CRISTAL
"Dalawang order nga po nitong sinigang na bangus tsaka dalawang rice."
"Take out po ba, Ma'am?"
"Hindi po, kakain po ako dito."
Nakangiting tumango sa akin ang matandang babae saka mabilis ang mga kilos na kinuha ang mga order ko.
Nagpalinga-linga ako sa loob ng karinderya, naghahanap ng bakanteng mesa nang may tatlong maskuladong lalaki ang bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Tinulak pa ako nong isa, muntik na akong masubsob sa malapit na mesa sa ginawa nito. Buti na lang na balance ko kaagad ang katawan ko kung nagkataon baka nabuhusan ng mainit na sabaw ang dalawang customer na nakaupo doon.
Nakakalukong nagtawanan pa ang mga ito pati ang tatlo pang lalaking nakatayo sa labas. Yung mga customer na kumakain sa loob biglang nag-panic at nagsipagtayuan. Animoy takot na takot at kilala ang mga ito.
Napakunot noo ako sa aking nakita lalo na ng iabot ng matandang babae ang pera sa lalaki.
"Bakit ito lang?!"
"Pa-Pasensya na po Sir 'yan lang po--"
"Niluluko mo ba ako?!" singhal nito sa babae sabay gala ng tingin. Tumagal ang namumula niyang mga mata sa akin. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik pa saka binalingan ang matandang babae na ngayon ay namumutla na sa takot. Good thing naka-civilian ako, wearing a black denim short, black big jacket matching with black and white rubber shoes kaya 'di nila ako nakilala na pulis ako. "Ang daming customers kanina pang madaling araw ng dumaan kami dito tapos sasabihin mong ito lang ang benta mo?!"
"E. . .y-yan lang naman po tala--"
Malakas nitong hinablot ang matandang babae sa braso sabay hawak sa magkabilaan ng panga nito. Sumiklab ang galit ko ng makita ko itong lumuha at nanginginig ang mga labing paulit-ulit na nagmakaawa sa maskuladong lalaki.
"'Wag na 'wag kang magsisinungaling sa akin kung ayaw mong mamatay."
"Ang laki ng katawan niyo bakit hindi kayo magbanat ng buto ng magkapera kayo hindi 'yong nanggigipit kayo ng kapwa niyo?" hindi nakatiis na sabad ko.
Marahas na napalingon sa akin ang tatlo saka ngumisi.
"Who the hell are you para pagsabihan kami kung ano ang dapat naming gawin?"
"Regular costumer dito." sagot ko. "Kayo. . .sino ba kayo?" tinuro ko ang lalaking madiin pa ring nakahawak ang kamay sa panga ng matandang babae. "Ikaw ba ang may-ari nitong karinderya para kunin sa Aleng 'yan ang benta dito? Ang harsh mo namang amo kung ganun."
They laughed like crazy at what I said. Na para bang may nakakatawa naman sa sinabi ko.
"Aba, matapang si sexy, pre."
"Palaban si Ganda. Magpakilala ka nga pre. Mukhang hindi tayo kilala."
Padaskol nitong binitawan ang matandang babae saka maangas akong hinarap.
"Regular costumer ka dito?" matiim niya akong pinasadahan ng tingin, tumagal iyon sa nakalantad kong mga hita bago dumako ang mga mata sa dibdib ko na litaw ang cleavage sa suot kong sando sa ilalim ng jacket na nakabukas sa kalagitnaan ang zipper saka nag-angat ng tingin sa aking mukha. Binasa niya pa ng dila ang kanyang mga labi habang nakakaluko akong nginingisian. "Bakit. . .ngayon lang ata kita nakita dito sexy?" lumapit siya sa akin, bahagya pa akong inamoy. "Hmmm smell good and looks. . .yummy." I didn't move nor show any reactions. Walang emosyon na nakasunod lang ang tingin ko sa kanya at sa mga kasama niya. "What's your name?"
I scoffed.
Tiningnan ko ang babaeng yakap-yakap na ng dalagita na takot na takot at tahimik na umiiyak pa rin sa gilid.
"Give the money back to her."
