"Total ay tapos naman ang pa------" masayang sambit ni Li Jianxin ng matigilan siya ng makarinig siya ng malakas na boses sa grupo ng mga manonood. "Sandali lang Miss Jianxin, hindi niyo pa natatawag ang aking anak!" Malakas na pagkakasabi ni Li Wenren habang hinawakan siya ng kaniyang asawang si Li Qide sa kamay na mabilis na tinampal nito. Medyo may kalayuan kasi at maraming tao sa lugar nila kaya kailangan niyang lakasan ang kaniyang boses. Tila nanuyot naman ang lalamunan niya sa pagsigaw. "Ah yun pala, masyado siguro akong naexcited kaya nakalimutan ko. Pasensya na po Ate...Matanong ko po Ate, Ano po ba yung pangalan ng iyong anak?" Sambit ni Li Jianxin habang namumula dahil parang may nakalimutan siya ay masyadong hindi bebentang palusot kaya excitement ang ginamit niyang word. Nak

