Agad namang nakapameywang si Li Jianxin habang tinitingnan si Night Spider. Tutal ay teritoryo naman ito ng Li Clan ay wala itong pakialam sa estado ni Night Spider. Tiningnan niya rin ang binatang si Night Spider na animo'y tinatatanong kung bakit narito siya na tingin. "Ah... Eh... Wala akong masamang intensyon Miss Jianxin. Pumunta lamang ako rito sapagkat mayroon lamang akong makumpirma at wala akong balak na gumawa ng kaguluhan sa teritoryo ng Li Clan." Kalmadong sambit ni Night Spider habang makikita ang sinseridad sa mukha nito. "Wala naman akong sinasabi na ganon ah. Kung tutuusin ay isang karangalan na bumisita kang muli rito sa aming teritoryo ngunit gumamit ka pa talaga ng mababang uri ng Illusion technique ay malamang sa malamang ay ayaw mong magpakita o makaagaw ng atensyon