"Wow english Pre. Jackpot!"
Muli silang nagtawanan.
"Inuutusan mo ba ako Miss?"
"Oo."
He evily smirked. "Hindi mo ba ako kilala?"
"Hindi."
"Kaya pala ang lakas ng loob mong sagot-sagutin ako." he step forward again, inilapit ang mukha sa akin. Umatras ako na ikinangisi niya. "Defacto." malakas akong napasinghap sa sinabi niya. His grinned widened. "Sounds familiar baby?"
I blink my eyes twice.
Hindi ko akalain na makakaharap ko ngayon ang miyembro ng Defacto Gang na matagal ng hinahanap ng mga kasamahan ko.
Ibang assignment ang nakatuka sa akin plus my personal mission, the Buhawi Gang na pinamumunuan ni Rex Chua. Ang lalaking matagal ko ng hinahanap pero till now hindi ko pa rin siya nakikita. Wala akong idea sa itsura niya maliban sa may suot siya laging maskara ayon sa info na binigay sa akin ni Chief. And it made me impatient to gather information and evidences about his illegal businesses and connections to my parents! But I never give up. Never ever. Ngayon pa ba kung kailan natunton ko na ang kuta nila?
Ilang kembot ko na lang malalaman ko rin ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Mom since then till now at magkaiba ang apelyido namin ni Zephanie.
"Yeah." I chuckled then nodded my head. "Ang tagal kong hinanap kung ano ang ibig sabihin ng impakto sa dictionary simula pagkabata ngayon ko lang nalaman na ikaw pala 'yon." nalusaw ang ngisi niya sa sinabi ko. Nilingon ko ang mga kasamahan niya. "Sila? Sino ba sila?" muli ko siyang tiningnan. "Impakto--I mean hudas este Defacto chaperon?"
"Ang talim ng dila ng gagong 'to ah--"
Mabilis pinigilan ni Impakto ang kasama nito sa akmang pagsugod sa akin. I stayed still while grinning ear to ear pero deep inside kinakabahan na ako lalo't anim sila at maraming tao sa loob ng karinderya. Kung sa kaya, kaya ko silang lahat patumbahin pero mas inaalala ko ang mga taong nasa paligid ko. Hanggat maaari ayaw kong may masaktan at madamay na iba kung sakaling magkagipitan na. Halang ang bituka ng mga impakto na 'tong kaharap ko. Sigurado akong may mga armas sila.
"Chill ka lang Tots, babae pa rin 'yan." he then smirked. "Ang babae hindi sinasaktan kundi minamahal 'yan, ginagalang, nirerespe--"
"Like what you did to Manang Rosinda?"
He laughed wholeheartedly.
"Oh, kilala mo siya. Ganun ako magmahal Miss. Aggressive and. . .POSSESSIVE. Kapag akin, AKIN LANG. Walang sinumang makakaagaw ng akin... at makakapigil ng gusto kong gawin. AKIN ang lugar na 'to." nilingon niya ang dalawang nasa likuran niya. "Halughugin niyo ang kaha, kunin niyo lahat ng pera pati ang sa mga 'yan." tinuro niya ang mga costumers na nagsipag-umpukan na sa gilid sa subrang takot.
"E itong chickababes? Anong gagawin natin sa kanya?"
"Akin siya."
"Sayo lang?" hirit pa nong isa. "Pa'no naman kami Boss?"
"Pagkatapos ko saka na kayo. Bilisan niyo!" singhal nito. "Baka may dumaan na parak mayari tayo."
Kaagad tumalima ang dalawa pero mabilis akong humarang sa daraanan nila.
"Tumabi ka kung ayaw mong masaktan."
"Pa'no kung ayoko?"
"Aba't--Ahhh!" hiyaw nito ng pinipitin ko ang kanyang braso ng tangkaing hawakan ako.
Malakas kong sinipa ang mukha no'ng isa, bumagsak ito saka hinarang ang katawan nong isa sa Boss nila ng suntukin naman ako nito sabay palo ng malakas ng gilid ng palad ko sa kanyang batok. Walang malay itong bumagsak sa lapag.
"T'ngna kang babae ka--"
"Boss!"
Napaatras ako ng pumasok sa loob ang tatlo.
"Diyan lang kayo!" sigaw ng Boss nila. "Kayo--!" tinuro niya ang mga tao sa paligid. "Walang makikialam sa inyo!" nilingon niya ang mga kasama niya. "Kapag may gumalaw tudasin niyo!"
"Stop this nonsense Defacto--"
"YOU SHUT UP!"
"No, you shut up!" balik sigaw ko. "Ibalik mo kay Manang Rosinda ang pera."
"AKIN ANG PERANG 'TO!" galit na galit na sigaw niya sa akin. "Milyon ang utang niya--"
"Pera niya 'yon! You're a loan shark!" galit na sabad ko. "Ginigipit niyo ang mahihirap para magpakasasa kayo sa pera na hindi niyo naman pinaghirapan!"
Pinaningkitan ako nito ng kanyang mga mata sa sinabi ko. Bigla akong natauhan. Nakagat ko ang aking dila ng ma-realized ko ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Damn it.
Nagtagis ang kanyang mga bagang. Narinig ko pa ang paglagutok ng ugat sa pagkuyom ng kanyang kamao.
"Parak ka ba?"
I swallowed hard the lump in my throat then smirked.
"Police lang ba ang nakakaalam ng totoong identity niyo?" iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Natigilan ako ng mahagip ng aking mata ang patalim na hawak no'ng tatlong lalaking kasamahan nila pero hindi ako nagpahalata. "Kilala kayong grupo dito sa San Lorenzo, kinatatakutan lalo na doon sa Tondo. I always read a news in a newspaper. You're all famous. Don't you know that?"
He gritted his teeth. Namumula ang mukha sa galit na sinugod ako.
Kaagad kong sinangga ang kamao niya sabay siko ng kanyang mukha at tapak ng kanyang paa. Bumagsak ito sa lupa pero mabilis na bumangon sabay suntok sa akin pero malakas ko itong tinadyakan sa kanyang tiyan. Muli itong bumagsak, malutong akong pinagmumura saka galit na bumangon.
I step back. Humanap ng bwelo habang malikot ang mga matang iginagala sa paligid.
Alerto ang kanyang mga kasama at nakahanda ang kanya-kanyang patalim na nakatago sa kamay.
I gulped.
Oh damn, I'm dead trouble! Wala sanang madamay na iba.
Muli akong sinugod ng Boss nila, pinaulanan ng suntok at sipa pero naiwasan ko lahat iyon.
Mabilis kong sinipa ang isa niyang binti ng tangkain niya akong sipain sa aking mukha. Nakangiwing bumagsak ito sa lupa.
Muli itong bumangon at malakas akong sinuntok. Sinangga ko iyon ng kaliwa kong kamay sabay sipa sa kanyang dibdib. Binigwasan niya ako ng isa niya pang kamay, naiwasan ko iyon sabay sipa ulit ng isa kong binti sa kanyang dibdib.
Muli niya akong sinuntok. Hinuli ko ng kanan kong kamay ang kamao niya sabay talikod at malakas na siniko sa kanyang dibdib.
Muli niya na naman akong sinuntok. Hinuli ko ang braso niya sabay patid ng isa niyang paa. Hindi ko binitawan ang kanyang braso ng padapang bumagsak ito sa lapag, pinilipit ko iyon, malakas itong humiyaw sa sakit.
Nanlaki ang aking mga mata ng mahagip ng paningin ko si Moira.
"Oh--F*ck!" daing ko ng undayan ako ng saksak ng kasamahan niya sa tagiliran.
Buti daplis lang dahil may isang matangkad na lalaking nakaitim na bonnet ang bigla na lang sumulpot sa likuran ko. Sa subrang bilis ng mga kilos niya namalayan ko na lang na napatumba niya na ang tatlong lalaking may patalim. Bali ang mga braso nito at namimilipit sa sakit.
Kaagad kong nabitawan ang Boss nila ng hatakin ako ng lalaking nakabonnet palapit sa kanya.
Kumaripas ng takbo ang lalaking sinipa ko sa mukha kanina bitbit ang Boss nila. Akma ko silang susundan nang may dalawa pang lalaking sumulpot sa b****a ng karinderya may kanya-kanyang hawak na baril at nakatutok sa bawat ulo ng customer.
"Bumangon na kayo diyan! Bilisan niyo!" sigaw nito sa tatlo na nasa lapag. Nilingon nito ang isa pang dumating. "Buhatin mo si Gardo."
Nakangiwing bumangon ang mga ito, binuhat naman nong isa ang lalaking walang malay saka nagmamadaling lumabas ng karinderya.
"Hindi pa tayo tapos." nakatiim bagang na sabi nito sa akin sabay bitaw sa dalawang customers na umiiyak at nanginginig sa takot.
Akmang dadaluhan ko ang dalawang nag-breakdown ng hablutin ng lalaking nakabonnet ang braso ko. Malakas akong napasubsob pabalik sa kanyang dibdib. Napakunot noo ako ng masamyo ko ang pabangong gamit niya.
Why. . .it smells familiar? Saan ko na ba 'to dati naamoy?
"Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Sinaktan ka ba nila?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Tanging mga mata lang ang labas sa itim na bonnet na nakatakip sa kanyang mukha kaya hindi ko siya makilala.
"Sino ka?"
"Ma'am, Sir. . .maraming maraming salamat po sa pagtatanggol niyo sa amin."
Sabay kaming napalingon sa mga taong hindi namin namalayan na nakapalibot na pala sa amin.
Kaagad akong umayos ng tayo.
"Wala po 'yon--Ahh."
"F*ck--May tama ka!"
Nagulantang ako ng makita ko ang kamay ng lalaking nakabonnet na puno ng dugo galing sa tagiliran ko.
"Oh my God, save her!"
Nag-panic ang mga tao.
"Kumuha ka ng first aid kit Moira--!"
"'Wag na po." mabilis na sagot ng lalaki sabay buhat sa akin. "Meron ako sa kotse. Ako na ang gagamot sa kanya." malalaking hakbang itong lumabas ng karinderya at tinungo ang aking kotse.
Nagtaka pa ako noong una pa'no nalaman ng lalaki kung nasaan ang kotse ko pero hinayaan ko na lang din dahil sa tindi ng hapdi na nararamdaman ko sa aking tagiliran.
Maingat niya akong inilapag sa upuan sa unahan ng sasakyan sabay alis. Hindi ko alam kung saan siya pumunta.
Maya-maya biglang bumukas ang pinto sa driver seat at pumasok siya bitbit ang first aid kit. Dumukwang siya sa akin sabay taas ng laylayan ng jacket ko. Mabilis kong hinuli ang kanyang kamay.
"Tatalian ko lang 'yang sugat--"
"Ako na."
"Hindi, ako na."
"Ako na sabi!" asik ko sa kanya ng tangkain niyang itaas muli ang jacket ko. "Tsaka sino ka ba? Kilala ba kita? Bakit alam mo kung nasaan ang kotse ko? Sinusundan mo ba ako? Bakit mo ako tinulungan?"
He chuckled when I bombarded him a questions.
"Because you need help." tipid na sagot niya.
"Kaya ko sila mag-isa."
"Kaya pala may tama ka dahil--"
"Dahil hindi ko nakitang susugurin ako ng lalaking 'yon pero kaya ko silang lahat patumbahin without your help." sabad ko sa kanya. "Nakatingin ako sa anak ni Manang Rosinda, kay Moira na gagamit sana ng kanyang cellphone. Nakita kong nakita siya nong lalaking sinipa ko sa mukha kaya nawala ako sa focus. Buti na lang bigla kang sumulpot, nabaling sayo ang atensyon niya."
"Still you're careless."
I stared at him murderously sabay hablot ng bonnet niya pero mabilis siyang nakaiwas. Nanoot ang swabe niyang boses sa tainga ko ng pagtawanan niya ako matapos ko siyang murahin.
Binato niya sa aking ang first aid kit.
"Gamutin mo 'yang sarili mo." sabi niya sabay paharurot ng kotse.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023