KEITH
Nagkatinginan kami ni Chad sa ibinulalas ni Ramirez. Hindi ako sigurado kung tama ang kutob ko but I don't believe in coincidence. And the way Chad glared at me, sa tingin ko pareho ang tinutumbok ng aming utak.
"Follow me, will show you something."
Lumabas ako ng cottage saka naglakad papunta sa villa.
Malayo-layo na ang nilakad ko ng mapansin kong parang walang nakasunod sa akin. Huminto ako sa paghakbang saka nilingon sila. There, I saw them still sitting inside the cottage. Inis na nakapamewang na tinanaw ko sila.
Kunti na lang malapit na akong sumabog. Hindi mahaba ang pasensya ko, mas lalong ayokong pinaghihintay ako at wala sa bokabularyo ko ang salitang paulit-ulit.
Literal na pulis nga sila. Hindi basta-basta mapapasunod sa gusto ko.
My patience getting shorter and shorter when couple of minutes passed and still, they didn't budged from where they are. I saw Chad trying to persuade them but those two idiot--damn!
Dinukot ko ang baril sa aking likod sabay kasa niyon, tinutok ko sa kanila.
"Ano, hindi pa rin kayo susunod sa akin o ang bala ng baril ko ang papasunurin ko sa inyo?!" sigaw ko. "Mamili kayong dalawa, Ramirez, Montalban!"
Kahit malayo tanaw ko ang bagsik ng mukha nilang dalawa. While Chad playfully smirking behind them. Their dagger eyes made my brows arched.
Do they think that scares me?
Huh, dream on.
Walang sinuman ang makakapagpasindak sa akin lalo pa't nasa teritoryo ko sila. Kahit tutukan pa nila ako ng kanyon hindi ako titiklop. Dapat sila ang matakot sa akin dahil kapag ako tinupak lupaypay silang gagapang sa lupa hanggang sa kusa silang kumanta ng info'ng nakalap nila.
"What's going on here?"
Marahas akong napabaling ng may magsalita sa tabi ko. Seryosong mukha ni JM ang sumalubong sa akin. Hinawakan niya ang braso ko habang nakatanaw kina Chad saka ako tiningnan. Salubong na ang mga kilay at umiling sa akin.
"Kalma, Bro. Bisita mo sila." aniya. Tiningnan niya ang dalawang pulis. "Hindi makakatulong 'yang init ng ulo mo sa problema natin."
I sighed then put down the gun.
"Why are you here? May update na ba?"
"Yeah, naghihintay pa kami sa go signal ni Ryan. But that's not the reason why I am here."
"What do you mean?"
"I think Doc. Marcello Thompson still alive. Nakausap ni Brix si Cheena 'yung anak ni Tay Pio. And she said natagpuan ng Nanay niya sa kalsada si Tay Pio, duguan. Humarang sa kanilang truck when they were on the way back to San Agustin after they delivered the vegetables they harvested here in Manila."
"That's impossible. Malinaw 'yung sinabi sa atin ni Jonard na tanging ang bunsong anak ni Doc. Thompson ang nakaligtas sa m*ssacre. Kahit si Dad ganun din sinabi sa akin."
"I'm not sure yet about it though but I have this guts feeling na baka tama 'yung hinala ni Brix. Mukhang pinagtatakpan din ng mga magulang natin ang isa't-isa. Wala tayong makukuhang info sa kanila kaya kailangan nating kumilos. Inutusan ko si Suarez na imbistigahan si Tay Pio and Kev--"
"So ikaw na pala ang bagong Boss ng private investigator ko?"
Sabay kaming napalingon ni JM sa aming likuran. Pinaghalong galit, gigil, inis at madilim na mukha ni Wayne ang sumalubong sa amin.
Napalunok ako. Hindi nila sinabi sa akin na nandito ang dalawang 'to sa villa. I wonder when did they arrived or kasama din ba nila si Migz at James?
Tumanaw ako sa villa pero 'di ko maaninag 'yong anino ng dalawa ko pang kaibigan. Siguro silang dalawa lang magkasama.
Nakahinga akong maluwag. Kailangan ko din mag-ingat sa mga kilos ko. Marami din akong tinatagong sekreto sa kanila. Ipinagkatiwala ang lahat ng mga 'yon sa akin ni Dad. And it frustrates me na wala akong mahanap na karagdagang impormasyon para malinis ang pangalan ni Dad at ni Lucas. Habang tumatagal ang operasyon lalong dumadami ang sangkot at marami ding inosenteng nadadamay!
How can I handle this huge mess without a certain conclusion that it would be better at the end?
Pa'no kung mauwi lang ang lahat ng ito sa wala?
Pa'no kung sa huli masira lang ang maganda naming samahan?
Is it worth it to fight? Or do we need to just stop right here, right now and let it be then move on?
Pero paano kung sila mismo ang hindi na tumigil pa, patuloy kaming guguluhin? Siguradong mauuwi rin sa dahas at gantihan ang lahat ng 'to. And our life will never ever be the same anymore just like before.
"Now I understand why he's always missing in action. Pagkalaki-laki ng binabayad ko sa kanya tapos 'yung utos mo ang sinusunod ng animal na Suarez na 'yun! Nasaan ba si Santos? Si Curtis? Bakit hindi sila ang utusan niyo, ha?"
Siniko ako ni JM sa aking tagiliran, sapol 'yung sugat ko.
"You--motherfucker--OUCH!" halos mapaaringking ako sa sakit.
"Oppss--Sorry, sorry Bro."
Napangiwi ako ng magkaroon ng tintang pula ang suot kong damit. Nabalutan na ng dugo ang buong bandage ng iangat ko ang laylayan ng damit ko para tingnan ito. Kagabi kahit naiipit ng hita ni Cristal 'di naman ako nasasaktan at mas lalong hindi ganito kalala dumugo but what the hell it's too painful and bleeding now?
"Na peste ka JM--! Owhoo. . ." as of cue I stiffened when I saw those two idiot staring at. Literal sa sugat ko. Tinuro ko ang villa kay Chad. "Ilayo mo ang dalawang 'yan sa akin at--"
"Keith--"
"What?!" singhal ko kay JM. "Sila ang dahilan kung bakit may tama ako. Tapos ngayon kunting favor lang naman ang hinihingi namin ang hirap nilang mapakiusapan."
"They threatened us." agap ni Montalban. "They never asked us any favor aside from forcing us to confess how and why Xandro's men brought us in Bulacan. Tinutukan pa nila kami ng baril."
"Lintik na. . ." tinalikuran ko sila. "Sumunod kayo, bilisan niyo."
Aapila pa sana ang kaibigan kong si Wayne pero mabilis ko siyang inunahan.
"Kung ang ipinunta mo sana dito sa villa niyo sa San Andres ka dumeritso e 'di sana nalinawan na 'yang utak mo."
"Pati ba naman ikaw?"
"Anong pati ako?"
Kinuha ko ang aid kit at sinimulang linisan ang sugat ko sa kusina. Nanatili sa harapan ko si Wayne, dumeritso naman sina JM sa Library.
He took a deep breath. "Niririto ako ni Mom sa Faye na 'yon--"
"Faye?"
"Mag-ina na napulot ni Mom sa kalsada." umigting ang kanyang panga. "'Di ko nga alam ba't gustong-gusto ni Mom ang babaeng 'yon. Naririndi na nga ako sa kaka-Faye niya ng Faye sa tuwing tumatawag sa akin."
"O, kapangalan pa ni Sam." inosenteng wika ko. "Malay mo siya pala 'yon. Ba't 'di mo puntahan?"
"'Yun na nga e kapangalan. Was thinking too na baka siya ang asawa ko but I called Rita and Manang Lucy. Senend ko rin sa kanila 'yung picture ni Sam," umiling siya. ". . .but it wasn't her. Mukhang chiwawa na tarsier na iwan 'yung senend nila sa akin na picture ng Faye na 'yon. Ang masaklap parang nagayuma pa ng babaeng 'yon si Mom," nangigigil na naikuyom pa niya ang kanyang kamao. "Kapag ako nakauwi doon palalayasin ko talaga ang oportunistang 'yon sa villa."
Lihim naman akong natawa sa aking isip. Poor Santiago. Sinamsam ko ang mga nagamit ko saka binalik sa kabinet. I throw the soiled cotton with blood and gauze pads in trash bin then washed my hands.
Dumeritso ako sa drawer sa likod ng mesa ko pagkapasok ko sa loob ng Library. I took the brown envelop.
"Lumapit kayong dalawa dito sa harapan ng mesa ko." ani ko.
Hindi gumalaw 'yong dalawa. Nanatiling nakaupo sa sofa habang nagpapalipat-lipat ang mga mata sa amin.
I gritted my teeth. Inuubos ng dalawang 'to ang oras ko pati pasensya ko.
"Pulis kayong dalawa diba?" maya-maya untag ni JM. Hindi rin siya pinansin no'ng dalawa. Sumandal siya sa pader malapit sa bintana saka humalukipkip doon. "I'm sure magkakasangga kayong tatlo nina Sergeant Lopez."
Namayani ang katahimikan sa loob ng Library. Wala ni isang umimik. Umupo ako sa swivel chair at hinayaan lang si JM magsalita.
"I heard na hina-hunting niyo ang mga Defacto. We were in the same boat. Kung magtutulong-tulong tayo mas mabilis natin maso-solve ang kaso."
Nilingon siya ni Montalban pero 'di pa rin umimik. Si Ramirez naman seryosong nakatanaw sa mga old pictures na nilalatag ko sa ibabaw ng mesa.
"Nakapasok na kayo sa kuta nila diba? In fact tatlong grupo sila. Meron pang pinaka main den at 'yun ang inaalam pa namin."
"'Yung about sa pananambang sa Lola Eleanor mo Montalban, when does that exactly happened?" sabad ko.
Matalim niya akong tinitigan. "Paano kami nakakasigurong kakampi namin kayo't hindi kalaban?"
"Like I said siya ang Kuya Kyle ni Cristal." ani ni Chad. "Since then till now he's protecting Señorita Cristal." tinuro niya ang ibabaw ng table ko at mga frame na nakasabit sa dingding na pinapagitnaan ng dalawang bookshelves. "Tingnan niyo ang mga old photos na 'yon. Kayo na ang humusga."
Tumayo ang dalawa. Si Montalban lumapit sa akin, tiningnan ang nasa ibabaw ng mesa ko, samantala si Ramirez tinungo ang dingding na nasasabitan ng maraming old picture namin ni Cristal hanggang sa magdalaga siya't naging pulis.
Nanlalaki ang mga mata at awang ang mga labing nag-angat ng tingin sa akin si Montalban.
"You--Y-You're the one who helped her finished her c-college. . ." nilingon niya si Chad. "...not Mr. Del Valle?"
"Yes." sabad ni Chad ng hindi ako umimik. "I'm just pretending as a Philanthropist so I can get near with her. Kakilala ko ang Dean sa school na 'yon so," he shrugged his shoulder. ". . .there's no sweat. And ofcourse utos 'yon ni Boss."
"Ikaw rin ang palos na sinasabi ni Cristal na laging sumasagip sa kanya simula pa noon?" he asked me again.
Tumango ako. "But not just me. Pati ang personal body guard na tinalaga ko sa kanya kapag may importante akong lakad."
"Ba-Bakit ginagawa mo ang lahat ng 'to sa kanya?"
"Because I love her." mabilis na sagot ko na ikinagulat niya lalo. I mentally smirked. "Now tell me, bakit kayo binihag ni Xandro?"
He remained silent. Naupo siya sa upuan sa harap ng mesa ko. Hawak pa rin ang stolen shot picture namin sa bench sa may Park. Nakangiting magkayakap kami sa isa't isa. She was holding the doll while I kissed her on top of her hair.
"We were following Serafin," wika ni Ramirez. Napabaling kaming lahat sa kanya. Pinamulsa niya ang dalawang kamay saka sumandal sa pader. "In fact matagal na. Pati rin ikaw and the owner of the Yankee Bar."
Nakataas ang kilay na nagtinginan kami ni Chad. JM cleared his throat. While Wayne just shrugged his shoulder.
"Nalaman namin na pina-DNA test mo rin si Cristal. And we were curious why Serafin made fuss of it. Sinundan namin sila all the way from MCT hanggang sa huminto iyon sa isang napakalaking bahay sa Mabalacat Pampanga."
"Tapos?"
Sabay pa naming tanong ni Chad ng ilang minuto na ang lumipas hindi niya na iyon dinugtungan.
"Anong nangyari bago kayo nahuli, Montalban?" tanong ni Wayne.
Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Montalban. Nag-usap pa sila sa mata ng kaibigan niya bago nagsalita.
"Narinig namin ang sinabi ni Xandro kay Tito Zerafin na si Cristal. . ." he took a deep breath again. ". . .ang totoong anak ng mga Sullivan. And Zephanie is the real Lopez. Nag-iisang anak nila."
Gulat na napatayo ako sa aking kinauupuan. Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Inaarok kung tama ba ang dinig ko.
"O good, Jesus."
Hindi mapakaling nagpabalik-balik na ako ng lakad sa harapan nila. Tila ako sinisilihan sa aking nalaman. Like, damn. . . Cristal, my baby is the Sullivan! Siya ang nawawalang anak ni Tito Rafa! Can you believe that?! Meaning she's telling the truth! Totoo ang lahat ng sinabi niya kina Shawn.
Does that mean I started earning her trust now?
Oh damn. . . tiyak matutuwa nito si Dad. Lalo na sina Tito Rafa and Tita Jackie, and so my Mom.
Walang paglagyan ang galak sa aking puso habang paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa aking utak ang mga sinabi nila.
"'Yun lang ba? Wala na bang iba?"
"About sa Lola Eleanor mo--"
"Bakit pati 'yon interesado kayong malaman?" kunot-noong agap niya. "Family matters--"
"My grandma, Juliana Del Carpio," sabad ni JM. "Nabanggit ba siya ng Daddy mo?"
Marahas siyang nilingon ni Montalban. "Lola mo si Lian Del Carpio?"
He nodded. "Anak ako ni Fernando Del Carpio. And five decades ago something terrible happened to my grandma and her colleagues along the way back to Isla Alona. Naiwan si Dad sa Isla kaya kinailangan nilang balikan but unfortunately tinambangan sila ng mga armadong kalalakihan. Sabi ni Dad lahat sila namatay maliban kay Granny at isa niya pang kaibigan."
Sunod-sunod umiling si Montalban. "May similarities sa kwento mo pero yung lahat namatay, I disagree."
"So, what are you implying to say?"
"Till now buhay pa rin ang Lola Elea ko. Base sa kwento niya kay Dad silang apat na nakasakay sa back seat ay tumalbog palabas ng kotse habang gumugulong iyon sa bangin. Naiwan sina Lian at Cleo sa loob. So, kung buhay ang Lola Lian mo, isa lang ibig sabihin no'n. . . lahat sila nakaligtas."
Muli kaming nagkatinginan na apat. Hope and eagerness rises in my nerve. Parang gusto ko tuloy kaladkarin si Montalban papunta sa Lola niya.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023