Back To Me 24

2399 Words
CRISTAL Kinagabihan walang Altamonte na nagpakita sa akin. Which is good. . . walang hadlang sa plano ko. I took the gun then put it underneath, behind my waist. Dahan-dahan kong binuksan ang lagusan. Hindi iyon hagip ng camera kaya walang makakapansin sa akin kung lumabas man ako o hindi. Pwera na lang kung pumasok ng kwarto yung panggabing bantay. Siguradong yari ako. Pa-tip toe akong naglakad sa gilid. Halos idiin ko ang katawan sa pader 'wag lang makita ni Shawn na busy sa kausap sa phone. Nagpalinga-linga ako pagdating ko sa labas. Walang katao-tao kaya mabilis pero maingat na 'di makalikha ng ingay akong tumakbo sa pinakamalapit na lagusan. Lakad takbong binaybay ko ang makitid na daan. Maliwanag kaya 'di ako nahirapan. Hanggang sa napanganga ako sa aking nakita pagkarating ko sa pinakadulo no'n. Animo'y isa iyong talyer. May mga nakabantay. Meron din akong nakitang natatakpan na sasakyan na nakaparada doon. How does this secret passage made to be like this? Hindi mo iisipin na may exit route dito galing sa kuta ng mga gangster na 'yon. Tumakbo ako pabalik. Lumipat ako sa kabila. Sinuyod ko lahat ng lagusan. Bawat madaanan kong lagusan lahat may mga nakatagong armas. Sa bawat pader ng lagusan may secret door na puno ng teargas, bomba at de kalibreng mga baril. Iba-iba 'yong exit route sa syudad. Kung sino nakaisip nito, subrang taba ng utak. Matinik at hindi basta-basta mahuhuli. May kanya-kanyang bantay na nakatuka at sasakyan na ready to go. May dinaanan din akong staircase. Akala ko papunta ng second floor. Hindi ko akalain na pagdating sa itaas no'n may hagdan pa sa magkabilaan. Yung isa deritso kaagad sa underground tunnel, samantalang yung isa umikot pa muna. Mukhang doon binabagsak nila ang lahat ng armas. Tambak at patung-patong. Pati yung pagkahaba-haba't napakalaking built-in glass cabinet puno ng iba't ibang uri ng baril at mga armas. May nakita akong pinto paglingon ko sa kabila. Sinubukan kong buksan iyon pero naka-locked. Nagpalinga-linga ako sa paligid bago ko tinungo ang dulong pasilyo. Pero kaagad din ako napaatras ng may tatlong lalaking naglalakad doon patungo sa akin. Nag-uusap-usap sila. Dali-dali akong naghanap ng mapagtataguan. Sumiksik ako sa maliit na espasyo ng mga tambak na malalaking box na yari sa kahoy na may lamang iba't ibang armas. Kulang na lang magmukha akong fetus sa itsura ko doon, pilit pinagkakasya ang sarili. Mahigpit akong nakahawak sa aking mga tuhod at nakabaluktot. "Nasa private room lang siya ni Boss. Si Janeth ang nag-portrayed bilang siya." narinig kong boses. Nakalimutan kong huminga ng huminto sila mismo ilang hakbang ang layo mula sa kinatataguan ko. "Janeth?" tanong no'ng isa. "A.K.A Moana." sagot naman nong isa. "Ha? Ba't si Moana ang pinagpanggap nila e mas malaki katawan no'n kay Señorita?" "Magkasing tangkad sila. Tsaka kumasya naman yung police uniform ni Señorita kay Moana." "Basta, kinakabahan pa rin ako." "Bakit kailan ka ba 'di kinabahan? Simula ng ma-assigned tayo dito araw-araw ka nam--" "Tss. Look who's talking. Akala mo naman 'di rin isang duwag." "Ohhh, 'wag mo akong gayahin sayo oyy. Kay misis lang naman ako takot." "Yown! Pero kailan ka ba nagkaroon ng asawa Tol?" malakas itong humagalpak ng tawa. "Pesteng yawa 'yang bunganga niyo," sikmat no'ng isa. "Tumahimik nga muna kayo, pwede?" "Oyyy. . . may buwanang dalaw ka na naman ba ngayon Claud? Abot-abot yata 'yang sumpong--" "--tado--! Masasapak na talaga kita Moris, isa pa." Ilang minuto natahimik ang mga ito. Bahagya akong dumungaw, sinilip sila. Busy 'yong isa sa hawak na cellphone. Yung dalawa naman nakangising nagpapalitang ng makahulugan na tingin. Parang inaasar pa 'yong isa na salubong na ang mga kilay habang nakatutok pa rin ang mata sa aparato. "Till now wala pa din update si Fenix. Kahit si Chad hindi nagrereply sa akin. 'Di rin sinasagot ang tawag ko ni Boss. Naka-off din ang emergency line natin kay Clayde." madilim ang mukhang nag-angat ito ng tingin, dinuro ang dalawa. "Tapos kayo--" "Wooo," sabay na umatras 'yong dalawa. Nakangisi pa rin habang nakataas ang dalawang kamay. "Easy maestro." "Planado ang lahat, ba't ba kayo nag-aalala--" "See," tinuro no'ng isa sa kasama si Claud. "Pakiramdam ko talaga may masamang--" "Dinukot ang kapatid ni Boss kagabi. And Boss Ryan was missing too." "TheFuck--!" sabay na bulalas no'ng dalawa. "Ba't 'di namin alam 'yan?!" "I need to talk, Shawn." malalaking hakbang na tumalikod si Claud. "Wait--sama kami!" humabol 'yong dalawa. "'Wag na! Dito lang kayo ni Paw--" "Secured ang buong area, loob at labas. May mga hidden cameras at audio device naman na nilagay dito si Boss. 'Di naman natin need dito magbantay." "Oo nga. Tsaka si Señorita ang kabilin-bilinan no'n bantayan. 'Yun ang 'di pwedeng lubayan ng tingin. Sure triple kill tayo pag nagalusan 'yon." I gulped hard. Mariin akong napapikit sa aking narinig. Malamang alam na ni Shawn na. . . Sukat doon mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nagpalinga-linga ako kung saan pwede pang dumaan pabalik ngunit one way lang yata 'tong tunnel na 'to e. Nanatili ako doon ng ilang minuto sabay karipas ng takbo pabalik. This time maingat ang bawak kilos ko. Siniguro kong nasa pinakadulo at siksik ako sa pader habang humahakbang pabalik sa monitoring room. Nakahinga akong maluwag ng pagsilip ko wala akong makitang tao sa loob. "And what do you think you're doing, Señorita Cristal?" Halos mapatalon ako sa subrang gulat ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Madilim na mukha ni Shawn ang sumalubong sa akin. Napaatras ako ng pagbaling ko sa kabila nakapamewang at madilim din ang mukha ni Claud na nakatingin sa akin. "See, sabi sa inyo e." marahas akong napabaling sa loob ng may magsalita din doon. Nakangising mukha ni Moris ang sumalubong sa akin. Galing siya sa mini bar na nakalagay sa pinakasulok. Automatic na sumara ang glass door ng umalis ito doon, naglakad patungo sa mesa bitbit ang bote ng alak at baso. "Kahit gaano pa kayo kagaling, natatakasan pa rin kayo ng binabantayan niyo." "Kung maka niyo ka parang 'di ka kasama ah?" Napamulagat ang aking mga mata pagtingin ko sa gilid ng b****a ng pintuan, malapit sa kinatatayuan ko. There, I saw Paw sitting on the floor in an indian seat pose playing his phone. Napakurap-kurap ako. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Moris. Napangiwi ako ng mapagtanto ko ang katangahan ko. "FYI, damay-damay tayo nitong mababanlawan ng todo ni Boss." seryoso siyang nag-angat ng tingin sa akin. "And you, sneaky Señorita Cristal, do you wanna die--" "Paw!" sigaw ni Shawn. "Why? May mali ba sa sinabi ko?" tumayo ito saka hinarap si Shawn. Tinuro niya ako. "Alam mong delikado ang ginagawa niya pero pinagtatakpan mo pa siya." "Kaya ko siyang protektahan--" "So, kaya pala natakasan ka?" tinuro niya ang pintuan. "Pa'no kung nakalabas siya at may nakakita sa kanyang ibang tauhan?" walang umimik ni isa. "'Yun, tapos na. Tapos na tayong lahat." umiling-iling ito. Dismayado akong tiningnan. Napayuko ako sa sinabi niya. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko sa pagtakas ng luha sa aking mata. "Lahat ng buhay natin malalagay sa alanganin dahil sa katigasan ng ulo niyo." "Paw, tama na 'yan." "I-I'm sorry." my voice cracked. Pinalis ko ang luha sa aking mga mata. Kasabay ng pagsinghot nag-angat ako ng tingin sa kanila. "Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa totoong pagkatao--" "So may nalaman ka ba sa ginawa mo?" sabad ni Paw. "Wala diba?" "Paw, ano ba?!" singhal na ni Claud. Tinapunan niya ito ng nakakamatay na tingin sabay talikod. Naglakad palapit sa table ni Moris na nakataas ang dalawang kilay habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming lahat. Animo'y amused na amused. "Señorita Cristal--" "Zephanie is the only child of my parents." napatutok ang tinging nilang lahat sa akin. Nag-freeze din ang baso no'ng dalawa sa ere. Bahagya pang nakanganga. "Hindi siya totoong Sullivan. And I'm not a real Lopez either. Pinaalagaan lang ako ni Rex Chua kay Dad kapalit ng malaking halaga." "TheFuck--totoo ba yan?!" chorus na tanong nila. I sighed. "Kailangan kong makausap ang Boss niyo." "Damn it, Claud." mura ni Shawn. "Tama nga si Argus na may kinalaman ang isinagawang DNA test sa nangyaring p*****n sa MCT at pagkawala ni Doc. Elvis pati sa dalawang pulis na bihag. Sigurado akong may nakalap na info. ang dalawang 'yon kaya pinadala ni Xandro sa Bulacan." "Hindi kaya. . ." Nagsalubong ang mga kilay ko ng tingnan muli nila akong lahat. Hindi ko pinansin ang uri ng titig nila sa akin. Yung utak ko kinakalimbang ng mga salitang. . . DNA TEST. . . PATAYAN SA MCT AT PAGKAWALA NI DOC. ELVIS. . . DALAWANG PULIS NA BIHAG . . NAKALAP NA INFO. . . BULACAN. . . XANDRO. . . Sina Orlan at Lester, at ang businessman na si Alexandro Fontanella kaya ang tinutukoy nila? Teka, did he said bihag? B-Bulacan? Tila bombang sumabog iyon sa nawiwindang kong utak. Napahawak ako sa pader ng manginig ako sa subrang takot. Thinking that my two bestfriend is in great danger. P-Pa'no kung p-patayin sila ng mga Defacto na 'yon dahil sa akin? Pa'no k-kung. . . "Señorita. . . namumutla ka." nag-aalalang hinawakan ako ni Shawn sa aking braso. "Oh gosh, you're trembling! What's wrong? May masakit ba sayo?" My lips trembled when I looked up at him. "Kumuha ka ng tubig, Moris!" sigaw nito. "Bilisan mo!" muli niya akong binalingan. Tumayo rin sa kabilang gilid ko si Claud. "What's wrong, Señori--" "Ito na--" "T'ngna ka talaga, Moris!" singhal ni Claud. "Tubig sabi hindi alak! Ibuhos ko 'yan sayo e, abnormal! Mulagat na napatingin pa ito sa dala niyang baso. "Aww sorry, mali nadampot ko--f*ck!" "Tabi diyan!" tinulak pa ito palayo ni Paw na may dalang isang pitsel na tubig. "Ano, taranta ka ngayon?" Moris cursed him. Hindi ko magawang matawa sa itsura nilang apat dahil sa subra-subrang takot at pag-aalalang nararamdaman ko. Dumagdag pa ang mga negatibong nagsisipagsalpukan sa utak ko. Animo'y mga first time Dad sila na 'di malaman kung pa'no aaluin ang umiiyak nilang sanggol. Sunod-sunod na bumalong ang luha sa aking mga mata. Ilang araw na ang nakalipas simula ng 'di ko na sila ma-contact pa na dalawa. Hindi kaya. . . "No. . . Hindi . ." napahikbi na ako. "Hindi pwede. . ." "Oh F*CK!" "What the hell you're crying?" "What did you do, Shawn?!" "F*ck--wala!" parang napapasong binitawan niya ang braso ko. "Kita niyo naman hinawakan ko lang siya." "You moron--magsitigil nga kayo!" singhal ni Claud ng humagulhol na ako. "Anong gagawin natin? Pa'no ba 'to mapapatahan?" "Aba malay ko!" "Lagot na, paktay tayo nito kay Boss. Kita sa CCTV 'to." "Bwesit ka talaga kahit kailan, Moris! Dumagdag ka pa sa problema." "P*tang inang mga bunganga niyong 'yan--" Walang babalang binuhat ako ni Claud. Malalaking hakbang na pinasok ako sa loob ng kwarto. Patuloy pa rin ako sa paghagulhol ng paupuin ako nito sa kama. "Tumahan ka na Señorita, please." "Sorry na, Señorita." "Paktay talaga tayo nito." I heard the door opened. "Muriel--" "Anong. . . anong ginawa niyo?!" hysterical na sigaw ni Muriel. In split seconds naramdaman kong humawak siya sa aking balikat. "Señorita. . ." tawag niya pero 'di ko siya pinansin. Napakapit ako sa kanyang damit ng hatakin niya ako. Napasubsob ako sa kanyang tiyan. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Marahan niya namang hinahaplos ang likod ko na para bang inaalo niya ako. "Ano bang ginawa niyo tsaka bakit nandito kayong apat sa loob?" "Wala kaming ginawa." chorus pang sagot no'ng apat. "Basta na lang siya umiyak." "Hindi naman namin siya inaano--" "Pinagsalitaan mo siya diba?" "A-Anong pinagsalitaan? Hindi ah." "Pinagsalitaan mo, ito, ulyanin talaga." "Sinabihan ko lang. Tsaka namutla lang naman siya no'ng banggitin na ni Shawn 'yong nangyaring p*****n sa MCT tsaka yung dalawang pulis--" "Lintik na--sinabi niyo sa kanya?!" "Ah--" "E--" "Hindi--" "Si Shawn--" Bumangon ako mula sa pagkakasubsob. Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Nanlalabo ang aking mga mata sa luha pero kita kong lahat sila nakaturo ang hintuturo kay Shawn na 'di na mapakali sa kinatatayuan. Namumutla at nag-aalalang nakatitig sa akin. "S-Señorita--" "Hep. . ." napahinto ito sa akmang paglapit sa akin ng duruin ang mga ito ni Muriel. "Kayong mga abnoy kayo, makakarating ang lahat ng 'to--" "Muriel naman. . ." "Si-Sina. . . sina. . . sina L-Lester at O-Orlan ba ang tinutukoy niyong d-dalawang pu-pulis na b-bihag?" hirap na hirap na bigkas ko. Nagkatinginan sila saka bahagyang umiling sa isa't isa. Siniko ni Shawn si Claud. Siniko naman ni Claud si Paw. Siniko naman ni Paw si Moris. Tiim bagang na tiningnan nito ang tatlo ng masama. "N-Nasaan na sila? Bu-Buhay pa ba s-sila?" They frozed. "Señorita, kasi--" "Magsilayas na nga kayo!" singhal na sabad ni Muriel. Paunahan pa sina Paw at Moris lumabas ng pintuan, hindi na natapos ang sasabihin sana sa akin. Nagsisikuhan naman sina Shawn at Claud. Lalong nadurog ang puso ko sa negatibong pumasok sa utak ko habang nakasunod ang tingin ko sa kanila. Nilingon pa muna ako ni Claud bago tuluyang umalis, hatak-hatak si Shawn sa damit na ayaw umalis sa pintuan. Kita ko sa kanyang mga mata ang takot at pag-aalala sa akin. "Señorita--" Tiningala ko siya. "Sagutin mo ang tanong ko Muriel. Ang mga k-kaibigan ko ba ang b-bihag? N-Nasaan na sila? B-Buhay pa ba s-sila?" She gulped. "Señorita kasi. . ." nag-iwas siya ng tingin sa akin. Tinungo ang kusina at kumuha ng tubig. Inabot niya iyon sa akin. "Uminom--" "Sabihin mo sa akin ang totoo Muriel, please." "W-Wala. . ." sunod-sunod siyang umiling. "Wala akong alam, Señorita." Malakas akong napasinghap. Then cried hard. "Umalis ka na. . ." Tinulak ko siya ng hindi siya gumalaw. "Lumabas ka--" "Señori--" "Lumabas ka na!!" halos mamaos ako sa lakas ng sigaw ko sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mga matang napatitig sa akin pero wala akong pakialam pa. Tinuro ko ang pintuan. "Lumabas ka!! Umalis ka na! Gusto kong mapag-isa!! Alis na!" "P-Pero Señorita--" Tumayo ako saka tinulak siya palabas habang walang tigil ako sa pag-iyak. "Señorita--" Pabagsak kong sinara ang pinto sa harapan niya. Nanghihinang napasandal ako sa likod ng pinto. Iniisip ang sinapit ng dalawa dahil sa pagtulong sa akin. "Lester. . . Orlan. . ." umiiyak na tawag ko sa kanilang dalawa. "Kasi naman e. Sinabi ko naman na tumigil na kayo e. . ." Lumakas ang hagulhol ko hanggang sa bumagsak ako sa lapag at humagulhol doon na para bang wala ng bukas. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD