Nagising na lamang ang batang si Li Xiaolong nang tamaan siya ng sikat ng araw. Tila ba nahihilo pa siya habang kinukusot nito ang kaniyang pares na mata. "Gising na siya Night Spider!" Simpleng sambit ng pamilyar na boses. Alam ni Li Xiaolong na boses ito ng kaniyang Ate Jianxin. Agad na nagmulat ang batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong tiningnan ang kaniyang sariling at mabilis niyang tiningnan ang dalawang nilalang na nasa harapan niya. "O gising ka na pala batang Xiaolong." Simpleng sambit ng lalaking si Night Spider. "Ano nga pala ang nagong resulta ng re-examination ko Kuya Night. Pasado ba ako?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang gusto nitong malaman ang kaniyang sariling resulta ng re-examination. "Ah... Eh... Ikinalulungkot ko Batang Xiaolong ngunit an

