Matapos silang kumain ay busog naman ang lahat lalo na sina Li Xiaolong, Li Jianxin at Night Spider. Parang di mo nakita kung paano ito tumanggi sina Li Jianxin at Night Spider ngunit ng matikman nila ang luto ng ina ni Li Xiaolong na si Li Wenren ay halos mag-agawan pa ang mga ito. Napakasustansya kasi ng pagkain lalo pa't sariwang mga gulay at mga pananim mismo ang niluto nila na siyang makakatulong din kina Li Jianxin at Night Spider. Pero ang pinakamatakaw sa lahat ay si Li Xiaolong dahil makailang plato pa ang nakain nito bago tumigil. "BURRPPP!!!!" Sunod-sunod na dighay nina Li Qide, Li Jianxin, Night Spider at ni Li Xiaolong. "Masarap ba ang niluto ko?!" Tanong ni Li Wenren sa mga taong nasa hapag-kainan nila ngayon na sina Li Qide na asawa niya, si Li Xiaolong, Li Jianxin at Nig

