"Uhm... Masyadong malaking surpresa ang paglitaw ng isang Superior Fourth Grade Martial Talent at Superior Fifth Grade Martial Talent sa ating angkan ng Li ngunit hindi nangangahulugan na dito magtatapos ang ating Martial Talent Trial lalo pa't mayroon tayong mga espesyal na bisitang dadalo rito sa ating angkan. Halina't bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating mga mahahalagang panauhin ng Apat na magigiting na kaharian." Masayang sambit ni Li Jianxin habang matamis ngumiti sa kaniyang mga manonood. Isang masigabong na palakpakan at hiyawan ang namayani. "Ang kahariang matatagpuan mismo sa Fire Blazing Lake kung saan pinaniniwalaang noon ay naging tirahan ng Fire Phoenix. Halina't bigyan natin ng masigabong palakpakan ang Sky Flame Kingdom!" " Isang kahariang matatagpuan mismo sa

