Back To Me 10

1811 Words
CRISTAL Napapitlag ako ng mag-vibrate ang phone ko sa gilid ng mesa. Tinapunan ko lang iyon ng tingin ng makita kong si Lester lang ang tumatawag. Pinagpatuloy ko ang aking trabaho pero paulit-ulit na nagre-replay sa aking utak ang nakangising mukha ng Altamonte na 'yon bago ako layasan. "Bwesit talaga!" Nagdadabog na nilapag ko ang documento sa mesa. Hindi ako makapag-concentrate. Natatalo niya ang depensa ko. Nalilito na nga ang utak ko tapos ngayon ang puso ko sumasabay pa! "Anong meron ba sa lalaking 'yon at nagkakaganito ako sa kanya?" Naguguluhan na napatingin ako sa kawalan. Iniisip ang makailang ulit na pagliligtas sa akin ng palos na 'yon at ni Altamonte. "Imposibleng magkaibang tao sila." "Pero mukhang mas matangkad at malaki ang hulma ng katawan ng bwesit na damuhong na 'yon kaysa do'n sa isa." kontra ng utak ko. "Hindi kaya tauhan niya?" "Or siya talaga 'yon, tumangkad lang ngayon at lumaki ang katawan?" "Tanungin ko kaya si Aishleen?" Sunod-sunod akong umiling sa aking naisip. "No, hindi pwede. Tiyak kukulitin ako no'n kapag nagtanong ako tungkol sa Kuya niya. Baka isipin niya pa may gusto ako sa bwesit na 'yon." Muli kong nilingon ang phone ng mag-vibrate na naman iyon. Siguradong umuusok na ang ilong ni Lester sa subrang inis sa akin. Nakangising inabot ko ang phone. Akmang sasagutin ko ang tawag niya ng huminto naman iyon. Nagulat pa ako ng makita kong tadtad ang messages niya at nakalimang missed calls na pala siya. "Sinong tumawag at ang ganda yata ng ngisi mo samantalang kanina kinakausap mo pa mag-isa ang sarili mo?" Marahas akong napalingon sa gilid ko ng may biglang nagsalita doon. Nakangising mukha ni Chief ang sumalubong sa akin. Nakakrus ang mga braso sa kanyang dibdib habang nakasandal sa pader at matamang nakatingin sa akin. "C-Chief. . . kanina pa po ba kayo diyan?" "Enough to hear everything you said." Shet. . . Gulat na napatayo ako kaagad. "Ah, eh, may kailangan po ba kayo Chief?" Pailalim niya akong tiningnan. My lips stretched and cursed myself many times in my head. Ganun na ba kaukupado ng lalaking 'yon ang utak ko at hindi ko man lang namalayan ang paglapit ni Chief? 'Langyang buhay naman talaga 'to oo. . . "Mag--kakilala pala kayo ni Keith?" "Ah, hindi po Chief." "Ha? Hindi ba? Sabi niya kasi sa akin girlfriend ka niya?" "Oo--Ayy hindi po--I mean nakilala ko pa lang siya noong nakaraan araw sa San Lorenzo. Tsaka hindi niya po ako g-girlfriend, Chief." mariin kong kinagat ang ibabang labi sa gulo ng mga salitang lumabas sa bibig ko. Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa sinabi ko. "Oo o hindi? Ano ba talaga? Nagpaalam kasi sa akin ang isang 'yon kung pwedeng bisitahin ka dito. Sabi ko dapat sa Daddy mo siya magpaalam e ang sagot sa akin pumayag naman na daw si Serafin. So. . ." he shrugged his shoulder. ". . .I came here to confirm." Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwala sa aking mga narinig. Tila sirang plaka na paulit-ulit ko pa iyon prinoseso sa biglang na-traffic kong utak. Nagpaalam sa kanya. . ? Bisitahin ako dito. . ? Pumayag na si Dad. . ? What the. . ? "Tsaka boto naman ako sayo Miss Lopez para sa pamangkin ko kaya 'wag ka ng mahiya sa akin." "Naku Chief. . .mali po ang iniisip niyo--" Muntik ko pang mabitawan ang phone ng muli iyon mag-vibrate saka nagmamadaling sinagot ang tawag ni Lester. "Yes, hello. Papunta na ako." nilingon ko si Chief na nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Tinuro ko ang labas. "A-Aalis po muna ako Chief. Importante lang." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Kaagad ko siyang tinalikuran. Parang may humahabol sa akin na itak sa bilis ng hakbang ko makalayo lang sa mapanuring titig niya. Hindi ko alam kung anong mga kasinungalingan ang pinagsasasabi sa kanya ng Altamonte na 'yon. But one thing I'm sure of, gusto niya akong makuha by hook or by crook. At dinadaan niya ako sa paspasan! Hindi ko mahulaan ang mga galaw niya. Ang masaklap hirap akong iwasan siya at lagi niya akong nako-corner! Pa'no ba makipaglaro? Mananalo kaya ako sa tusong katulad niya? Tapos dumagdag pa si Dad sa problema ko. Pinagulo lang ng mga nakita ko ang lahat ng sinabi niya sa akin noon. Hindi ko na alam kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo at kung ano ang paniniwalaan ko dahil lahat iyon salungat. And it frustrates me damn much! I started the engine right away pagkapasok ko sa loob saka pinuntahan sina Lester sa Starbucks. Saglit lang ang tinagal ng byahe ko, nakarating ako kaagad sa tambayan namin. Natanaw ko silang nakaupo sa labas pagkaparada ko ng kotse. As usual kaharap ni Orlan ang paborito niyang Iced Brown Sugar Oatmilk Shaken Espresso at kay Lester naman ay Vanilla Latte. Both with sandwiches. Kumaway pa sa akin si Orlan ng maglakad ako palapit sa kanila samantalang si Lester 'di maipinta ang mukha. Inirapan pa ako. I rolled my eyes too. Wala ako sa mood kaya 'wag niya akong paandaran ngayon. "Bakit biyernes santo rin 'yang mukha mo?" tudyo sa akin ni Lan pagkaupo ko sa tabi nila. "Ang nega ng awra niyong dalawa, kasura." "Ito kasing si Cristal, kabwesit--" "Anong ako?" inis na sabad ko sa kanya. "'Di lang masagot ang tawag mo bad trip ka na agad? Dinaig mo pa ang boyfriend ko kung magtampo." "Aba't, sino sa ating dalawa ang nangailangan ng tulong aber? Diba ikaw? Tapos makakita ka lang ng gwapo nakalimutan mo na ang mission mo." "Ha--" "Ha ha hakdog." nakairap na sabad ni Lester. "Sarap mong sapakin." "Bakit ba ang init ng ulo mo--" napatigil ako sa pagsasalita ng padaskol na linapag ni Lester ang brown envelop sa harapan ko. "Ayan." ani niya. Napatitig naman ako doon. "Basahin mo." Mabilis ang mga kamay na binuksan ko iyon. Halos lumuwa ang aking mga mata sa aking nakita. Pinakatitigan ko ang picture saka paulit-ulit na binasa ang report. "Saan niyo 'to nakuha? Papaanong--" "Kay Mutya." "Kay Mutya?" tumango si Lan. "Saan at paano niya nakalap ang mga 'to?" He smirked. "She was captivated with my charm so. . .I seduced her. Simple as that." "Do'n tayo sa kotse mo mag-usap." tumayo si Lester bitbit ang pagkain niya. Sumunod kami sa kanya. Naupo siya sa unahan. Sa back seat si Lan. Umikot ako sa kabila at naupo sa driver seat. "Zephanie is adopted." bungad niya sa akin. Kaagad akong napabaling sa kanya. "Anong sabi mo? Paki-elaborate nga." "Ampon siya. Hirap bang intindihin 'yon? Don't tell me hindi ka pa rin maniniwala. . ." tinuro niya ang hawak ko. "...e may ebidensya na?" "How. . .How--" "How how how de karabao de batutin--" "Pwede ba Lester umayos ka nga!" "Opps--sari." sinamaan ko siya ng tingin. He rolled his eyes then sighed. "Ok. . .seryoso na." tinuro niya si Lan. "I confronted him about what he said tungkol kay Keith Altamonte. And sorry ulit, mali din 'yong akala ng source niya na si Altamonte ang may-ari ng City Of Dreams. But that one. . ." nginuso niya ang hawak ko. ". . .is legit. Your Dad secretary Mutya took that copy sa secret vault mismo ng opisina ng Daddy mo." Hindi makapaniwalang napatitig ulit ako sa kupas na picture ng isang baby. Pagtingin ko sa likod ng picture napanganga ako at nanlaki ang aking mga mata sa nabasa ko. Stacey Jane Sullivan / Zephanie Olivar It was a hand written of my Dad! Paulit-ulit ko 'yon binasa ng naguguluhan kong utak saka inisa-isang tingnan pa ang iba. Mga kuha ni Zephanie simula pagkabata hanggang sa magdalaga. Pero hindi ko mabitaw-bitawan ang picture ni Dad karga ang baby at lalaking hindi ko kilala. "Ang weird lang. Siya ang naturingan na ampon pero siya pa ang paborito ng Mommy mo." napaangat ako ng tingin kay Lester sa sinabi niya. "Diba confusing?" binalingan niya si Lan. Napasunod din ang tingin ko doon. "What do you think? Tingin mo totoo ang mga 'yan?" He shrugged his shoulder. "Sabi ni Mutya ninakaw ng lalaking 'yan..." tinuro niya ang lalaking kasama ni Dad sa picture. "...ang baby sa Hospital pagkapanganak ni Misis Sullivan at pinalitan ng ibang bata which is tugma sa kwento sayo ng mag-asawang Sullivan diba?" Tumango ako. "So, meaning. . ." tiningnan ko muli ang mukha no'ng lalaki sa picture. ". . .siya kaya si R-Rex C-Chua?" Lan shook his head. "No. Sabi ni Mutya siya si Steves. Joaquin Steves." "Joaquin Steves?" naguguluhan na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at sa picture. "Parang ang gulo. Hindi ko ma-gets." "So do I." "Basta ako sinasabi ko lang ang sinabi ni Mutya and that's my evidence." "Parang may hole." ani ni Lester. Napatutok sa kanya ang tingin namin. "Kung ampon si Zephanie ng Daddy mo bakit Olivar ang apelyido niya at hindi Lopez? Besides Fontanosa ang middle name mo. Saan kinuha ang Olivar? And who's that Steves? Anong connect niya kay Chua? Since sabi nga ni Cristal pangalan nilang dalawa ni Chua lagi ang bukambibig ng mga magulang niya sa tuwing nag-aaway noon, so why oh why?" "Honestly, naguguluhan ako. . .kanina pa." I sighed. "Lalo na kay Altamonte. Pakiramdam ko may masamang binabalak siya sa akin." "Oh, speaking of the devil, pinaimbistigahan niya ako." "Whaaaat?!" "You heard me." "Damn. . .ano ba talagang pakay niya?" "Nakita ko rin si Richard Del Valle kanina. Sinundan ko ang sasakyan niya, and guess what I found out?" "Ano?" sabay naming tanong ni Lester. "Pumasok siya sa hideout na minamanmanan mo sa San Lorenzo." "Anooo?! Totoo ba 'yan? Lan nodded. "H-How does that happen?" "Sinundan ko siya. At kitang-kita mismo ng dalawang mata ko. And here's my evidence." sabay abot niya sa akin ang kanyang phone. "Oh NO." nanghihinang napasandal ako sa upuan matapos ko makita ang picture. "Saan kaya ako dadalhin ng ginagawa kong 'to?" sambit ko sa aking sarili. Tiningnan ko silang dalawa. "Salamat sa inyo. Simula ngayon tinatapos ko na ang paghingi ng tulong--" "Wow, sabay ganun?" "Takot yaaarn?" "Ayokong mapahamak kayo ng dahil sa akin." "Well nandito na tayo. Aatras ka pa ba? Tsaka police tayo, hoy. Walang inuurungan." "Seryoso ako--" "Well seryoso din kami." sabay ulit na sabi nila. "Walang iwanan." I t'sked. "Ano ba yan. Ngayon pa lang nae-stress na ako." "Dapat lang." nakangising sabi ni Lester. "Now you know how I feel ng palayasin ako ni Dad sa mansion?" "Well dasurb mo 'yon na--ahm--" Natawa ako ng biglang isinubo ni Lester sa bibig ni Lan ang sadwich niya. Kinain naman kaagad iyon ni Lan. Hindi ko na sila pinansin ng mag-away na silang dalawa dahil sa sandwich. I looked at the photo again. Kailangan kong umuwi sa bahay. But I need to know first kung anong ginagawa ni Richard Del Valle sa hideout ni Rex Chua? ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD