlangang hiniwa ang gitnang daliri nito, nang hindi matanggal ay kumuha siya ng bato at paulit-ulit na pinagpupokpok iyon hanggang sa kumalas at pumilandit ang mas maraming dugo. ) “As of now, wala pa kaming nakikitang lead. Malinis ang area. Pulido trumabaho. Pero ayun sa mga sugat, magaan ang kamay ng biktima. This is just a hint ano... kakilala lamang ng biktima ang gumawa nito sa kaniya. Probably, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan that leads to this brutal conflict. We'll have a more detailed autopsy before jumping to conclusions.” Nakatingin sa tv screen ang dalaga na tila normal lamang iyon na pangyayari. Naririnig niya ang bulungan ng mga pasahero ng bus, mayroong nahihintakutan, pagkamuhi at pagkaawa sa biktima. Ipinikit na lamang niyang muli ang mata. Sa muli niyang pagdilat ng mata ay nasa tarangkahan na siya ng paaralan. Bumungad sa kaniya ang sasakyan ng mga pulis. Nagkakagulo ang ilang estudyante at guro. Nakaharang ang ilang guwardiya sa kung sino mang lalabas. "Don't panic, Students! Go back to your respective rooms please!" Sigaw ng Principal. Nagsisunuran ang ilang estudyante subalit ang iba'y nababato-balani sa kanilang kinatatayuan. Tuloy-tuloy sa pagpasok si Zavira. Nagtataka sa nangyayari. Wala namang kahirap-hirap siyang pinadaan ng guwardiya at sinabihang, "Diretso na room niyo at huwag ng tumambay pa." Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil iyon naman talaga ang kaniyang pakay. NANG MAKARATING si Zavira sa room. Kaagad siyang nilapitan ni Sam at tiningnan ang kaniyang palad na tinanggalan na niya ng bandage. Band-aid na lamang ang nandoon. "Bakit mo tinanggal ang pagkakabalot? Baka ma-infection iyan!" Nag-aalala nitong wika. Makikita ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa nakikitang malasakit sa huli. Tiningnan niya ng diretso ang dalaga, hindi ipinahalata dito ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ng katawan, "Nabasa ko kasi atsaka makati." "Tara! Punta tayo sa clinic. Ipabalot uli natin sa nurse." anito at akma sana siyang hihilahin palabas, nang biglang may dumating na pulis. "Sino dito ang nakakakilala kay Cassandra Serafin?" Tanong ng bagong dating na ikinagulat ng huli, tila wala itong malay sa nangyayari. "Me, Sir. I'm her friend po. Why? What happened to her?" Sagot ni Sam. Nalilito sa presensiya nito't sa nangyayari. Pinasadahan ng tingin ng pulis ang dalaga. "Pwede ka bang sumama sa amin? May ilang importanteng katanungan lamang kami." Wika ng pulis. Sinisigurado nitong hindi magpa-panic ang dalaga. Tila bubuyog na nagkumpulan ang mga estudyante sa pinto. May kaniya-kaniyang tanong ang bawat isa at hindi namamalayang naitutulak na nila paatras si Zavira. Sa huli, iwasan man niyang hindi maipit sa kumosyon, ay lumagapak pa rin ang likod niya sa locker at naipit ng kung sino ang palad. Tumulo ang ilang patak ng dugo doon at napadaing siya sa sakit. Palihim na nanlilisik ang kaniyang mata dahil pakiramdam niya'y may kung sinong nagsadya na ipitin ang kaniyang palad. "Zavira." Tawag ni Sam na kaniya ring ikinalingon. Subalit napaawang ang labi nito nang makita na may tumutulo na dugo sa palad niya. "Oh my gosh! Guys, who did this?" Walang pagdadawang-isip na hinawi nito ang mga kaklase at kinuha ang palad ni Zavira. "Let's go. Ipa-bandage uli natin 'yan sa clinic." "Anong nangyari diyan?" Tanong ng pulis. "Natusok ng fork, Sir. Okay lang ba na ihatid muna natin siya sa clinic?" "Kailan pa nagkasugat 'yan?" Tanong uli ng pulis. Binaliwala ang sinabi ng dalaga. "Friday." Siya na ang pumutol sa pangungusisa nito, matapos ay tinanggal ang band-aid. Tuyo na ang tatlong may kalaliman na sugat, ngunit dahil sa nangyari kanina ay muling nasugat iyon. "Bilisan niyo." Wika na lamang nito matapos ay sumunod sa dalawa. Nang makarating sa clinic ay kaagad nagpaalam si Sam. Inihabilin pa siya nito sa nurse bago tuluyang umalis. "Nabu-bully ka ba sa school niyo? Pangalawang beses mo ng balik dito. Baka makasanayan mo 'yan." Ramdam niyang pinapagaan lamang ng nurse ang kaniyang kalooban, habang dinadampian ng betadine ang sugat. "Sa susunod, magsusumbong ka. Para hindi ka naaapi." Wala si Sam nang makabalik si Zavira sa classroom. Wala ang guro, marahil inuusisa ang nangyari. Napahinga na lamang siya nang maluwag sabay tingin sa nagbabagang init ng araw at sumasayaw na dahon ng punongkahoy. Tatahimik na sana ang kaniyang guni-guni, kung hindi lamang ginulo ng isa sa mga kaklase. "Hindi porket top two ka at pinapansin ka na ni Sam ay kakapalan mo na ang mukha mo! Anong kinakain mo nitong mga nakaraang araw at kumakapal yata ang mukha mo?" Mahabang wika nito habang nakatikwas ang isang kilay. Halata sa mukha nito ang yamot sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa mga kaibigan ni Sam. Palagi niya itong nakikita na nakabuntot sa dalaga. Ano nga uli ang pangalan nito? Tiningnan niya ang name tag nito. Ah... Veronica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD