Back To Me 8

1600 Words
KEITH Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Dad, hindi makapaniwalang nilingon ko si Mom. She just shrugged her shoulder. "Sundan mo na 'yon, baka magbago pa ang utak." Kinunutan ko siya ng aking noo. "Did you talked to him for me?" "Ha?" patay-malisya niya akong tiningnan. "Wala akong alam diyan." nagtungo siya sa lababo bitbit ang kaldero saka nilagyan iyon ng tubig. "C'mon, I know you, Mom." She sighed saka hinarap ako. "Nag-aalala ang Daddy mo sayo kaya ka pinagsasabihan, kayong magbabarkada kaso minamasama niyo. Alam mo naman ang nangyari sa pamilya ni James diba?" Nilapitan ko si Mom saka muling niyakap at hinalikan sa kanyang noo. "Thank you, Mom--" "'Wag kang magpasalamat sa akin. Ginawa ko 'yon para mag-usap at magkabati na kayo ng Daddy mo. And please lang Kyle, bantayan mo si Aishleen. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagsolong buhay ang kapatid mo. Kung. . .kung..." her voice cracked and tears rolled down on her cheeks. "...may problema ba siya or ano. Naglilihim na rin siya sa akin. Pakiramdam ko wala akong kwentang ina." "Mom..." I wiped out her tears saka muli siyang niyakap ng magsimula na itong umiyak. Banayad kong hinaplos ang kanyang likod. "Stop crying please. Ako ng bahala kay Aish." sinapo ko ang kanyang mukha saka pinahid ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang mga mata. Sunod-sunod akong lumunok para tanggalin ang bara sa aking lalamunan sa sakit na biglang bumalot sa aking puso. Nadudurog ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak pero alam kong ginagamit niya lang iyon sa akin para huminto ako sa ginagawa naming magbabarkada lalo't alam niyang iyon ang kahinaan ko. "'Wag na 'wag niyo pong iisipin na wala kang kwentang ina because you're one in a million Mom. Wala kang kasing katulad and you're the best Mom ever. . .in the whole world." Sinimangutan niya ako sabay tanggal ng kamay ko sa kanyang mukha. "Best Mom pala e bakit nagsipag-alisan kayo at hindi man lang maalalang tawagan ako aber?" I knew it. . . Natawa ako sa aking isip. "Halos mamatay ako sa subrang pag-aalala ko sa inyong dalawa tapos kayo parang walang paki--" "Pupuntahan ko po muna si Dad..." sabi ko sabay talikod. "...baka magbago pa ang isip." "Teka--sandali lang, Kyle! Kinakausap ka kita!" Hindi ko siya pinansin. Nakangising deritso lang ang lakad ko papunta ng Library. Pabukas na ako ng seradura ng tumunog ang phone ko. Kaagad ko iyon kinuha sa aking bulsa sabay pindot ng answer button ng makita kong si Bert iyon. "Ano?!" gulat na bulalas ko sa sinabi niya. "Saan pupunta? Damn. . .tigas talaga ng ulo ng babaeng 'yan--bantayan mo ng maigi. Sige na. Nandito pa ako sa bahay. Will call you later." I turned off the phone then heaved out a deep sighs. Pinihit ko ang seradura pabukas. Naabutan ko si Dad na seryosong nakatingin sa nagkalat na papeles at mga picture sa ibabaw ng mesa. Ni-lock ko ang pinto at lumapit sa kanya. "Here. . ." Napatitig ako sa tatlong picture na inabot niya sa akin. Kunot-noong kinuha ko iyon at mariin na tinitigan. "Bakit m-meron po kayo ng mga 'to, Dad?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Seryoso niya akong tinitigan ng tingnan ko ang mga dokumento na nasa harapan niya. "I'm sure kilala mo na 'yan si Julius Montecellio." napatingin ako sa picture na hawak ko sa sinabi niya. Marahan akong tumango. "Yeah, Tatay siya ni Jillian, fiancee ni JM." pinakita ko sa kanya 'yong isang picture. "E, sino po 'to Dad?" "Si Mauro. . .Mauro Baluarte. Barkada siya ni Montecellio noong high school sila." Napatingin ako sa picture ni Chua. "E, ano pong connect niya kay Rex Chua?" "Wala. He's just a victim." "What do you mean?" "Nalaman ni Kristel Chua na may ibang asawa si Rex, which is the legal wife and their marriage is void. Rex Chua's real name is Vincent Murray. Anak siya ni Wilson Murray, kakilala niya ang pumatay sa asawa ni Margarita Nepomuceno. Ang case na hawak ng Daddy ni Sherif Martin." Napaupo ako sa upuan na nasa harapan ng mesa niya ng iabot niya sa akin ang isa pang picture na si Vincent. "Tapos ngayon nagdi-disguise ka bilang siya? Nasaan ang utak mo ha, Keith?" Naguguluhan na nag-angat ako ng tingin kay Dad. Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa picture na hawak ko. "So. . .pa'nong naging victim si Mauro? Tsaka ano pong kinalaman ni Julius sa kanila? Why Vincent framed-up him? Anong atraso niya sa kanya." "Siya wala pero his Mom, Cleofatra Montefalco, meron. And I'm warning you young man, hindi basta-basta ang mga taong binabangga niyo. Sa ginagawa niyong anim, unti-unti niyo na kaming binabaon sa hukay." I gulped. . .hard na halos takasan ako ng hininga sa uri ng boses ni Dad. Pakiramdam ko nuclear bomb itong mga papeles na nasa harapan ko at natatakot ako ng subra-subra sa mga isisiwalat niya. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay. And Cristal face keep popping in my damn head! Malalim na bumuntong hininga si Dad habang mariin na nakatitig sa akin. Sumandal siya sa swivel chair. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukute niyo para--" "They started it." madiin na sabad ko sa kanya. "Halos patayin ni Lewis si JM, Dad." "Bakit may nagawa ba kayo ng magbalatkayo si Lewis bilang si JM at nakapasok sa Hacienda ng mga Del Carpio? Wala diba?" hindi ako nakaimik sa sinabi niya. He sighed again. "Pinadukot ni Chua ang pamilya ni Mauro kaya 'yong sinasabi ni Julius na aksidente lang ang pagkikita nila ng mga kaibigan niya at reunion kuno sa Yankee Bar sa Makati?" dumukwang siya palapit sa akin. "It's just a TRAP. Ginamit niya ang mga kaibigan ni Julius para e-eliminate ang asawa niya, para may dahilan siya at kay Kristel isisi ang lahat ng kamalian niya." he leaned back to his swivel chair. "Vincent is a very clever and wise man. Nakita mo naman. Makukulong na nga si Julius sa hindi niya ginawang kasalanan, nasira pa ang kanyang pamilya. Kaso malas niya, mas mabilis ang kamay ni Kristel kaya naging abo siya ngayon." "Pero bakit pinapatay niya ang asawa ni Mayor Sarmiento e, iisa lang silang grupo diba?" "Well..." he shrugged his shoulder. "Hindi naman totally masamang tao si Mayor Sarmiento. Nasilaw lang siya sa malaking pera na nakukuha niya kay Chua. And Sarmiento's wife found out about it and she's against with it." "Kaya ba siya p-natay?" "Kapag pumasok ka sa grupo..." sunod-sunod na umiling si Dad. "...hindi ka na makakalabas pa ng buhay. They will eliminate you for good. At lahat ng harang, inaalis nila." Tumango-tango ako. "So that's the story why Kristel Chua went to Yankee bar. To forget about his asshole husband." "I'm not sure about that. Now tell me, why your friend Joe Ryan Aragon bought that bar?" "To find the truth--" "Don't you dare lie to me Keith." I sighed then look at him. "I don't know what exactly the reason why Ryan bought that but it's our escape-route now. Wala na rin kaming matambayan dahil pinasara namin ang Sports Bar and Restaurant ni Madam Baby sa Makati." "And why is that?" "Maraming anomalya ang babaeng 'yon. Tsaka may Club sa loob no'n. Mga bigating negosyante at mga dayuhan ang costumer. Pinapadukot niya at binubugaw ang mga anak na dalaga ng mga taong hindi makabayad ng utang sa kanya. Plus 'yong mga nag-a-apply na waitress doon ginagawa niyang hostess sa ayaw at sa gusto nila. Hindi rin makakaalis kapag hindi nagbayad ng half million." "What the hell!" bulalas ni Dad. "You heard me." "Nasaan na ngayon 'yong mga babaeng nagtatrabaho doon?" "We gave them a decent job in Yankee Bar and now our spy too." Tiningnan ako ni Dad saka tumango-tango. "You all did a great job for closing that so called Sports Bar and Restaurant na front lang pala." "It's Wayne idea--oh well. . .its actually his wife idea. Sam once work there--I mean. . .by accident. Buti nakatakas siya at napadpad sa suit ni Wayne. Kung nagka--" "Wayne's wife?" nakakunot-noong sabad ni Dad. "'Yung anak ng kaibigan ni Fernan?" "Yes." "So it's true." mahinang sambit ni Dad sa kanyang sarili pero hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig. "It's true, what?" Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sabay iling. "Wala." Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni Dad pero todo naman siya iwas kaya nagkibit-balikat na lang ako pero napapaisip ako sa naging reaksyon niya. "Ano po ang connection ni Serafin kay Chua or Vincent Murray?" biglang napaubo si Dad sa tanong ko. Pinukpok pa ng kamay ang kanyang dibdib. "You okey, Dad?" "Yeah. . ." muli siyang umubo. "...yeah, I'm ok." Mataman kong pinag-aaralan ang bawat ekspresyon at galaw ni Dad habang hinihintay ko ang sagot niya. Ilang minuto ang lumipas na panay buntong-hininga lang siya ng malalim. Tila hirap na hirap at nagdadalawang isip na sagutin ako. "Dad..?" untag ko sa kanya. "You know Keith, lahat ng sinasabi ko sayo ngayon ay confidential at against sa sinumpaan naming magbabarkada. Pero dahil anak kita at ayokong mapahamak ka, I break that promise I made to them." Natigilan ako ng makitang mabilis pinalis ni Dad ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. "Dad. . ." "Wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang lahat ng nalalaman ko. Sigurado akong magagalit sila sa akin at ayokong pati ang natitira kong matalik na kaibigan ay kamuhian ako." "So. . .it's true na ikaw ang dahilan kaya nawala ang panganay na anak ni Tito Rafa?" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD