Chapter Six | Gulo

1023 Words
Chapter Six | Gulo _ NAKADAPA sa kama at hawak ang panyo, nakangiti habang tila nakaapak sa alapaap ang pakiramdam ngayon ni Zavira. Ang panyo na nahawakan at naipunas ni Sam sa mukha nitong luhaan. Kagat ang labi ay nagpapapadyak ang dalaga sa hindi maipaliwanag na tuwa. Paminsan-minsan pa siyang impit kung tumili sa takot na marinig. Matapos matulala nang ilang minuto at mapagsawaan ang pananaginip ng gising, ay lumabas siya't padabog na umupo sa sala. Tinuturuang mag-aral ang nakababatang kapatid, ni hindi man lamang siya matapunan ng tingin ng kaniyang ina. "Kumain ka na, Zavira." kaswal lamang na wika nito na nagpatiwarik sa kaniya ng mata. Hindi niya maunawaan ang dismayadong anyo palagi nito sa kaniya. Imbes na sumunod, kinuha niya lamang ang remote ang binuksan ang telebisyon. Para bang nananadya ang balita dahil ang insidente pa rin kaninang umaga ang kaagad na tumambad. “May tv ka sa kuwarto, bakit hindi ka doon manood?" Malumanay na sita sa kaniya ng ina. Tutok lamang sa papel ang kapatid na tila ba walang naririnig. "Xavier, to your room. Now!" Wala pang isang minutong umiskapo sa kinauupuan ang kapatid. Hindi nagdalawang-isip na ibinagsak ng ina ang naroong maliit na flower vase, "May sinira ka na namang gamit, Zavira? What are you even thinking? Na pinupulot namin ang pera?” Bulyaw nito na ikinadagundong ng bawat sulok ng bahay. “Can't you think of a way to help us? Study and earn something na ikatutuwa namin ng Daddy mo! Hindi iyong uuwi ka lang dito just to give us—” pinigilan nito ang anumang nais sabihin at pumikit. Matapos ang ilang minuto, nang marahil maipanatag ang isipan ay saka ito umupo't mahinahon siyang itinaboy, "Pumasok ka na sa kuwarto mo, Zavira. Please, I am tired." Walang sinabi si Zavira. Matapos niya itong tapunan ng masamang tingin ay nagmartsa siya papasok sa kuwarto. Palagi namang pagod ang mga ito pagdating sa kaniya. Ano kaya ang maririnig niyang sermon pag-uwi ng ama? Nagbasa na lamang siya ng libro hanggang sa makatulog. Subalit bago iyon... interesanteng senaryo ang nabuo sa kaniyang utak. Bagaman gutom at masama ang loob, may nabuo namang nakakagalak na ideya sa kaniyang utak. Ang pamagat ng maiksing kuwento ay A garden inside the corpse of Ms. Penelope. MADILIM pa ang paligid, bandang alas-singko trenta ng umaga, naghahanda na papasok si Zavira upang hindi maabutan ang galit na mukha ng ama. Alam niyang kaagad na nagsumbong ang kaniyang ina dito. Habang tinatahak ang kahabaan ng subdibisyon ay may napansin siyang kakaiba malapit sa main gate na kinaroroonan ng guwardiya. Nangunot ang noo sa kakaibang paggalaw na iyon. Para bang umiindayog ang lalaki at nakatingala ng husto. Hindi na lamang niya pinansin iyon. Sa paglabas ng gate ay highway, kung saan humihinto ang school bus upang magsundo sa mga estudyante. Kung maghihintay siya'y aabutin ng dalawang oras ang kaniyang pagtayo roon, minabuti niyang sumakay ng tricycle patungo sa sasakyan ng mga bus. Makakarating naman sa paaralan ang tricycle, ngunit alam niyang ikakagalit lamang niya ang ingay niyon. Nais niya ng maayos at tahimik na biyahe at ang lamig ng aircon. Nang makarating sa terminal ng bus ay lumulan siya sa naroon. May iilan ng nakasakay at lahat sila'y tahimik na naghihintay sa pag-alis ng sasakyan. Lihim siyang napangiti at kaagad na pinili ang pinakadulong pangdalawahang upuan. Sa minamalas na umaga'y sinusubukan talaga yata siya ng panahon. Nakilala niya ang bastos na konduktor noong nakaraan. Walang pasintabi itong tumabi sa kaniya, hindi alintana ang naroong mga pasahero. Siguro ang akala nito'y isang inosenteng estudyante ang kaniyang mabibiktima. Lingid sa kaniyang kaalaman ang kadilimang mayroon sa pagkatao niyon. “Hi." Nakangiti nitong bati. Pinapasadahan ng malaswang tingin ang kaniyang kabuuan. Kalmadong nakaupo si Zavira. Ibinubulong sa isipan na magtatapos ang buhay nito kapag dumantay ang daliri nito sa kaniyang balat. 'Kaunting pagtitimpi, Zavira.' "Anong pangalan mo, Miss?" Bulong nito. Nararamdaman ni Zavira ang kahila-hilakbot na pagnanasa nito. Parang kanal iyon kung mag-umapaw sa pagkatao nito. Nakakasuka. "Hoy, Kuya! Ano 'yang ginagawa mo?!" Bulyaw ng babaeng pasahero na tila ikinahinga ni Zavira nang maluwag. Hindi niya napansin ang pagpigil niya ng hangin sa baga. "Pxtangina ka! Ang aga mo namang mambastos! Sige, mag-deny ka! Vini-videohan kitang, hxyop ka! Ang bastos mo, ha! Parang wala kang anak na babae, pxta ka! Umalis ka diyan! Bilisan mo!" Tuloy-tuloy at walang pagdadalawang-isip nitong bulyaw. Nakaumang sa lalaki ang selpon. Panay ito tapon ng pagmumura at tinatakpan ng palad ang mukha. Hindi ito tinigilan ng babae hanggang sa makababa ng bus. Pinagkaguluhan pa ito sa bus dahil sa ginawa nito. 'Mula yata kagabi ay hindi na tumahimik ang mundo ko.' "Okay ka lang ba, Miss?" Napatda si Zavira nang bumalik sa kaniyang kinaroroonan ang babae. Tumabi pa ito sa kaniya at ngumiti. "Para hindi ka na ma-trauma pa sa kung sino ang tatabi sa'yo, ako na lang ang uupo dito." Wika nito na pilit na lamang niyang ikinangiti. "Okay ka lang ba? Hindi ka na nahakawan ng lalaking iyon? Naku! Next time, sisigaw ka kaagad." Tuloy-tuloy nitong sambit. Ngumiti na lamang si Zavira rito, "Okay lang po ako. Salamat sa ginawa mo po kanina." May halong sinseridad iyon. Ito ang nagligtas sa lalaki dahil ayaw niyang maipakita sa iba ang galit na nais niyang ibuhos doon. Tinanong pa siya ng ibang pasahero at ganoon din ang drayber. Napapayuko siya sa pagkailang. Parang nais pa niyang basagin ang mukha ng drayber dahil ang alam niya'y hindi man lamang nito pinigilan ang konduktor, nang isipin nito noong una ang naging aksyon nito. Hindi niya lubos maisip kung ilang babae na ang nahalay ng mga ito. May pagkakataon kayang bumagsak sa kaniyang mga kamay ang buhay ng mga ito? Nais niyang durugin ang bawat himaymay ng pagkatao ng mga ito. Naging tahimik ang buong biyahe. Parang may kung anong mahikang bumalot sa buong naroon at sa isang iglap ay kinalimutan ang kaganapan. Bagaman sa huling beses, “Maraming salamat po ulit, Ate." wika niya sa babaeng katabi bago bumaba ng sasakyan. Ano kaya ang caption nito sa video na ia-upload? 'Siguro isama ko na lang sa pag-search ang pangalan ng school at pangalan ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD