Matapos na silang kumain ay nagpahinga muna sila habang ang mag-asawang si Li Qide at Li Wenren ay nagtulungang maghugas at magligpit ng mga kalat sa kusina. Tila ba isa ito sa masayang gabi na siyang paghahapunan sa loob ng maliit na bahay na ito. Tila ba nagkaroon ng maliit na kasiyahan rito. Ang batang si Li Xiaolong naman ay siyang nagbabantay sa kapatid nitong nasa loob ng crib na gawa sa kahoy. Tila ba napakasaya nito habang ang kapatid nitong wala pang muwang ay humahagikhik sa loob ng crib. Tila ba hindi ramdam ang hirap sa buong araw na nakalipas maging sa salat sa materyal na bagay o magagarang mga kagamitan. Tila isang napakagandang biyaya para sa mag-asawang sina Li Wenren at Li Qide ang kanilang mga anak na nagbibigay kulay sa maliit nilang bahay. Samantala... Nasa labas n

