Back To Me 12

1620 Words
THIRD PERSON POV KEVIN "Hindi lalabas ng ganun kalaking pera si Monisterio KUNG. . . WALANG HALAGA ang police na 'yon." "I second the motion." "Ako rin." "Agree din ako." Kaagad akong natigilan sa aking narinig. Huminto ako sa paghakbang saka nagpalinga-linga sa paligid. Ibinalik ko ang sigarilyo sa aking bulsa saka sumilip sa likod ng bodega. Nakita kong may kanya-kanyang hawak na sigarilyo sina Devur at mga bote ng alak sa ibabaw ng maliit na mesa. "Pero Boss. . ." alanganin na sabad ni Monde. "Hindi pa rin ako naniniwala na kursunada ng Fenix na 'yon ang anak ni Lopez. Nakita ko 'yon kailan lang may kasamang ibang babae. Sigurado akong may mas malalim pang dahilan kung bakit niya 'yon ginawa." "Hindi ko alam." humithit ng sigarilyo si Devur saka ibinuga paitaas. "Pero sigurado akong may alam si Clark. Will ask him once he came back here. Sa ngayon dapat nating pagtuunan ng pansin kung pa'no natin madadala ang police na 'yon dito sa kuta or kay Red Dragon. Masyadong humihina ang Kevin na 'yon. Parang hindi na gumagalaw sa utos." "Hindi kaya. . . siya ang taksil sa grupo?" sabi ni Fortit. "Anong ibig mong sabihin?" "I mean--ilang beses ng sumabit ang grupo natin at ni Rex sa pagdukot sa pamilya ng Montecellio na 'yon." "Anak siya ni Mayor Sarmiento, Fortit--" "Correction. . ." sabad naman ni Bruno. ". . .ampon siya. Hindi siya totoong anak ni Leandro Sarmiento." nilingon niya si Fortit. "Baka tama nga ang hinala mo." "But he's proven and tested." pagtatanggol pa sa akin ni Connor. "Alalahanin mo, marami na siyang naitumba at nagawang matagumpay na operasyon kaysa sayo." Fortit scoffed. "Noon 'yon pero ngayon hindi na. Ni hindi ko nga makita kung nasaan ang anino ng Kevin na 'yon. Tiyak may ibang pinaplano--" "Wala tayong ebidensya kaya magsitigil kayo." galit na sabad ni Devur. "Si Sergeant Lopez ang atupagin niyo 'wag ang Sarmiento'ng 'yon." then he evily smirked. "Akong bahala sa gonggong na 'yon. Ilalagay ko siya sa dapat niyang kalagyan oras na malaman kong binabaliktad niya tayo." "Kailan pala natin gagawin, Boss?" "Mamayang gabi, so be ready. Susurpresahin natin si Ganda. Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niya sa akin." I cursed in my head many times at what I heard. Malalaking hakbang na lumabas ako ng compound. Dumeritso ako sa aking kotse. I started the engine then left. Ngunit pagliko ko sa ikalawang kanto kaagad din akong natigilan sa aking nakita. Kaagad kong inihinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. "Laica. . ." Hindi makapaniwalang sambit ko habang sinusundan ito ng tingin. Tumatawid sa kabilang kalsada. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid. "Bakit. . .anong ginagawa niya dito?" Nilingon ko ang daan na pinanggalingan ko ngunit lalo akong natigilan ng makita ko sa kabilang daan ang kotse ni Bert. I cursed. Iginala ko ang paningin sa paligid. Napakunot-noo ako ng makita ko si Cristal Lopez na namimili ng prutas sa fruit vendor na nasa gilid ng kalsada. As usual naka-civilian siya, but I know her already. Kahit mag-disguise pa siya, makikilala't makikilala ko pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit may malakas na pwersang pumipigil sa akin na dukutin siya. Kung tutuusin noon ko pa sana siya nai-surrender kay Steves e. But damn. . . I can't. . . I just can't. . . And it frustrates me thinking na baka siya ang pulis na nakapatay sa tunay kong mga magulang. Hindi ko siya mapapatawad kung sakali but I prayed na mali ang info. na nakalap ko. Pinaandar ko ang sasakyan saka inihinto sa harapan ni Laica. Napangiti ako ng mapahawak siya sa kanyang dibdib sa subrang gulat matapos ko businahan. Bumaba ako ng sasakyan. "Ke-Kevin. . ?" she muttered. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Lalong lumapad ang ngiti ko sa reaksyon niya. Humakbang ako palapit sa kanya pero malakas na bigwas ng kamay ang dumapo sa aking mukha ng akmang yayakapin ko siya. Tumabingi ang mukha ko sa ginawa niya. Wala sa sariling napahawak pa ako sa aking pisngi saka siya hinarap. "Why--" "Why?" galit na galit na sabad niya sa akin. "Pagkatapos mo akong pagtaguan, tatanungin mo ako ngayon na WHY?!" "Ha? A-Anong pinagtaguan ki--" Nanlilisik ang mga matang dinuro niya ako. "Don't you ever dare show your damn face to me ever again, you hear me?!" "Teka lang naman Lai, hindi kita pinagtaguan. Binalikan kita sa club ni Madam Baby pero wala na--" "Sinungaling!" natigilan ako ng sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Padaskol niya iyon pinalis saka tiim bagang na tinitigan ako. "Wala kang kwentang tao. You don't deserve to be the father of my baby!" "B-Baby? Anong--" "At 'wag na 'wag mo akong tatawaging Laica dahil matagal na siyang patay! MUTYA ang pangalan ko at HINDI KITA KILALA." sabi niya sabay talikod. Gulong-gulo na nasundan ko na lamang siya ng tingin ng maglakad palapit sa kanyang motorbike. Kaagad niyang pinaandar iyon sabay suot ng kanyang helmet. Saka lamang ako nahimasmasan ng makita kong paalis na siya. Mabilis kong hinawakan siya sa kanyang braso pero ipiniksi niya iyon. "Get lost, Sarmiento. May iba na akong mahal." saka pinaharurot ang motor palayo. "NO--Laicaaaaaaaaaaa!" *** CRISTAL Akala ko nagkakaintindihan na kami ni Altamonte sa huling usap namin ngunit nagkamali ako. Kung noon parang kabute na bigla na lang sumusulpot sa harapan ko, ngayon mas malala. And it iritates me so much! Halos araw-araw siyang laman ng head quarters kasama ni Chief. Ang masaklap kahit saan ako magpunta nakasunod siya! Daig niya pa ang aso sa kakasunod sa akin. Jusmiyo Marimar! Para siyang linta kung makadikit sa akin. Kulang na lang ipasok niya ako sa kanyang suot na t-shirt. Malapit na kami magkapalitan ng mukha sa ginagawa niya. Nakakabwesit pa naman ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Nawawala ako sa focus sa diskarte ko ng dahil sa kanya! Iwan ko ba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tila kasi may gayuma ang mga titig niya, at naaalala ko si Kyle sa kanya. Though may Kyle din ang pangalan niya, still, imposibleng siya iyon lalo't may mga tattoo siya. Ang lakas pa manigarilyo. Daig niya pa ang sanggano kung makaasta. Buti na lang at natakasan ko siya ngayon. Nasundan ko si Mutya dito sa Bulacan. I wonder where she went. Office hours pero nagliliwaliw siya. Parang palos pa naman na bigla na lang nawala sa paningin ko kanina. And it confused me big time! Anong rason niya para e-disclosed ang sekreto ni Dad? Is my father up to something to the Sullivan? Is she a spy? Magkasabwat ba sila ni Dad? But why. . ? Why Chua's out of the picture? Sino ba kasi si Rex Chua? Bakit hindi siya nagpapakita ng mukha? Anong ugnayan niya kay Dad at Joaquin Steves? Oh damn. . . this is frustrating! Hindi ko masagot-sagot ng tama ang lahat ng katanungan na gumugulo sa aking utak ng dahil sa Altamonte na 'yon! Dumagdag pa siya sa sakit ng ulo ko. "Salamat po." sabi ko sa fruit vendor ng iabot niya sa akin ang sukli. Pero nakatingin ako kay Sarmiento na frustrated na nakatanaw sa papalayong babaeng nakasakay ng motor. Sinipa niya pa ang gulong ng sasakyan bago padaskol na pumasok sa loob ng kanyang kotse at sinundan si Mutya. "Magkakilala ba sila?" Naguguluhan na sambit ko sa aking sarili ngunit kaagad din akong natigilan ng maramdaman ko ang paghigpit ng kamay ng vendor sa kamay ko. Marahas ko itong nilingon sabay baling sa taong biglang humatak ng aking braso. Nabitawan ng vendor ang kamay ko. Nagulat pa ako ng makita ko si Altamonte lalo na ang nakatutok niyang baril sa vendor. "A-Anong ginagawa mo, Altamonte?!" singhal ko sa kanya pero 'di niya ako pinansin. Madilim ang mukha niyang nakatitig sa vendor na namumutla na. "Hindi ako magdadalawang isip na barilin ka kapag nagkamali ka ng galaw." halos hindi bumuka ang mga labi na sabi niya sabay tanggal ng damit na nasa gilid ng kariton. I gritted my teeth when I saw the gun. Mabilis iyon dinampot ng vendor. Impit akong napasigaw ng biglang barilin ni Altamonte ang kamay nito kasabay ng mga putukan ng baril sa gawi namin. Ngumiwi ito sa sakit. Mabilis akong hinatak ni Altamonte sa aking kamay. Napasabay ako ng takbo sa kanya papunta sa aking kotse habang nakikipagpalitan siya ng putok sa mga armadong kalalakihan na nasa bilyaran at iba pang mga vendor sa paligid. May lalaki din na nakasakay sa loob ng kotse ko. Pagtingin ko sa kabila may isa pang kotse na tumutulong sa amin. Malamang mga tauhan ni Altamonte. Hinugot ko ang baril sa aking likod at akmang magpapaputok din pero naunahan ako ng lalaking nakasakay ng motorsiklo na bigla na lang sumulpot. Huminto ito sa harapan ko sabay lagay ng helmet sa aking kamay. Gulat na napahawak ako doon. Bumaba ito at ibinigay naman kay Altamonte ang kanyang suot na helmet. Nagpalipat-lipat pa ang nagtatanong kong tingin sa kanilang dalawa saka sa pinto ng aking kotse ng bumukas iyon. "Sakay na, bilisan niyo! Marami sila." "Salamat Clayde." sabi ni Altamonte sabay sakay ng motor. "Hop in." nilingon niya ako ng hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nakatitig lang sa kanya. "Damn--Cristal, mamaya mo na akong paglawayan diyan, sumakay ka na!" Umusok ang ilong ko sa sinabi niya pero natatarantang naisuot ko naman kaagad ang helmet matapos mahimasmasan. Walang tigil din ang palitan ng putok sa paligid. Kino-cover kami ng mga tauhan niya. Pagsakay ko kaagad pinaharurot ni Altamonte ang motorsiklo. Muntik-muntikan pa akong mahulog sa ginawa niya. Buti na lang napakapit ako sa damit niya. Walang-hiyang pinulupot ko ang aking mga braso sa bewang niya ng bilisan niya pa lalo ang pagpapatakbo ng motor. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD