KEITH
PAIN. TOO MUCH PAIN. 'Yung ang naramdaman ko ng maalimpungatan ako. Parang binibiyak ang ulo ko sa subrang sakit. I even felt dizzy and about to vomit when I pushed myself to sit up in bed holding my head with my both hands.
"Mmmmm. . ."
Marahas akong napabaling sa tabi ko ng may gumalaw doon.
"F*ck--"
Halos mapatalon ako pababa sa kama ng makita ko si Cristal. Peacefully sleeping like a baby. And damn naked! And so I am!
"What the f*ck happened. . . last. . . night. . ."
Different images flashed in my aching head. Images of Cristal. Naked, magnificent, gorgeous. And her damn sexy moan, keep calling my name echoed in my head!
Napahawak ako sa aking ulo ng sumakit lalo iyon. I felt like it's about to burst. Bahagya pa akong napaatras ng makaramdam ako ng hilo habang walang kurap-kurap na nakatitig sa kama. Hindi ko maalala kung panaginip lang ba iyong mga nakikita ko doon na malalabong imahe.
Damn, hindi kaya. . ?
Sukat doon malalaking hakbang na tinungo ko ang banyo at nagmamadaling nag-shower. Pagkatapos kong maligo uminom ako ng dalawang aspirin at nagbihis na.
Parang sirang plaka pang nagsisipagsulputan sa harapan ko ang mga imahe ni Cristal ng mapadako ang tingin ko sa sink sa banyo palabas, hanggang sa makarating ako sa paanan ng kama.
I don't think it just a dream. Pero bakit ginawa ko 'yon?! Am I too drunk last night or what? Damn, I'm f*ck up!
Inayos ko ang kanyang kumot. Ilang minuto akong nanatili doon, wala sa sariling nakatitig sa maamo niyang mukha. Bahagya pang nakaawang ang mga labi. Tulog na tulog.
Nang makuntento na ang aking mga mata, binuksan ko ang lampshade at pinatay ang ilaw.
Dali-dali akong lumabas sa secret door ng muli siyang gumalaw. Hindi ko alam kung pa'no ko na siya haharapin ngayon. Baka lalo lang ako mahirapan paamuhin siya dahil sa ginawa ko. Shet talaga.
Kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng desk drawer ko at ni replay ang footage kagabi. Naitulos ako sa aking kinatatayuan sa aking nakita. Bigla rin sumiklab ang masidhing init sa aking buong katawan.
F*ck baby, you're killin' me!
"Boss. . !"
Marahas akong napabaling kay Chad na humahangos na pumasok. Habol ang kanyang hininga. Namumutla, napahawak pa siya ng kamay sa kanyang tuhod. Daig niya pa ang nag-marathon.
"O? Saan ka galing? Ba't ganyan ang itsura mo?"
"Si. . . Si. . ." umayos siya ng tayo habang hinahabol ang kanyang paghinga. "Si Aish. . .
Nakanganga naman akong nakatingin sa kanya. Pilit na iniintindi ang sinasabi niya.
"Ice? Ice na ano?" kunot-noong tanong ko. "Meron dun sa freezer ah, ba't 'di ka kumuha?"
"Hi-Hin--di..." sunod-sunod siyang umiling. Hinimas niya pa ang kanyang dibdib, kinakalma ang sarili. "Si Aish, Boss. Si Aish. ."
"Si Ice ngang ano?" singhal ko na sa kanya. "Dahil lang sa yelo kaya ka nagkakaganyan?" muli kong tiningnan ang footage sa phone ko. "Kung may hangover ka--"
"T'ngna--Si Aishleen Kate! 'Yong kapatid mo! Dinukot!"
"TheFuck--?!" gulantang na binalingan ko siya. "Anong--dinukot si Aish?! Nino? Kailan? At nasaan sina Ace at Colt?"
"Kagabi lang. Sa ngayon hindi pa namin alam kung sino sila." muli siyang humingang malalim. "Sinundan ni Colt ang van na dumukot kay Aish pero naiwala siya. Si Ace naman nasa Hospital ngayon. May tama sa tagiliran. Tapos sabi ni Thur kahapon nakaingkwentro nila ang mga tauhan ni Christian buti na lang may mga patibong si sss. Nakauwi na rin sa Hacienda si Boss JM pero tinambangan din sila no'ng pauwi." sunod-sunod na imporma niya sa akin.
Hindi ko akalain na ganito karami kaagad ang nagyari. Nalasing lang ako tapos paggising ko. . . Hanep na 'yan. Parang na-triple 'yung hangover ay.
"F*ck! Tawagan mo si Ryan--"
"Hindi ko na siya ma-contact kanina pa." sabad niya.
I pressed the side button in my wristwatch right away.
"Clayde? Clayde, are you there?" hindi ito sumasagot sa kabila. "Dammit Clayde!"
Natatarantang hinanap ko ang number ni Clayde sa hawak kong cellphone. Then pressed the call button. Ilang sigundo lang kaagad iyon kumonek.
"I'm tracking Boss Ryan GPS." bungad nito. "Unfortunately nawala ang signal niya pagdating sa Quezon province."
Hindi ako makahinga sa sinabi nito sa subrang pag-aalalang nararamdaman ko sa kaligtasan ng kapatid ko. Siguradong mapapatay ako ni Dad oras na may mangyaring masama sa kanya.
"So, do you think he's following the kidnappers?"
"I'm not sure yet pero same lang 'yong GPS nila ni Aish kanina. Pero ngayon magkaiba na. Pabalik na dito si Aish sa Manila. Wala pa rin kay Boss Ryan. Can't tract his GPS anymore."
"Hindi kaya magkasama na sila?"
"Hindi rin ako sigurado. Hindi klaro 'yung mga pumapasok na mga pictures dito."
Napahilot ako sa aking sentido. "Update me from time to time, Clayde. Tawagan mo din si Colt." binalingan ko si Chad. "Papuntahin mo dito sina Fenix, ngayon na. Susundan--"
"No. Hindi ka pwedeng umalis. Tumawag sa akin kanina si Mutya. Pupunta ngayon dito si Xandro."
"What?! Anong gagawin niya dito? Tsaka alam mo namang hindi ako pwedeng humarap sa kanya."
"I know. So, we did the plan B."
"Siguraduhin mo lang Chad na hindi 'yon papalpak."
"We have no other options. Alam mong darating ang araw na kailangan mo silang harapin. Although Chua is a busy man, still, nakikipag-transact siya kay Steves. And Xandro is his downline. And besides, na-trained mo naman na si Moana diba? Tsaka ilang beses niya na rin nakita si Señorita Cristal noong nakaraang araw pa. Siya 'yong pinagbantay ko tuwing gabi sa bebe mo kaya sisiw na lang 'yon sa kanya na gayahin si Señorita."
"Make sure na hindi magsasalita si Moana ng kahit katiting. Baka kasama ni Xandro si Serafin, kilala niya ang anak niya."
He nodded. "Areglado na ang lahat. Nasa safe house na si Moana. Nakabantay na rin doon sina Fenix. Pagdating dito ni Xandro dadalhin ko siya doon. Ang inaalala ko lang ang kapatid mo at si Boss Ryan."
"Aalis ako--"
"Pa'no si Señorita?"
"Nandiyan naman sina Muriel at Bert. Tsaka safe dito si Cristal. Si Aishleen ang nanganganib ang buhay, pati si Ryan. Pupuntahan ko ngayon sa Hacienda si JM, kailangan ko siyang makausap."
"Okey. Ako ng bahala magsabi kina Bert."
Tinapik ko siya sa kanyang balikad. "Thanks Chad. 'Wag niyong pababayaan si Moana."
"Kami ng bahala do'n--Oh, I almost forgot."
Malalaking hakbang na tinalikuran niya ako. Tinungo ang mini bar. Nagsalubong pa ang aking mga kilay ng makita ko ang tatlong pulang rosas na kinuha niya doon. Abot langit ang kanyang ngiti na lumapit sabay abot ng mga 'yon sa akin.
"For you, Boss--"
"--tado--Ano yan?!"
"Bulaklak, ano pa ba sa tingin mo?"
Dumilim ang paningin ko sa sagot niya. Lalo na sa bulaklak na hawak niya.
"Suntukin ko kaya yang ulo mo Chad?"
He barked a laughter. "Asa ka naman na magugustuhan kita."
Inis na binigwasan ko siya ng kamao. Mabilis naman siyang nakailag habang pinagtatawanan pa rin ako.
"Kanina parang hinahabol ka ng sibat tapos ngayon tuwang-tuwa ka? Ano ka, sinto-sinto ka ba?"
"Adrenaline rush 'yon no, ang harsh mo."
"Adrenaline rush. . ." ulit ko sa sinabi niya.
"Syempre natakot ako ng hindi ko na makontak si Boss Ryan. Si Boss JM may tama sa balikat, si Boss Wayne wala sa sarili. Sina Boss Migz at James busy naman. Nakita ko pang duguan si Ace. Kung hindi naman tinakasan ng kapatid mo si Colt hindi naman sana siya mapapahamak e. Kaso magkasing tigas ang ulo niyong dalawa. Tapos ng puntahan kita dito kanina wala ka naman. Nakatatlo na yata akong pabalik-balik dito e." nilapag niya ang tatlong tangkay ng pulang rosas sa harapan ko. "Binili ko kanina sa daan pabalik dito ng maka-first base ka naman sa bebe mo."
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Akalain mo 'yon naisip mo pa talaga 'yan?" muli siyang tumawa. "Ginagawa mo rin ba 'yan kay Miss Marquez--"
Biglang nalukot ang kanyang mukha pagkabanggit ko sa pangalan no'n.
"Wala kang pakialam kay Mia."
Napangiti ako ng talikuran niya ako.
Kinuha ko ang tatlong rosas at tahimik na muling pumasok sa kwarto ni Cristal. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog.
Nilagay ko ang rosas sa side table. Mabilis ko siyang kinintalan ng halik sa labi saka muling lumabas ng kwarto.
Maingat akong lumabas ng hideout. I used my motorbike, dumeritso ako sa compound ng private plane namin. Nagulat pa ako ng makita ko si Third doon.
"Hinihintay ka na ni Matt--"
"Why are you here?"
"Hindi ko makontak si Boss." umiling siya, "Kasama ko siya kahapon pero pinauna niya kami umuwi. Sabi niya may importante siyang pupuntahan. Ayaw sana namin siyang iwan kaso--"
Hinawakan ko siya sa kanyang balikat. "It's not your fault, Third. Malaki na si Ryan, alam niya na ang ginagawa niya."
"Gusto namin tumulong sa paghahanap sa kanya at sa asawa niy--"
"Ano?!" gulat na bulalas ko. "A-Anong a-asawa. . . may asawa siya? Kasama niya?" hindi siya umimik. Napaayos siya ng tayo,umiwas ng tingin sa akin. "Third. . ?"
He sighed. "S-Sorry Boss Keith... pero--"
"Third." may diin kong tawag na sa kanya.
Hirap na napabuga siya ng hangin. Alanganin siyang tumingin sa akin saka umiling.
"Mapapatay ako ni Boss--"
"Ako ang papatay sayo kapag hindi ka pa umamin sa akin ngayon, Third."
"F*ck." he muttered. Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. He sighed again. "Your sister and my Boss were m-married more than two years now."
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya hanggang sa natawa na lang ako.
"Ahhh, kaya pala." sunod-sunod akong napatango. "Kaya pala pinagtataguan ako ng g*gong 'yon dahil inasawa niya na ang kapatid ko. Hmmm, now I understand why she acted weird."
"Boss Keith--"
I smirked. "No worry, sagot kita." tumanaw ako sa loob saka muli siyang binalingan. Lalong lumapad ang ngisi ko ng makita ko ang itsura niya. Hindi mapakali at takot na takot. "Samahan mo ako sa Hacienda. Kailangan kong makausap si JM."
"H-Hindi ba tayo susunod doon sa Quezon--"
"Papunta na doon si Colt, kausap na siya ni Clayde."
"Pero. . ."
Malalim akong bumuntong-hininga sa pag-aalangan niya sa sinabi ko.
"Kilala ko si Christian, Third. Tuso ang hayop na 'yon. Kung mga tauhan niya ang nakasagupa ni Ryan, malamang nakaplano rin ang pagdukot niya sa kapatid ko. Lalo't yung pinakaunang encounter namin noon sa States pinagbantaan niya na ako. Ayokong basta na lang tayo sumugod doon. Baka ma-trap lang tayo, alalahanin mong tatlo ang grupo nila. Kailangan natin ng back-up."
"Sige, Boss. Will update Fourth and Fifth muna."
I nodded. Tinuro ko ang looban. "Sumunod ka na lang pagkatapos."
Ilang minuto ang lumipas nasa himpapawid na kami patungo sa Hacienda Ismeralda. Tinawagan ko si JM bago kami umalis kaya ng makarating kami doon nasa roof top sila ni Wayne. Naghihintay sa amin.
"Anong nangyari?" bungad ni JM pagkababa namin.
"Hindi ako sigurado but I guess pakana ni Christian ang lahat."
"Damn that bastard!" nakatiim bagang na sabi ni JM. "So, anong plano mo?"
"Lumiliit na ang mundo ko sa kuta ni Rex. Hindi ko kakayanin mag-isa pagsabayin sina Cristal at ang kapatid ko. I know Ryan can handle himself but we need to rescue them."
Frustrated na napasabunot sa buhok si JM. "N-Nasa Mt. Quasinta pa rin ang asawa ko--"
"Anooo?! Alam mong delikado pero iniwanan mo doon?!"
"Wala. . . galit na galit siya sa akin e. Tsaka nandun naman sina Thur."
"Pambihira. . . 'yan na nga ang sinasabi ko sayo JM sa pa lowkey-lowkey mo na 'yan e. 'Di mo kasi inamin agad."
"Sinabi ko naman na sainyo ang dahilan--"
"Natakot ka naman kaagad sa Misis mo."
"Nasasabi mo 'yan kasi wala ka sa sitwasyon ko."
Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. "O e ano na ang gagawing natin ngayon e nagkasabay-sabay na? Malaking grupo sila. Baka pag sinagip natin yung isa, 'yung isa naman ang tirahin." nagkatinginan sila sa sinabi ko pero hindi umimik. Lalo akong na-frustrate. "Nalintikan na talaga."
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023