Back To Me 2

1934 Words
KEITH "How is she Doc.?" "She's fine." he grinned at me. "Your girl is a brave woman." "She's not my girl, Doc. Elvis." "But Chairman said. . ." "Well she is." He barked a laughter at what I said. Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. Kaagad naman siya nagtaas ng dalawang kamay. "I conclude hindi ka niya kilala. Nakabonnet ka pa kanina." iginala niya ang paningin sa loob ng bahay saka makahulugan akong tinitigan. "You better watch out of her, she's in danger." "What do you mean?" "Anak siya ni Serafin Lopez diba?" tumango ako. "I've been in City of Dreams a week ago. Nasa parking lot ako no'n pauwi ng bahay ng marinig ko ang usapan ng tatlong lalaking humarang kay Serafin, they threatened him to get her daughter in exchange of his debt." "TheFuck!" galit na bulalas ko. "Who are they--" Umiling siya. "Pag-aari mo ang lugar na 'yon. Ikaw na lang umalam." I sighed. "Thanks for the info--" "Don't mention it." sabad niya. "I owe Chairman a lot. Without him, I'm nothing. . ." mapakla siyang tumawa. "Baka matagal na akong inuuod sa ilalim ng lupa." "What. . .What do you mean by that?" He chuckled. Napatingin ako sa papel na inabot niya sa akin. "Bilhin mo 'tong gamot para sa sugat niya." kaagad ko naman iyon kinuha. Tinapik-tapik niya ako sa aking balikat. "Daplis lang naman ang tama sa kanya so don't worry too much, Altamonte. She'll get better soon." "Salamat sa pagpunta--" "I said don't mention it." tinuro niya ang pinto palabas ng bahay. "Aalis na ako." Tumango ako. "Nandun na sa kotse si Bert, siya na maghahatid sayo." inabot ko muli sa kanya ang papel na binigay niya sa akin kanina. "Pakibigay na rin 'to sa kanyang reseta." Nakasunod ang tingin ko sa kanya ng maglakad siya palabas ng bahay. Kahit wala na ito doon nakatutok pa rin ang aking mga mata sa pintong dinaanan niya habang ang aking utak ay naguguluhan sa mga sinabi niya. "Hindi kaya may alam si Elvis tungkol sa totoong pagkatao ni Cristal?" wala sa sariling nakagat ko ang aking daliri, hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa labas ng kwarto. "But. . .anong kinalaman ni Dad sa buhay niya? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga sinabi niya?" "Bakit dito mo ako dinala?" Marahas akong napalingon sa pintuan ng biglang may nagsalita kasabay ng pagbukas niyon. "Cristal..." Nanlaki ang kanyang mga mata matapos kong tawagin ang pangalan niya. Huli na ng ma-realized kong hindi niya pala ako kilala. "Ki--Kilala mo ako?" "Yes--I mean NO. Bakit ka bumangon?" sabi ko sabay hatak sa kanya pabalik sa loob ng kwarto pero kaagad din akong natigilan ng hatakin niya ang kanyang braso. "What?" "Anong what?" galit na tanong niya sa akin. "Dinala mo ako dito sa bahay mo without my consent tapos tatanungin mo ako--" "Your life is in danger." "Pwes dapat sa hospital mo ako dinala hindi dito..." iginala niya ang paningin sa buong paligid. "...sa bahay mo. May balak kang masama sa akin no?" My jaw dropped at what she said. Pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata. "Ano? Nga-nga?" Malakas akong napahagalpak ng tawa sa sinabi niya. "Alam mo. . . ang lakas ng tama mo. Kanina ka pa sa kotse. Totoong Doctor ang tumingin sayo. Tsaka isa pa, itong mukhang 'to..." sabi ko habang nakatawa pa ring nakaturo ang daliri sa aking sarili. "...pinag-iisipan mong gagawan ka ng masama?" She rolled her eyes. "Bakit anong meron diyan sa mukha mo para 'di kita pag-isipan ng masama?" "Ang gwapo ko kaya. Hindi ka man lang ba na-mesmerize?" She grimaced sabay duro sa akin. "Hoy! Lalaking saksakan ng yabang, FYI lang hindi ka gwapo at sa panahon ngayon hindi basehan ang itsura ng tao kung gagawa ba ng masama o hindi. Minsan nga kung sino pa ang may itsura sila pa 'yong--" "Hep--" sabay taas ng kamay sa harapan niya. "...'wag mo ng ituloy." "Bakit? Nasapol ba kita? Kidnapper--" "Aba't...ang talas ng dila mo ah. Naturingan ka pa namang pulis--" "Pa'no mo--" Natigilan siya ng ipakita ko sa kanya ang wallet niya. Kaagad niya iyon hinablot pero mabilis kong iniwas. Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano hold-upper ka rin?" "Pagkatapos kitang iligtas sa mga 'yon tapos ngayon ganyan ang tingin mo sa akin?" hindi siya umimik sa sinabi ko. I sighed. "Kumusta 'yang sugat mo masakit pa ba?" "Iķaw 'yung kabute na laging nakasunod sa akin diba?" "Ha?" "Alam mo. . . nakakapanghinala ka na e." nakakunot-noong tinuro-turo niya ako. "Sa tuwing napapa-trouble ako nandun ka. Noong nakaraang araw nandun ka rin sa MOA." I chuckled. "Masyado namang malawak 'yang imahinasyon mo para isipin na ako 'yon. Tsaka kanina nagkataon lang na napadaan ako sa karinderya." "So you mean nagkataon lang din na lahat sila kasing tangkad at katawan mo at nakatakip ng mukha?" "Aba malay ko. Bakit hindi ka na lang magpasalamat na iniligtas kita kaysa pag-isipan mo ako ng kung ano-anong masama?" palusot ko pa sa kanya. "May gusto ka ba sa akin kaya dinala mo ako dito sa bahay mo?" "WhatTheFuck--Hindi no! Hindi ang mga tulad mo ang tipo ko sa isang babae." She sneered. "Mabuti naman kung ganun. Hindi rin ang kagaya mo ang magugustuhan ko kaya 'wag mo na akong sundan pa. Masyado kang matanda para sa akin." Marahas kong hinablot ang braso niya ng talikuran niya ako. "Kinakausap pa kita kaya 'wag mo akong tatalikuran." halos hindi gumalaw ang mga labing sabi ko sa kanya. Malakas niyang piniksi ang kamay kong nakahawak sa braso niya pero hindi ko iyon pinakawalan. Sinamaan niya ako ng tingin. "Bitiwan mo ang braso ko." "Pa'no kung ayoko?" "Kainis..." she murmured then heaved out a deep sighs. "Thanks for saving me anyway. I owe you my life and sorry kung naging bastos ako." "Hindi ako basta-basta tumatanggap ng simpleng thank you lang." nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. Dahan-dahan kong binitiwan ang braso niya. "By the way, I'm Keith." Tiningnan niya lang ang kamay kong nakalahad sa kanya saka nag-angat ng tingin sa aking mukha. "Keith?" "Altamonte." "Keith Altamonte?" "Why, sounds familiar ba?" "No. But your surname. . ." "What about my surname?" Mariin siyang pumikit sabay iling. "Nothing." nagmulat siya ng mga mata saka tinitigan ako ng matagal sabay pikit at sunod-sunod na umiling. "NO imposible." she muttered. "Anong imposible?" She stared at me again saka bumaba ang tingin sa aking kamay. "Wala. Nice meeting you--kahit hindi, Mister Altamonte." Nakipagkamay siya sa akin pero parang napapasong kaagad niya rin iyon binitawan. Nanlalaki ang mga matang napamaang sa akin, bahagya pang nakaawang ang mga labi. Naramdaman ko rin ang kuryenteng nanulay sa aking braso matapos magdaop ang palad naming dalawa. Hindi ko napigilan ang sarili kong hatakin siya palapit sa akin sabay siil ng halik sa kanyang mga labi. Nawala ako sa huwisyo ng malasahan ko ang tamis ng mga iyon. Kay tagal ng panahon akong nagtiis at pinagkasya ang sariling nakatingin lang sa kanya mula sa malayo. Ngayon na abot kamay ko lang siya para akong asong naglalaway na 'di makontrol ang urged na ikulong siya sa aking mga bisig and kiss her natural pinkish sweet lips. Ilang minutong magkalapat ang aming mga labi, marubdob ko siyang hinahalikan habang parang tuod na naestatwa siya sa ginawa ko. Nang mahimasmasan, malakas niya akong itinulak sabay bigwas ng kamay sa aking mukha. "Walang hiya ka bakit mo ako hinalikan?!" "Hindi mo ba nagustuhan?" "T'ngnang bastos na 'to. . .siraulo ka ba?!" I chuckled. "I can't believed that your sweet lips can cursed." "Bwesit ka--" "Boss. . ." sabad ni Bert. Sabay kaming napalingon sa entrance ng main door. Pumasok ito saka inabot sa akin ang eco bag na puno ng prutas. "Nandiyan sa ibabaw 'yong gamot ni Ma'am. Bumili na rin akong mga prutas. Wala na kasi sa fridge." "Ok. Thank you." "Good afternoon Ma'am Cristal." "Bert..." "Boss?" "Lumabas ka na." Malakas itong napahagalpak ng tawa. Pinanliitan ko ito ng aking mga mata. "Very territorial." he then laughed again sabay hakbang palabas ng bahay. Sinundan ko ito ng nagbabaga kong mga mata saka nilingon si Cristal. Natigilan pa ako ng makita kong walang kurap-kurap siyang nakatitig sa aking mukha. Tumaas ang gilid ang aking mga labi. "What? Baka ma-in love ka bigla sa akin Miss Lopez." Iningusan niya ako sabay irap. "Asa ka. Uuwi--" "Kumain ka na muna para mainom mo na 'tong gamot diyan sa sugat mo." "Hindi na--" Kaagad ko siyang hinatak sa kanyang braso papunta ng kusina saka pinaupo sa upuan sa harap ng mesa. Nakasunod sa akin ang naiinis niyang mga mata. "Ihahatid kita sa apartment mo pagkatapos." then wink at her. Kumuha akong mangko saka nilagyan iyon ng calderetang ulam, isang plato, kutsara't tinidor at kanin. Lumapit ako sa kanya saka isa-isang nilapag ang mga iyon sa kanyang harapan. Lumawak ang ngisi ko ng makita ko ang kanyang itsura. Tinungo ko ang fridge saka kinuha ang isang pitsel na fresh pineapple juice. "Anak ka ba ni Kristoffer Altamonte?" "Kilala mo si Dad?" "So anak ka nga niya..." mariin niya akong tinitigan ng ilapag ko ang pitsel at baso sa gilid niya. "Kilala mo ba si Rex Chua?" Napaubo ako sa pangalan na binanggit niya. Pinanliitan niya naman ako ng mga mata. I cleared my throat then shook my head. "Hindi. Bakit sino ba siya?" "'Yung grupo kanina, kilala mo din ba sila?" "Hindi rin. Ikaw kilala mo ba sila?" "Liar." "Anong rason ko para magsinungaling sayo?" "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" inabot niya ang kutsara saka nagsimulang kumain. "Ba't ko pa tatanungin ang sarili ko kung pwede ko naman tanungin ikaw?" "You know what? You're unbelievable." "You're beauti--NO, you're gorgeous." "Akala ko ba hindi ang tipo ko ang gusto mo sa isang babae?" I shrugged my shoulder. "Well. . .I change my mind." "Hindi kita gusto kaya tigilan mo na ang kakasunod sa akin." "Bakit may magagalit ba kung susundan kita sa ayaw at sa gusto mo?" Pabalang niyang ibinagsak ang kutsara sa mesa sabay tayo. Nakatiim bagang niya akong tinitigan, nakakuyom pa ang kamao. "Alam kong nirerespeto, tinitingala, kinatatakutan at makapangyarihan ang mga Altamonte pero isa ako sa taong babangga sayo kapag hindi mo ako tinigilan." "Why? Wala naman akong ginagawang masama sayo ah. In fact tinutulungan pa nga kita. Dapat nga matuwa ka--" "Well I'm not happy!" asik niya sa akin. "Hindi kita kilala and I don't need your help. Kaya tantanan mo na ako." "Nagpakilala na ako sayo diba?" "Hindi pa rin kita kilala at wala akong tiwala sa pagmumukha mo." "Weee, 'di nga? Sabi mo sa'kin dati ako ang hero mo tapos ngayon wala ka ng tiwala sa pagmumukha ko?" Lalong nagdugtungan ang kanyang mga kilay sa sinabi ko saka sunod-sunod na umiling. "Uuwi na ak--" "Ihahatid na nga kita kulit nito." sabad ko. Tinuro ko ang gamot na nasa mesa. "Inumin--" Kaagad niya iyon dinampot. "Salamat sa Doctor na gumamot sa akin." maingat niyang dinampian ng kamay ang kanyang tagiliran. "I hope this gonna be the last na makita ko 'yang pagmumukha mo. Sa susunod na sundan mo pa ako--" "Bakit anong gagawin mo?" "Sinisigurado ko sayong hindi mo magugustuhan, Altamonte." Isang mariin na sulyap pa ang iginawad niya sa akin sabay talikod. Malalaking hakbang na lumabas ng kusina. Nanggigigil na itinaob ko ang mesa. Nagsipagtalsikan ang laman niyon saka nabasag, nagkalat din sa sahig ang pagkain at mga prutas. "You can't get away from me that easy, Cristal Jane Lopez. You are mine to begin with. ONLY. MINE." Hinawakan ko ang upuan saka malakas na ibinalya iyon sa subrang galit na lumukob sa akin. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD