KEITH "'Yung ang sabi sa akin ni James." boses ni Tito Rafa. Napahinto ako sa paghakbang saka nagpalinga-linga sa paligid. I wonder where's Mom. Hindi ko yata makita ang anino niya ngayon. At ang ipinagtataka ko pa ay kung bakit nandito si Tito Rafa. Kailan pa sila nagkabati ni Dad? "Humingi ako ng tulong sa kanya pero kay Keith niya ako tinuro. That's why I am here, Kristoff. Handa akong kalimutan ang lahat ng alitan--" Kumatok muna ako bago ko tinulak pabukas ang pinto ng Library. Natigilan sila pareho pero kaagad din nagliwanag ang kanilang mukha pagkakita sa akin. "I'm sorry to interrupt you two," bungad ko sa kanila. Ni-lock ko ang pinto saka hinarap sila. Sumandal ako sa likod niyon. "Narinig ko 'yong pangalan ko kaya pumasok ako." tiningnan ko si Tito Rafa. "Ano pong sinabi say

