Back To Me 9

1672 Words
KEITH Sunod-sunod pumatak ang luha ni Dad habang umiiling. "Dad, please, sabihin mo na sa akin ang totoo para matulungan ka namin." He didn't answer me. Tumayo ako sa harapan niya. "Dad. . .please?" pangungulit ko pa sa kanya. "Just tell me the truth. Gusto namin makatulong. At nangangako akong ibabalik ko kay Tito Rafa ang anak nila. I will do my best. . .to help you, at para magkabati-bati na rin kayo. Ayaw mo ba no'n, Dad?" tinuro ko sa kanya ang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa. "Sasayangin mo na lang ba ang lahat ng 'yan? 'Yong lahat ng pinaghirapan mo at pinagsamahan ninyong magbabarkada, itatapon mo na lang ba ng ganun kadali? Hanggang kailan mo 'to itatago, Dad?" "Hindi mo alam ang mga sinasabi--" "Hindi galit sa akin si Tito Rafa, Dad. Parang tunay na anak ang turing niya sa amin ni Aish. Sinabi niya sa amin ang tungkol sa panganay niyang anak and he believed na buhay pa ang anak niya. You can use me para makabawi sa kanya, Dad. Para maitama ang lahat ng pagkakamaling nagawa mo sa kanya. Hindi pa huli ang lahat, Dad. And this is the right time to payback. Nakita mo naman na nagsisimula na naman sila. And this time kami na mga anak niyo ang target nila. Hanggang kailan niyo ititikom 'yang mga bibig niyo? Kapag pati mga apo niyo nadamay na? Gusto mo bang maulit muli ang nakaraan?" Nagbuga siya ng hangin bago nagsalita. "We. . .We were all. . ." seryoso niya akong tiningnan. ". . .a CIA agent back then. We entered in that field para mabigyan namin ng hustisya ang pagkawala ng mga kaibigan ni Tita Lian. Ang kaso may nagtraydor sa grupo namin. At ang masaklap pinagdudahan ko ang katapatan ni Rafael. Dahil sa maling akala ko na pinalala ni Marverick parang tinulungan ko pa ang kalaban na mapahamak ang pamilya ng bestfriend ko and yes. . ." he nodded. "...ako ang dahilan kung bakit magpahanggang ngayon nawawala ang dalawang anak nila. Everything collapsed and changed after that." "Marverick? Who. . .sino po siya, Dad." "Si Marverick? Marverick Lewis. Siya ang ama ni Christian Lewis." Napanga ako sa sinabi ni Dad. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. "Ka--Kaibagan niyo siya?" "Promise me na wala kang pagsasabihan ng tungkol dito, Keith." "So ibig sabihin ba siya ang ikaanim sa grupo--" "We were ten. And the two was dead. Isa na siya doon." "Who--" "'Wag mo ng alamin kung sino sila. Fernan will kill me if I'll disclose their identity. Sapat naman na siguro ang mga sinabi ko sayo diba?" "You know that its not enough info., Dad. It will never be enough." Dinampot niya ang ibang papeles na nasa mesa at mga picture. Nilagay sa loob ng envelop saka inabot sa akin. "Ibigay mo 'to kay JM. Makakatulong 'to para malinis ang pangalan ni Julius." napatingin ako sa envelop pero lumampas iyon sa picture na nasa mesa. Nagsalubong ang mga kilay ko sa aking nakita. "Umalis na rin kayo nina Chad at iba pang mga kasamahan mo sa kuta ni Chua. Masyadong delikado ang ginagawa niyo." I gulped the lump in my throat many times bago ako dahan-dahan na nag-angat ng tingin sa kanya. "Si Lucas. . ." I gulped again. "Lucas Ricaforte, kilala mo ba siya, Dad?" Lumipad kaagad ang tingin niya sa mesa. Mabilis ang mga kamay na sinalansan niya ang mga iyon pabalik sa envelop saka ako tiningnan. "Sino ang ama ng anak ni Aish?" "Ha?" "Hindi mo alam?" "Teka. . ." frustrated na winagayway ko ang kamay sa harapan ni Dad sa pag-iiba niya ng topic. "Papaanong. . .panong may anak si Aish e wala naman siyang boyfriend? Tsaka, ginugulo mo ang utak ko, Dad. It's seems like kilala mo nga si Lucas pero umiiwas--" "Wala akong--" "Dad naman. 'Wag na po kayong magkaila." Tinitigan niya ako sa aking mga mata. I stared back. Hindi ako nagbaba ng tingin sa kanya kahit tumalim na iyon. Hanggang siya ang umiwas. He chuckled. "Nakalimutan kong isa ka nga palang Altamonte. Tama nga ang Mommy mo, kinakalaban ko ang sarili ko. At hindi ako matatalo sa kaharap ko ngayon na akong-ako mismo." nakangiting tiningnan ako ni Dad saka umiling. "Sa lahat na pwede mong mamana sa akin ang katigasan ng ulo ko pa talaga. Ang masaklap na-exceed mo pa 'yon ng todo. Ni hindi kita kayang makontrol." Gusto kong mangiti sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Manipulative, tuso, at dominante si Dad. Dito sa bahay siya ang batas. At magaling siya magpaikot ng tao. Isang maling kilos ko lang malulusutan niya na naman ako. And I wouldn't let that happen. Ngayon pa ba na nauto siya ni Mom? Napangisi ako sa aking isip. "Sino nga po si Lucas, Dad?" "Haays, ang kulit mo talaga. Bakit hindi si Fernan ang tanungin niyo? Or si Raymond? Si Cedric? O kaya si Rafa? Bakit ako pa? Gusto mo ba akong--" "Pare-pareho lang kayo ng sinasabi. Tsaka sino pong Cedric?" Natigilan siya sa tanong ko pero saglit lang. "Cedric? Sinong Cedric?" "Kakasabi niyo pa lang--" "'Wag ka ngang mag-imbento diyan." I cursed in my head. "Pinapaikot-ikot mo lang ako, Dad." tiningnan niya ako ng masama sa sinabi ko. "Look, nakita ko naman na, bakit pa po kayo umiiwas?" "Hindi mo alam kung pa'no magalit ang mga kaibigan ko, Keith! Kaya tantanan mo na ako. Utang na loob. Binigay ko na sayo ang kailangan mo. Ano pa bang gusto mo?" "Lahat. Gusto kong malaman lahat, Dad." muli siyang umiling. "Kagaya niyo, solid kaming magbabarkada. At lahat ng confidential na bagay hindi namin pinapaalam sa iba. Kami-kami lang. We've learned from the past Dad at anak mo ako. You can trust me, Dad. Never kitang ilalaglag." Ilang minuto lumipas ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakikipaglabanan ako sa kanya ng titig kapag tinititigan niya ako ng masama saka iiwas at bubuntong-hininga ng malalim. "Si Lucas. . ." maya-maya untag niya. "He was once a Captain in armed forced back then and change career, a businessman. A successful businessman after his wife left him." "Oh FÜCK!" Bigla akong tinakasan ng hininga sa sinabi niya. Wala sa sariling nagpabalik-balik ako ng lakad sa kanyang harapan. "What's the matter?" "Wala ka bang balita kung nasaan na siya ngayon?" "He's dead. A decades ago." "That's impossible, Dad!" "Anong. . .what do you mean by that?" "Buhay na buhay pa si Red dragon. And Suarez found out na siya si Lucas. Siya ang pinakapinuno ng tatlong gang na tinutugis namin." "Imposible--" "Mas imposible 'yang sinasabi mo, Dad." sabad ko sa kanya. "Hindi." sunod-sunod siyang umiling. "Hindi ako naniniwalang magagawa 'yon ni Lucas. Mabuting tao siya--" "You just said he changed career. So why? Hindi mo ba naisip na baka nasilaw din siya sa pera--" "Mayaman ang angkan ng mga Ricaforte kaya imposible 'yang sinasabi mo. And Lucas is f*****g dead! Nakita mismo ni Fernan na pinasabog ang yateng kinalulunaran niya, kahit tanungin mo pa siya." "s**t--ang gulo." "Mas magulo ka." sabad niya. "Bago ka maniwala sa mga nakalap niyong info., make sure na na-double check niyo lahat. Don't make the same mistake I did. Baka matulad lang din sa amin ang samahan ninyo. At ayaw kung mangyari 'yon kaya ngayon pa lang dapat malinis ang lahat ng info. na sasabihin mo sa mga kaibigan mo. James family m******e case, Migz and Wayne's wife, and JM's father bestfriend ay konektado lahat kay Lucas na sinasabi mong si Red Dragon. Alam mo ang mangyayari kapag nagkamali ka ng galaw, Keith." Napasabunot ako sa aking buhok. "Oh damn. . .now I understand why you and Tito Rafa. . ." I paused then look at him. ". . .sabi sa'kin ni Ryan, you and his Dad is not in good terms too." Tumayo siya saka naglakad papunta sa bintana at tumanaw sa labas. "Sinubukan kong hanapin ang panganay na anak ni Rafa para makabawi sa mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya. I failed pero nalaman kong. . ." he sighed again saka nilingon ako. ". . .nalaman kong hindi tunay na anak ni Rafa si Stacey Jane Sullivan kundi anak ni Marverick Lewis. Tinangay ni Steves ang totoong anak nila at itinago ko iyon sa mga kaibigan ko. Tanging kay Raymond ko lang sinabi, sa Daddy ni Ryan. I threathened him not to tell the truth to anyone. Dinamay ko siya sa galit ni Rafa." "Goodness, Dad! How could you do that?!" "N-Natakot ako na baka hindi maniwala sa akin si Rafa at ba-baka lalo lang siya magalit sa akin kapag sinabi ko sa kanya ang totoo." "Kahit na. Mali pa rin 'yong ginawa mo, Dad." "I know. . .I know." Frustrated na napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. "Alam mo palang mali pero bakit hindi mo itinama?" hindi siya umimik sa sinabi ko. "'Yun po ba ang dahilan kaya nagmamadali kang lumipat tayo noon ng States hindi dahil sa threat sa ating pamilya?" "Both." "May alam ka ba kung nasaan na ang bunsong anak nila?" Sunod-sunod siyang umiling. "Steves sent me the d-dead body of that b-baby." nanginig ang boses ni Dad. Isa-isang pumatak ang kanyang mga luha sa mata. "He. . .He b-blackmailed me. Kaya itinago ko ang lahat ng katotohanan. Pati ang pamilya ni Marcello Thompson nadamay sa kapalpakan ko." napaupo sa sahig si Dad at tuluyan ng napaiyak hanggang sa nauwi iyon sa malakas na hagulhol. "Hindi ko akalain na ganun kalaki ang consequences sa padalos-dalos kong hakbang. Pati mga inosenteng tao namatay ng dahil sa akin." Naitulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw. Ni hindi makapagsalita. Nawala sa sarili habang nakatitig sa kanya. Subrang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa edge ng mesa ng makaramdam akong panghinina ng katawan. Hindi ko kayang e-proseso ng aking utak ang mga impormasyon na nalaman ko. At mas lalong hindi ako makapaniwala na ganun katindi at kabigat ng suliranin na pasan-pasan niya't kaytagal na panahon na itinago. Kaya pala. . . ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD