THIRD PERSON POV
MUTYA
Kaagad kong pinasibad palayo ang sasakyan matapos kong kuhanan ng picture si Orlan kasama sina Cristal at Lester sa labas ng starbucks. Dumeritso ako sa tagpuan namin ni Serafin.
"How is it, sweetie?" bungad niya sa akin pagkapasok ko sa loob.
He looks tensed and in a mess. Magulo ang buhok pati ang suot na long sleeve. May hawak na baso na may lamang alak sa kanang kamay.
"Everything went well. And I think hindi lang ikaw ang target nila. They were following Richard Del Valle and Keith Altamonte too."
Matamis ko siyang nginitian saka humakbang palapit sa kanya at inabot ang phone ko. Kaagad niya naman iyon kinuha at nakatiim bagang na tinitigan ang picture na nasa screen.
"I told you, naghihinala na sayo si Cristal at kasabwat niya sina Orlan at Lester."
"Hindi maaari 'to." he cursed many times saka nagpabalik-balik ng lakad sa harapan ko. "Kailangan makuha ko muna ang pera at makalabas ng bansa bago niya malaman ang totoo." napakunot-noo ako sa sinabi niya pero kaagad din akong ngumiti ng muli niya akong binalingan. "Call Zephanie, tell her to do everything para mapalapit siya sa mga Altamonte. Kailangan malaman ko ang mga galaw nila. Oras na makapasok siya sa mga Sullivan, mas mapapadali na ang plano to remove them in our path for good. Baka matriple pa ang bonus na makukuha natin nito kay Rex."
"Hmmmm. . . pa'no ang mga Del Carpio?"
"What about them?"
"Pa'no kung kumanta 'yong pinadalang nurse kay Felly?"
"They will never find out the truth."
Napangiti ako sa aking isip sa sinabi niya. "Uh huh. Alalahanin mo maimpluwensya ang mga Del Carpio, Serafin. Kung kinakailangan halughugin nila--"
"Matagal ng pinatahimik ni Steves ang nurse na 'yon kaya wala silang makukuha na ebidensya laban sa akin." sabad niya. "And it's been three years since Conrad and Felly left the country. Besides si Shienna Mae Ramos ang caregiver ni Felly, tiyak siya ang unang paghihinalaan ng mga Del Carpio na naglalason kay Felly lalo't apo siya ni Lucas Ricaforte."
I walked towards him and snaked my arms around his neck while smiling at him sweetly.
"Napakatalino mo talaga, sweetie."
"Ofcourse!" proud pang sabi niya sabay tungga ng alak at nilapag sa mesa ang baso. "It was like killing two birds in one stone--Oh three birds pala." then he laughed like crazy.
I laughed too then gently caress his hair.
"Kaya love na love kita e. You're the best among the best. Nakaka-proud ng mga moves mo, sweetie. Napakalinis. Walang sabit."
He evily grinned na tila nagustuhanan ang mga sinabi ko.
"Ako pa ba?"
"Hmm--dagdagan mo sahod ko ah."
He pinched my nose. "Basta't ikaw sweetie. . ."
I wanted to roll my eyes when he encircled his arms around my waist then kissed me at my neck. But I reprimanded myself and maintain my faked seductive smile.
Hindi pa sapat ang mga impormasyon na nalalaman ko tungkol kay Serafin at pamilya niya so I need to be very careful. Matinik si Lopez kagaya ng kanyang dalawang anak. Maling galaw ko lang baka madido ako agad.
At ayokong mangyari iyon.
I don't want to disappoint my boss and can't just show myself to him with an empty handed.
Will do everything to make him proud of me.
For him to see how worthy I am than her.
Na mas kaibig-ibig ako kaysa sa babaeng 'yon.
So, he better choose me not her!
***
CRISTAL
"Kung si Joaquin Steves ang nagnakaw ng anak ni Tita Jackie, bakit ibinigay niya kay Dad si Zephanie? Anong koneksyon ni Dad sa kanila? Bakit ginawa nila iyon? Ano ang atraso ng mga Sullivan sa Steves na 'yon?"
