Hindi nagtagal ay tanging ang batang si Li Xiaolong na lamang ang natirang batang nakapila sa Open Ground Stadium kung saan ay pinagtitinginan siya ng mga tao rito. Hindi maipagkakailang ang damit nito ay kahit malinis ay masasabing kupasin na ito at napakaluma na. Parang madugis din tingnan ng buhok nito pero kung titingnang maigi ay malinis naman ang batang si Li Xiaolong. Ngunit ang nakikita ng mga manonood at impresyon ng mga ito ay kitang-kita kung paano tumalim ang mga pares ng mga mata noto kung makatingin sa batang si Li Xiaolong. Yung tipong parang matatalim na kutsilyong pilit na bumabaon sa kaluluwa ng batang si Li Xiaolong. Nagsimula namang magbulung-bulungan ang mga manonood na estudyante at hindi ang mga ito nahihiyang mas malakas pa sa bulong ang ginawa nilang pagsasalita.

