Nang masigurado na ng lalaking si Night Spider na nakaalis na nang maayos at tuluyan sina Li Xiaolong kasama ang dalagang si Li Jianxin ay mabilis na niyang tinungo ang Open Ground Stadium kung saan ay mabilis siyang nakapunta rito. Wala na ang lahat ng mga estudyante maging ng kung sinuman ay wala na rin. Kanina pa kasi natapos ang nasabing Re-examination na Event ng Shangyang Academy. Masasabi niyang siya lamang ang naririto sa mga oras na ito. Mabilis niya namang pinuntahan ang nasabing Giant Boulder. Masasabi ng lalaking si Night Spider na halos walang pinagbago ito, maraming lumot-lumot pa rin ang nakakapit sa nasabing Giant Boulder. Nang suriin niya ang nasabing bitak-bitak ng nasabing dambuhalang Boulder ay halos wala siyang napansing kakaiba. Sa pagsuri niya ng maigi ay halos

