KEITH "Boss Keith," nakangiting salubong sa akin ni Matt pagkapasok ko sa compound. "Saan lakad natin?" "Sa RJ Surf Camp Resort." Tumanaw siya sa langit. Napasunod din doon ang tingin ko saka nagtatanong na tiningnan ko siya. "Kaaalis lang ng chopper ni Boss James pabalik sa resort. Sina Boss JM at Wayne dumating din dito kanina galing Hacienda. Papunta ngayon kina Third. Kakausapin yata sina Colt at Ace bago babyahe sa Albay." "Kasama ba ni James si Migz?" Umiling siya. "May importanteng lakad din daw si Boss Migz." "I see. Tara samahan mo ako." Sabay naming tinungo ang chopper. Siya ang nagnavigate. Mahigit isang oras din ang tinagal ng byahe namin papunta sa Resort ni James. Nasa himpapawid pa lang kami tanaw ko na ang napakaraming turista sa kabila ng Resort ni James. Sa roof

