Nang matiyak ng batang si Li Xiaolong na wala namang kahina-hinala liban na lamang sa kapirasong kalmot na iniwan ng isang do pa kiallang nilalang ay wala na siyang napansing kataka-taka pa rito. Agad na niyang ipinatong ang kaniyang sariling kamay sa mismong Giant Boulder. Hinawakan niya ito. Noong una ay walang nakitang anumang kakaiba ang batang si Li Xiaolong. Ngunit nang akmang tatanggalin niya ang kamay niya ay biglang dumaloy ang kakaibang enerhiya sa kamay nito kung saan ay mistulang hindi sjya makagalaw man lang. Nanlaki ang mata ng batang si Li Xiaolong. Sinubukan niyang sumigaw ngunit ang bibig niya ay tila ba ayaw bumuka. Àng kaniyang leeg, binti, paa o alinmang bahagi ng kaniyang katawan ay tila wala na siyang kontrol rito na pagalawin ito. Gusto niya ng bumitaw at lisanin

