Back To Me 7

1765 Words
KEITH Malalaking hakbang na tinungo ko ang kinapaparadahan ng kotse sa kabilang kalsada pagkalabas ko ng building. "Positive Boss. Bakla nga si Montalban at bestfriend siya ni Señorita Cristal." salubong sa akin ni Bert pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. "Itinakwil na siya ni Benjamin Montalban matapos malaman ang kasarian niya pero kita mo naman lalaking-lalaki siya. Kung hindi lang dahil sa usapan no'ng dalawa do'n sa COD hindi mo iisipin na may pusong mamon siya." I sighed then pressed the bridge of my nose. "Bakit hindi ko nalaman ang tungkol sa Lester na 'yan noon pa?" "Gusto mo bang hukayin ko ang bangkay ni Dad sa sementeryo para tanungin siya about diyan?" "Tss. Bumaba ka na nga. Bantayan mo si Cristal, uuwi muna ako sa mansion. Kailangan kong makausap si Dad. Babalik din ako mamaya. May lunch date kaming dalawa." napangiti ako sa huling sinabi ko. "Tsk tsk tsk. Lakas tama ng pana ni kupido." umiiling na komento niya. "Kung hindi ako tinamaan malamang wala ka sa posisyon mo ngayon." Iningusan niya ako. "Halata nga e. Parang gusto mong maubos ang lahi namin dahil ako ang ipinalit mo kay Itay para bantayan si Señorita." "Akala ko ba gusto mong malaman kung sino ang pumatay sa Tatay mo kaya nag-volunteer ka na pumalit sa kanya?" "Hindi a, pinilit mo lang ako." "O, e 'di mag-resign--" "Ito naman resign agad?" natawa ako sa bilis ng sagot niya. "Natunton na pala ni Santos kung saan tinago ng tauhan ni Chua ang pamilya no'ng suspek na dumidiin kay Julius Montecellio. Pinapunta ko na sina Claud. Kaka-message lang sa'kin ngayon na nasa safe house na sila, pero may tama si Fenix. "Tell Fenix na mag-off na muna." tinapik-tapik ko siya sa kanyang balikat. "Maaasahan ka talaga." "I did nothing, Boss. It's Santos and the men hard work kaya malapit ng ma-solve ang problema ni Boss JM. Anyways..." seryosong nilingon niya ako. "Kailan ka ulit babalik sa hideout ni Chua?" "Lagi naman ako pumupunta doon. Tsaka isa pa wala namang nakakahalata sa akin. Tama nga si Montecellio hindi nagpapakita ng mukha si Chua. Nag-uutos lang sa katiwala niya." umayos ako ng upo saka kunot-noong tinitigan siya. "Pero kinakabahan ako do'n sa tatlong tauhan na sinasabi ko sayo. Iba kasi 'yong sulyap nila sa akin e. Hindi kaya nahalata nila na hindi ako si Chua?" Tumingin siya sa labas ng kotse saka muli akong binalingan. "Malabo. Pareho ang body built niyo--Oh well, mas lamang ka ng kunti. But. . . kung galing sa grupo ng Defacto, hundred percent sure makikilala ka nila. Personal din kinakausap ni Chua si Steves. Siguradong magtataka 'yon kapag nagsuot ka ng mask." "Well, definitely he will recognized my voice." sabi ko saka malalim na bumuntong hininga. "Bakit mo pala naitanong? May problema ba ngayon si Chad sa loob?" "Wala naman. Nag-aalala lang ako na baka magkaaberya lalo't pinapadukot ni Mayor Sarmiento sa anak niya si Cristal--" "What?! Saan mo nalaman 'yan?" "Kay Montecellio. Sinabi ni Kevin." "TheFuck! Anong kailangan ng Mayor na 'yon kay Cristal?" "Si Mayor wala. Pero si Red dragon meron." "Wala bang update si Santos kung sino ang Red dragon na 'yan?" He got tensed at my question. Napakunot noo ako ng sunod-sunod siyang bumuga ng hangin sabay himas ng kanyang batok. Na para bang subrang bigat ng tanong ko at hirap na hirap siyang sagutin ako. "Bert. . .?" untag ko sa kanya ng lumipas na ang ilang minuto hindi pa rin siya umiimik. He heaved out a deep sighs again. "Sad to say, Boss. . .Suarez found out that. . . Red dragon and Lucas Ricaforte ay iisa. Asawa ni Josefa Ramos na lola ni Shienna Mae Ramos." Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya. "HOLY s**t. . ." mahinang sambit ko. Pakiramdam ko nawasak ang tainga ko sa bombang hinagis sa harapan ko ngayon ni Bert. Pati utak ko naalog kasabay ng paghinto ng t***k ng puso ko. Para akong mahihimatay sa nalaman ko. Sunod-sunod akong bumuga ng hangin matapos kong pakawalan ang aking hininga na hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan. "Papa'nong. . ." problemadong binalingan ko muli si Bert na tahimik lang, nakatingin sa kawalan. "Pa--Pa'no natin 'to sasabihin kina Migz at JM?" Sunod-sunod siyang umiling. "Honestly, hindi ko rin alam Boss. Kahit kami na shock sa sinabi ni Suarez." "Sino-sino lang ang nakakaalam tungkol dito?" "Si Santos, Chad, Suarez and I." "Tell Suarez to send to me all the files he got. Hindi 'to pwedeng malaman ni Migz--" "Pero Boss--" "Not now. He wouldn't take it at baka masira ang plano ng grupo natin. And warn those three not to mention about it to anyone." "How about, Boss JM and Wayne?" "They should know. Kilala ko si JM. Hahanap 'yon ng paraan para makausap si Tito Phil or Tita Cora to fetch additional info. Ako ng bahala sa iba. Kakausapin ko si Ryan. Si Wayne, ipaubaya mo na 'yon kay JM." "Okey then. Will update you later kung anong ganap ngayon ni Señorita Cristal." My mood lighten up again when he mentioned her name. Pabagsak akong sumandal sa upuan saka mariin na pumikit. Thinking her face, nakabusangot at gusto akong sakmalin. I smiled. She's like a fresh air to breath. My life line. Without her I'm dead. "Mukhang naka-move on ka na Boss sa granadang pinasabog ko ah?" kaagad akong nagmulat ng mata sa sinabi niya saka seryoso siyang tiningnan. He evily smirked. "Punta na ako sa kotse ko. See you later." nagmamadaling lumabas siya ng kotse. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok sa kanyang sasakyan. Lumipat ako sa driver seat. I started the engine saka nilisan ang lugar. Dumeritso ako sa mansion. Nagulat pa si Mom pagkakita sa akin na nagmamadaling naglakad papasok sa loob, pababa siya ng hagdanan. "Kyle. . ." "Good morning, Mom." nagpalinga-linga ako sa paligid. "Where's Dad?" "Naligaw ka yata?" "Parang ayaw niyo po yatang nandito ako ah?" "Naku, tigil-tigilan mo nga ako diyan. Ikaw nga itong hindi na nakakaalala sa amin e." inirapan niya ako saka naglakad papunta ng kusina. Nakangiting sumunod ako sa kanya. "Pumupunta ka lang dito kapag may kailangan ka. Mas marami pa ang oras na inilalaan mo sa mga barkada mo kaysa sa'min na pamilya mo. Minsan iniisip ko nga wala akong anak. Parehas lang kayo ni Aishleen. Parang kabuteng pasulpot-sulpot na lang. Nakakairita." Tahimik akong tumawa habang nakikinig sa sunod-sunod na sermon na naman ni Mom sa akin. Well I stayed now in my penthouse. Napilitan lang akong dalhin sa bahay ko si Cristal dahil may tama siya at mabubuking niya ako kung dadalhin ko siya doon. Simula ng malaman ni Dad ang paghahalungkat namin tungkol sa mga Lewis at sekreto nila bihira na akong umuwi ng mansion. Laging mainit ang ulo niya sa akin kaya ako na lang ang umiiwas. Ang kaso sa tuwing napapagawi naman ako dito sandamakmak na sermon naman ni Mom ang sumasalubong sa akin. Gumaya pa sa akin si Aish kaya ayon sa akin lahat ang sisi. Hindi ko rin mahagilap ang kapatid ko sa tuwing pinupuntahan ko sa condo niya. Lagi rin natatakasan ang bantay na si Ace, kahit si Colt ganun din. Iwan kung saan pumupunta ang babaeng 'yon. Pagtinatawagan ko naman sa phone hindi sinasagot. E-message pa ako na 'di niya kailangan ng kung sino-sinong lalaking mag babysit sa kanya. Napakatigas talaga ng ulo. Parehas lang sila ni Cristal. Ini-stress ako lagi. "Anong nakakatawa sa sinasabi ko ha, Kyle?" Napaayos ako ng tayo kaagad ng makita ko ang galit na mukha ni Mom sabay takip ng aking bibig. Umiiling-iling naman na sinulyapan ako ni Nay Gilda saka pinagpatuloy ang ginagawa. "Grabe ang aga-aga high blood ka na naman po sa akin, Mom. Tapos. . ." tinuro ko ang karneng baboy na hinihiwa ni Nay Gilda. ". . .baboy pa 'yang lulutuin niyo. Too much cholesterol Mom--" Inis na hinawakan niya ang kaldero at tinitigan ako ng masama. "Umayos ka diyan at baka batuhin kita nitong kaldero. Nanggigigil ako sayo akala mo lang." "Seryoso po kayo?" "Mukha ba akong nagbibiro?" I smiled then walked towards her. Niyakap ko siya sa kanyang likuran. "I love you, Mom." "Hay naku, bitiwan mo nga ako." nagpumiglas siya pero 'di ko siya pinakawalan. Nakangiting nilingon kami ni Nay Gilda. I smiled back and wink at her. "Ano ba Kyle--" "'Wag na po kayong magtampo, Mom. Promise next time na pag-uwi ko dito kasama ko na ang manugang niyo." Natigilan siya saka nilingon ako. "A-Ano kamo?" "Isasama ko po dito si Cristal." "Cristal?" kunot-noong tanong niya sa akin. "'Yong batang lagi mong kinukwento sa akin noon? Siya ba 'yan?" I nodded. "Opo." "Nahanap mo na siya?" I nodded again. "E, nasaan siya? Bakit hindi mo pa dinala ngayon ng makilala ko naman ng personal?" "She's working now." kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka lumapit kay Nay Gilda. I hugged her too then kissed her cheeks saka tumayo sa tabi niya at tiningnan ang kanyang mga lulutuin. "Isa na siyang ganap na pulis. At. . .'di lang po 'yon, she's a police sergeant." "Wow." gulat na sambit ni Mom. "Mabuti kung ganun. Pwede niya ng ipakulong ang bruha niyang ina--" "Mom. . ." "O bakit? May mali ba sa sinabi ko? Wala naman diba? Diba Nay Gil?" "Naku, nananahimik ako dito. 'Wag niyo akong idamay diyan." "Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Sabay-sabay kaming napabaling sa b****a ng kusina ng may biglang magsalita doon. Seryosong mukha ni Dad ang nalingunan ko. Masama ang tingin sa akin. "Dad. . ." "Kung tungkol kay Lewis na naman ang pinunta mo dito I'm telling you, nagsasayang ka lang ng oras." sabi nito sabay talikod. "Kristoffer--" "It's about Chua." napahinto si Dad sa paghakbang. "Rex Chua. Ang namumuno ng Buhawi Gang." Humarap siyang muli saka walang ekspresyon akong tiningnan. "What about him?" "He's. . .dead." Malakas na napasinghap si Mom at Nay Gilda. "I know." maya-maya sagot ni Dad. "You. . .You knew?" Tumango siya. "Bert told me." "Sinabi sayo ni Bert?" "Well, I threatened him to tell me everything you and your friends doing." "f**k--" "Don't you dare curse me Keith. Baka pasabugin ko 'yang bibig mo." "Sorry po Dad pero. . . baka pwede mong sabihin sa akin kung ano ang nalalaman mo tungkol sa kanya?" "Bakit ko naman gagawin 'yon?" I sighed then stared at him, begging. "Please Dad, pinapadakot ni Mayor Sarmiento kay Kevin si Cristal. Gusto ko pong malaman kung anong koneksyon ni Serafin kay Chua?" He sighed and sighed again even more. "Okey then. Follow me in the Library." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD