CRISTAL
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata pagkaalis ni Keith. Nanatili pa rin ako sa aking kinahihigaan. Till now hindi pa rin ako makapaniwala kung pa'no siya nakapasok dito.
"Hindi kaya--siya ba si. . . Rex Chua?" naguguluhan pa rin na tanong ko sa aking sarili.
"Pero imposible." kontra ng utak ko.
"But. . . what the hell he's really doing here?! Totoo kaya lahat ng sinabi niya sa akin kagabi na m-mahal niya ako or parte pa rin ng plano niya?"
Sunod-sunod na bumalandra sa aking harapan ang lahat ng nagyari sa aming dalawa kagabi. I unconsciously bit my lower lip. Ipinilig ko ang aking ulo saka bumalikwas ng bangon. Tinanaw ko ang walk in closet at dulong pasilyo, iniisip kung saan siya lumabas. Hindi ko narinig na bumukas ang main door, so, malamang may secret passage. Napagkamalan ko pa siyang multo!
"Kaya pala 'di nagpapakita ang hudas na Rex na 'yon at humigpit ang bantay dahil baka iisa lang sila ni Altamonte. Malamang tuwang-tuwa na nakikitaan niya ako. Piskat siya, muntik niya na akong makuha ng walang kahirap-hirap na dem*nyo siya! Humanda siya sa akin."
Nagpupuyos na naman sa galit ang dibdib ko nang mahagip ng paningin ko ang tatlong rosas na pula na nasa ibabaw ng side table. Napalukso ang puso ko sa aking nakita. Napakurap-kurap pa ako at bahagyang inilapit ang mukha doon, siniguro kung totoo ba ang nakikita ko or namamalikmata lang ba ako.
Pero nandun pa rin ito at. . . mukhang fresh red roses!
Wala sa sariling tumayo ako. Binuksan ko ang ilaw saka pinatay ang lampshade.
"Ano ba talaga ang plano sa akin ng Altamonte na 'yon?" dahan-dahan kong dinampot ang bulaklak. I unconsciously brought it in my nose, then smelled it. "Kung pinaalagaan niya ako kay Dad, meaning kilala niya kung sino ang totoong mga magulang ko. Pero bakit. . . gusto niyang patayin si Dad kung magkasabwat sila?"
Naikuyom ko ang aking kamao ng maalala ko ang usapan nina Mom and Dad sa kusina.
"Kung totoong anak ni Dad si Zephanie, sino ang batang nasa litrato? Anong motibo nila sa mga Sullivan? At bakit si Steves ang nasa picture at ang sinasabi ni Mutya na nagnakaw sa bata hindi si Chua? Hindi kaya. . ." naguguluhan na nagpabalik-balik ako ng lakad. "Hindi kaya. . . ako kaya. . ."
Sunod-sunod akong napailing. Hindi na ako mapakali pa ng rumagasa sa utak ko ang mga nakaraan na pag-uusap namin ni Dad sa likod ng hardin. Mga araw na nakasama ko't nakausap ang mga Sullivan. Ang paulit-ulit na pagliligtas sa akin ni Altamonte at ng anonymous na 'yon. Ang mga kahayupan at pagmamalupit sa akin nina Mom at Zephanie.
"NO. . . NO. . ."
Walang babalang tumulo ang luha sa aking mga mata. Nanginig ang aking mga labi pati ng aking buong katawan. Nanghihinang napaupo ako sa kama.
FLASHBACK. . .
"Saan mo binenta ang mga alahas ko, Cristal?!"
Dumadagundong na tanong sa akin ni Mom. Subrang higpit ng pagkakasabunot niya sa aking buhok. Nagulat ako ng pabalyang bumukas ang pinto at bigla niya na lang binato sa akin ang walang laman na box. Tumama iyon sa aking ulo. Sinungaban ako sa loob ng bodega, kilaladkad papunta sa sala.
Pilit niyang pinapaamin sa akin na kinuha at binenta ko ang mga nasa jewelry box niyang alahas. Ni hindi ko nga alam kung saan nakatago o kung meron ba siya ng mga no'n.
Humahagulhol na nakasalampak ako sa lapag. Nakahawak sa buhok ko at kamay niya.
"Maniwala naman po kayo sa akin Mom o, wala po talaga akong alam diyan--ahhh!" muli akong napahiyaw sa sakit ng hatakin niya iyon pataas.
"Dinadaan mo pa ako ngayon sa paawa-awa ha! Mula pagkabata hanggang ba naman ngayon lumala na ng tuluyan 'yang habit mo! Hindi ka man lang tumanda sa kakagulpi ko sayo! Nakulangan ka pa ba ha?!" nanggigigil na dinutdot niya pa ang noo ko. "Saan ka kumukuha ng pang tuition mo aber ha? Sige nga, sabihin mo sa akin ngayon kung pa'no ka nakabili ng ganun kamahal na laptop e 'di ko naman sayo binibigay 'yong perang pinabibigay sayo ng Daddy mo? Tapos may pa bongga-bongga ka pa talagang nalalaman na gown ha. Ano nagpi-feeling rich ka?! Nagyayabang ka sa mga kaklase mo sa school niyo?!"
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung saan at pa'no niya nalaman ang mga 'yon. Triple ingat naman ang ginagawa ko. Sina Lester at Orlan rin ang nagdadala ng mga mamahaling gamit ko sa loob at labas ng school. At never kong inuwi sa bahay.
"Sa-Sa trabaho ko po--Ahh! Tama na Mom, please." hilam sa luhang tiningnan ko si Zephanie na parang asong nakangisi pa sa akin, nakakrus pa ang dalawang braso sa dibdib niya. "Sabihin mo sa kanya ang totoo, Zephanie. Nakita ko kayong magbabarkada na pumasok sa kwarto nina Mom nang utusan mo akong maglaba ng tambak na labahan--"
"Liar!" galit na singhal niya din sa akin. Dinuro niya pa ako. "'Wag mong idamay ang mga kaibigan ko sa kabulastugan na ginawa mo kundi buburahin ko 'yang pagmumukha mo! Baka matuluyan ka nang 'di maka-attend ng victory ball niyo. And FYI, hindi kita inutusan maglaba no. At wala ako dito sa bahay, busy ako sa school maghapon. Ikaw rin ang unang umuuwi dito kaya 'wag kang mag-imbento diyan na bwesit ka!"
Nag-angat siya ng tingin kay Mom na lalong humigpit ang hawak sa buhok ko. Pakiramdam ko kunti na lang matatanggal na lahat ang mga 'yon sa anit ko sa subrang sakit.
"You can check the laundry room, Mom. Nandun pa rin 'yong mga labahan na pinapalaba niyo sa kanya noong nakaraang araw. She never wash it till now. Nagwala siya doon while keep cursing you. Galit na galit siya sa mga utos mo sa kanya."
Lalong sumidhi ang galit ni Mom. Hatak ang buhok ko, kinaladkad niya ako papunta doon. Sinipa pa ako ni Zephanie ng hindi ako agad nakatayo.
Pagdating namin sa laundry room, halos panawan ako ng ulirat ng makita kong parang dinaanan ng bagyo doon. 'Yung mga natupi ko nang mga nilabhan ko nagkalat sa sahig. Kahit 'yong mga hindi labahan nandon na rin. May mga mantsa na 'yung iba. Iwan kung sino naghalo ng mga de kolor sa mga puti sa loob ng palanggana.
"See? I told you, she's a damn liar, Mom. Naglakwatsa lang 'yan maghapon ng mga kaibigan niya habang wala kayo. Nagreyna-reynahan 'yan dito sa bahay. Dito niya pa nga pinakain at pinatulog ang mga kaibigan niya e. Pinagbantaan pa nila ako na 'wag isumbong sayo."
"Hindi totoo 'yan! Hindi ako ang may gawa niyan--Ahhhhhhhhh!"
Napapikit ako sa sakit ng hawakan ng mahigpit ni Mom ang aking panga.
"Tatanggi ka pa talagang haliparot ka ha!" asik niya sabay sampal sa akin ng malakas. Bumagsak ako sa sahig pero muli niya akong sinabunutan. "Isang linggo lang kami nawala ng Daddy niyo, humaba na ng tuluyan 'yang sungay mo! Siguro may pinapagandahan ka sa eskwelahan niyo kaya nangati 'yang kamay mo at ninakaw ang mga alahas ko, animal ka!" binalingan niya si Zephanie. "Get the f*cking scissor!"
"M-Mom. . . you're not gonna k-kill her, right?"
"Just do what I said!"
"Ye-Yes Mom." natatarantang napatakbo si Zephanie.
Maya-maya bumalik din ito dala ang gunting. Namumutla na nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"M-Mom. . ."
"Akin na! Dalian mo at baka pati ikaw tamaan sa akin!"
Mabilis nitong inabot kay Mom ang gunting. Napadasal ako sa subrang takot. Halos mamanhid ang katawan ko sa subrang sakit pero wala ng mas isasakit pa ang makita ang Mommy kong may hawak na patalim at nakaya akong saktan ng todo without listening my plea, my explanation and never ever believed me since day one.
"I--I--I'm innocent. . . I'm innocent, M-Mom. You know me, I-I can't do that to you." tinuro ako ni Zephanie. "S-Sinira niya rin ang CCTV p-para 'di niyo makita ang g-ginawa n-niya."
"Demonyita ka talaga..." nakatiim bagang na muling hinatak niya ang buhok ko. "Pagkatapos kitang palakihin ito pa ang igaganti mo sa akin na babae ka! Wala kang kasing sama ng ugali, animal ka!"
Hindi ako nakagalaw sa gulat ng pagigil na paggugupitin ni Mom ang buhok ko.
"Hayop ka, nagpi-feeling ka mayaman e kakarampot nga lang ang inaakyat mong pera dito sa bahay!"
Nagpumiglas na ako ng makita ko ang makapal na buhok na bumagsak na sa akin pati sa lapag. Ngunit pursigido siya. Kahit napahiga na ako sa sahig hindi siya tumigil kakagupit ng buhok ko. Pati kamay ko na tumatabig sa kanya dinamay niya na. Nasugatan ako, dumugo ang mga 'yon. Hindi ko na alintana pa, patuloy pa rin akong nagpumiglas.
"Tulungan mo ako, Zephanie!" kaagad naman ito tumalima, hinawakan ang dalawa kong kamay. "Tingnan natin kung magagamit mo pa 'yong gown mong ambisyosa ka. Malandi ka ha. Siguro pumapatol ka sa matatandang mayaman kaya ka nagkakapera. Ano ha? Umamin kang pokpok ka! Pati alahas ko 'di mo pinalampas! Napakalandi mong animal ka!"
Hopeless na humagulhol lang ako hanggang sa matapos sila. Inuntog pa ni Mom ang ulo ko sa sahig bago niya ako iniwan.
Dinampot ni Zephanie ang mahabang buhok kong nagupit saka binudbod sa akin.
"Namnamin mo na ang buhok mo. Sigurado aabutin pa 'yan ng ilang buwan bago humaba ulit. Ang galing ng gupit ni Mom o," maarteng tinagilid niya pa ang ulo ko. "Lahat ng style ng haircut na gugustuhin mo nandiyan na e. All in one na Sis. You should thank me dahil nalibre na yung gupit mo."
Padaskol niya akong binitawan. Tahimik niya akong pinagtawanan habang pinapagpag ang kamay. Sinipa pa ako ni Zephanie sa aking tagiliran bago tuluyang lumabas.
NAPAHIKBI AKO.
"Kaya pala ganun ang trato nila sa akin, hindi nila ako kadugo. Ano bang kasalanan ko para gawin nila sa akin ang lahat ng 'to? Minahal ko naman sila bilang pamilya ko ah."
Nagtagis ang aking bagang. Tumaas baba ang dibdib ko sa subrang galit na biglang lumukob sa akin. Padaskol kong pinalis ang mga luhang parang gripong tumulo sa aking mga mata. Hindi ko namalayan na nalamutak ko na pala ang talutot ng mga bulaklak.
Napatingin ako doon. Nakakunot-noong hinawi ko ang tirang petals at binunot ang maliit na puting papel na nakarolyo sa loob no'n.
"Ano 'to?"
Nanginginig pa rin sa ngitngit ang mga kamay na binuklat ko iyon. Napasinghap ako sa aking nabasa kasabay ng malakas na kalabog ng dibdib ko.
To my beautiful Cristal I left in the park more than 2 decades ago, please come BACK TO ME, baby love.
Kyle ❤
Paulit-ulit ko iyon binasa. Hinaplos ko pa ang pangalan niyang may pulang puso sa dulo, making sure if it's real. But it's f*cking real!
"How did he know--damn I need to find out the truth."
Malalaking hakbang na tinungo ko ang walk-in closet. Kinapa, tinulak, at nasipa ko pa ang bawat sulok no'n. Hinanap ko kung saan dumaan si Altamonte kanina ngunit wala akong makita sa loob no'n.
Muli akong lumabas. Kinapa ko ang mga pader sa makitid na pasilyo pero wala pa rin. Hopeless na sinuntok ko ang pader pagkarating ko sa dulo ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng bumukas iyon. Malakas akong napasigaw ng padapa akong bumagsak sa lapag.
"Aw--t'ngna, sakit." impit na daing ko habang dahan-dahan akong bumabangon.
Kaagad din akong napamulagat ng makita ko ang lugar.
"What is this place?"
Tumayo ako at nilapitan iyon. It's a monitoring room. Hindi makapaniwalang iginala ko ang aking mga mata sa buong paligid. Puno ng web monitoring and web inspections interfare, live images, flying spice tools, procemex print user interfare. Nakita ko rin ang aking sarili sa monitor pati ang lalaking nakasandal sa pader. Walang ekspresyon ang mukhang nakatitig sa akin. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.
"S-Sino ka?"
He smirked. "Hindi talaga nag-iingat ang lalaking 'yon." he shook his head. Nanatili lang siya sa kanyang kinasasandalan. "You're off limits--"
"Nasaan ang Boss mo?" matapang na sabad ko sa kanya. "Kailangan ko siyang makausap."
Tinuro niya ang monitor. Napasunod din doon ang tingin ko.
"Delikado ang buhay mo kaya bumalik ka doon sa loob. Walang dapat makakita sayo di--"
"Mas delikado ako kung wala akong alam!" inis na singhal ko sa kanya. "Now sabihin mo sa akin kung nasaan ang Boss mo."
"Oh damn. . . I hate it." sambit niya sa sarili niya pero dinig ko iyon.
Tumalim ang titig ko sa kanya. Tumawa siya saka pinindot ang gilid ng suot na wristwatch.
"Muriel--"
Nanlaki ang aking mga mata sa pangalan na sinambit niya sabay karipas ng takbo palapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang braso saka nagmamakaawang umiling. Gulat na tinitigan niya ako. Naka-freeze din ang mga labi sa akmang sasabihin niya.
"Yes, Shawn. . .?"
Sunod-sunod akong umiling ulit. Begging for him not to tell her.
He cleared his throat. "Uhm. . . 'wag kang aalis diyan sa kinatatayuan mo. Anytime darating na dito sina Xandro."
"Copy."
He then pressed the button again. Napatutok doon ang nahihiwagaan kong mga mata.
Nagbuga siya ng hangin. Binitawan ko ang braso niya ng umayos siya ng tayo.
"Alam mo bang ulo ko ang kapalit sa ginawa kong 'to, Señorita?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha mula sa pagkakatitig ko sa kanyang relo.
"Señorita. . ." ulit ko. "Iisang tao lang ang tanging nag-utos na tawagin akong ganyan. Now tell me, iisang tao lang ba si Rex Chua at si K-Altamonte?"
He sighed again. "Hindi ba pwedeng hintayin mo na lang siya para siya mismo ang tanungin mo?"
"Sagot kita at hindi niya malalaman--"
"FYI Señorita, at the moment kita tayong dalawa sa kabilang monitoring room."
My jaw dropped. Ganun ka high tech ang kuta na 'to? Well equipped!
Wala sa sariling napalinga ako sa paligid. Tinalikuran ko siya. Tinungo ko ang pinto at sumilip sa labas. Lalo akong napamulagat sa aking nakita. Ang daming lagusan!
"Bumalik ka na sa kwarto mo, Señorita."
Bagsak ang mga balikat na hinarap ko siya. "Pwede bang e delete mo 'yong footage na 'to pati 'yong..." nilingon ko ang built-in mirror wall. "...sa nalaman kong lagusan?"
Hindi siya umimik. Nanatili lang na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak. But I need his help! Hindi pwedeng malaman ni Altamonte na nalaman ko ang secret passage niya. Hihigpit ang siguridad at paniguradong hindi na ako makakalabas pa sa lintik na silid na 'yon. Pa'no ako makakapag-imbestiga sa lugar na 'to kung nakakulong ako?
"Please, Shawn--"
"Imposible 'yang hinihiling mo, Señori--" napahinto siya ng sunod-sunod na mag-blink ang kanyang relo. Makahulugan niya akong tiningnan saka dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa. Mabilis ang mga kamay na nagtipa doon saka nilagay sa tainga ang aparato. "Argus? Oh yes--'wag ako ang pagsabihan mo 'yong Boss mong lutang. 'Di nag-iingat ay--Oo na. Bye."
Hindi ko na hinintay pang sabihan akong bumalik sa kwarto ko--hindi kulungan ko pala. Malamang 'yong Argus na 'yon ang nakabantay sa kabilang monitoring room na sinasabi niya.
Pero ang nakapagtataka wala naman akong makitang live images sa kwarto ko sa mga monitor. So, posible kayang walang cameras sa loob?
I evily smirked. Dumeritso ako kaagad sa walk-in closet. Kumuha akong dalawang baril doon. Lumabas ako saka tinago iyon sa ilalim ng kama.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023