"Damn. . . ibig sabihin ba no'n may kinalaman din si Dad sa m******e case ng pamilya ni Marcello Thompson? Pero bakit ang Defacto gang--wait. . ." naguguluhan na napasandal ako sa upuan. ". . .hindi kaya miyembro din siya ng gang na 'yon?"
Mabilis ang mga kamay na nagpindot ako sa laptop ko. Nag-search about kay Steves pero wala na akong makalap na iba pang impormasyon sa internet maliban sa mga charity events na pinuntahan niya sa iba't ibang bansa.
He is a successful businessman. The owner of the Laz Pacific Corp. and Atlantic Casino with a hundred branches in different country.
I sighed then closed my laptop. Mariin akong pumikit saka minasahe ang aking sentido.
"Hindi kaya tama si Altamonte na hindi ko lubusang kilala ang pagkatao ni Dad? Is he really a businessman or a gang member?"
I sighed and heaved out a sighs even more. Naguguluhan ako sa mga samot-saring negatibong nagsipagsulputan sa utak ko. Hindi ko kaya at nahihirapan akong tanggapin. Kung totoo man iyon o hindi natatakot akong malaman.
Tumingin ako sa labas ng kotse. Paisa-isa lang ang mga taong dumadaan sa kinapaparadahan ko, malayo ng ilang kilometro sa karendirya ni Manang Rosinda.
Matapos kong makausap sina Lester at Orlan kanina dumeritso ako ng San Lorenzo. Gusto kong malaman ang totoo. Pero ngayon na nandito na ako saka naman ako nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba or ano?
Nagsimula lang ang lahat kay Chua. Pero ngayon habang tumatagal lalong lumalawak ang nalalaman ko at dumadami ang sangkot sa taong kahit kailan hindi ko makita ang mukha!
"Or baka naman may taong sumasabotahe sa akin at liniligaw ako?"
Ang gulo damn. . . Frustrated na napahilamos ako ng kamay sa mukha sa aking naisip.
Kanina pa ako kinakabahan na hindi ko mawari. Ang lakas din ng kalabog ng dibdib ko. Shet. . .
I changed my police uniform to a black leggings, brown fitted long sleeved with hood matching with black rubber shoes and black cap.
Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako nakapagpasyang lumabas ng sasakyan.
Deri-deritso lang ang lakad ko pero malikot ang aking mata na gumagala sa paligid. Pakiramdam ko laging may nakasunod sa akin. Laging may mga matang nakasubaybay sa bawat kilos ko na isinasawalang bahala ko na lang.
Pero simula ng magpakilala sa akin ang bastos na Altamonte na 'yon lalong lumalakas ang pakiramdam ko na may nakabantay nga sa akin. Kung sino at nasaan hindi ko alam dahil wala naman akong makita. Or sadyang napaparanoid lang ako kaya kung ano-anong negatibo na naman ang pumapasok sa utak ko?
Pagdating ko sa kanto lumiko ako saka binilisan lalo ang lakad hanggang sa makarating ako sa pinakadulo. Nagpalinga-linga ako sa paligid saka tumakbo papunta sa likod ng compound. May iilan na malalaking punong kahoy doon. Nagtago ako sa malaking katawan no'n habang malikot ang mga mata na iginagala sa paligid. Nagpalipat-lipat ako sa bawat puno hanggang sa makarating ako sa sinira kong pader saka sumilip doon.
Halos takasan ako ng hininga sa aking nakita. Kaagad akong napatakip ng kamay sa aking bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa pagkarami-raming armas na dinidiskarga ng mga tauhan sa truck. 'Yung iba dinadala papasok sa loob, samantala 'yong iba nilalagay sa kabilang truck.
"Mr. Brown. . .!" nakangiting tawag no'ng lalaki na bumaba sa driver seat ng truck.
Nakatingin siya sa kanan kaya napasunod din ako ng tingin doon.
"And what the hell you're doing here?"
Napalundag ako sa subrang gulat ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Napahawak ako sa pader at nahigit ang aking hininga ng malingunan ko si Keith. Madilim ang mukha. Tila ako isang kuting na nahuling magnanakaw ng ulam sa uri ng titig niya sa akin. Nakakrus ang dalawang braso sa kanyang dibdib at printe ang pagkakasandal sa katawan ng puno.
"Alam mo ba ang ginagawa mo, Miss Lopez?"
I gulped. . . hard saka pinanliitan siya ng aking mga mata matapos mahamig ang aking sarili.
"Ikaw--" mabilis niyang tinakpan ng kamay ang bibig ko saka kinaladkad palayo sa lugar na 'yon.
Nagpumiglas ako nang nagpumiglas pero subrang higpit ng pagkakapigil niya sa akin. Malalaki ang kanyang mga hakbang kaya hindi ako makasabay. Halos buhatin niya na ako. Sa kabilang daan siya dumaan kaya hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Pagdating namin sa labasan huminto siya sa isang black fortuner. Pwersahan niya akong pinapasok sa loob. Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng nagbabaga kong tingin ng umikot siya sa kabila hanggang sa maupo sa driver seat. Kaagad niya iyon pinaandar.
"T-Teka. . ." nagpanic ako ng pinasibad niya iyon palayo sa lugar. "Altamonte. . . ihinto mo 'to." pero hindi niya ako pinansin. "Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin?! Bwesit ka, ihinto mo--"
"Ihinto mo 'yang bunganga mo kung hindi lalagyan ko 'yan ng packing tape." singhal niya sa akin. "Kaliit mong tao ang lakas-lakas ng boses mo."
"Ano bang problema mo--" napahawak ako ng mahigpit ng bigla niyang binilisan lalo ang pagpapatakbo ng sasakyan. "Bwesit ka Altamonteee!"
He scoffed. Lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ng byahe namin. Napatingin ako sa labas ng inihinto niya ang sasakyan sa harapan ng apartment ko. Pagbaling ko sa kanya madilim ang mukha na hinarap ako. But I damn furious too!
I gritted my teeth while looking at him murderously.
"Anong ginagawa mo doon?"
"Ikaw ang anong ginagawa doon?!" nanggigigil na singhal ko sa kanya. "Bakit ba lagi kang nakabuntot sa akin ha?"
"Alam mo ba kung gaano ka delikado 'yang ginagawa mo ha, Cristal?"
"Malamang alam ko! Ikaw, alam mo ba na malas ka sa buhay ko?" nakatiim bagang na tanong ko sa kanya. "Panira ka na nga ng araw, sinasabotahe mo pa ang trabaho ko! Alam mo ba 'yon ha?!"
"Well, you owe me a lunch--"
"Dahil sa lintik na lunch date na hindi ko naman sinang-ayunan kaya mo ako kinaladkad pabalik dito sa apartment ko?!" hindi makapaniwalang bulalas ko.
Lalong dumilim ang mukha niya sa sinabi ko pero saglit lang. Kaagad iyon napalitan ng nakakapang-init sa ulo na ngisi.
Parang gusto kong maiyak sa subrang gigil ko sa kanya pero kinalma ko ang aking sarili. Sunod-sunod akong nagbuga ng malalalim na hininga saka nanghihina na binuksan ang pinto ng kotse. Pero kaagad din akong napahinto ng pigilan niya ang braso ko.
"S-Saan ka pupunta?" nahiwagaan ako sa boses niya kaya marahas ko siyang nilingon.
Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay ng makita ko ang itsura niya. Para siyang takot na nag-aalala na iwan. Taliwas sa Keith Altamonte na kilala kong mayabang at saksakan ng presko.
Padaskol kong tinanggal ang kamay niya.
"Please lang, tantanan mo na ako hanggat kaya ko pang kontrolin ang sarili ko. Baka sa susunod na isabotahe mo pa ang mga lakad ko hindi na kita matantiya."
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023