CRISTAL
"Babe."
Naalimpungatan ako sa mabababaw na halik at mainit na kamay na humahaplos sa aking pisngi.
Dahan-dahan akong nagmulat ng namumugto kong mga mata. Nag-aalalang mukha ni Keith ang sumalubong sa akin. Mukha rin siyang stress at wala pang tulog base sa nakikita kong itim sa ilalim ng kanyang mga mata.
"K-Keith." walang boses na anas ko.
Nananakit ang lalamunan ko at tuyot sa magdamag na hagulhol ko hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam kung pa'no ako napunta dito sa kama. Ang sakit din ng ulo't mga mata ko. Buong katawan ko yata. Tapos ang lalaking 'to kulang na lang daganan ako ng pagkabigat-bigat niyang katawan.
Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib. Umalis siya sa pagkakadagan sa akin pero nakadantay pa rin ang kanyang mahahaba't mabalahibong mga hita. Hindi ako makagalaw.
"It's late afternoon already. You missed your breakfast and lunch. Namumugto pa ang mga mata mo."
Muling nanakit ang aking lalamunan kasabay ng pagtulo ng luha ko na 'di na maubos-ubos pa. Marahan niya naman iyon pinalis. Paulit-ulit niya akong pinatakan ng halik sa aking sentido.
"What's wrong baby, hmm?"
"Keith. . ." ang boses ko tila nagsusumbong ako sa kanya. "S-Sina L-Lester at O-Orlan. . ." I sobbed.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"What about them?"
"Sila lang ang totoong pamilya meron ako, Keith. Sila lang ang meron ako." muli akong napahagulhol. "Silang dalawa lang. . ."
He cursed. "Anong sinabi sayo ng mga hinayupak na 'yon?" then hugged me tightly. "Hush now, baby. They're both in safe house. 'Wag ka ng umiyak, please. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."
Goosebumps. Biglang huminto ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Natulala ako sa kanya habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Awang ang mga labing hindi makapaniwala sa aking narinig. Ilang beses ko pang inulit-ulit sa isip ang mga sinabi niya. Sinisiguro kung tama ba ang dinig ko.
Did he just said. . .safe house? B-buhay sila? Buhay ang mga kaibigan ko?! And he said. . .nasasaktan kapag--siya ba si Ku-Kuya Kyle?
Wala sa sariling inangat ko ang aking kamay. Hinaplos ko ang pisngi niya. Napapikit siya sa ginawa ko saka hinuli ang aking kamay. Hinawakan niya iyon ng mahigpit, dinikit lalo sa kanyang pisngi.
"Mmmm."
Ilang sigundo iyon tumagal saka dinala sa kanyang mga labi at mainit iyon hinalikan. He opened his eyes then genuinely smiled at me.
"I-Ikaw si K-Kuya Kyle?"
Napalis bigla ang ngiti sa kanyang mga labi. Halos magdugtungan ang kanyang mga kilay.
"Anong sabi mo? Did you just called me Kuya?"
"Ikaw siya diba? 'Yung sinabi mo. . . pareho kayong dalawa."
He chuckled. "No'ng una napagkamalan mo akong si Rex Chua tapos ngayon Kuya mo. Mukha ba akong Kuya mo?"
Hinatak ko ang kamay ko pero hindi niya iyon pinakawalan. I sighed.
"Kahit ngayon lang magpakatotoo ka naman sa akin Keith, please. Malinaw ang pagkakabasa ko sa sulat na nakalagay sa talutot ng pulang rosas."
He looks confused.
Mariin siyang pumikit na para bang naiinis sa akin. Umigting din ang kanyang panga.
"Hindi kita kapatid para tawagin mo akong Kuya." nang tingnan niya ako ulit nagniningning na ang kanyang mga mata. Labas din ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin sa laki ng ngiti niya. "I love the way your lips called my name. It's so sexy and sounds like music in my ears. . ." napalunok ako ng umiba ang tono ng kanyang boses. Dumilim din ang tingin niya sa akin. Animo'y isa akong kakaibang pagkain na nakita niya sa tanang buhay niya. "...just like your sexy moan baby." tila nahihirapan na anas niya.
Namilog ang mata ko ng ikiskis niya ang nag-uumigting niyang kanya sa tagiliran ko. Uminit ang mukha ko sa bagang biglang sumaboy sa akin. Na halos tupukin ako. Nakatitig siya sa aking mukha na tila ba binabantayan ang reaksyon ko.
"K-Keith, w-what are you doin--"
He smirked.
"I loved it. Hindi na surname ko ang tawag mo sa akin."
Inis na inirapan ko siya. Gumalaw ako para makapigtas sa mga binti at braso niyang nakapulupot sa akin. Pero nagulantang ako ng bumagsak ang kamay niya sa dibdib ko. Nakangising dinama niya iyon at marahan na minasahe. Lumalim ang paghinga ko. Sunod-sunod akong napalunok ng paglaruan niya ang tuktok no'n. Wala pa naman akong suot na bra. Tanging dilaw na maluwag na t-shirt at cotton shorts kaya ramdam ko ang init ng balat niyang nakadikit sa balat ko. Iwan kung sino nagbihis sa akin at ito na ang suot ko ngayon.
"Hindi 'to gawain ng mag Kuya diba, Cristal?"
Napapasong tinabig ko ang kamay niya. Ngunit binabalik niya pa rin iyon, lumilipat pa sa kabila. Salitan niyang minamasahe't pinipisil.
"Stop it, ano ba?!"
He laughed. "Hindi rin ako si Rex Chua para mapagkamalan mong Daddy mo. At mas lalong 'di 'to gawain ng matinong mag tatay, babe."
Tinudo ko ang pagpipigil sa sarili ko sa ginagawa niyang pang-aakit sa akin. Pero aminin ko man sa hindi, gusto ko ang ginagawa niya. Naaakit ako. Natatangay sa kapangyarihan niya. Hindi ko na bakurang mabuti ang puso ko sa mga ataki niya sa akin.
I never knew what's love is or how it feels like to be love... by someone special.
Maliban sa pagmamahal ng mga kaibigan ko at ni Tita Melba wala na akong alam pa. Hindi ko naranasan mahalin ng isang tunay na ina, ng isang kapatid, ng isang ama. Though Dad treat me well, still parte lamang iyon ng pagkukunwari niya. He's faking it. And that what's so called fake love. Mapanlinlang na pag-ibig.
Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanila kaya hindi ko makita ang mali sa pagtrato nila sa akin. Na 'yung inakala ko dating pagdidisiplina lang ay pagmamaltrato pala. Na akala ko normal lang, akala ko mali ako, akala ko may pagkukulang ako, may nalabag ako sa utos nila. Na bawat galaw ko dapat perpekto, bawal akong magkamali.
Ang lahat ng 'yun yumanig sa aking kamalayan matapos kong marinig ang maitim na balak nila sa akin. Na namuhay ako sa mga kasinungalingan nila.
"Mas lalong hindi rin sugar daddy." nakatawang sabi niya. "I'm just thirty five and you're--"
"You're too old for me." sabad ko sa kanya. "At ayoko maugnay sa miyembro ng mga sindikato. I'm police officer and we're after them."
"TheF*ck--aww!" tinampal ko ang bibig niya.
"Malamang sayo namana ng mga alipores mo ang pagmumura nila."
Naestatwa ako ng bigla niyang sakupin ang aking mga labi.
"Don't you dare call me Kuya next time. I hate it." he stated. "Much better HUBBY. I will be the happiest man in the world baby." he then hungrily claim my lips again.
Tinulak ko naman ang mukha niya ng maalala kong bagong gising lang ako sabay takip ng aking bibig.
Oh shems, Cristal!
Nangingintab ang nakaawang niyang mga labi. Gulat na tiningnan ako.
"What?"
"Anong what?" muli ko siyang tinulak pero 'di man lang natinag. "Altamonte, ano ba?!"
He grinned. "Now I figured out when you were angry and not. Surname ko ang tawag mo sa akin. Will noted that baby."
Mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi sabay bangon.
"C'mon, you need to eat."
"Pwede ko bang makausap 'yung dala--"
"Mamaya na 'yan." sabad niya. Hinatak niya ang braso ko hanggang sa makaupo ako sa kama. "Kumain na muna tayo. Wala din akong kain kagabi pa."
Inalalayan niya ako papunta sa kusina.
Kaagad kumalam ang sikmura ko pagkakita sa mga pagkain na nakaayos na sa ibabaw ng mesa. Mukhang bagong luto lang, umuusok pa.
Pinaghila niya ako ng upuan. Nakasunod din sa kanya ang tingin ko nang parang natataranta pa siya sa pag-aasikaso sa akin.
"Ako na." sabi ko matapos kong pigilan ang kamay niya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.
Kulang na lang itaob niya ang laman ng isang bandihadong chopsuey na gulay sa plato ko e. Ang dami ring halong itlog pugo.
"You need to eat more vegies--"
"Kaya nga ako na." kinuha ko sa kanyang kamay ang serving spoon pati ang bandihadong gulay pero ayaw niyang bitawan. "'Wag mo na akong titigan pa diyan, hindi ako pagkain. Umupo ka na doon. Nagugutom na rin ako."
He chuckled. Hindi mapagkit ang ngiti sa kanyang mga labi hanggang sa makaupo siya sa kabilang mesa, paharap sa akin.
Nagkibit-balikat na lang ako saka sinimulang lagyan ng pagkain ang plato niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero kaagad din napalitan iyon ng pilyong ngisi.
"You look like a devoted wife in my eyes, baby." banat niya.
I rolled my eyes. "Sus, gutom lang 'yan."
Ang sarap ng halakhak niya. 'Di ko rin mapigilan mangiti.
Then we started munching our food.
Nagniningning ang kanyang mga mata na mataman na nakatitig sa akin. Simula pa kanina hindi ako hinihiwalayan ng tingin habang ngumunguya siya. Naiilang ako. Hindi pa rin ako sanay. Naaapektuhan pa rin ako sa titig niya na para bang hinihimay ang kaloob-looban ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan na naging sunod-sunod na pala ang pagsubo ko ng pagkain.
"Did you like it?"
"Ha?"
Tinuro niya gamit ang kanyang tinidor ang pagkain sa plato ko. Napatingin ako doon. Nahirapan akong lunukin ang nasa loob ng bibig ko ng makita kong unti na lang ang nasa plato ko. Inabot ko ang isang baso ng orange juice at sumimsim doon.
"N-Nagutom ako e."
Tumawa siya. "Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko, babe."
Kumuha akong isang buong pritong tilapya at nilagay sa plato ko. Iyon naman ang nilantakan ko.
"Ikaw ba nagluto ng lahat ng 'to?"
Nakangiting tumango siya. "Oo. Nagustuhan mo ba?"
"Hindi." his jaw dropped. Bumaha ang pag-aalala sa kanyang mukha. I bit my lower lip then looked at my plate. "Hindi masarap."
"H-Hindi masarap? Hindi mo nagustuhan, babe? I-I thought you love g-gulay?"
"Hindi masarap." ulit ko. "Kundi subrang sarap." nagkutsara akong gulay saka muli iyon sinubo. Kinamay ko na 'yong pritong isda. "Hindi ko alam na marunong ka pala magluto. Akala ko paninira lang ng araw ng iba ang alam mong gawin sa buhay."
"Tsk." umiling siya sabay buga ng hangin. "Phew. . ." pinunasan niya ng likod ng kanyang kamay ang butil na pawis na biglang namuo sa kanyang noo.
Amused na napatitig ako sa kanyang gwapong mukha. Gwapo ehhh? Natigilan ako. At kailan pa ako nagwapuhan sa kanya?
"Kinabahan ako do'n ah." nakatawang sabi niya. "Akala ko talaga. . . pinaghirapan ko pa naman 'to ihanda kanina."
"Oh, really?"
"Uh huh. Peace offering."
"Para saan?"
"About what I did the last. . . o-ther night."
Napahinto ako sa pagnguya sa sinabi niya sabay iwas ng tingin. Nag-apoy ang mukha ko. Nasunog na yata ng rumagasa sa harapan ko ang nangyari sa aming dalawa.
"I'm sorry. I was very very drunk that night."
Bumara ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. I took the glass of juice then gulped the whole content of it. Tumayo ako saka dinampot ang plato kong wala ng laman. He look surprised.
"Cristal. . ?" nag-aalalang sinundan niya ako ng tingin.
I ignored him. Dinala ko ang plato sa lababo.
Hindi ko inaasahan na magso-sorry siya sa akin. Like. . . he's really after me! Pwersahan niya rin akong gustong makuha. Sinabi niya rin 'yon sa akin. But what the hell he's sorry now? Diba dapat matuwa siya dahil kunting ulos na lang nakuha niya na ako? Dapat proud siya diba dahil bumagsak din ako sa kanya gaya ng banta niya sa akin?
Pero bakit iba ang nakikita ko ngayon? Ibang-iba sa Keith Altamonte na nambubwesit sa akin araw-araw. Iba sa Keith Altamonte na nananabotahe ng bawat lakad ko. Iba sa subrang yabang, antipatiko, nakakanginig ng laman at nagpapainit ng ulo ko lagi. Bakit nag-iba? Or sadyang hindi ko pa talaga siya lubusang kilala ngunit hinusgahan ko kaagad ng bonggang-bongga?
"Babe. . ."
Napahawak ako ng mahigpit sa lababo ng may pumulupot na braso sa aking bewang. Nilubog niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Nagtayuan ang maliliit na balahibo ko sa batok ng marahan niya akong pinapatakan ng halik doon. I bit my lower lip when I suddenly felt the butterflies rumbling inside my stomach. His strong arms tightened around my waist. My heart pound rapidly.
"I'm sorry, baby." he whispered. "'Don't hate me please."
I gulped. "Kung. . . kung hindi ikaw si Rex Chua, nasaan siya?"
He stoped for a sec. then sighed. "He's dead."
"D-Dead?"
Tumango siya. "He was shoot to death by his own wife." malakas akong napasinghap. He chuckled. "It was just a self defense--"
"So. . . why are you here? Bakit ikaw ang namamahala nito? Bakit pinadukot mo ako?"
"Hindi ako ang nagpadukot sayo. And FYI, hindi rin ako miyembro ng sindikato. I'm just here to protect my baby."
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023