Back To Me 6

1686 Words
CRISTAL "Babe--" "Pwede ba Lester? Tigilan mo nga ako. Kanina ka pa. Natutulili na ang tainga ko." "Asus naman--" malakas kong tinabig ang kamay niya sa akmang paghampas sa balikat ko. "Naglilihim ka na sa akin--" "Wala nga!" galit ng sabad ko sa kanya. "Bakit ba ayaw mong maniwala na walang namamagitan sa amin ng damuhong na 'yon?" "E bakit hirap akong paniwalaan 'yan aber?" "Aba malay ko sayo. Sadyang marumi lang talaga 'yang utak mo at nilalagyan mo ng kahulugan ang endearment na tawag niya sa akin." Kaagad akong bumababa ng sasakyan pagkaparada niya sa labas ng Department namin. Malalaking hakbang akong pumasok sa loob ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng matanaw ko si Altamonte na kausap si Chief. May hawak siyang palumpon ng peace lilies flowers. Napahinto ako sa aking nakita. Naramdaman kong biglang namuo ang pawis sa aking noo, nanlalaki ang mga matang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Ang ganda ng kanyang ngiti habang nakikipag-usap kay Chief. I gulped and gulped some more when he turned his gazed at me. Pakiramdam ko huminto ang pag-ikot ng mundo ng maghinang ang paningin naming dalawa. Lumapad ang ngiti niya lalo pagkakita sa akin pero ako nabaliw na ng tuluyan ang puso ko na bigla na lang humampas ng malakas at pagkabilis-bilis. Hindi rin mapagkit ang aking mga mata na nakalimutan ng kumurap habang nakatitig sa kanya. Napahawak ako sa aking dibdib sa subrang gulat ng biglang bumalandra si Lester sa harapan ko. Halos maduling ako sa subrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Makahulugan na nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Keith. "O ano, baby?" Malakas kong tinulak palayo ang mukha niya. Pinagtawanan niya ako saka naunang naglakad papasok sa loob. Malalim akong bumuntong hininga at kinalma ang sarili saka sumunod dito. "Sir. . .good morning." saludo niya kay Chief saka binalingan si Keith. "Ang aga ng akyat ligaw natin ah?" "Naniniwala ako sa kasabihan Montalban na The early bird catches the worm." "Naks naman--" "Why are you here, Montalban?" sabad ni Chief. "Diba sa kabilang Department ka?" "Grabe Sir, parang ayaw mong nandito ako ah?" "Hindi naman sa ganun--" "Sir. . ." sabad ko habang nakayuko saka nakangiting nag-angat ng tingin dito. "Good morning po. Kasama ko po si Montalban, Sir. Nagpahatid po ako sa kanya kaya. . . nandito po siya." "Bakit nasaan ba ang kotse mo at kinailangan mo pang magpahatid kay Montalban?" tiningnan niya ang tagiliran ko kung saang banda ang sugat ko. "Okey na ba 'yong sugat mo? I heard about your encountered with Defacto Gang." Lumipad kaagad ang tingin ko kay Keith na matamang nakatitig din sa akin. I gulped again saka binalingan si Chief. "Uh-Uhm. . .nasa----nasa. . ." "Nasa labas." sabad ni Keith. Napatutok sa kanya ang tingin naming tatlo pero nanatili siyang nakatitig lang sa akin. "Dala ko." humakbang siya palapit sa akin sabay abot ng dala niyang bouquet. "I'm sorry kung ngayon ko lang naibalik." Pinanlakihan ko ng mga mata si Keith sa sinabi niya pero kaagad din akong ngumiti ng hilaw ng magpalipat-lipat na saamin ang natatanong na mga mata nina Chief at Lester. Kinuha ko ang bulaklak na inaabot niya sa akin. "Salamat Ke--Mr. Altamonte at..." niyuko ko ang bulaklak saka nag-angat ng tingin sa kanya pero kaagad din akong nag-iwas ng tingin ng makita ko ang talim sa kanyang mga mata. "...d-dito sa bulaklak. Nag-abala ka pa." "Hindi ka abala sa akin, Cristal." Sabay na napa-ehem ang dalawa sa sinabi ni Keith. "Oh well..." sabad ni Lester. "Hinatid ko lang po Chief si Cristal. Aalis na po ako, Sir." binalingan niya ako sabay lapit ng mukha sa akin. "Ipaliwanag mo mamaya ang mga nakikita ko." he murmured. "Bye baby." nilingon niya si Keith. "Nice to see you again Mr. Altamonte." Napasunod kay Lester ang aking mga mata ng maglakad ito palabas ng building. "Cristal--" "Ah excuse me po Sir." kaagad akong tumalikod saka tinungo ang mesa ko. Ramdam kong nakasunod sa akin ang mga mata nilang dalawa pero hindi ko sila pinansin. Ipinatong ko ang bulaklak sa ibabaw ng mesa pagkaupo ko sa swivel chair saka kinalikot ang computer. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na tinapik ni Chief sa balikat si Keith bago naglakad ito papasok ng kanyang opisina, samantalang si Keith humakbang palapit sa akin. Naupo sa upuan na nasa harapan ng mesa ko. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko pero wala doon ang atensyon ko kundi nasa lalaking mariin ang titig sa akin na nasa harapan ko. "Cristal, about last night--" "Kalimutan mo na 'yon." "Boyfriend mo ba si Montalban?" Napahinto ako sa aking ginagawa saka nag-angat ng tingin sa kanya. Nagulat pa ako sa nakita kong galit sa kanyang mga mata pero hindi ako natinag. "Kung oo, ano naman sayo?" Malalim siyang bumuntong hininga saka sumandal sa upuan. "Bakit ipinasa mo sa iba 'yong case tungkol sa nawawalang anak ni Tita Jackie?" "Marami akong hawak na kaso, wala na akong oras para maasikaso--" "'Yun ba talaga ang dahilan kaya ipinasa mo sa iba or it's because of your Dad?" "Teka nga, bakit mo ako tinatanong tungkol diyan e confidential 'yon? Don't tell me sinabi sayo ni Chief?" "Yes. Asawa siya ni Tita kaya alam ko. And I am close to the Sullivan." "Si Chief? A-Asawa ng Tita mo?" He nodded. Marahas akong napabuga ng hangin. "Hindi mo man lang ba kinumpronta ang Daddy mo tungkol sa nalaman mo kagabi?" "Bakit ba lagi ang Daddy ko ang lumalabas diyan sa bibig mo? May problema ka ba sa kanya?" He scoffed. "Alagad ka ng batas, concerned lang ako sayo na baka madamay ka sa mga ginagawa ng Daddy mo." "Well it's out of your concern, Mr. Altamonte." "Hindi mo lubusang kilala ang buong pagkatao ni Serafin Lopez, Cristal." "Ofcourse I know him well more than you do, Mr. Altamonte. Daddy ko siya. Anak niya ako kaya kilalang-kilala ko siya." "Talaga ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano bang gusto mong palabasin Altamonte?" He sighed then shrugged his shoulder. "Well, magkapatid kayo ni Zephanie Olivar pero bakit magkaiba ang surname niyong dalawa?" "P-Pa'no mo nalaman?" "She's working as a secretary in DCC Corp. And that company owned by my bestfriend Jeff Marco Del Carpio." "Kakilala mo din sila?" "Like I said he's my best friend." "'Yung may-ari ng VS Mega Corp., kilala mo rin ba?" "Yes." "'Yung Winx State University? Si Stacey Jane Sullivan, kaano-ano siya ng anak ng may-ari ng eskwelahan na 'yon?" He smirked. "Too much questions." I sighed. "Pwede ka ng umalis." "Can I invite you to have lunch with me?" "NO." "Ayaw mo bang malaman kung legal or illegal ang business ko or ng family ko?" I frowned at what he said. Tinitigan ko siya ng matagal sa kanyang mga mata. Lumapad lang ang ngiti niya sa ginawa ko. "Ano ba talagang tinutumbok mo, Altamonte?" "That you secretly investigating us." I scoffed. "Sino ka ba para pag-aksayahan ko ng oras?" "So interisado ka nga na makilala ako?" "Ano bang pakialam ko sa buhay mo?" "Wala nga ba, babe?" "'Yang kaka-babe babe mo sa akin, masasapok talaga kita. Kagabi ka pa." He chuckled. Nanoot ang sexy niyang boses sa tainga ko. Parang nag-echo pa sa pandinig ko. Pinatong niya ang dalawang siko sa mesa ko at nangalumbaba doon. Hindi mapagkit ang titig ko sa aliwalas ng gwapo niyang mukha sanhi ng ganda ng kanyang ngiti. Crap. . .bakit puro papuri na ang naiisip ko sa bwesit na lalaking 'to e kalaban siya ng Daddy ko?! Naman Cristal, stay focus! "I never forget you every single day in my life Cristal. . .since the day I met you." His voice was so soft when those words came out in his mouth. My chest thudded loudly like as if he's about to throw a bomb in front of me. Sunod-sunod akong napalunok. Lalo akong naguguluhan sa inaakto niya pero mas sumidhi ang galit sa puso ko. May sinumpaan akong tungkulin at wala akong pinapanigan kaya nag-iimbistiga ako pero sa ginagawa niya ngayon parang tama nga si Dad. Ako ang tinatarget nila para gamitin sa sarili kong ama. Sa ilang beses na pagtulong niya sa akin, kahit may sa palos pa siya na bigla na lang naglalaho matapos mapatumba ang mga kalaban still sigurado ako na siya iyon. And now that he finally disclosed his real identity. . .I smirked. What are you up to now, Mr. Altamonte? Malamang may professional investigator siya kaya alam lahat ang bawat galaw ko. Uh, well, mas mapapadali nga naman mapabagsak ang kalaban kapag kinaibigan mo ito. But, sorry lover boy. Hindi ako basta-basta gaya ng iniisip mo. Marunong din naman ako makipaglaro. "So inaamin mo na ngayon na ikaw nga 'yong laging sumusulpot sa tuwing napapa-trouble ako?" "NOPE. It wasn't me. But I met you before." "Saan?" "Somewhere in Makati." Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Makati..." mahinang sambit ko habang iniisip kung saan ko nga siya nakita pero wala akong maalalang lalaking kamukha niya sa lugar na 'yon. Wala naman akong naging kaibigan sa bawat lugar na mapadparan namin maliban kay Kyle. Pero imposible naman sa siya iyon. Palipat-lipat kami noon ng tirahan sa hindi ko malaman na kadahilanan hanggang sa mapadpad kami sa Taguig. Pero dahil kay Rex Chua at sa assignment ko bumalik ako ng Makati at nag-rent ng apartment. "Can't you recognize me, Cristal?" Pahapyaw ko lang siyang sinulyapan saka pinagpatuloy ang trabaho ko. "Pa'ano naman kita makikilala e hindi naman talaga kita kilala?" He sighed again. Dahan-dahan siyang tumayo saka pinamulsa ang dalawang kamay. "Will fetch you up later for our lunch date." "I said NO." "You said yes already--" Salubong ang mga kilay na nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi ba kayang e proseso ng utak mo ang salitang NO? As in N---O. NO." "Hindi. Sabi kasi ng puso ko YES. As in Y. E. S. YES. Gets mo?" Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. He smiled then wink at me sabay talikod. Nanggigigil na sinundan ko siya ng tingin. Nilingon niya pa ako ng isang beses, abot langit ang kanyang ngiti bago tuluyang lumabas ng building. "Bwesit. . ." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD