CRISTAL Ilang araw ang lumipas na hindi nagpakita sa akin si Keith. Pati sina Shawn hindi ko rin makita. Ibang tauhan ang naabutan kong nagbabantay sa control room. Sinalakay ako ng hiya kaya 'di ko magawang magtanong. Pati si Muriel mailap din sa akin. Masyadong tipid sumagot at nagmamadaling umalis sa harapan ko sa tuwing sinusubukan kong kausapin siya. I wonder what's happening to them. Hindi rin ako makampante sa isang sulok lang na walang ginagawa. Kailangan ko ring makausap sina Lester pati si Keith. Marami pa akong tanong sa kanya. Muli akong lumabas ng secret door. Nagkagulatan pa kami ni Claud pagkabukas niyon. Malutong pa siyang nagmura. Natigilan naman ako. "S-Señorita," tiningnan niya ang suot na relo. "Anong oras na, bakit gising ka pa?" Salubong ang mga kilay na nagpalip

