Back To Me 5

1773 Words
CRISTAL "Mukhang. . ." nilingon ako ni Lester. "...nagsasabi nga ng totoo si Altamonte." Nanghihinang napaupo ako sa bakanteng upuan. Gulong-gulo ang aking utak sa mga nakita at nalaman ko. "Paanong nagawa ni Dad magsinungaling sa akin?" sambit ko sa aking sarili. Tiningnan ko si Lester na nag-aalalang nakatingin din sa akin. "Sabi niya iwasan ko ang mga Altamonte at Sullivan pero bakit nandito siya? Kung totoong gabi-gabing nandito si Dad meaning lagi silang nagkikita ni Altamonte. Pero bakit sinabi niyang pinagtatangkaan ang buhay niya ng anak ni Kristoffer Altamonte tapos siya mismo itong lumalapit sa kuta ng kalaban niya?" "Honestly, naguguluhan din ako sa mga kwento mo Crissy. Lalo na sa nakita ko today? Naku, nabuhol-buhol na ang utak ko." I sighed then gently massaged my temple. "Sino palang nagsabi sayo na si Keith Altamonte ang may-ari nitong City Of Dreams?" "Si Lan." I rolled my eyes at what he said. Lalo lang sumakit ang ulo ko. "Naniwala ka naman agad sa Orlan na 'yon. Puro naman kalukuhan ang alam no'n e. Akala ko pa naman alam mo talaga. Pati tuloy ako na scam." He laughed. "Pero atlit we met bebe Keith--Aww! Anuvah?!" "Umayos ka nga." "Wala namang nakatingin e. Tsaka..." iginala niya ang paningin sa paligid. "...walang nakaka-hear sa akin." Frustrated na nangalumbaba ako sa ibabaw ng mesa. "Ano ng gagawin ko bakla?" "Bakit hindi mo tanungin si Keith?" "Tss. Siya nga ang target ko tapos--" "Alangan ang Daddy mo?" sabad niya. "Nagsinungaling na nga sayo diba? So you better do it on your own. Investigate everything. Bakit nandito siya gabi-gabi? Bakit gusto niyang iwasan mo ang mga Altamonte at Sullivan? And big WHY. . .WHY ayaw niyang hawakan mo ang kaso tungkol sa nawawalang anak ng mga Sullivan--Oh wait..." nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ako. "...hindi kaya ampon lang si Zephanie kaya magkaiba ang apelyido niyo?" Napaisip ako bigla sa sinabi niya pero kaagad din akong umiling. "Imposibleng ampon siya. Paborito siya ng mga magulang ko--" "Or baka ikaw naman ang ampon kaya parang hayop ang turing sayo ng mag-inang bruhang 'yon." "Lester..." "What? Ipagtatanggol mo na naman sila?" "Hindi sa ganun. Pamilya ko pa rin sila." "Bakit pamilya ba ang turing nila sayo? Alam mo kung ako lang sayo matagal ko ng sinumbong ang dalawang 'yon sa Daddy mo noon pa." "Pamilya ang turing ko sa kanila. At hindi solusyon ang pagsusumbong. Lalo lang magkakagulo." "Haaay, iwan ko ba sayo Cristal. Masyado kang mabait kaya ka inaabuso. Buti na lang at nag-rent ka na ng Apartment--" "Alam mo ang rason ko kaya nag-rent ako ng Apartment. Umuuwi pa naman ako sa bahay minsan." "O e 'di ikaw na may happy family." with action pa ng mga kamay na sabi niya. "Pinagtatanggol mo pa talaga sila. Tapos kapag inalipusta ka na naman ng dalawang 'yon sa akin ka tumatakbo. Tama nga si Orlan. Dapat sayo iuntog ng matauhan." "Lester naman." "Oo na!" nakangiting niyakap ko siya kaagad. Nagpumiglas naman siya pero di ko siya pinakawalan. "Haaays, nakakainis. Minsan napapaisip ako na baka may gusto ka na--" Mabilis ko siyang binitiwan. "Yucks! Hindi kita bet no." "Acheche. . .sino ang bet mo si Kyle? Ni hindi mo nga alam ang buong pangalan no'n." "'Di no." "Asus Inday, kilalang-kilala kita mula ulo hanggang dulo ng ingrown mo sa paa. 'Wag mo ng hintayin 'yon baby girl. Baka nga nag-asawa na 'yon doon sa Jumerika kaya hindi na nagparamdam sayo kailan man." "Ingrown mukha mo. Sino naman may sabi sayong hinihintay ko pa siya?" "Malamang ako. Haler kakasabi ko lang diba?" "Haha Nakakatawa." "Nakakatawa pala ba't ganyan mukha mo, ngiwi?" "Iwan ko sayo." "Iwan ko din sayo." nakairap niyang sabi sa akin. "Nasayang lang ang gasolina ko--" "Nakita mo naman si Keith ng personal ah." mabilis na sabad ko sa kanya. "Nasayang pa talaga sa lagay na 'yon?" Biglang nagliwanag ang mukha niya pagkabanggit ko sa lalaking 'yon. "Infairness mas gwapo pala siya lalo sa malapitan beh. Ang sarap niyang papakin eiiii." parang bulateng 'di na siya mapakali pa sa upuan. "Parang nakuryente pa nga ako nong magshake hands kaming dalawa." "Talaga ba?" "Oo beh." "Sayang 'di ka natusta." "King ina mo ka! Uwi na nga tayo." inis na sabi niya sabay walk-out. Nagmartsa palabas ng building. Nakatawang sinundan ko siya. "Lester!" "Tsee! Bahala ka diyan sa buhay mo!" Malalaking hakbang na hinabol ko siya. "Hintay--Ahh." napaigik ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagpisil ng kamay sa may sugat ko sa tagiliran ng matangkad na lalaking puno ng tattoo na bumangga sa akin. "Sorry Miss. Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo." Nagpanting ang tainga ko sa sinabi nito. Akmang pagsasabihan ko sana ito ng bigla na lang ako nitong tinalikuran. "'Di man lang nag-sorry ang bastos na 'yon?" marahan kong hinawakan ang tagiliran ko. "Aww sakit--damn. Bwesit siya." Malalaking hakbang na lumabas ako ng building at tinungo ang kinapaparadan ng kotse ni Lester. Naka-start na ang engine nito ng pumasok ako at naupo sa tabi niya sa unahan. "O bakit ganyan ang mukha mo?" Pinakita ko sa kanya ang kamay kong may bahid ng dugo. "Juskoday, ano 'yan?!" "Dugo, ano ba sa tingin mo?" "Alam kong dugo. Luko 'to, saan mo nakuha 'yan?!" "Paandarin mo na ang sasakyan, please. Bilisan mo." Natatarantang kaagad niya naman iyon pinasibad. Isinandal ko ang aking ulo sa upuan at mariin na pumikit. Nasa kasagsagan na kami ng byahe ng muli niya akong tanungin. "Anong nangyari sa sugat mo? Bakit biglang dumugo?" "May nakasalubong akong lalaki no'ng nagmamadali ako sa paghabol sayo. Binangga niya ako--" "Binangga?" I nodded. "Sigurado akong sinadya niya akong banggain. Naramdaman kong pinisil niya talaga ang sugat ko sa tagiliran na para bang alam niyang may sugat ako doon." "Ha? Anong ibig mong sabihin?" Nagmulat ako ng aking mga mata saka nilingon siya. "Hindi ako sigurado na kilala niya ako. Hindi ko kasi masyadong nakita ang kanyang mukha, marami siyang tattoo pero pakiramdam ko isa siya sa member ng gang na nakasagupa ko sa San Lorenzo." "Imposible naman." "Imposible nga pero alam mo ba simula ng pumasok tayo sa building na 'yon pakiramdam ko subrang daming mga matang nakatingin sa akin." "What? Paki-elaborate nga." I t'sked. "Ang hirap e-explain. Bilisan mo na ang pagmamaneho mo, ang sakit na ng sugat ko. Lintik talaga ang lalaking 'yon." "Tss. Hindi man lang nadepensahan ng pampalakasang reflexes mo." "Malamang nagulat ako sa nangyari kaya 'di ako nakahuma." sagot ko sa kanya pagkaparada ng kanyang kotse sa likod ng bahay. "Ingat ka sa pag-drive--" "Diyan na lang kaya ako matulog?" sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. "Ito naman, anong oras na o. Tsaka hindi ako nanggagapang ng may kiffy, gaga." "Bakit sinabi ko ba?" "'Yung tingin mo kasi e, parang abnormal." "Tss. Basta ihatid mo ako bukas sa head quarters?" "Sige ba. Basta free food gorabels ako." "Diyan ka magaling sa palibre-libre. Dapat pala 'di na kita sinama, palpak naman 'yong plano mo." "Anong palpak ang pinagsasasabi mo diyan? FYI nalaman mo rin naman kung nasaan si Mr. Del Valle. Atleast may idea ka na ngayon kung saan mo siya pupuntahan para makapagpasalamat sa lahat ng tulong niya sayo noon." "Oo nga pala. Nawala sa isip ko 'yon." "Tsaka isa pa, laging nakabuntot naman sayo si Keith, so, marami pang chance para makakuha ka ng info. tungkol sa kanya. Galingan mo lang ang pagdi-disguise, ligwak ka naman kanina. May pa wig-wig ka pang nalalaman diyan." "Baka nga alam niya na sinusundan natin siya e, bigla na lang nawala. Tapos iba na 'yung suot niyang damit." "Feeling ko talaga may tama sayo ang lalaking 'yon e. Iba 'yong titig niya sayo kanina." "Hay naku, pwede ba? I-park mo na 'tong sasakyan doon sa harapan." Kaagad naman siyang tumalima. Binigay ko sa kanya ang susi ng apartment. Nauna siyang lumabas para buksan ang gate. Nakangiwing sumunod ako sa kanya. "Saan ba nakalagay ang first aid kit mo?" "'Wag na--" "Saan nga nakalagay? Kukunin ko." Hindi ko siya pinansin. Dumeritso ako ng kusina, binuksan ko ang drawer sa itaas at kinuha ang gauze pads at aid kit doon. Marahas kong nilingon si Lester ng agawin niya 'yon sa akin. "Upo na diyan--" "Kulit mo talaga. Sabi ng ako na." "Mas makulit ka. Maupo ka na diyan." "Gusto mo lang yata makita ang abs ko--" Napatigil ako ng ingudngod niya sa bibig ko ang kahon ng gauze pads. "O ayan ayan sayo na. Dumi ng utak mo." Kinuha ko ang kahon sabay tabig ng kamay niya. "Parang bata, ayaw paawat--" Sabay kaming napalingon sa sala ng umalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang call ringtone ng phone ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay ng lingunin ko siya. "Baka pwede--" napangiti ako ng talikuran niya ako, humakbang palabas ng kusina. Maya-maya, nakakunot-noong pumasok siya ng kusina habang nakatitig sa screen ng phone ko. "Unknown number." sabi niya sabay abot ng phone sa akin. "Sino kaya 'to?" sambit ko sa aking sarili saka pinindot ang answer button. Nilagay ko sa loud speaker pero wala namang nagsalita sa kabilang linya. Wala ring kahit anong ingay. Nagkatinginan kaming dalawa. "Hello? Sino po sila?" sabi ko ngunit wala pa ring nagsalita sa kabilang linya pero dinig namin ang paghinga ng caller. "Kung hindi ka magsasalita ibababa ko na--" "Babe. . ." Nahigit ko ang aking hininga ng marinig ko ang kanyang boses lalo na ang tinawag nito sa akin. Tiningnan ko si Lester na napatakip ng kamay sa bibig. "Babe daw. May baby ka?" he mouthed. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ah, Sir wrong call--" "Cristal..." "A-Altamonte?" bulalas ko. "Ikaw ba 'yan? Pa'no mo nalaman ang number ko?" "I'm here outside in your apartment--" "Ano?!" "Can you please open your door for me, babe?" "Anong ginagawa--bakit--t'ngna." malalaking hakbang na tinungo ko ang bintana sa sala saka sinilip ito doon. Muli kaming nagkatinginan ni Lester ng makita kong nandun nga ito. "Bakit ba lagi mo akong sinusundan? Bwesit ka, umuwi ka--" "Bakit pinapasok mo sa loob ng apartment mo si Montalban?" inis na sabad niya. "Kababae mong tao, mag-isa ka pa tapos nagpapapasok ka ng lalaki sa dis oras ng gabi?" "Abat--pakialam mo ba? Boyfriend ba kita? 'Wag ka ng makatawag-tawag sa akin ah. Umuwi ka na!" I turned off the phone right away. Nagdadabog na pinatay ko ang ilaw sa sala saka bumalik sa kusina. Nakasunod si Lester na panay tudyo sa akin. "Isa ka pa! Diyan ka sa sala matulog." asik ko sa kanya saka patakbong tinungo ang kwarto bitbit ang panglinis sa sugat ko. Malakas itong napahagalpak ng tawa. Inis na inis ako sa kanya pero hindi ko na siya pinansin pa. Kaagad kong ni-lock ang pinto. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD