Chapter Five
| Atensyon
_
TAHIMIK ang buong klase sa halos kalahating araw, dahil wala si Sam na tanging nagbibigay inspirasyon kay Zavira. Ang tanging nagbibigay lalo ng dilim sa nagdidilim niyang paningin ay si Veronica. Pinahahalata nito masyado na mainit ang dugo nito sa kaniya.
Mayroong nagboluntaryo itong magbigay ng libro sa bawat upuan, at sinadya nitong ibagsak sa kaniyang may sugat na kamay ang libro. Walang sinabi ang guro kahit nakita ang pangyayari dahil ayun sa kaniyang napag-alaman, malimit daw na magbigay ng malaking donasyon ang pamilya nito. Suhol marahil ng mga ito dahil mahina ang kukote ng kanilang anak. Maraming pa ang nangyari, ngunit binaliwala niya iyon, dahil nasa isipan niya kung ano na ang nangyari kay Sam matapos itong ipatawag.
Kahit matapos ang pananghalian, hindi pa rin bumabalik ang dalaga. Pakiramdam tuloy niya ay bulak siya na nagpapalutang-lutang lamang. Dumating ang unang subject sa tanghali nang makita ni Zavira na umupo si Sam sa kaniyang upuan. Nagdiwang ang kaniyang puso nang makita ang maamo nitong mukhang, subalit may kung anong lambong ng lungkot dito.
“What happened? Where did the police take you?” Si Veronica iyon na hinawakan pa ang palad ng dalaga matapos umupo sa harapan nito. Hindi ikinatuwa ni Zavira ang tanawing iyon.
Yumuko si Sam, ngunit yumugyog din ang balikat nito makalipas ang ilang segundo. Tila bubuyog na nagsidapuan sa mabangong bulaklak ang mga kaklase nila. Nakapalibot sa dalaga at nag-aalalang tinatanong ang dahilan ng pag-iyak nito.
“My best friend,” hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin. Nabibikig ito sa sariling emosyon. "Cassandra..." humagulhol na ito. Makikita ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha sa pisngi nito kahit natatakpan ng palad. “...was killed. She was murdered brutally!”
Sabay-sabay na nagsinghapan ang nakapaligid. Hindi makapaniwala sa narinig.
“You mean, that person who was just in the news this morning? Siya iyon?”
"Ano ba, Dyann?! You're so insensitive! Can't you see how painful she's in right now yet you're able to say that? Jeeze! Use your common sense!" Si Veronica iyon na itinulak pa ang nagsalita.
“I'm sorry?! I know I was wrong but it's not enough reason to push me, bxtch!“
Nagsimulang magtulakan ang dalawa. Lalo lamang umiyak si Sam, hanggang sa napagpasyahan nitong umalis sa eksena bitbit ang mga gamit. Sumunod si Zavira habang tinatapunan ng masamang tingin ang nais sumunod.
NAKARATING hanggang sa field si Zavira habang sinusundan, nang may distansya, ang emosyonal na dalaga. Nang umupo ito ay sa malayo siya pumuwesto habang pinapakinggan ang pagtangis nito. Gustong-gusto niyang damayan at yakapin ang dalaga sa pinagdadaanan nito, subalit gusto niya itong bigyan ng espasyo.
"I shouldn't have kxlled her. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Pero kung hindi ko ginawa iyon, hindi ko sana malalapitan ng ganito si Sam! I can't say if she deserves it or not. But then again, I want Sam for myself, so I guess she deserves it after all."
Nang tuluyang humupa ang pagnguyngoy ng dalaga ay ilang minuto din itong tumulala sa kawalan, habang tahimik na hinahayaang dumaloy ang luha.
Hindi na makatiis si Zavira. Tumayo siya't lumapit sa dalaga matapos ay iniabot dito ang panyo. “Sorry kung nakikialam ako sa space mo but I want you to know that we feel your pain, not just as your classmates but as a human.” Humagulhol itong muli ngunit kinuha din nito ang panyo sa kaniyang kamay.
"Are you okay now?" Tanong ni Zavira na ikinatawa nang huli.
"If you were me, would you be okay after knowing that your friend has been killed?"
“I—Hindi pa ako nagkaroon ng kaibigan pero... masasaktan ako kung ako ikaw,”
Hindi niya alam kung bakit kailangan niya pang ipaalam dito na hindi pa siya nagkaroon ng kaibigan. Para saan? Para kaawaan siya nito?
Tiningan siya nito at umiyak uli pero, "How's your hand? Ginamot ba ng nurse?”
Inilahad niya ang palad at mapait na ngumiti," Yeah. Huwag mo akong alalahanin. You should go home first para makapagpahinga ka muna.”
Isang minutong natahimik ang dalaga at tumayo. "You're right. Uuwi na muna ako. I might find myself waking up from this nightmare. This isn't real..." Kung ano-ano pa ang binulong-bulong ng dalaga hanggang makarating sa tarangkahan ng eskwelahan.
Dumalo sa dalaga ang nag-aalalang magulang nito. Naiyak din ang ina nang makita ang hitsura ng anak habang inaalalayan ito papasok sa kanilang kotse. Umalis kaagad ang mga ito, nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Hanggang sa tuluyang maglaho sa paningin ang sasakyan ay nanatili siya sa ganoong posisyon.
"Feeling close?"
Mula sa pagkatulala ay nagising si Zavira dahil sa boses na iyon. Bumungad sa kaniya ang nakapamewang na Veronica. Nakataas ang kilay nito at halatang hindi natutuwa sa kaniya ang ekspresyon nito.
Sinulyapan niya lamang ito matapos ay tumalikod. Mas lalo lamang nitong ikinagalit ang ginawa niya kaya hinila siya nito sa balikat at itinulak.
"I'm talking to you!"
"Ayaw kitang kausapin." walang kagana-gana niyang tugon.
Natawa ito at hinila siya sa buhok. "Do you even know who you are talking to? I. can. kick. you. out. of. here. Remember that!” Muli siya nitong itinulak nang mas malakas saka umalis.
Sa kasamaang palad, tumama ang balikat niya sa pader na ikinadaing niya sa sakit. Walang pagdadawang-isip siyang tumakbo patungo sa clinic bago pa mamaga.
"Panibagong sakit na naman?" Nagtataka ngunit nag-aalalang wika ng Nurse.
"Na-slide lang po." maikli niyang tugon.
"Hmm," Hindi kumbinsido nitong sambit. "Kung magpapa-bully ka, walang mangyayari sa'yo. This is a catholic school for girls, so students aren't allowed to bully or be bullied. I'll give you a nurse's permit. Ipakita mo ito sa adviser mo para maaksyunan ang nangyayaring ito."
Hindi siya tumugon. Tikom ang kaniyang bibig hanggang sa matapos ito sa ginagawa. Nang sabihan siya nitong magpahinga ay hindi siya nakinig. Itinapon pa niya ang permit nang makalabas. Alam niyang walang hustisya ang paaralan at guro para sa mga estudyanteng walang donasyong maibibigay, kaya mananahimik siya at hindi gagawa ng bagay na magdudulot ang atensyon.
Ang gusto niya lang na atensyon, ay atensyon ni Sam. Wala ng iba...